Share

Kabanata 5

last update Last Updated: 2021-03-23 13:55:06

Kabanata 5

GUSTONG magpapadyak ni Astrid sa inis nang wala na siyang abutang tricycle sa labas ng school. Inabot na sila ng alas sais sa practice ng drama club at karamihan sa mga kasama niya, walking distance lang ang layo ng bahay habang ang iba naman ay may mga sundo.

"Oh, Astrid, wala ka bang sundo?" tanong ng isa sa mga kasamahan niyang palabas ng gate na si Allison.

Umiling siya habang yakap ang mga props na sa bahay na niya itutuloy ang paggawa. "Wala si Papa kaya magta-tricycle ako."

"Naku baka mamaya matagalan pa bago ka makasakay niyan. Sabay ka na kaya sa amin?"

Sinilip niya ang kuya nitong naghihintay na sa motor. She's never comfortable riding a single motorbike. Kaya kahit nais niya nang umuwi ay umiling na lamang siya saka matipid na ngumiti sa kasamahan. "Hindi na baka mamaya rin meron na ring trike. Anyway, thank you!"

"Ikaw ang bahala. Ingat ka. Kitakits na lang bukas, ah? Bye!"

She waved back to Allison and watched her ride her brother's bike. Pinitpitan pa siya ng kuya nito bago umalis. Marahil ay kilala siya nito dahil senior ito nang mag-seventh grader siya sa eskwelahan.

Nang makalayo ang mga ito ay napabuntong hininga si Astrid. Wala na siyang ibang choice kung hindi maghintay sa harap ng gate. Gusto niya sanang bumili ng isaw sa tawid kaya lang ay nagastos niya na ang baon niya at tanging pang-trike na lang ang natira sa kanya. 

She really has trouble managing her money and that's what she wants to overcome. Bakit naman kasi inalok siya ng kaibigan ng merchandise ng Dawn-Chard? Eh 'di sana may one hundred pa rin siyang pera ngayon.

Tahimik na lamang niyang pinagmasdan ang mga dumaraang sasakyan habang tahimik na sinasabi sa isip ang linya sa kanilang nalalapit na play.

Mayamaya'y narinig niya ang ilang tawanan ng mga estudyanteng palabas ng eskwelahan. She looked at the group of men making their way out. Ka-batch niya ang mga ito ngunit kabilang sa second section. They were chuckling while talking about something, and when she accidentally made eye-contact with the one whose polo was already unbuttoned, she found herself gulping.

She heard about him. Marami siyang ka-section na madalas magpapansin dito dahil talaga namang magandang lalake. He bagged the Mr. Intramurals award last year and she heard he's actually the smartest among his classmates.

Hindi niya naman intensyong tignan pa ito ng mas matagal ngunit may kakaiba sa itim nitong mga matang tila humihigop sa kanya. His protruding charcoal black eyes bored at her, too. Naka-clean cut ang buhok nito at may hiwa ang kaliwang gilid. His brows are intimidating and his nose is narrow and pointy, matching his sharp jaw and thin but a bit pouty lips. Matangkad ito nang 'di hamak sa mga kasama at ang kutis ay natural na moreno. No wonder why women from their school, even those from higher grades are into him. Croft Guevarra is a total head-turner.

He touched the corner of his lips with the tip of his tongue while still checking her. Nang tawagin ito ng kasamahan ay sandali itong bumaling sa mga kasama saka tumango. Napalunok si Astrid nang sa pagtango nito ay nadepina ang adam's apple.

"Mauna na kayo," he said then glanced at her again. Nagpamulsa ito ng isang palad sa itim na slacks saka inayos ang pagkakasukbit ng isang strap ng backpack sa balikay.

Napatingin sa kanya ang mga kaklase nito. Mayamaya'y makahulugang ngumisi kay Croft. "Anak ng tipaklong, may target na naman si President."

His lips slightly curved upward, forming a smirk Astrid knew she's not going to forget easily. May kung anong emosyon ding dumaan sa mga mata nitong nagtatago sa mahabang pilikmata.

"Sige na sige na. Kita-kita na lang kina Sheng," utos niya sa mga ito saka nakipag-fist bump.

Nang tuluyang makaalis ang mga kasama nito, muli itong tumingin sa kanya. Nahiya bigla si Astrid at agad ibinaling sa isawan ang kanyang atensyon. Ngunit sa sulok ng kanyang mata, nakita niya kung paanong ngumisi si Croft saka nito hinaplos ang sariling panga.

Mayamaya'y nadinig niya itong tumikhim. "Anong oras na kanina pa uwian."

"Hmm?" Kunwari ay tumingin-tingin pa siya sa paligid upang siguruhing siya ang kausap nito. "A—Ako ba ang tinatanong mo?"

