Share

Cuatro

Penulis: Binibining_J
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-06 14:16:20

Umalis muna ako dahil sumenyas ito na pinapaalis ako. Pabor rin sa'kin iyon dahil nag halo-halo na ang nararamdaman ko. Nahihiya, kinakabahan, natatakot. Nasaan na ang manners ko kanina? Tanga ko kasi bakit hindi kasi ako kumatok. Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto.

Napatayo ako ng maayos ng lumabas ang matandang Jape, kahit kabado at nahihiya, ngumiti pa rin ako ng matamis saka yumuko. Nakahinga ako ng maluwag ng walang sabi itong umalis sa harap ko. Mabuti nalang hindi niya ako pinagalitan.

Tiningnan ko ang nakasaradong pinto. Pakiramdam ko tuloy impyerno itong papasukin ko. Alam kong naghihintay siya sa loob. Hindi naman siya ang sadya ko dito, kailangan ko ang trabahong ito. Huminga ako ng malalim, paulit-ulit. Inamoy ko ang sarili, baka kasi nangangamoy pawis na ako. Ayoko ng dagdagan pa ang kahihiyan ko ngayong gabi.

Humakbang na ako at kumatok. Narinig ko ang pag sang-ayon nito kaya pumasok na ako. Sinarado ko ang pinto, at agad akong yumuko ng humarap ako sa kanya.

Prente lang siyang nakaupo. Naka de quatro and she crossed her arm's.

"G-good e-evening  po Ma'am" Nakagat ko ang ibabang labi, sabing ayoko ng dagdagan pa ang kahihiyan ko, tapos nyetang puso 'to ayaw kumalma. Nadadamay pati pagsasalita ko.

"Come closer, Suarez." Malamig at naiinis niyang wika. Umangat ang ulo ko at agad ko ring pinagsisihan dahil masama ang mga tinging pinupukol nito sa'kin.

Galit na galit ito. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang ay ibuburol na ako bukas. Pero dahil wala naman kaming pera, baka sa dagat nalang ako ipalutang. Yumuko ako ulit at ilang beses napalunok.

Hindi naman giyera ang pinunta ko, pero daig ko pa ang nakipagbakbakan sa sobrang kabado. Lumapit ako sa kanya pero sinakto ko ang distansya. Napapikit pa ako dahil parang hinihele ako ng pabango niya, ang bango. Parang ang sarap niyang sunggaban ng yakap.

Cinnamon..

Dahil kabado pa rin ako, binigay ko sa kanya ang menu. Mali yata ako ng ginawa dahil mas lalo lang itong nagalit. Salubong na salubong na ang magaganda nitong kilay, yung singkit niyang mga mata na kulay hazelnut, galit na galit itong nakatingin sa'kin.

She's wearing a British style pink high-grade suit jacket, and a casual wide-leg trouser two-piece suit. Exposed rin ang maputi at makinis nitong tiyan na alam kong may abs. Her long candle fingers are now tapping the table, aggressively. Umangat ang tingin ko hanggang sa mukha niya. Her cute pointed nose, and her lips, parang strawberry. Pulang-pula ito at nakakaakit, napalunok na naman ako.

Gosh, she's really gorgeous. How can a woman be this exquisitely gorgeous?

"Done checking me out, Suarez?"              

Namumulang nag-iwas ako ng tingin. She's right, I'm checking her out. Bakit kasi ang ganda-ganda niya? Tumaob yung ganda ko. Wala naman siyang balak kunin yung menu sa kamay ko, kaya binawi ko na, parang tanga lang kasi na nasa ere.

"Kunin ko na po yung order niyo" Buti naman hindi na ako nautal. Baka kasi kaya galit siya dahil gutom na ito.

"You don't know what you're doing, do you? Where is Veronica?"  Hindi pa rin nagbabago ang expression nito. Medyo nasaktan ako sa way ng pagkakasabi niya, na hindi ko alam ang ginagawa ko.

