"Haggard natin ah" Asar na inakbayan ako ni Fara. Humihikab pa ako habang naglalakad kami sa hallway. Hindi ako nakatulog buong gabi.
Damn you Professor Torres! Kasama na namin si Celyse, nag-bakasyon lang pala ang gaga. Akala kasi namin ay hindi ito mag-aaral dito sa V.C.U. Plano kasi ng parents niya ay pag-aralin siya sa ibang bansa kasama ang Ate niya. "Bakit kasi mukha kang panda ngayon, Yvon? Ngayon palang magsisimula ang klase ah" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Fara, at sinalubong na lamang ang tatlong kaibigan na naglalakad papunta sa'min. Hindi pa ako kumain, kailangan ko pang pumasok ng tatlong araw para maibigay nila sa'kin ang nireklamo kong pera. Hindi na rin ako nakapag-hapunan kagabi. Pagod na pagod kasi ako, dumagdag pa yung Propesorang iyon sa iisipin ko. "Ibon, ayos ka lang?" Inirapan ko si Celyse, ayan na naman siya sa kaka-ibon niya. "Ayos lang ako Celia" Asar ko pabalik, tumawa naman si Ella at Fara ng bumusangot ang mukha nito. Tipid lang ang ngiting ipinakita ni Winter. Isa rin 'to, naninibago na ako sa kanya. Masyado siyang tahimik these past few days. Naghiwalay na kami ng direksyon, dahil hindi naman kami magkakapareha ng kursong kinuha. Ilan pa lang sa classmates ko ang nandito, binati ako ng ilan sa kanila, binati ko rin sila pabalik, ang iba naman ay parang wala lang. Hindi naman kami magkakilala kaya ayos lang. 710 ang pasok ko ngayong umaga sa subject na Pharmacology. 630 palang naman, umupo ako sa ikatlong row, sa may bintana ako puwesto. Inaantok ako saka nagugutom. Humikab ako at isinandal ang ulo sa upuan, ipinikit ang mga mata. Gusto kong matulog muna, kaso yung utak ko bigla-bigla nalang lumilipad doon sa babaeng walang hiyang ninakaw ang first kiss ko. Ang dami-dami kong problema, tapos hindi ako makapag-isip ng tama dahil binibwisit ako ng mukha ng Propesorang iyon. Ang ganda niya, pero na b-bwisit ako. Halikan ba naman ako tapos sabihing "You don't belong here, Suarez" You don't belong here my ass. Nagsidatingan na rin ang mga magiging classmates ko this semester. Ang ingay nila, sa totoo lang. Ilang saglit pa ay parang may dumaan na anghel, dahil naging tahimik bigla ang buong classroom. Napadilat ako sa tunog ng takong, parang biglang nawala ang antok ko at napa-ayos ng upo. Aphrodite goddess of beauty. Bakit ang unfair mo sa nilalang na ito? Masyado siyang maganda, deserve lang ng mga mata ko. Nakasuot ito ng Professional slim blazer jacket, with a pair of casual pants. Pulled back hair, pearl necklace and earrings. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito katagal, ngayon ko lang napansin ang cute na dimple niya. Sakto lang rin ang makeup niya, bagay na bagay sa kanya. Hindi sinasadyang napunta ang paningin ko sa mapupulang labi nito. Hindi ko aakalaing ito ang kumuha ng first kiss ko. Pero hindi ibig sabihin non ay pwede niyang gawin iyon sa'kin. Nakapangalumbaba ako, nangyari na. Saka hindi pa ako nakaka get over sa huling salitang binitawan niya. Bawat galaw niya ay nakasunod ang mga mata namin. Tila'y lahat ay takot makalikha ng ano mang ingay. Inilagay nito ang may maliit na markang Celine sa kanyang leather bag sa teacher's table at kumuha ng marker. Yes, ganyan ako ka focus sa bawat kilos niya na kahit iyon ay napansin ko pa. May isinulat siya sa white board. Jusko pati pagsulat at mga daliri niya kinaiinggitan ko na. Professor Lunabelle Vein Takashi Torres. Sulat nito. What a goddess name. Lahat yata sa kanya, kinaiinggitan ko. "In this subject, I will be your instructor. I just have one rule: if you