Share

Seis

Author: Binibining_J
last update Last Updated: 2025-06-06 14:18:09

Dumeretso kami sa Mall matapos kumain sa Vivi's. Mahal doon saka pang mayaman lang talaga, kaya gusto ko sana sa jollibee. Kaso ang kulit kasi ni Celyse, akala ko pa naman gusto niya do'n kumain. Tapos malalaman lang namin na crush niya pala ang anak ng may-ari na siyang namamahala sa Vivi's.

Hindi ako masyadong nabusog, iba pa rin kasi kumain ng mga pagkain kinasanayan ko na. Hindi pala ako pwede sa mga pang mayaman restaurant, hindi ko ma gets kung alin ang nakakapagmahal ng pagkain nila. Yung plating o yung isang piraso lang ng pagkain. Yung halaga ng cheesecake nila pang grocery ko na sa tatlong buwan.

"Yvon, dadaan ako sa bookstore. Gusto mong sumama?" Aya sa'kin ni Ella, wala naman akong gagawin dito. Sumama lang talaga ako sa kanila kasi mamayang alas dos pa naman ang sunod na klase ko. Hinila naman agad ako ni Fara.

"She's coming with me, Ella. Bibili ako ng dress." Napatingin ako kay Winter ng hawakan naman nito ang isang kamay ko.

"No, she's coming with me. I know a place, you'll like it Yvon."

Nakita ko pang sabay na umirap si Ella at Fara. Natatawa akong dumistansya sa kanila, bakit ba kasi nila ako pinag-aagawan? Kahit naman wala akong gawin basta kasama lang sila apat, masaya na'ko.

Bakit kasi hindi nalang kami sabay pumunta sa mga gustong puntahan nila? Tumingin ako kay Celyse ng kalabitin ako nito. Busy kasi ito laging maglaro ng ML, mula kaninang paglabas namin sa Vivi's. Hindi na natanggal ang mata niya kakalikot ng cellphone niya. Ibinulsa nito ang cellphone.

"Arcade ta'yo?" Mabilis akong tumango, gusto kong sumama sana kay Ella. Kaso wala naman akong pera para bumili ng librong gusto ko.

Kung kay Fara naman, malulula lang ako sa mga presyo ng mga damit. Nahihiya na rin ako kay Winter, ang dami na niyang naitulong sa'kin. Kaya kay Celyse nalang, mag-eenjoy ako sigurado.

"Sama ka, Winter baby?" Baling niyang tanong kay Winter at inilingkis na naman nito ang mga kamay sa braso ng isa. Parang koala talaga.

Matagal na siyang ganyan kay Winter kaya nasanay na rin kami. Sa huli ay wala silang nagawa kundi ang sumama sa'min ni Celyse. Since ayaw naman nilang gumala mag isa dito sa mall, sabay nalang kaming nagtungo sa Arcade.

Nakailang ikot kami sa Arcade para subukan ang iba't-ibang laro. Nang mapagod na kami, napag pasiyahan na namin na huling sumakay sa bumper cars, pagkatapos ay babalik na sa V.C.U.  Baka kasi ma late kami.

"Hoy! Gago ka Celyse! Kakalbuhin talaga kitang bruha ka!" Natatawang iniatras ng isa ang bumper car niya, binangga niya kasi si Fara ng malakas, muntik pa nga itong mahulog.

Kapag silang dalawa talaga ang magkasama, iiyak ang araw kapag hindi sila nagbabangayan dalawa.

"You're such a weak baby turtle Fara." Asar na sabi ni Celyse, babanggain niya pa ulit ito ng iniharang na ni Winter ang bumper car niya. Namumula at galit na galit na bumaba si Fara, bumaba na rin ako at si Ella saka nilapitan ito.

"What is fvcking wrong with you?!" Minsan lang magalit si Winter, kahit ako ay nakaramdam ng takot sa kanya ng makita ang seryoso at galit na mukha nito. Ngayon lang ito nagalit ng ganito.

Lagi namang ganyan si Fara at Celyse, pero ngayon kasi parang sumobra na. Masyado na silang nag p-personalan dalawa.

"We're just having fun, Winter." Hindi nakasagot si Winter sa galit na bwelta ni Celyse.