Tama naman siya, Pero hindi niya ba pwedeng sabihin in a nice way? Hindi yung parang nang-iinsulto. Wagas pa kung makatingin. Ang pangit talaga ng ugali niya. Kasalanan ko ba kung nakakatakot siya? P*****a yung presensya niya nakakaubos kaya ng lakas.

"Na aksidente po noong isang araw Ma'am. Ako po muna ang pansamantalang papalit sa kanya" Inirapan ako nito, bakit ba may mga taong kusa nalang nagagalit ng hindi naman inaano? Yung totoo, naka busha ba kayo?

Patience Yvon... Patience

"I don't want you, I want Veronica, and can you fvcking stop pulling the hem of your uniform?! Tsk!"

Bungol ba siya? Kakasabi ko lang na na aksidente si Veronica. Ngatngatin ko iyang labi niya e.

Hala

Saka pake niya? Hindi nga kasi ako komportable dahil maiksi. Kung hindi ko lang kailangan ang trabaho ko, baka kanina ko pa siya minumura ng paulit-ulit dito. Hindi ako sumagot, bahala siya.

Kinuha niya ang mamahaling cellphone, na alam kong kahit isang taon akong mag trabaho dito ay hindi ko afford bilhin. May tinawagan ito kaya prente lang akong nakatayo. Nangangalay na nga ako, napaka sama talaga ng ugali. Hindi man lang ako inayang umupo. O hindi kaya pinaalis niya nalang sana ako. Nakita ko pang nakikipagtalo ito, pinag-masdan ko lang siya.

Bakit kaya ang sama-sama ng ugali nito? Hindi ko masasabing ang swerte ng boyfriend niya, kung meron man. Pero kahit ganon, pinagpala pa rin talaga siya sa kagandahan at yaman. Ako, eto maganda lang. Bumuntong hininga ito at napahilot sa sentido. Umarte lang ako na hindi ko siya pinag-mamasdan kanina lang. Bumalik na ito sa kinauupuan niya.

Kung siya lang rin naman ang magiging customer ko kung sakaling maging VIP waitress ako. Hindi bale nalang, mag t-tiyaga nalang ako sa maliit na sweldo. Hindi bale ng maliit basta hindi ako iniinsulto.

"You may leave, Suarez." Nagtataka man ay tumango ako sa kanya. Akala niya naman ginusto kong manatili dito.

Walang pagdadalawang-isip ay lumabas ako ng room. Sumikip ang dibdib ko, hindi ko kinaya ang pag trato niya sa'kin. Nag t-trabaho lang naman ako, nautusan lang. As if naman ginusto kong palitan iyang punyetang Veronica na iyan.

I*****k niya sa baga niya. Kanyang kanya na. Naabutan ko si Dexie saktong sasakay palang ako ng elevator pababa. She looked at me apologetically.

Masama talaga ang loob ko, parang ang hirap mag trabaho ng ganito. Iyakin pa naman ako.

"Sorry, that one is a jerk. I've switched your room with Bria. Don't worry, the VIP guest in room W37 is courteous." She tapped my shoulder, saka binigay sa'kin ang room number at binigay ko rin naman yung room W35.

"Sasapakin ko lang ang isang iyon"  Napatingin ako sa kanya. Mahina lang kasi ang pagkakasabi niya.

"Po?" Umiling ito at ngumiti.

"Go to room W37, Darling. Continue your work" Nagulat ako ng halikan ako nito sa pisnge. Mahina itong tumawa at kinindatan pa ako bago umalis.

Confirm, nilalandi talaga ako non.

Nagtungo muna ako ng cr bago puntahan ang room W37. Kanina ko pa gustong suriin ang sarili ko dahil pakiramdam ko, nagmumukha na talaga akong ewan.

Naghugas ako ng kamay, hindi mabura sa isip ko yung galit na mukha ni Prof. Torres. Ganon ba talaga siya sa lahat o sadyang sa'kin lang? Bakit naman sa'kin lang? Wala naman akong atraso sa kanya para magalit siya ng ganon.

Kung ang ikinagagalit niya dahil lang sa pagpalit ko sa posisyon ni Veronica, pwes dalhin niya hanggang sa ikamatay niya. Wala naman akong plano mang agaw ng posisyon. Kapal ng mukha niya.

