Nakatuon ang mga mata ni Rhea sa mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Nakamasid siya roon ngunit ang isipan niya ay nasa mga taong kasama niya nang mga oras na iyon. Kasalukuyan silang nasa may patio ng bahay ng mga Arganza. Matapos niyang sundan papasok ang kanyang ina at si Fabian ay inaya siya ng mga ito roon. Isang masaganang meryenda nga ang inihain ng mga ito para sa kanya.
Maraming inihain ang mga ito pero wala man lang kinuha si Rhea kahit isa. Maliban sa hindi pa siya nagugutom, ang atensyon niya ay nakatuon sa kung paano niya mapahihinuhod ang kanyang ina na sumama na sa kanya pauwi ng Manila. "Don't you like the food, 'nak?" pukaw ni Rebecca sa pananahimik niya. Rhea raised her head and met her mother's eyes. Masuyo itong nakatitig sa kanya at bakas sa mukha nito ang kasiyahan dahil nagkita sila ulit. Kailanman ay hindi pa nangyari na nagkahiwalay sila nang matagal. Ngayon pa lang talaga at iyon ay dahil sa lalaking bagong karelasyon nito. Rhea's eyes darted to Fabian. Magkatabi ito at ang kanyang ina. Nakatitig din sa kanya si Fabian at sa hindi niya mawari, nababanaag niya rin ang kasiyahan sa mukha ng matandang lalaki. "What do you like to eat, hija? Tell us. Ipahahanda ko sa---" "No need," putol niya sa pagsasalita ni Fabian. "Busog pa talaga ako." Rebecca cleared her throat. Alam niyang dama nito ang kalamigan sa pakikitungo niya. But can she blame her? Tatlong buwan na itong hindi umuuwi sa kanila dahil lang kay Fabian. Daig pa nito ang isang teenager na nakipagtanan kasama ang kasintahan. Hindi niya pa maiwasang disimuladong mapaismid. Para bang baliktad ang sitwasyon nilang mag-ina. Karaniwan, mga anak ang umaakto nang ganoon. Iyong basta na lang hindi uuwi dahil sa kasintahan. Sa sitwasyon nila, ang kanyang ina ang gumawa niyon at siya itong magpupumilit ditong umuwi. "H-How... How is your work?" pag-iiba ni Rebecca sa kanilang paksa. Pilit ding bumalik ang ngiti sa mga labi nito. "Fine. Ganoon pa rin naman," tipid niyang sagot. "W-Wala ka bang masyadong gawa sa trabaho mo ngayon? Sa mga project ninyo? Are you staying for long?" sunod-sunod na tanong ng kanyang ina. "I am not staying for long," saad niya. "Babalik din ako agad ng Manila." "Why don't you stay for a while, Rhea? Bukas ang Rancho Arganza para sa iyo," wika ni Fabian sa kanya. "I am not---" "Makabubuti sa iyo ang magbakasyon sandali, Rhea," awat ni Rebecca sa mga sasabihin niya. "Halos nakasubsob ka sa trabaho mo sa Manila. Don't you think it's a right time for you to have a vacation for a while?" "Kailangan ko ring bumalik agad sa Manila. I-I didn't bring a lot of clothes." "It doesn't matter. Maraming mabibilhan ng damit dito, Rhea," singit ng isang tinig. Agad siyang napalingon sa nagsalita. It was Sergio. Naglalakad ito palapit sa kanila habang sinasabi ang mga iyon. Ang mga mata nito ay sa kanya pa nakatutok hanggang sa tuluyang makalapit sa mesang kinaroroonan nila. Her eyebrow arched upwardly. Hindi pa rin nawawala ang inis niya para sa lalaking kaharap. Mas nadagdagan pa ang inis na iyon dahil sa mga sinabi nito kanina. She knew it was meant to irritate her. Napakaantipatiko. Napakabastos. And she wondered, paanong natatagalang pakisamahan ng kanyang ina ang taong katulad nito? "I don't see any reason to stay here for long. May trabaho ako sa Manila." "Bakit ka narito kung ganoon?" seryosong tanong ni Sergio. Kung magpalitan sila ng usapan ay para bang silang dalawa na lamang ang naroon. "Why do I need to answer you?" "Rhea..." pananaway ng kanyang ina na ikinalingon niya rito. "Why?" malamig niyang balik kay Rebecca. She wasn't