Croft nodded while biting the tip of his tongue. "Yeah. Astrid, first section. Maganda, mabait daw, walang records sa guidance, member ng drama club, kaso bagsak sa math."

Hindi alam ni Astrid kung anong magiging reaksyon sa papuri at lait na binitiwan ng binata. Sa huli ay napasimangot siya rito at tinaasan ito ng kilay. Gwapo sana kaya lang mukhang may attitude ang loko.

"Stalker lang? Pati pagbagsak ko sa math alam?" 

Ngumisi ito saka sandaling tinignan ang isawan. "Ako nag-check ng papel mo sa math last exam."

Napakurap si Astrid. Iyon bang exam paper niyang may ilang sagot na binago para maabot niya ang passing score? Okay na sana eh kaya lang ay palpak ang quizzes niya kaya hinatak pa rin ang overall score niya.

Bigla siyang tinamaan ng hiya. "B—Ba't mo binago ibang sagot ko? Hindi mo ba alam na bawal 'yon?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know. Siguro gusto ko lang makatulong kaso kahit okay exam mo, bagsak ka pala sa quiz." He sighed heavily. "Gano'n talaga ang buhay. You really can't have it all."

Inirapan na lamang niya ito at hindi na ito muling pinansin kaya akala niya ay aalis na ito ngunit nang prenteng sumandal sa gate saka humalukipkip bago sumipol-sipol, muli niya itong nilingon.

"Malapit lang bahay mo dito, ah bakit nandito ka pa?"

Umismid ito saka makahulugang ngumisi bago siya tinaasan ng kilay. "Stalker lang? Pati bahay ko alam?" 

Napaawang siya ng bibig. Aba't ang kapal din nitong ibalik ang tanong niya kanina, ha? May attitude talaga ang lintik na Croft na ito!

He chuckled softly. "Kidding." He cleared his throat. "Aalis ako kapag nakasakay ka na. Maraming loko-loko rito nang ganitong oras."

Natigilan si Astrid. Is he...showing concern to her? Interesado ba ito sa kanya?

Napatagal ang titig niya rito dahil sa mga naisip. Napagtanto niya lamang ang ginagawa nang umiling si Croft saka bumuntong hininga. "Bigay mo number mo sa'kin. Mas matititigan mo pa ko nang matagal kapag naging boyfriend mo ko."

Namula bigla ang mukha ni Astrid. Inirapan niya ito at sinimangutan. "Kapal ng apog. Anong akala mo sa'kin, easy to get?"

"Bakit easy to get lang ba nagiging shota?" balik nito.

She was taken a back. Hindi niya alam kung pinipilosopo ba siya nito o ano ngunit nang kumalam bigla ang sikmura niya, napansin niyang nagpigil ito ng tawa saka umiwas ng tingin.

Namula sa hiya si Astrid dahil sa nangyari. Bumagsak ang tingin niya sa kanyang black shoes habang mariing magkalapat ang mga labi.

"Tara," she heard him say.

She gulped and looked at him shyly. "S—Saan?"

Nginuso nito ang isawan. "Nagugutom ako. Samahan mo kong kumain."

"W—Wag na ikaw na—Croft!" 

Nanlaki ang mga mata niya nang hawakan siya nito sa braso at kinaladkad patawid ng kalsada. Wala siyang magawa kun'di magpatianod sa malalaki nitong hakbang hanggang sa makalapit sila sa isawan. Talagang binitiwan lang siya nito nang makatawid!

Croft then smiled at the old lady selling barbeque. "Nang, 'yong suka na gusto ko meron pa?"

Ewan ba ni Astrid pero parang nahipnotismo siya nang makita ang magandang ngiti ni Croft. His perfect set of pearl-white teeth were in display and it just made him look so handsome.

"Meron, nandito tinabi ko talaga 'to para sa inyo. Asan ba sina Jest hindi mo yata kasabay ngayon tsaka bakit late ka yata?"

"Naghalf-day, Nang. Sina Qun kasabay kong lumabas. Tinulungan pa namin si Sir Dadural. Apat na isaw ho sa'kin." Tumingin ito sa kanya. "Ilan sayo? Hindi ka naman yata maarte kahit gusto mong mag-artista?"

Tumaas ang kilay niya. "At paano mo nalamang gusto kong mag-artista?"

Umangat nang bahagya ang sulok ng labi nito. "Na-kwento lang."

"Ang dami mo naman yatang alam tungkol sa akin?" Nagpamaywang siya. "Huwag mong sabihing type mo ko?"

Kumislap ang mga mata nito saka makahulugang ngumisi bago ito dumampot ng luto nang kikyam. He chewed one and then pointed at her using the stick. "Type nga. Problema?"

