“ACE, here are the newspapers, and the magazines that you’ve requested.” Inilapag ni Agustin ang halos isang dangkal na diyaryo at magazines doon sa kanyang mesa. “Ano ba’ng meron at bakit kailangan mo lahat ‘yan?”
Sinimulan ni Ace ang pagbuklat ng mga iyon. “Kagabi ‘yung lingerie fashion event and I completely forgot about it. I was supposed to take pictures of Sarah pero-“
“Pero nag-out of town kayo ng girlfriend mo,” natatawang sabi ni Agustin.
“She’s not my girlfriend,” tanggi niya. Kung bakit ba naman kasi nagiging makakalimutin siya nitong mga nakaraang araw. Last night was supposed to be ‘the night’ that he’d be seeing Sarah again, in lingerie! He’s supposed to take pictures, ask her out for a few drinks, seduce her, and get himself lucky. Pero hindi nangyari ang lahat ng iyon dahil sa isang biglaang out of town kasama s
10th floor, room 1027. Doon niya hinatid si Sarah noong huli silang magkita kaya hindi niya iyon maaaring malimutan. Matapos isipin ang sasabihin sa kaibigan ni Sarah, marahan siyang kumatok sa pinto. Isang katok, dalawa, tatlo. At sa wakas, nagbukas iyon.“Good evening, I’m-““Ace! What the hell are you doing here? Paano mo nalaman ang unit ko? Sinorpresa mo ko, ha.”Siya yata ang nasorpresa. Gusto niyang tanungin kung ano ang ginagawa nito sa unit na iyon pero hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon. She hugged him and kissed him hard.“Magwo-worrry na dapat ako kasi hindi mo sinasagot ang mga text messages at tawag ko…now I know why you weren’t returning my calls…”Hindi pa naisasara ang pinto ng condo ay nakapulupot na ang mga braso nito sa kanya. What the hell is she doing here? “You actually live here?” hindi niya napigilang tanong.
“PARTY’S at the condo’s rooftop, 9 o’clock. Be there, Sahara, okay? Ang tagal na nating hindi nagkikita. We’ve got lots to talk about…and…I’m gonna introduce you to the hottie boyfie.”And Karen hung up the phone. Ilang buwan na rin silang hindi nagkikita ni Karen at sa totoo lang ay miss na rin niya ang mga kuwento at kalokohan nito. Time flies. Noon, nakikitulog siya sa condo unit nito, nakikikain, umuutang siya rito sa tuwing kinukulang siya sa pera pero ngayon, malaki-laki na rin ang ipinagbago ng buhay niya. She no longer needed to ask for help especially when it comes to money matters. Oo nga’t townhouse ni Karen ang tinutuluyan niya hanggang sa ngayon pero at least, hindi na siya tulad ng dati na parating isang daang piso lamang ang laman ng wallet. She has a handsome paycheck, plus all those extra jobs that she has, masasabi niyang maayos na ang buhay niya. Ngayon, hindi na siya nanga
“SAHARA.”Agad siyang tumalikod nang marinig ang pamilyar na boses na iyon at halos mapatalon nang makita kung sino ang dumating.Ngumiti si Ace. “So, Sahara pala ang totoo mong pangalan.”“S-sorry,” nahihiya niyang sagot. “Magkatunog naman, diba?”Natawa si Ace, na ikinagaan ng loob niya. “Oh well, Sahara suits you better.”Tumabi ito sa kanya. Kapwa na sila nakatayo doon sa baranda ng rooftop, kapwa umiinom ng red wine, kapwa nakatingin sa malawak na madilim na kalangitan.“I went to unit 1027 just the other day and I never expected na ‘yung kaibigan mo pala na nakatira roon at si Kaye, I mean, Karen, ay iisa.”“Bakit ka pumunta do’n?”“To look for you. I just want to know if you’re alright…your stalker, remember?”“I’m alright, Ace.” Hindi niya napigilang mapangit