Nagulat ako sa malakas na pagsara ng isang cubicle. Nanlaki ang mata ko ng makita sa repleksiyon ng salamin kung sino ang taong iyon. Galit na naman, kailan niya ba ako titingnan ng hindi galit? Mas lalo pa akong nagulat dahil sa bakas ng lipstick na nasa pisngi ko.

Dali-dali ko itong pinahid ng hindi inaalintana ang mga matang masamang nakatingin sa'kin. I cursed inside, bakit ang hirap tanggalin?

Natuod ako at natigil sa ginagawa ng malanghap ko ang nakakahalinang bango nito, para siyang nakayap sa'kin. Nasa magkabila ang dalawang kamay nito, I'm in between her arms. Hindi ko na mabilang kung naka ilang mura na ako sa isip ko.

Jusko, yung dalawang kayamanan niya ay ramdam na ramdam ko sa likod ko. Naiilang na talaga ako, lalo pa't pasimple nitong inamoy ang buhok ko.

Mameyaah, sunsilk lang po yung afford kong shampoo.

Para akong nagka heart attack sa bilis ng tibok ng puso ko, parang kunti nalang matatangal na ito sa ribcage ko. Nanginginig ako, hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot o ano.

Marahas niya akong pinaharap sa kanya, kabado man at nalilito, sinalubong ko ang galit nitong mga mata. Kung kanina likod ko lang ang nakakaramdam ng dalawang umbok niya, ngayon yung hinaharap ko naman. Hindi ako flat chested, may maipagmamalaki rin naman ako sa magiging boyfriend ko.

Grabeng torture na ito..

Tinulak ko ito, pero sadyang mas malakas siya ay hindi ko siya matulak palayo. Nakaka suffocate, nahihirapan akong huminga.

Nag-iwas ako ng tingin at nanatili na lamang tumingin sa kisame, baka sakaling makahanap ng butike at matulungan ako sa sitwasyon ko.

Anong kabobohan iyan, Yvon?

Nalalanghap ko ang mabango niyang hininga na may kasamang amoy ng wine.

Lasing yata to e.

"Who really the fvck are you Suarez?  You're confusing the hell out of me." Napapikit ako ng mas inilapit niya pa ang mukha sa bandang leeg ko. Siya itong hindi ko maintindihan. Kung hindi lang siya babae ay baka kanina pa'ko nagsisisigaw rito.

Harrasment na 'to ah.

Pero kung kasing ganda niya rin naman, why not diba?

T_T

Yung utak ko, hindi na nakakatuwa.

"Ma'am—" Naputol yung gusto ko sanang sabihin ng inilagay niya ang isang daliri sa labi ko, and I'm sure as heaven's paradise. Hindi ko nagugustuhan ang response ng sistema ko.

My body's liking it.

"Shh..don't, don't talk" Naninding ang balahibo ko ng ibinulong niya ito sa tainga ko. Dumistansya siya, pero konting-konti lang.

Tinitigan niya ako, at basta nalang napadaing sa sakit ng madiin niyang pinahid ang bakas ng lipstick sa pisnge ko, gamit ang kamay niyang may hawak ng panyo.

Ni hindi ko nga napansin na hawak niya iyon kanina. Tuluyan na akong nakahinga ng maluwag ng sa wakas ay dumistansya na ito. Umatras lang siya pero nakatitig pa rin sa'kin.

Napangiwi ako habang hinihimas ang pisngi. What's wrong with her?! Masyado na akong naguguluhan sa mga ikinikilos niya. Mapungay ang mga mata nito, yung titig niya parang ang hirap maunawaan. Lasing nga siya.

"Did you like it? " Hindi ko siya pinansin. Hindi ko naman alam ang sinasabi niya.

Gusto ko na nga siyang sampalin dahil namumula ang pisnge ko sa pagdiin ng kamay niya. Mabilis kong binura ang lipstick gamit ang tubig at panyo. Sa wakas ay tuluyan ko na itong nabura.

"Her kiss, did you like it?" She's drunk, hindi niya alam ang sinasabi niya.