Napatulala si Astrid. Uminit bigla ang pisngi niya at umawang ang kanyang mga labi. Ewan ba niya. Hindi naman ito ang unang beses na may umamin sa kanyang type siya pero bakit iba ang naging epekto ngayon sa katawan niya ng sinabi ni Croft?

Natauhan na lamang siya nang bigla nitong isubo sa nakaawang niyang bibig ang isang kikyam saka nito nilunok ang pagkain sa bibig. "Sinabi ko lang na type kita naestatwa ka na." He threw the stick inside the plastic bag hanging on the side of the kart. "Pa'no pa kapag niligawan na kita?"

Napasimangot si Astrid at sa asar ay sinuntok niya ito sa braso. 

"Aray!" Hinimas nito ang braso kahit alam ni Astrid na hindi naman nito ininda ang ginawa niya dahil halatang nagpipigil ito ng tawa. Tumingin ito sa tindera at tinuro siya. "Nang, hindi ko pa shota namimisikal na."

Natawa na lamang ang tindera. "Puro ka kalokohang bata ka."

Umismid ito saka siya makahulugang sinulyapan habang may munting kurba sa sulok ng labi. "Sa babae lang naman ako hindi marunong magloko."

GUSTONG lukutin ni Astrid ang pahina ng script kung saan may nakalagay na linyang kahawig noong sinabi ni Croft sa kanya nang una silang magkausap. Mapakla siyang natawa at sa inis ay ibinato ang script sa pader bago siya nagtungo sa mini fridge ng kanyang silid.

"Hindi marunong magloko, my ass," she murmured before shutting the fridge's door. Napainom tuloy siya ng tubig sa bwisit niya. Bakit kasi bigla niya na lang naalala ang araw na iyon? 

Minsan tuloy naiisip niya na kasalanan ng mga tricycle driver kaya nagkandaletse-letse ang buhay niya dahil kay Croft. Kung nakauwi lang sana siya nang maaga noong hapong iyon, hindi niya ito makakapalagayang-loob. Hindi sana niya ito sinagot at hindi sana nito nawasak ang puso niya.

She sighed and combed her hair with her fingers. Kailangan niyang kalmahin ang sarili niya bago ang next take kaya lang wala pang ilang sandali, kinakatok na siya ng kanyang PA dahil tapos na ang eksena ni Crude at Mia sa pool side.

"Susunod na ako," aniya sa PA na agad din namang umalis.

Tinapon ni Astrid ang bote sa trash bin at lumabas na ng silid. Ngunit kung siniswerte nga naman siya, nakasalubong pa talaga niya ang lintik na kapitan ng barkong walang iba kung hindi ang bwisit niyang ex-boyfriend.

Mali. Mukhang hindi niya ito nakasalubong dahil mukhang pupuntahan siya nito kaya nang makitang palapit na ito sa kanya ay nag-iba siya ng daan. Ke sehodang umikot na lang siya kaysa malapitan nito!

"Astrid," he called in a serious tone that made her heart suddenly beat hardly inside her chest.

Hindi niya ito pinansin at mas binilisan ang lakad ngunit muli itong nagsalita. "Why the hell did you request all the kissing scenes again?"

Napairap siya. Pakialam ba nito? Eh gusto niya iyon eh nang mapakita niya ritong kaya niyang humalik ng iba kahit nanonood ito. 

"Astrid, I'm talking to you—"

"Daddy!"

Napahinto bigla si Astrid nang makarinig ng tinig ng isang batang lalake. Parang nanlamig bigla ang katawan niya at wala siya sa sariling napatingin sa direksyon ni Croft.

Her limbs felt numb when Croft lifted the little boy to his arms. "I told you to stay at your room, Alta. Baka mahulog ka sa gilid nang walang nakakapansin," ani Croft sa bata. Concern was written on his face as he looked at the boy na kung tatantyahin ni Astrid ay nasa limang taong gulang.

"Daddy, when will we see my mom? I can't wait. Sabi mo malapit na?"

Parang sinaksak ang puso ni Astrid. Kung ganoon ay tama nga siya ng hinala. Niloko talaga sita nito at talagang may anak na ang hayop na Croft na pinaghintay siya noon!