“I STILL couldn’t believe this is really happening.”Sahara just smiled at Ace. There they are, at his very own studio, with all those lights, cameras and other equipment needed for her photo shoot.“Thank you for accepting the offer, Sahara.”“Just keeping my promise.”Pagkaraan ng isang linggo ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Ace tungkol sa modeling stint na iniaalok nito. He said that he has talked to Karen about it, and that she agreed. Magandang balita iyon para kay Sahara dahil ang ibig sabihin noon ay matutupad na rin sa wakas ang isa sa mga inaasam niya sa buhay – ang maging cover ng isang sikat na magazine. Kahit bago pa lamang ang The Gent’s ay nakikipagsabayan na ito sa iba pang sikat na men’s magazine sa Pilipinas. Kaya naman lahat siguro ng mga kilala at nagsisimulang modelo ay nais mapasama sa listahan ng mga naging covergirls nito. At isa siya sa mga map
“THANK you.”“You’re always welcome, Sahara. You know that,” mahina niyang sabi rito.Nakatayo lamang si Ace sa harap ni Sahara, na nakasandal na sa pinto ng townhouse. Hawak ng isa niyang kamay ang baywang nito para alalayan ito sa pagtayo.“Thank you uli.”“You’re welcome uli,” he said, smiling.Ace could smell her minty breath, as well as her sweet perfume. Nakatingala ito sa kanya upang matingnan siya nito nang diretso sa mata. Ang ilaw lamang mula sa poste sa labas ang pinanggagalingan ng liwanag nang mga oras na iyon kaya kailangan niyang ilapit ang sarili sa dalaga para makita ito nang maigi.“Good night, Sahara.”“Good night,” ulit nito.Mas malakas ang kabog ng kanyang puso kaysa sa normal nitong pagpintig at hindi niya maintindihan iyon kung bakit. Dahil ba sa kalasingan? Sa pagod? Sa antok? O t
“WHERE were you last night?”Ace just shrugged his shoulder while driving. Pauwi na sila noon galing sa dinner date with her Dad. She looked at him.“Don’t shrug me, Ace. Where were you? Ilang beses kitang tinawagan at tinext, hindi mo man lang nagawang mag-reply.”“I was busy, Karen. Yesterday was the photoshoot and the dinner celebration.”“You were with Sahara, weren’t you?”Napatingin ito sa kanya.“Come on. Just admit it. After the dinner, hinatid mo si Sahara sa townhouse.”Ace maintained his silence. Alam nito na ayaw na ayaw niya ng silent treatment nito sa tuwing nagkakaroon sila ng ganoong diskusyon pero gustung-gusto yata talaga nitong asarin siya.“I’m asking you a simple question, Ace. Kasama mo ba si Sahara kagabi?”Nakita ni Karen na tumiim-bagang ito. “I drove her home because
“HELLO, sino ito?”“It’s me, Ace.”“Hi, bakit ka napatawag? May problema ba?” Napabangon nang di oras si Sahara mula sa pagkakahiga sa kama. Nagulat siya nang makita sa relo na mag-a-alas-dose na ng hatinggabi.“I just wanted to make sure that you’re okay,” mahina nitong tugon. “Is everything okay?”Napangiti siya. “I’m okay.” She heard him breathed a sigh of relief at the other end of the line. Something’s not right, she could sense it. “May problema ba?”“Do you have a passport, Sahara?”“Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?” What kind of question was that? Why would he ask her about having a passport out of the blue? Kumunot ang noo niya. Naupo siya nang maayos sa kama at binuksan niya ang lampshade sa nightstand.“Let’s go out of the country, Sahara. Just you an
ILANG gabi nang hindi pinapatulog ng lalaking iyon si Sahara. Halos gabi-gabi ay nakikita niya ito doon sa tapat ng kanyang bahay, na tila nagbabantay. Minsan, gusto niyang lumabas at at kausapin iyon, tanungin kung ano ba ang problema nito at sabihin rito na kung wala itong magawa sa buhay ay huwag siya ang pagdiskitahan nito.Kung ganoon lang sana kadali.Nagulat na lamang si Sahara nang isang araw ay nakita niyang pumarada ang kotse ni Ace sa labas ng gate. May dala itong dalawang malalaking plastic bags. Mga security cameras, door locks, bulglar alarms, pepper sprays, stun guns. She literally laughed at him when she let him enter the house.“Don’t laugh at me,” sabi nito, na natatawa rin. “Bigla kong naalala ‘yung stalker mo. Paano kung ‘yun pala ‘yung nakikita mong umaali-aligid dito?”“Seryoso ka ba?” Pinanood ni Sahara si Ace habang inaayos ang mga iyon sa ibab