want to pass this subject, you must be smart. I don't want a dumb student in my class." Ang aliwalas ng mukha niya, pero pag sa'kin nakatingin laging galit. Inilibot nito ang tingin sa'min. Gusto ko mang takpan ng notebook ang mukha ko, hindi rin pwede. Pwede naman akong umakto na parang wala lang. Pero hindi e, naiinis talaga ako sa kanya. Akala ko ba si Sir Duerme ang guro namin sa subject na'to? Bakit siya? Grabe naman siya sa ayaw niyang may bobong estudyante sa klase niya. Mabuti nalang matalino ako, tapos maganda pa. Tumingin agad ako sa ibang direksyon ng alam kong sa'kin na dumapo ang tingin niya. Kinakabahan ako lagi sa kanya. Tumingin na ako sa kanya ng lumipas na ang ilang segundo, pero agad akong pinamulahan dahil nakatingin pa rin ito sa direksyon ko. Titig na titig Ma'am ah. Her expression are stoic, mabuti na ito kaysa yung galit siya na parang gusto akong ialay kay Satanas. Alam kong deep inside minumura na naman ako nito. Naglakad ito sa harap saka sumandal sa table. "On a one fourth sheet of paper, write your name, age, and a brief description of this subject." Pagkatapos sabihin iyon ay agad kumilos ang mga classmates ko para kumuha ng papel. Nagsimula na naman silang mag ingay, parang one fourth lang e. "Quiet." Tumahimik naman lahat dahil sa malamig na usal nito. She's like a time bomb, any minute now alam kong magagalit na naman ito. Dumako na naman ang tingin nito sa'kin. Hala si Ma'am, bet yata ako. Dream on, Yvon. "Psst" Tumingin ako sa katabi ko. She's doing a sign language. Pipi ba 'to? "Ha?" Puzzled kong tanong pero mahina lang. Nag sign language ulit ito. "Pipi ka ba?" Ulit ko ng tanong, tumawa naman ito ng mahina. Yung tawang walang tunog. Weird. "Pahinging papel" Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito, siya yung nakita kong may kotse kanina tapos papel lang wala siya? Kafal naman talaga. Bibigyan ko na sana ng magsalita si Prof. Torres. "Gonzalez." Hinilot nito ang sentido. Ayan, magagalit na naman iyan. "M-ma'am?" Kabadong sagot nitong katabi ko, nag busy-busyhan nalang rin ako, bahala siya riyan. "Get out." Madiin nitong sabi. Nagtaka ako ng tumingin sa'kin itong katabi ko, gagi nagpapaawa. Ano aber ang magagawa ko? "Bakit kilala ako ni Ma'am?" Mahinang sabi nito, tarantado. Ako pa talaga tinanong. "Malay ko" Sagot ko naman. "Suarez" Taranta akong tumingin sa harap, galit na nga. Pero bakit niya ako tinawag? "Are you two trash talking about me?" Mabilis akong umiling. Tapos marahan ring tumango ang katabi ko. Punyetaaaa.. "You two go out." Wala na akong nagawa ng halos sumigaw na ito. Sa inis ay kinaladkad ko itong katabi ko palabas. Galit na galit ko siyang tiningnan ng may pagka lakasang sinaraduhan kami ng pinto. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?! " Medyo natakot naman ito kaya umatras. "Sorry na, natakot ako e" "Bakit mo'ko dinamay?" Nagkibit balikat ito. "Trip ko lang" P*****a talaga. "Lumayo-layo ka, dahil baka hindi ako makapagpigil ay masuntok kita." Humalukipkip ako sa gilid ng pintuan. Napakamalas talaga, kumakalam na nga yung sikmura ko, magkaka bad record pa sa unang araw ng klase. Tumabi ito sa'kin at kinalabit ako. Hindi ko siya pinansin. Isa pa ang Propesorang iyon. Napaka talaga..napaka ganda. "I'm Ava Gonzalez by the way." Hindi pa rin ako umimik. Sarap talagang tadyakan. "Ang sungit mo naman, de bale na kahit hindi ka magpakilala. Malalaman at malalaman ko rin naman." Inirapan ko ito. "Edi ikaw na, sana pina billboard mo." Naiinis na sabi ko. Napahawak ako sa ulo ng biglang sumakit ito. Mabilis naman