Share

CHAPTER 2

last update Dernière mise à jour: 2025-03-11 11:20:28

Inisang lagok ni Hendrick ang champagne na nasa kopita niya habang ang mga tao naman sa kanyang paligid ay masigabong nagpalakpakan. Natapos na kasing kumanta ang wedding singer sa kasal nina Lorenzo at Tamara, sanhi para matapos na ring sumayaw ang bagong kasal. Bago pa tuluyang umalis sa gitna ay pinatakan pa muna ni Lorenzo ng isang halik ang mga labi ni Tamara na mas nag-ani ng hiyawan at palakpakan sa mga tao.

He smirked. Ang iba ay talagang kikiligin sa nakikitang sweetness ng mag-asawa. Nakatutuwa naman talagang malaman na natagpuan na ng kaibigan niya ang babaeng makakasama habang buhay. Maging siya man ay labis na masaya para sa mga ito. Hindi niya lang talaga magawang sumabay sa pagsasaya ng mga kasamahan niya dahil sa isang rason--- ang babaeng kumanta kanina sa kasal nina Lorenzo, maging ngayon sa reception ng mga ito.

He knew her… Hendrick knew her so well. Ito ang babaeng naging dahilan kung bakit iba na ang pananaw niya sa pag-ibig. Ito ang babaeng naging dahilan kung bakit, sa kabila ng edad niya, ay hindi niya pa naiisipang lumagay sa tahimik. What she did before made him hate the word ‘love’.

Habang nagpapalakpakan ang mga tao para kina Lorenzo at Tamara, siya naman ay sinundan ng tingin ng wedding singer. Nakita niyang naglakad ito patungo sa direksyon ng hotel ng resort. Hindi niya pa maiwasan ang pagdikit ng mga kilay habang nakamasid sa dalaga. Sa Davao na rin kaya ito nakatira?

Nagpatuloy ang maikling programang inilaan para sa bagong kasal. Nagkaroon pa ng ilang palaro na may kaugnayan kina Lorenzo at Tamara. Sobrang ikinasaya ng mga taong naroon ang reception. Kahit nang matapos ay hindi matigil ang mga tao sa masayang kuwentuhan ng mga ito.

Samantalang siya ay tahimik lamang na nagmamasid sa paligid. Nakaupo siya at kasama sa iisang mesa ang mga kaibigan niyang sina Ethan, Winston at Sergio. Ni ang masayang kuwentuhan ng mga ito ay hindi niya masabayan.

Hanggang sa maya-maya ay naglakad palapit sa kanila si Lorenzo. Si Tamara naman ay nakita niyang kasama kanina ang kasintahan ni Ethan na si Rose. Kung saan man pupunta ang mga ito ay hindi niya alam.

“Congratulations again, Renz,” masayang bati ni WInston, itinaas pa ang hawak na kopita bilang pagbati sa kaibigan nila.

“Thanks,” pasasalamat ni Lorenzo sabay kuha ng kopitang iniabot ni Sergio. Naupo rin ito sa isang bakanteng silyang naroon.

“I’m so happy for you, Renz. Cheers for your happiness and of course, for more babies to come!” panunukso ni Ethan na ikinatawa ng mga kaibigan niya.

“Maraming salamat sa inyong lahat. Salamat din, Ethan, sa pagpayag na rito kami ikasal ni Tamara. Malaking parte na ng buhay naming mag-asawa ang lugar na ito.”

“No problem,” tugon ni Ethan kay Lorenzo. “Anything for all of you.”

“Thank you, really. Malaking bagay na para sa akin na narito kayo,” saad pa ni Lorenzo bago bumaling sa kanya. “Rick, kahit hindi ka pumayag na kumanta sa kasal namin ni Tam, at least you came.”

“You know I wouldn’t miss it. Hindi ko lang talaga magawang kumanta ngayon sa kasal mo.”

Nagkibit-balikat lamang si Lorenzo. Nagsisimula pa lang mag-asikaso ng kasal ay kinausap na siya nito. Humiling ito na kumanta siya para sa araw na iyon. Alam ng mga kaibigang niyang mahilig siyang kumanta at puring-puri pa ng mga ito ang magandang boses niya.