Kailangan ko ng umalis, hindi siya ang VIP customer na pagsisilbihan ko. Bahala na siya riyan. Humakbang na ako ng higitin niya ng marahas ang braso ko at labag sa loob na napaharap ulit sa kanya. Salubong na rin ang kilay ko, konting-konti nalang mauubos na ang pasensya ko. Ikinulong niya ulit ako sa magkabilang balikat niya.

"Answer my godamned fvcking question, Suarez."  Madiin niyang usal at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa braso ko.

"Did you fvcking like it?" Ulit niya. Naririndi na talaga ako, kanina niya pa ako minumura.

"Ma'am—" Naputol na naman ako sa pangalawang pagkakataon.

Nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala, dilat rin ang singkit at maganda nitong mata. She shut me off using her luscious lips. Para akong kinikiliti sa loob ng kalamnan ko, I feel like owning a freaking zoo. Parang may nagsiliparan sa loob.

Walang gumalaw, parehas lang kaming nakatitig sa isa't-isa, habang magkalapat pa rin ang mga labi. Hinagilap ko pa ang lakas ko bago buong pwersa siyang tinulak. Nanghihinang kinapa ko ang dibdib. Yung puso ko..

It's not beating normally..

Para akong naiiyak dahil hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko. Ang hirap ma point out. Nakatalikod na ito sa'kin at mukhang aalis na, inayos niya ang suit jacket. Nakita ko pa ang pagyukom ng mga palad nito.

"You don't belong here, Suarez."  Malamig nitong saad, pagkatapos ay basta na lamang ako iniwan.

The fvck?!!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Save Me   Epilogue

    "𝐀𝐜𝐞, 𝐡𝐮𝐫𝐫𝐲 𝐮𝐩!""Sandali lang muna, okay?!" Naiinis na turan ko kay Ate. I already graduated as a doctor, and I got my license yesterday. Today we were going to celebrate. It's nothing big, just a private celebration with my family and friends.Kahapon ko pa tinatawagan si Luna. She doesn't answer my calls. Sobrang nakakatampo na nga e, wala siya noong graduation ko. Tapos ngayon mukhang wala na naman siya. Simula ng gawin naming official ang relationship namin, saka naman siya nagkaroon ng sunod-sunod na properties na kailangan asikasuhin.Halos wala na talaga siyang oras sa'kin. Bago siya umalis papuntang Singapore para sa business meeting, nagka-sagutan pa kami. Sinabi ko kasi sa kanya na ako nalang ang mag ta-trabaho, total kaya ko naman ng maibigay lahat ng gusto niya. I can now be able to provide for the both of us. But she got mad, kasi yung pagkakaintindi niya sa sinabi ko ay pang bahay lang talaga siya. Hindi naman talaga 'yon yung point ko e. I'm 25 now and she's

  • Save Me   Cincuenta y cuatro

    ⚠️ 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆; 𝐒𝐏𝐆 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓 ⚠️ 💦 𝐏𝐀𝐓𝐍𝐔𝐁𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐊𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐋𝐀𝐘. 𝐑𝐄𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐎𝐖𝐍 𝐑𝐈𝐒𝐊. 𝐍𝐎𝐓 𝐅𝐎𝐑 𝐌𝐈𝐍𝐎𝐑𝐒🙅____________________“Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo?” she spoke first after a long silence.Kinabahan pa ako kanina dahil akala ko nawala si Zia. Yun pala, pakana niya lahat 'to—tinawagan na pala niya si Pria kahapon, habang lumabas ako sandali para kausapin ang lawyer ko.Pria is here now, which means Shane must have told her everything I said. I know Pria hates me, and seeing her here only means one thing—she already knows the truth.“Telling you the truth now… would it really fix anything that happened in the past? It won’t change anything. You still hate me,” I said honestly. I couldn’t even look at her. I was scared I might cry if I saw how cold her eyes had become. From the corner of my eye, I could see she was trying to keep herself calm. I didn’t know… maybe she wanted to shout a