akong inalalayan ni Ava ng bigla akong nahilo. Sa gutom 'to panigurado. "Hala, okay ka lang?" Tangnang tanong iyan, mukha ba akong okay? Umiling ako ng ilang ulit. "Okay lang ako" Nanghihinang sagot ko dito. "Gusto mong dalhin muna kita sa clinic? Mukhang kailangan mo ng pahinga e" Hindi na ako nakasagot dahil biglang sumakit ang tiyan ko. Pagkain ang kailangan ko.. Gusto ko mang sabihin ay hindi ko na nagawa, masyado na akong nahihilo. Hinayaan ko nalang siya ng inilagay niya ang balikat ko sa likod niya para alalayan akong maglakad. Nasa kabilang direksyon ang clinic kaya habang inaalalayan niya akong maglakad, bigla namang bumukas ang pintuan ng classroom namin. "Ma—Ma'am" Dahil siguro sa gulat at pagkataranta, nabitawan ako ni Ava, masyado na akong nanghihina para tumayo ng tuwid. Kaya pumikit nalang ako at hinintay ang pagbagsak ko sa malamig sa semento. Sa halip na matigas na bagay, dalawang malambot na braso ang sumalo sakin bago paman ako tuluyang masubsob sa semento. "What the fu—Suarez?" Dumilat pa talaga ako para makita ang mukha nito. "Ma'am" Mahinang usal ko at ngumiti, bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman. —————- Namulat ako ng makarinig ng tunog ng camera. Nag-inat pa ako at pumikit ulit habang binalot ang sarili ng kumot. Ang lambot naman dito, ang sarap matulog. "Princess Snow White gising na, walang prinsipe dito para humalik sa'yo" Sukat doon ay agad akong nagdilat ulit ng mata at bumangon. Inagap naman agad ni Winter ang ulo ko ng may kalasakang napasandal ako sa headboard ng higaan. Nagulat kasi ako. "Careful" Tinanguan ko lang siya at nag-pasalamat. Masama niya namang binalingan ang tatlo na humagikhik lang ng tawa. Agad kong naisip si Prof. Torres. "Si Professor Torres nasa'n?" Taka ko silang tiningnan ng weirdo silang tumingin sa'kin. "Famous ka na Ibon" Si Celyse. "Famous?" Pag-uulit kong tanong. "You slept for three hours, Professor Torres was waiting for you here for two hours." Si Ella na ang sumagot sa tanong ko kay Celyse. Gano'n ka tagal akong nakatulog? "Akalain mo iyon? Siya pa mismo ang nagdala sa'yo dito sa clinic, pinatawag pa kami isa-isa dito ng Assistant niya. Umalis lang siya ng nagsidatingan na kami. Wala naman siyang sinabi, pero galit na galit ang itsura nito." Wika ni Fara. Parang ayaw paniwalaan ng utak ko ang sinabi ni Ella na naghintay sa'kin ng dalawang oras si Prof. Torres. Para saan? Hindi naman siya obligado sa nangyari sa'kin. Bigla kong naalala yung halos sumigaw na ito ng palabasin kami ni Ava kanina. She's not worried, namamalikmata lang ata ako kanina. Siguro ginawa niya lang iyon dahil guro siya, at maraming nakakita sa'kin kanina. Mas madaling tanggapin na wala siyang choice, kumpara sa isipang nag-aalala ito sa'kin. Ang impossible lang kasi. "Pano niya nalaman na kayo ang mga kaibigan ko?" "Scholar ka ng parents ni Winter, malaki ang parte nila sa eskwelahang ito. Of course, she knows us Ibon. Ako, si Ella, si Fara at Winter. Yung mga parents namin, they're doing a lot of business here at V.C.U. Mabilis niya lang malaman at makilala ang lahat." Celyse was right, pamangkin siya ng may-ari. Pero mayaman na siya, bakit pa siya nagtuturo? Bakit hindi nalang siya mag travel ng mag travel. Pero ano bang pake ko? Saksakan sa sama ng ugali iyon e. "Parehas na tayong walang pasok today, Yvon. Saan mo gustong kumain?" Ngumiti ako kay Fara, ito ang gusto ko sa kanya e. "Uy, bakit si Ibon lang? Sama ako" "Celyse may black card ka" "Hindi naman akin iyon e" "Kahit hindi ka bigyan ng allowance sa isang taon, marami ka paring