But Hendrick refused to sing on Lorenzo’s wedding. Matapos ng nangyari maraming taon na ang nakalipas, nawalan na siya ng gana sa dalawang bagay--- sa pag-ibig at sa musika. Konektado sa musika ang babaeng minahal niya noon. Sa tuwing naglalaan siya ng panahon sa pagkanta, hindi maaaring hindi ito sumagi sa isipan niya. It was the reason why he stopped singing.

“Is there something wrong, Rick? Kanina ka pa seryoso,” puna ni Sergio sa kanya.

“Napansin kong kanina ka pa patingin-tingin sa wedding singer na nakuha para sa amin? Do you know her?” tanong naman ni Lorenzo. Hindi niya alam na napansin nito ang kanina niya pang pagsulyap sa babaeng kumanta kanina sa kasal at ngayon sa reception.

“Come on, guys,” aniya, hindi pa maiwasang matawa. “Why are we talking about me? Hindi ba’t dapat ay kayo ni Tamara ang pinag-uusapan natin?”

“Why can’t you answer? Kilala mo ba ang babaeng iyon?” susog pa ni Ethan sa pang-uusisa.

Isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan. Bago tuluyang sagutin ang tanong ng mga ito ay inubos niya muna ang natitirang alak sa kanyang kopita. “I know her,” saad niya sa mariing tinig. “Siya ang rason kung bakit muntik ko nang kamuhian ang musika ilang taon na ang nakararaan.”

Natahimik ang mga kaibigan niya. Wala na siyang idinagdag pa pero alam niyang naunawaan na ng mga ito kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi niya pa nga maiwasang mapatiim-bagang nang maalala ang yugtong iyon ng buhay niya. Those days were supposed to be the happiest days of his life… but it turned out to be the opposite.

*****

HALOS patakbong pumasok ng banyo si Laica. Naglikha pa ng malakas na ingay ang pagsara niya ng pinto dahil sa labis na pagmamadali. Nang makapasok sa loob ay agad niyang isinandal ang kanyang sarili sa nakapinid nang pinto saka pinakawalan ang hiningang kanina niya pa pinipigilan.

Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay ngayon lamang siya nakahinga nang maigi mula nang mag-umpisa ang kasal. Ni hindi niya pa nga alam kung paano niya naitawid ang ilang kantang kailangan niyang kantahin kanina. Unang kanta pa lang kasi ay mistula nang bibigay ang boses niya.

She saw him! She saw him again! After how many years… seven years, to be exact, muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking kahit isang araw yata ay hindi nawala sa isipan niya--- si Hendrick, ang lalaking una at tanging naging nobyo niya. Matapos nilang maghiwalay ay wala na siyang iba pang nakarelasyon.

He’s part of the entourage. Ibig sabihin ay kilala nito ang mga ikinasal na halatang galing sa mayayamang pamilya. Maging ang mga bisita, lalo na iyong mga kamag-anak ng groom, ay halatang gallng sa maalwan na buhay. At kilala ni Hendrick ang mga iyon? Pagkalipas ng pitong taon, umasenso na rin ba ito? Maayos na ba ang buhay ng binata ngayon? O binata pa nga ba ito?

Laica heaved out a deep sigh again and opened her eyes. He’s thirty-five right now. Alam niya iyon dahil wala siyang kinalimutan kahit isang detalye tungkol sa binata. Lahat ng tungkol dito ay naaalala niya pa… lahat-lahat.

At sa edad ni Hendrick ngayon, may asawa na kaya ito? Hindi imposibleng ganoon nga. His age was just right to settle down. At ilang taon na ang lumipas mula nang magkahiwalay sila. Aasa pa ba siyang malaya pa ang binata?

Naglakad na siya palapit sa lababong naroon. Binuksan niya ang gripo at naghugas ng mga kamay. Parang wala siya sa sarili habang gumagalaw. Ang kaisipan kasing baka nga may sarili na itong pamilya ay mistulang patalim na tumusok sa kanyang dibdib.

Pero ano pa ba ang aasahan niya? Matapos ng mga ginawa niya, baka nga tuluyan na siyang kinalimutan ni Hendrick.

Hindi na siya nagtagal pa sa banyo. Agad na rin siyang lumabas upang hanapin na sina Adrian at Mike. Balak niyang magpaalam na sa mga ito at mauuna na lamang na bumalik ng Manila. Matapos ng muli nilang pagtatagpo ni Hendrick ay parang hindi na niya kaya pang tumagal sa lugar na iyon. Hindi na niya nais pang masaksihan kung pamilyado na nga ito.