like this. Kailanman ay hindi pa siya nakipag-usap sa kanyang ina sa magaspang na pamamaraan. She loves her mom, of course. Pinalaki siya nito at ng kanyang ama nang maayos at may paggalang sa iba. Hindi pa kailanman nangyari na sinagot niya ito nang pabalang. She just can't help it right now. Naiinis siya dahil sa dalawang rason. Una, dahil sa pagbabalak ng kanyang ina na pagpapakasal kay Fabian. As much as possible, hindi niya gustong palitan nito sa buhay nila ang kanyang ama. Pangalawang rason na nagpapainit ng ulo niya sa mga oras na iyon ay ang mga ginawa ni Sergio, unang araw pa lang ng pagtatagpo nila. Gusto niya pang pagtakhan kung pamangkin ba talaga ito ni Fabian. She could say that Fabian, despite her disapproval to him, was a sensible man. Mahinahong magsalita at kumilos ang matandang lalaki. Kabaliktaran yata ng pamangkin nito. "I am just here to fetch you, Mama," maya-maya ay sabi niya. Naupo siya nang tuwid saka nagpatuloy pa sa pagsasalita. "Kung bibiyahe tayo ngayon pabalik sa Manila ay makararating tayo roon bago pa magmadaling-araw. That could be---" "Hindi mo kailangang magmadali sa pag-uwi, hija." Fabian interrupted her. "Katulad ng sinabi ko, bukas ang Rancho Arganza para sa iyo. Besides, it is a right time that you are here. Maaari mong tulungan ang iyong ina sa pag-aasikaso para sa aming kasa---" "She is not marrying you," mariin niyang sabi na ikinasinghap ng kanyang ina. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang pagdaan ng sakit sa mukha nito dahil sa inaasal niya. Nang ibaling niya naman ang kanyang mga mata kay Sergio ay nakita niya ang pagtiim ng mukha nito. Fabian smiled casually. Mahinahon pa rin itong nagsalita sa kabila ng mga sinabi niya. "You must be tired from driving. Hindi rin biro ang pagmamaneho nang diretso mula sa Manila hanggang dito sa San Nicholas. You can take a rest, hija. Ipahahanda ko ang isa sa mga guestrooms dito sa amin para magamit mo." Rhea was dumbfounded. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaksyon ni Fabian. Mas nanaisin niya pang sagutin din siya nito, ang pagalitan dahil sa inaasal niya. Sa ganoon, pakiramdam niya ay mas madali niya itong malalabanan. Pero ang pakitunguhan nang maayos sa kabila ng pagtataray niya? Paano niya pa sasadyaing magpakasuplada kung ganoon pa rin ang trato nito? Tumayo na si Fabian kasunod ng kanyang ina. Kita niya pang nagpipigil ng emosyon si Rebecca. Bago tuluyang iwan siya roon ay muli itong nagsalita. "Tutulungan ko lang si Marilyn sa pag-aayos ng magiging silid mo," mahinahong sabi ni Rebecca. Kung sino man ang Marilyn na tinutukoy nito ay hindi niya alam. "K-Kung gugustuhin mo, sana ay manatili ka muna rito kahit ilang araw man lang, Rhea. Nasisiguro kong magugustuhan mo ang San Nicholas, lalo na ang Rancho Arganza." Ni hindi nito hinintay na magsalita siya. Agad nang tumalikod ang kanyang ina at magkahawak ang kamay ni Fabian na pumasok ang mga ito sa loob ng kabahayan. Mula sa kinauupuan niya ay sinundan niya ang mga ito ng tanaw. Dumiretso ang dalawa sa may hagdan at hawak-kamay pa ring umakyat na sa ikalawang palapag. "Are you always like that?" paasik na tanong ni Sergio. Marahas siyang napalingon dito. Kitang-kita niya pa ang galit na ekspresyon sa mukha ng binata. "Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa iyong ina?" Umangat ang isang kilay ni Rhea. Marahan siyang tumayo at matapang na sinalubong ang mga titig ni Sergio. "I don't need to explain myself to you, Sergio," aniya sa malamig na tinig. "Nabanggit na sa amin ni Auntie Rebecca na hindi ka sang-ayon sa pagpapakasal nila ni Uncle