pera" "Mas mayaman ka naman, ilibre mo na kami lahat. Unfair naman kung si Ibon lang." Nagbabangayan na naman sila, napailing nalang ako. "Libre ko na kayo. Yvon, where do you want to eat?" Natigil naman sa pagbangayan ang dalawa sa sinabi ni Winter, parang koalang umangkla agad si Celyse sa balikat nito. "Winter, baby. Gusto ko sa Vivi's." With paawa effect pa ito. "Hoy! Celia, ang kapal talaga ng mukha mo, kailan pa nagkaroon ng Yvon ang pangalan mo?" Hinila ni Fara ang buhok ni Celyse at hindi naman nagpatalo ang isa. Ayun nagsapakan na. "Someone's trying to impress" Napatingin ako kay Ella sa sinabi niya. Ngumiti lang ito ng nakakaloko sa'kin. "You're saying something Ella?" Pag-iling ang isinagot nito kay Winter. "Gutom na'ko tara na." Sa halip na naging sagot nito. Aminin ko man o hindi, may parte sa'kin na gustong maniwala na nag-aalala sa'kin ang Propesora."𝐀𝐜𝐞, 𝐡𝐮𝐫𝐫𝐲 𝐮𝐩!""Sandali lang muna, okay?!" Naiinis na turan ko kay Ate. I already graduated as a doctor, and I got my license yesterday. Today we were going to celebrate. It's nothing big, just a private celebration with my family and friends.Kahapon ko pa tinatawagan si Luna. She doesn't answer my calls. Sobrang nakakatampo na nga e, wala siya noong graduation ko. Tapos ngayon mukhang wala na naman siya. Simula ng gawin naming official ang relationship namin, saka naman siya nagkaroon ng sunod-sunod na properties na kailangan asikasuhin.Halos wala na talaga siyang oras sa'kin. Bago siya umalis papuntang Singapore para sa business meeting, nagka-sagutan pa kami. Sinabi ko kasi sa kanya na ako nalang ang mag ta-trabaho, total kaya ko naman ng maibigay lahat ng gusto niya. I can now be able to provide for the both of us. But she got mad, kasi yung pagkakaintindi niya sa sinabi ko ay pang bahay lang talaga siya. Hindi naman talaga 'yon yung point ko e. I'm 25 now and she's
⚠️ 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆; 𝐒𝐏𝐆 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓 ⚠️ 💦 𝐏𝐀𝐓𝐍𝐔𝐁𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐊𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐋𝐀𝐘. 𝐑𝐄𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐎𝐖𝐍 𝐑𝐈𝐒𝐊. 𝐍𝐎𝐓 𝐅𝐎𝐑 𝐌𝐈𝐍𝐎𝐑𝐒🙅____________________“Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo?” she spoke first after a long silence.Kinabahan pa ako kanina dahil akala ko nawala si Zia. Yun pala, pakana niya lahat 'to—tinawagan na pala niya si Pria kahapon, habang lumabas ako sandali para kausapin ang lawyer ko.Pria is here now, which means Shane must have told her everything I said. I know Pria hates me, and seeing her here only means one thing—she already knows the truth.“Telling you the truth now… would it really fix anything that happened in the past? It won’t change anything. You still hate me,” I said honestly. I couldn’t even look at her. I was scared I might cry if I saw how cold her eyes had become. From the corner of my eye, I could see she was trying to keep herself calm. I didn’t know… maybe she wanted to shout a
"𝗧𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗼𝘂𝗹𝗱 𝗯𝗲 𝗳𝗿𝗲𝗲 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗵𝗼𝗽, 𝗠𝗮'𝗮𝗺." I paused when Clarisse said that. She's one of the staff here in the flower shop I always go to. I just wanted to make a little effort today, by picking different colors of the tulips, and I never wanted these things delivered. "What do you mean free? I’ll pay for it," tanong ko habang nakakunot ang noo. Pero ngumiti lang siya sa’kin at umiling. "Simula po nung naging regular customer namin kayo, dumami po talaga ang bumibili. As in, ang dami na pong dumadayo dito. Tumaas ang sales namin, pati na rin ‘yung mga online orders. Kaya sabi ng boss ko, libre na raw po as pasasalamat." Napataas lang ‘yung kilay ko saglit. I don't really like to take any treats. I can afford it, pero kung sasabihin ko iyon. It'll sound so ungrateful. Appreciate little things ika nga nila. Kaya instead na iyon ang sabihin, I come up with different words. "I don’t know why that has something to do with me," tanong ko, at medyo nagtat