Agad na siyang lumabas ng banyo at tuloy-tuloy na sanang maglalakad nang bigla siyang matigilan pagkakita sa lalaking kanina pa nagpapagulo sa buong sistema niya. Katulad niya ay natigilan din ito sa balak na pagpasok sa men’s comfort room. Mataman din itong napatitig sa kanya na halos hindi niya mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan.

Tumayo siya nang tuwid at pilit na kumilos nang kaswal. “H-Hendrick,” sambit niya sa pangalan nito.

Marahan nitong ikiniling ang ulo saka tumikwas ang isang sulok ng mga labi. “We met again, Laica, after how many years,” anito sa malamig na tinig kasabay ng pagbaba-taas ng mga mata sa kanyang kabuuan. “You sang on my friend’s wedding. You must have an expensive talent f*e right now, haven’t you?”

Hindi niya maiwasang masaktan dahil sa kaisipang punong-puno ng sarkasmo ang tinig nito nang magsalita. Kaibang-kaiba na ito sa Hendrick na nakilala niya noon.

“Hindi,” tugon niya sa mahinang tinig. “Ang totoo---”

“Why not? Hindi ba’t iyon ang usapan ninyo ni Rocco? He promised you fame and money, didn’t he? Kaya nga iniwan mo ako, hindi ba?”

Hindi siya nakasagot. Muling nanariwa sa isipan niya ang mga nangyari noon at kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kanya ni Hendrick ngayon.

Yes, she left him. Sinaktan niya ito. Ginawa niya ang isang pasyang sumira ng relasyon nilang dalawa at kahit ano siguro ang sabihin niya ngayon ay hindi na maaalis ang galit nito sa kanya.

“I know you hate me now. Ano mang paliwanag ko ngayon ay hindi na mababago ang mga nangyari noon,” aniya sa mahinang tinig. “I-I guess, I need to go. Goodbye, Hendrick.”

Nagsimula siyang humakbang palayo sa kinaroroonan nila, pero ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang muli na namang magsalita ang binata dahilan para matigilan siya.

“How’s Luke?”

Marahas siyang napalingon dito. Hindi niya pa alam kung bakit bigla itong nagtanong tungkol sa kapatid niya. Nevertheless, she answered, “H-He’s fine.”

“I see…” makahulugan nitong saad. “The operation did well, didn’t it?”

Tuluyan niyang nakalimutan ang balak na iwan ito roon. Muli siyang humarap sa binata saka nagtanong. “H-How… How did you know about it?”

Hendrick smirked. Sa pagkakataong iyon ay mas nang-uuyam na ang tinging iginawad nito sa kanya. “Ever since, you’ve been underestimating me, sweetheart. Iniisip mo talagang wala akong kakayahan sa lahat ng bagay. Ganoon ba talaga kaliit ang tingin mo sa akin? Hindi mo naisip na kaya kong malaman ang lahat tungkol sa iyo?”

“A-Ano ang ibig mong sabihin?”

“It has been seven years, Laica,” anito sa halip na sagutin ang tanong niya. “Your brother is doing fine right now. Don’t you think it’s high time that you pay me back?”

“Pay you back?’ naguguluhan niyang balik dito. “Wala akong naaalalang may utang ako sa iyo---”

“The hospital bills, Laica, remember?” mabilis nitong putol sa pagsasalita niya.

Hindi niya maiwasang mapasinghap. Agad ding umahon ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.

It’s been seven years since her brother was hospitalized. Kinailangan nitong maoperahan dahil sa sakit sa puso na mayroon na ito mula pa pagkabata. Iyon pa ang panahong halos hindi na niya alam kung saan babaling para lang madugtungan ang buhay ng kapatid niya. Ulila na silang dalawa ni Luke at tanging ang kanilang Tita Beth na lamang ang nagtataguyod sa kanilang dalawa. Dagdag pasanin pa ang katotohanang may sakit ang kapatid niya at kailangan niyang akuin ang gamutan nito.

Pitong taon na ang lumipas… pitong taon na rin siyang napapaisip kung paanong naging bayad na ang lahat ng kailangan nilang bayaran sa ospital noon. Pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Rocco ay ibinalita sa kanya ng kanyang Tita Beth na maooperahan na ang kapatid niya at wala na silang kailangang problemahin sa lahat ng gastusin. Wala silang ideya kung paanong nangyari iyon, pero ang katotohanang magiging maayos na si Luke ang mas labis na umukopa ng isipan niya.