Fabian. You were burning the line when she talked to you over the phone. Hindi ko lang inaasahang kaya mong bastusin ang iyong ina nang harap-harapan. Ganyan ka ba talaga?" She wanted to say no. Gusto niyang ipaalam dito na malapit silang mag-ina, na kailanman ay wala pa silang pinagtalunan nang malala. Kung susuriin nga, para lang silang magkaibigan na nagsasabihan ng mga ganap sa araw-araw. Lalo na nang mawala ang kanyang ama, pakiramdam niya ay mas lalo silang naging malapit ni Rebecca. Nag-iba lang ang lahat nang dumating sa buhay nito si Fabian. Naroon sa kanya ang pakiramdam na inagaw ni Fabian ang buong atensyon ng kanyang ina. Katulad na lamang ng nangyayari ngayon. Halos tatlong buwan nang hindi umuuwi sa kanila si Rebecca dahil sa pagsama nito kay Fabian. Paano pa kapag ikinasal na ang mga ito? For sure, sa bayan na iyon na titira ang kanyang ina. "I don't need your sermon, Sergio," mataray niyang sabi bago pumihit na upang talikuran ito. Ngunit ang balak niyang pag-iwan sa binata ay agad nang naawat nang mabilis nitong nahawakan ang kanyang kanang braso. Rhea abruptly turned to look at him again. She stopped on her tracks. Naging marahas ang muli niyang paglingon, hindi dahil sa nasaktan siya sa ginawa nito. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak ng binata. Wari bang intensyon lang talaga nitong awatin siya sa paghakbang palayo rito. Sa halip, natigilan si Rhea nang hawakan ni Sergio ang kanyang braso dahil sa hindi maipaliwanag na damdaming lumukob sa kanya nang madaiti ang palad nito sa kanyang balat. She could not explain it. May kakaiba sa hawak nito. Marahas niyang binawi ang kanyang braso at pilit na iwinaksi ang emosyong umusbong dahil sa pagkakadikit nito sa kanya. She looked at him intently. Sadyang linakipan niya pa ng inis ang ekspresyon sa kamyang mukha para pagtakpan ang pagkailang na nadarama. "Will you stop preaching?" asik niya. "Nakapagtatakang anak ka ni Auntie Rebecca. Kung anong kamahinahon niyang tao ay siyang kabaliktaran mo." "At ano ang gusto mong palabasin? Hindi mo ako kilala para husgahan mo, Sergio," buwelta niya rito. "Siguro nga ay hindi pa kita gaanong kilala. Ito pa lang ang unang araw ng pagkikita natin. But one thing is for sure, Rhea. Hindi mo pinahahalagahan ang kaligayahan ng mama mo." "At ano ang kaligayahang tinutukoy mo? Ang makasal si Mama sa tiyuhin mo?" naiinis na niyang sabi. "I don't want my mom to remarry." "Selfish spoiled brat," mariin nitong saad na mas nagpaalpas ng inis sa kanyang dibdib. "Makasarili ka, Rhea." "How dare you! You---" "Matutuloy ang kasal nina Uncle Fabian at ng iyong ina. I assure you that." "Puwes, sinisiguro ko rin sa iyo na maisasama ko pauwi ng Manila ang mama ko. Matitigil din ang kahibangan niya sa tiyuhin mo." "Kahibangan? You consider falling in love as kahibangan?" anito. Sa kung ano mang rason, parang nagkaroon ng kaaliwan sa mukha nito dahil sa mga sinabi niya. "Tell me, Rhea, have you ever been in love?" Mariin siyang napalunok. Umibig na ba siya? Kung sa totoong kahulugan ng salitang iyon, hindi pa. She got attracted with opposite sex. May ilang nanligaw din naman sa kanya pero ni isa ay wala siyang nagustuhan dahilan kahit bente-singko anyos na siya ay hindi pa rin siya nagkakanobyo. But of course, hindi niya iyon sasabihin sa binata. She raised her head and bravely met his eyes. "No matter what you say, I am not letting my mom marry your uncle." "You are an only child, aren't you?" wika nito. "No wonder, lumaki ka sa layaw. Panahon na siguro para may pumutol niyang sungay mo." "S-sungay? What?!" gilalas niyang saad. "Ano ang akala