It's been a week since I last saw Pria step into my office. And I knew right then that I needed to do something. I can't just sit there, longing for her and then just let her vanish. No, not again.“I needed to talk,”Shane just nodded. I want to win Pria back, but in order to do that, I need to clarify some certain things to Shane. That's why I texted her to meet me here on the SkyView rooftop. Akala ko nga ay hindi siya pupunta, pero nauna pa nga siya sa'kin dito. "Is this about winning my sister back?" I didn’t answer right away. I stared down at the lights. Ang ganda ng tanawin, ang presko ng hangin. Pero hindi nito matanggal yung bigat sa dibdib ko. How would I convince her na totoo ang nararamdaman ko sa kapatid niya? How would she believe me if her trust was already broken? Dahil kung tutuusin Shane has all the right to be mad at me. Hindi ko man sinadya, pero the situation like I was taking advantage of the situation dahil lang sa pinakiusapan niya ako to find more details a
𝗟𝘂𝗻𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩 I'm on my way to meet Drent and his girlfriend Kellie, my mind couldn’t stop running back to what Shane said yesterday. She said Pria was back, but didn’t explain anything. I wasn’t even sure if she meant Pria was back in the Philippines or somewhere else. But the moment I heard it, I felt something tightened in my chest. I didn’t know if it was fear or excitement. Maybe both. I held the steering wheel a little tighter, trying to calm myself down. I didn’t want to get my hopes up. For three years, I tried to move on. I kept myself busy with work, avoided certain places, and ignored everything that reminded me of her. But all it took was that one sentence from Shane, and I was back to feeling all of it again. Aligaga ako dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin sa oras na magkita kami. Ilang oras din ang inabot ko bago ako nakapili ng masusuot. I knew she had to meet me later at noon today, for a sign-up of the contract. Alam kaya niya na ako ang CEO ng Val
Yvon's POV. Pagkababa ko ng kotse sa harap ng mansion namin, parang biglang bumalik lahat ng memories. Ang daming emotions na hindi ko ma-explain. Tahimik ang paligid pero may kung anong bigat sa dibdib ko habang nakatingin ako sa buong mansion. After three years, finally… nakabalik din ako. A lot has changed in the past three years. I achieved so many things I never thought I could. I took business and medicine at the same time, and it wasn’t easy. There were sleepless nights, endless exams, and moments where I thought I couldn’t do it anymore. But I pushed through. I worked hard, every single day. I made myself busy, focused, and far from anything that could break me again. Hindi ko na binabanggit ang pangalan niya kahit kanino. Para sa’kin, tapos na ‘yon. Sarado na dapat ‘yung kabanatang ‘yon. Ngayon, mas confident na ako. Mas malakas. Sabi nila, mas gumanda raw ako. Pero more than that, mas naging buo na ako. I’ve grown. Hindi lang sa panlabas, pero sa loob din. Now, severa