Hanggang ngayon ay wala siyang maisip na maaaring tumulong sa kanya nang mga panahong iyon… not until now that she’s talking to Hendrick.

“I-Ikaw?” puno ng pagkalitong tanong niya.

“You never thought it’s me,” he said mockingly. “I was the last one to know about Luke’s condition because you thought you’ll get nothing from me. Ako ang nobyo mo pero mas si Rocco ang pinagkatiwalaan mo, Laica. Ako dapat ang karamay mo nang mga panahong iyon dahil ako ang nobyo mo pero mas ibang lalaki ang pinili mong makasama.”

“You don’t understand---”

“Why?” patuloy nito na para bang hindi siya nagsalita. “Dahil iniisip mong wala akong kakayahang tulungan ka financially? It’s all about the money, wasn’t it?”

“Hendrick---”

“I want my money back. Maniningil ako, Laica.”

Mariin siyang napalunok. She saw nothing but hatred on his face… gone was the gentle and sweet Hendrick that she knew.

Hindi na ito muli pang nagsalita. He just got his wallet from the pocket of his pants and got something from it. Agad itong may iniabot sa kanya--- tarheta kung saan nakalagay ang pangalan nito at numero.

“Call me, Laica,” nag-uutos nitong sabi. “Sapat na siguro ang pitong taong hindi ko pagsingil sa iyo, hindi ba? Now, it’s payback time, sweetheart.”

Hindi na siya nito hinintay pang makasagot. Agad na itong umalis at iniwan siya roon. Hindi pa maiwasan ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata habang sinusundan ng tingin ang papaalis na binata. He has changed… a lot. Wala na ang lalaking alam niyang mahal na mahal siya. Ngayon, pagkamuhi na lang ang nadarama nito para sa kanya…

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
EDEN
mukhang Ang ending into cla Rinni Rick at laica ang mag magiging singer s wedding nila hahaha inunahan n ei hehe
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   AUTHOR'S NOTE

    Few more chapters to go for this story. Thank you for everyone who's reading Hendrick and Laica's story. Just some clarification, ang timeline ng Chapter 66 ay ang mga panahong umalis si Rhea at iniwan si Sergio sa SBS5:SERGIO ARGANZA. Baka lang po magkaroon ng kaunting kalituhan dahil may wakas na sa kuwento nina Sergio at Rhea (baka isipin ninyo na nag-away yung dalawa. hehe)I will add a special chapter here, showing some glimpse on my next novel, SBS9:ALTER VLADIMIR SANTILLANES. Abangan...Also, you may now add on your library my new story HIS HEART SERIES 3:HIS RUTHLESS HEART. Available na po rito sa Goodnovel.Thank you...___yvettestephanie___

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 66

    Halos maihilamos ni Hendrick ang kanang palad niya sa kanyang mukha nang makita ang kanyang mga kaibigan. Lahat ng mga ito ay may ngisi sa mga labi nang makita siyang papalapit sa mesang okupado na ng mga ito. Hindi niya pa mapigilang mapailing nang maupo siya sa espasyong inilaan ng mga kaibigan niya para sa kanya.“What is this?” napapangiti niya pang sabi na ang tinutukoy ay ang pagtitipon-tipon nila. Alam niyang abala ang mga ito pero hayun at wala siyang kamalay-malay na magkikita-kita sila.Binigyan niya pa ng tingin ang mesang nasa harap nila. Naroon na ang ilang bote ng alak at iba’t ibang putaheng pangpulutan na hindi na niya lubusang binigyan ng pansin. Mas pinagtuunan niya ang kanyang mga kasama.Hendrick darted his eyes to his friends. Isa-isa niyang tinitigan ang mukha ng mga ito. Naroon, kasama niya sina Lorenzo, Sebastian, Winston, Sergio at si Vladimir na sadyang sumundo sa kanya mula sa Montañez Recording Company.Nabigla pa siya nang sumulpot sa kanyang kompanya si V