Uminit ang sulok ng kanyang mga mata dala ng galit at sakit ng pagkakatraydor kaya bago pa niya madinig ang sasabihin ni Croft sa bata, lumiko na siya at patakbong tinungo ang upper deck habang minumura sa kanyang isip ang gago niyang ex.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marites Suan Silao
Wow Ganda nman
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Epilogue

    EpilogueHINDI maalis ni Astrid ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang kanyang mag-anak sa dulo ng aisle. Ang magaling niyang asawa, ang sabi sa kanya ay ribbon cutting lamang para sa cruiseline na tinayo nito kasama ang mga kaibigan ang magaganap. Hindi naman siya natimbrehan na surprise wedding na pala ang magaganap sa rami ng involved! Pati ang kanilang anak na sina Alta at Astrea ay naging mga kasabwat ng magaling nilang ama para maitago sa kanya ang katotohanan.Nagpunas siya ng luha habang titig na titig na naiiyak niya nang asawa. Pangatlong kasal na nila ito. Una ay ang civil wedding, pangalawa ay ang kasal nila sa simbahan na labis na pinag-usapan sa buong bansa dahil sa pagkagarbo, at ngayon, sa unang cruise ship ng GAB Cruises, ang Dreamboat, bininyagan ng kanyang

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 31

    Kabanata 31NAGING maingay na balita ang break up ng tambalang ASTRUDE, ngunit masaya si Astrid na karamihan sa kanilang fans ay sinuportahan ang kani-kanilang mga desisyon. Some even made a fans club for her and Croft, telling Croft that he should do some cameos in Astrid's films if ever she'll agree to Tito Boy's offer to handle her. In-offer-an kasi siya nito na tutulong makawala siya sa agency ni Tita Pat, at dahil nagbabalak itong maging talent manager, sila ni Crude ang unang niligawan. Kampante naman sila rito dahil bukod sa marami rin itong naging karanasan sa mapagsamantalang managers sa tagal na sa industriya, matagal na rin nilang kaibigan ni Crude.Astrid and Croft got married via civil wedding since they didn't want to prolong it anymore. Pinangako naman ni Croft na pakakasalan siya sa simbahan kapag naiayos na ang kanilang

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 30

    Kabanata 30DALAWANG oras bago ang live interview nina Astrid kasama ang isang sikat na talk show host, nagpasya siyang personal na kausapin si Cath at Crude. She wants to settle everything now, at kahit ano pang pakiusap ang gawin ni Crude, maninindigan na siyang ayaw na niya.She enjoyed the liberty of being a top-grossing actress while her heart was broken. Ngayong buo na ito at ang sinisimulan pa lamang na buuing pamilya nila ni Croft ang nanganganib, handa niyang pakawalan ang lahat ng kasikatang tinatamasa kung sakali mang hindi siya tanggapin ng mga tao dahil sa katotohanang sasabihin niya mamaya sa harap ng telebisyon.Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang nag-door bell sa bahay ni Crude. Si Cath ang nagbukas

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 29

    Kabanata 29THE PAST months became really difficult for Astrid and Croft. Gumagapang na ang laban sa Lumiriana sa tulong nina Sancho at Mr. Shault, ngunit hangga't hindi naisasaayos ang adoption papers ni Alta ay hindi matatahimik si Croft.He badly wanted to go see Frederick and give him a punch on the face, if only he isn't considering what it might cause in Alta's adoption. Pikon na pikon na siya rito sa totoo lang, at habang tumatagal na hindi siya kasal, mas lumalakas ang laban ni Frederick at ng asawa nito.Nahilamos niya ang kanyang palad sa mukha saka muli na lamang tinungga ang bote ng alak. He hasn't seen Astrid for two weeks already since Crude Andrade's brother-in-law got shot. Kinailangan si Astrid ng magkapatid na

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 28

    Kabanata 28PAALIS na si Astrid ng kanyang condo nang sa pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang isang pamilyar na babae.Mylene Mercado, the woman Crude dragged into the mess, looked at her with bloodshot, almost begging eyes. Sopistikada ang pananamit nito ngunit bakas sa mga mata na hindi ito sanay sa ganoong pananamit.Lumunok ito at nahihiyang iniwas ang tingin. "Pwede... Pwede ba tayong mag-usap?"Astrid sucked in enough breath. Sumulyap siya sa kanyang relos bago muling tumingin sa babae. "I got less than twenty minutes.""Okay lang. Hindi ko rin balak magtagal." Suminghot ito saka pilit na ngumiti. "Fan mo ko."

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 27

    Kabanata 27TODO ang pigil ni Astrid na sugurin si Mia Cruz nang makita niya ito sa kanilang press conference para sa pelikula nilang kalahok sa darating na Film Festival. She knew this would be one of the hardest interviews she's going to face. Hindi lang dahil sa gigil niya kay Mia kung hindi pati na rin sa issues na kakailanganin niyang harapin at ang mga problemang mayroon ang adoption ni Alta.Tinignan siya ni Mia at makahulugang nginisihan, tila nananadyang sirain ang gabi niya palibhasa ay alam nitong hindi siya papatol dahil nasa harap sila ng publiko. She knows how to choose her battles, and violence must not always be the answer.Ngunit kung hindi siya makakapagtimpi ay baka kainin niya ang sarili niyang prinsipyo. Some people just love to get into someone's nerve

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status