mo sa akin... demonyo?!" Sergio chuckled. Alam niyang nagagalit ito sa inaasta niya pero hindi pa rin maiwasang sumilay ang kaaliwan sa mga mata nito dahil sa mga sinabi niya. "Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako." Rhea's face hardened. "So, sino ang puputol ng "sungay" ko? Ikaw?" paismid niyang sabi. Sergio moved closer to her. Napatayo nang tuwid si Rhea dahil sa ginawa nitong pagkilos. Gusto niya pang mapaatras upang iwasan ito pero sadyang pinigilan niya ang kanyang sarili. Hangga't maaari ay hindi niya gustong magpakita ng pagkatalo sa binata. Kapag umiwas siya ngayon kay Sergio ay iisipin nitong naiilang siya. Mas pagtatawanan siya nito. Kaya naman kahit pa labis nang naiilang ay nanatili siya sa kanyang kinatatayuan hanggang sa huminto si Sergio sa mismong harapan niya. He stared at her face intently as he spoke in a very serious tone. "Why not, Rhea? I am so willing to do that. Kung hindi ka napadapa ng mga magulang mo noon, ako ang gagawa niyon." "Tingnan natin," naghahamon niyang sabi. "Baka dalawang araw pa lang ako rito ay sumuko ka na, Sergio. No one can just order me around, not even you. Baka sa halip na ako ang mapadapa mo, eh, sa iyo ko magawa iyan. Tsk... tsk..." Nanunuyang pailing-iling pa siya. Napatiim-bagang si Sergio. Bago pa man may lumabas na ano mang salita mula sa bibig nito ay mabilis nang tumalikod si Rhea at iniwan ito roon. Sa pagkakataong iyon, alam niyang siya ang nanalo sa pag-uusap nilang iyon ng binata. And she couldn't help but smlied because of that.Agad na nahinto sa pagsusuklay ng kanyang buhok si Rhea nang makita niyang papasok na ng kanyang silid si Sergio. Hawak nito ang sariling cell phone at doon pa nga nakatitig habang isinasara na ang pinto.Naibaba niya ang suklay sa ibabaw ng mesa saka humarap sa kanyang asawa. Patuloy pa ito sa pagtipa sa pag-aaring cell phone habang nakatayo lang sa may paanan ng kama. Kung ano man ang pinagkakaabalahan nito ay hindi niya alam."Sino ang kausap mo kanina?" usisa niya rito. Nakaupo pa rin siya sa harap ng vanity mirror at naghihintay na magkuwento ito. Kanina kasi ay nagpaalam ito na may tatawagan muna. Hinayaan niya lang ang kanyang asawa nang mas piliin nitong sa sala kausapin ang kung sino mang tatawagan nito."Si Lorenzo ang kinausap ko. I called him," tugon nito kasabay ng basta na lamang pag-itsa ng cell phone sa ibabaw ng kama. "Nakikibalita ako kung kumusta na si Vladimir. Ang alam ko kasi ay pinilit niyang sumama sa kanya si Vlad upang mailayo muna kay Hendrick.""And?" pag-u
Hi, guysss... Gusto ko lang sabihin na ang timeline ng Chapter 55 ay 2 years ago na. Kung nabasa niyo na po ang ibang stories ko, iyon din ang timeline kung kailan nakauwi na mula sa ibang bansa si Romano at nagkaayos na sila ng asawa niyang si Analyn. Iyon din ang timeline ng last chapter ng story nina Lorenzo at Tamara. Sa Chapter 55, since two years ago na ay may asawa na rin si Hendrick sa timeline na iyon (pero hindi ko pa nasusulat ang story niya. Hehehe!) So, bakit sinuntok ni Hendrick si Vladimir? Si Vladimir na sa timeline na iyan ay single pa rin (hehe!)...Abangan niyo po sa mismong story ni Vladimir. Doon maipapaliwanag ang scene na nasa Chapter 55. PS. I'll update the Final Chapter of Sergio and Rhea's story tomorrow. Thank you for supporting their story. —Yvette Stephanie