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 65

    Awang ang bibig na napatitig si Laica sa mukha ni Hendrick. Nanatili itong nakaluhod sa harapan niya habang naghihintay ng kanyang isasagot. His eyes were full of love while staring intently at her. Kahit ilang saglit na ang dumaan na wala pa rin siyang naisasagot ay hindi niya man lang kinakikitaan ng pagkainip ang mukha nito. He was just waiting patiently as if his life depends on her aswer. Sa loob nga ng ilang saglit ay hindi nakahuma sa kanyang kinatatayuan si Laica at mataman na lamang na nakatingin sa kanyang asawa. Shock was an understatement to what she felt right at that moment. Sa dami ng alalahaning nasa dibdib niya nitong mga nakalipas na araw ay hindi niya inaasahang magpo-propose ito ngayon. Katunayan, hindi na niya naisip pang muli itong mag-aalok ng kasal sa kanya. She swallowed hard and stared at the ring that he was holding. Kumpara sa singsing na suot niya na ngayon, masasabi niyang mas mataas ang presyo ng hawak ng kanyang asawa. It was so elegant and Laica knew

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 64

    Magkatulong na inaalis nina Laica at Luke ang mga prutas na nasa mga supot saka inaayos ang mga iyon sa maliit na tray na nasa ibabaw ng bedside table. Dala ng kapatid niya ang mga prutas na iyon sa ospital kung saan naka-confine ang kanilang ama. Kararating lang nito at agad na niyang tinulungan sa mga dala-dalang prutas na ang mismong tiyahin nila ang bumili.Ikatlong araw na iyon ng kanilang ama sa ospital. Nasa isang pribadong silid na ito at nagpapalakas na lamang. Ayon sa doktor, kung sakaling magtuloy-tuloy ang pagbuti ng kalagayan ni Emil ay maaari na itong makalabas. Wala nang kailangan pang ipag-alala rito dahil base na rin sa paliwanag ng mga doktor sa kanila, masuwerteng walang natamaang ano mang vital organ ang balang tumama rito.And Laica was so thankful for that. Kahit sabihin pang nasa ospital pa ito ngayon, nakahihinga na rin siya nang maluwag.“Ipagsama-sama mo na lang ang mga ito at nang hindi makalat tingnan,” wika niya kay Luke sa marahang tinig na ang tinutukoy

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 63

    Hindi nakahuma si Laica sa kanyang kinauupuan matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Hendrick. Ilang beses na rin niya itong narinig na nagsabing mahal siya nito. Kahit noong magkasintahan pa lamang sila ay sadyang bokal ito sa nararamdaman para sa kanya.But hearing it once again right now made her teary-eyed. Ngayon niya gustong sabihin na sadyang napatunayan na niya kung gaano siya nito kamahal. He was so willing to do everything for her. Kung sakaling hindi lang sila nagkasira noon, maayos sana ang lahat sa pagitan nilang dalawa at hindi sana sila nagkahiwalay sa loob ng maraming taon.“I-I love you too, Hendrick,” aniya sa pabulong na tinig. “B-But please, I don’t want this to happen again. Hindi mo kailangang gantihan ang lahat ng taong nananakit sa iyo.”Alam niyang bahagya itong tinamaan sa huling pangungusap na binitiwan niya. Alam niya rin na nakuha nito ang ibig niyang ipahiwatig at iyon ay ang ginawa rin nito sa kanya--- ang pagplano nitong saktan din siya para makabawi

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 62

    Maingat na ipinarada ni Hendrick ang kanyang sasakyan sa harap ng gusaling nabili nila ni Vladimir. It was now newly renovated. Napadagdagan na rin nila ito ng karagdagang palapag dahilan para magkaroon ito ng mas malaking espasyong maaari nilang magamit.Ang unang palapag nga ay napagawan na nila ng salon and spa, ang negosyong pinili ng Tita Beth ng kanyang asawa. Nakausap niya na si Laica tungkol sa bagay na iyon at nasabi na niyang ito at ang tiyahin na nito ang pumili ng kung anong negosyong gusto simulan sa naturang lugar. They chose a salon and they named it Glow and Glam Salon.Sa ngayon ay handa na ang lahat para sa pagbubukas nila ng negosyo bukas. Ang cafeteria naman na ipinalagay nila sa ikalawang palapag ay balak nilang isunod ang pagbubukas sa susunod na mga araw.Napatay na niya ang makina ng kanyang sasakyan nang kinuha niya ang kanyang cell phone mula sa may dashboard at inilagay sa kanyang bulsa. Sinusubukan niya sanang matawagan ulit si Laica kanina habang nagmamane

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status