  • Save Me   Cincuenta y tres

    "𝗧𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗼𝘂𝗹𝗱 𝗯𝗲 𝗳𝗿𝗲𝗲 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗵𝗼𝗽, 𝗠𝗮'𝗮𝗺." I paused when Clarisse said that. She's one of the staff here in the flower shop I always go to. I just wanted to make a little effort today, by picking different colors of the tulips, and I never wanted these things delivered. "What do you mean free? I’ll pay for it," tanong ko habang nakakunot ang noo. Pero ngumiti lang siya sa’kin at umiling. "Simula po nung naging regular customer namin kayo, dumami po talaga ang bumibili. As in, ang dami na pong dumadayo dito. Tumaas ang sales namin, pati na rin ‘yung mga online orders. Kaya sabi ng boss ko, libre na raw po as pasasalamat." Napataas lang ‘yung kilay ko saglit. I don't really like to take any treats. I can afford it, pero kung sasabihin ko iyon. It'll sound so ungrateful. Appreciate little things ika nga nila. Kaya instead na iyon ang sabihin, I come up with different words. "I don’t know why that has something to do with me," tanong ko, at medyo nagtat

  • Save Me   Cincuenta y dos

    It's been a week since I last saw Pria step into my office. And I knew right then that I needed to do something. I can't just sit there, longing for her and then just let her vanish. No, not again.“I needed to talk,”Shane just nodded. I want to win Pria back, but in order to do that, I need to clarify some certain things to Shane. That's why I texted her to meet me here on the SkyView rooftop. Akala ko nga ay hindi siya pupunta, pero nauna pa nga siya sa'kin dito. "Is this about winning my sister back?" I didn’t answer right away. I stared down at the lights. Ang ganda ng tanawin, ang presko ng hangin. Pero hindi nito matanggal yung bigat sa dibdib ko. How would I convince her na totoo ang nararamdaman ko sa kapatid niya? How would she believe me if her trust was already broken? Dahil kung tutuusin Shane has all the right to be mad at me. Hindi ko man sinadya, pero the situation like I was taking advantage of the situation dahil lang sa pinakiusapan niya ako to find more details a

  • Save Me   Cincuenta y uno

    𝗟𝘂𝗻𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩 I'm on my way to meet Drent and his girlfriend Kellie, my mind couldn’t stop running back to what Shane said yesterday. She said Pria was back, but didn’t explain anything. I wasn’t even sure if she meant Pria was back in the Philippines or somewhere else. But the moment I heard it, I felt something tightened in my chest. I didn’t know if it was fear or excitement. Maybe both. I held the steering wheel a little tighter, trying to calm myself down. I didn’t want to get my hopes up. For three years, I tried to move on. I kept myself busy with work, avoided certain places, and ignored everything that reminded me of her. But all it took was that one sentence from Shane, and I was back to feeling all of it again. Aligaga ako dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin sa oras na magkita kami. Ilang oras din ang inabot ko bago ako nakapili ng masusuot. I knew she had to meet me later at noon today, for a sign-up of the contract. Alam kaya niya na ako ang CEO ng Val

  • Save Me   Cincuenta

    Yvon's POV. Pagkababa ko ng kotse sa harap ng mansion namin, parang biglang bumalik lahat ng memories. Ang daming emotions na hindi ko ma-explain. Tahimik ang paligid pero may kung anong bigat sa dibdib ko habang nakatingin ako sa buong mansion. After three years, finally… nakabalik din ako. A lot has changed in the past three years. I achieved so many things I never thought I could. I took business and medicine at the same time, and it wasn’t easy. There were sleepless nights, endless exams, and moments where I thought I couldn’t do it anymore. But I pushed through. I worked hard, every single day. I made myself busy, focused, and far from anything that could break me again. Hindi ko na binabanggit ang pangalan niya kahit kanino. Para sa’kin, tapos na ‘yon. Sarado na dapat ‘yung kabanatang ‘yon. Ngayon, mas confident na ako. Mas malakas. Sabi nila, mas gumanda raw ako. Pero more than that, mas naging buo na ako. I’ve grown. Hindi lang sa panlabas, pero sa loob din. Now, severa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status