TWO YEARS LATER...Dahan-dahang bumaba ng hagdan si Rhea habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa asawa niyang si Sergio. Kanina pa ito nasa sala at naghihintay na lamang sa kanya. Mabilis pa nga itong napalingon nang maramdaman ang presensiya niya at agad na rumihestro sa mga mata nito ang labis na paghanga nang makita ang kanyang ayos.She smiled at him lovingly. Bago pa man siya tuluyang makababa ay naroon na ito at sinalubong siya sa pinakahuling baitang ng hagdan."Did I keep you waiting?" nakangiti niyang tanong dito."I didn't mind," anito bago sabay silang napabulalas ng tawa sapagkat pareho nilang napagtantong mga linya ng isang kanta ang mga binitiwan nilang kataga. "Kidding aside, you look so gorgeous, Mrs. Arganza."Mataman siyang pinagmasdan ni Sergio. Bumaba-taas pa ang paningin nito sa kanyang kabuuan habang nasa mga mata pa rin nito ang labis na paghanga para sa kanya.Rhea was wearing a pink dress. Hapit iyon sa kanyang katawan dahilan para mas makita ang maganda ni
Last two chapters na lang po ang Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza. Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kuwento nina Sergio at Rhea. I highly appreciate all the comments that I received, as well as the gems. Abangan niyo rin po ang kuwento nina Hendrick (series 7) at ni Alter Vladimir (series 9) katulad ng kung paano niyo sinuportahan sina Lorenzo, Romano at Sergio. Ako po ang author nila. Of course, support niyo rin po ang stories ni Author Magzz23 na kasama sa Savage Billionaire. Siya naman po ang writer ng kuwento nina Ethan, Alonzo, Winston, Von and Sebastian. (But before ko po simulan ang kuwento ni Hendrick, I'll be writing first my other story. Kung nabasa niyo na po ang HIS SCARRED HEART, kilala niyo na po si Trace De la Serna. I'll write his story first.) Thank you so much....
Marahang napalingon si Rhea sa kanyang likuran nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nakita niyang sumilip muna si Sergio bago tuluyan nang pumasok sa kanilang silid. It was almost a week since she was discharged from the hospital. Halos isang linggo na rin mula nang malaman nilang wala na ang kanilang anak. It's been almost a week, yet, hindi niya pa rin matanggap ang mga nangyari.Nakatingin sa kanya si Sergio habang isinasara nito ang pinto. Nang mai-lock iyon ay humakbang na ito palapit sa bedside table at doon ay inilapag ang isang baso ng gatas na dala-dala nito para sa kanya.She's now recovering. Nang masigurong maayos na ang lahat sa kanya ay pinayagan na siya ng mga doktor na umuwi. Since she was discharged from the hospital, Sergio has always been caring to her. Ito ang nag-aalaga sa kanya, nag-aayos ng mga kailangan niya at kahit alam niyang marami itong kailangan gawin sa rancho ay nasa tabi niya lamang ang kanyang asawa.Halos hindi niya ito kibuin mula nang lumabas s
Kanina pa naglalakad paroo't parito si Sergio sa harap ng emergency room. Hindi siya mapalagay. Ang kaba at takot na nasa kanyang dibdib ay hindi pa rin nawawala. Ni hindi niya na nga mabilang kung ilang ulit na siyang nakausal ng panalangin para lang sa kanyang asawa na ngayon ay nasa loob na ng emergency room at tinitingnan ng mga doktor.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakadama siya ng labis na takot, hindi para sa kaligtasan niya. It was more for his wife's safety. Matapos niyang mabaril si Richard ay saka niya lang nadaluhan ang kanyang asawa. Ang nais niya ay mailayo ito mula panganib pero halos makadama siya ng kakaibang panlalamig ng kanyang katawan nang makita ang pagdurugo nito.Sa nagmamadaling kilos ay binuhat na niya si Rhea at isinakay ito sa kanyang sasakyan. Saktong nasa may kalsada na sila nang dumating naman ang kanyang Uncle Bert na una na niyang natawagan kanina. Gusto na niyang sabihin dito ang mga nangyari pero mas gusto niyang unahin muna ang kapakanan ng kanyan