Bakit parang nakakatakot itong mga kaibigan ko kapag nagagalit? Lahat kami ay hindi naka react ng basta na lamang lumapit si Fara kay Celyse at sinampal ito.

"I hate you!" Hindi na ako nakapalag ng hilain ako nito. Ella just give me a nod, naiwan silang dalawa ni Winter dahil pinigilan nila si Celyse ng akmang susunod pa ito kay Fara.

I'm confused..

Masyado na ba akong na m-mroblema sa pera dahil hindi ko na napapansin ang mga kaganapan nilang apat?

Nakarating kami ng parking lot ng walang imikan. I was silently praising her Mercedes Maybach Exelero car ng hilain ako nito papasok, muntik pa akong mauntog kung hindi lang ako mabilis na yumuko.

Sa'ming lima, mas close talaga kami ni Fara, she's like my soul sister. Pero sa tuwing uuwi na, kay Winter ako laging sumasabay, kaya kahit kailan ay hindi pa ako nakakasakay sa alin mang sasakyan niya. Kaya ngayon ay nakakapagtaka lang. Umayos ako ng upo at inayos ang seatbelt.

Nagsimula na itong mag maneho. Namumula pa rin ang pisnge nito at seryoso lang na nakatingin sa daan. Minu-minuto rin ang pagdiin ng paghawak nito sa manibela. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Celyse.

Hindi naman siya ganito noon kapag napipikon siya sa pang-aasar ng isa. Iba na talaga ngayon, hindi naman siya ganito mag react kung walang mas malalim na dahilan.

"Fara" Tawag ko sa kanya, ilang ulit itong huminga ng malalim.

"I'm okay" Tipid na sagot nito, hindi nalang ako nagpumilit na magtanong. Her silence says it all, ayaw niya pang magsabi.

Thirty minutes nalang alas dos na. Marahan niyang ipinarada ang sasakyan ng makarating kami ng V.C.U matapos kaming papasukin ng bagong guard. Nauna siyang lumabas kaya sumunod na rin ako, wala pa rin kaming imikan.

Umikot ito at lumapit sa'kin, basta na lamang itong yumakap sa'kin at naramdaman ko nalang ang pagbasa ng balikat ko. Magka-height lang rin kami sa height na 5'4.

Tatangkad pa ako, e mamanifest ko iyan.

She's crying. Niyakap ko siya pabalik at marahang hinaplos ang likod nito. Mas lalo lang itong umiyak at narinig ko nalang ang pag hikbi niya.

"Ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyo ni Celyse?"

"Iโ€”I ha-hate her, Yvon. Shโ€”she's hurting m-me."

Hindi naman siguro siya masasaktan ng ganito dahil lang sa sinabihan siya ni Celyse na weak baby turtle noh? Yep, there's more than that. Enough na siguro muna yung sinabi niya. She needs time, kapag medyo okay na at kaya na niyang sabihin sa'kin.

Hindi ko na kailangan pang magtanong, kusa naman siyang magsasabi. Tumagal ng ilang minuto na magkayakap kami at umiiyak lang siya sa balikat ko. Nang matapos siya sa pag-iyak ay kusa na itong kumalas ng yakap. Pinahid ko pa ang maliliit na butil ng luhang lumalandas sa mapupulang pisnge nito. Tumawa ako ng makitang ang pula rin ng ilong nito.

"Ang pangit mo Fara."

"Mas pangit ka."

Nagtawanan nalang kami na parang walang nangyari.

"Tara, may damit ako sa locker." Taka ko siyang tiningnan sa sinabi niya, tinuro niya ang balikat ko na basa na ng luha niya. Nginitian ko nalang siya at sabay na pumasok sa loob.

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”-

"Pumayag ka na kasi." Inikutan ko ng mata si Ava at hindi pinansin. Akala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya sa'kin kanina, pwes hindi, at hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Wala na kaming pasok, dahil pumasok lang si Sir Ethan para magbigay ng assignment. Kaya plano kong pumunta ng library.

"Bakit ba ayaw mo'kong maging kaibigan?" Hindi naman na tinatanong iyon, una ayoko sa ugali niya, pangalawa mayaman siya. Sigurado akong mayaman rin ang circle of friends niya. Kuntento na ako na si Ella, Celyse, Winter at Fara lang ang kaibigan ko.

"Hi, Yvonne"

"Hello, Yvonne"

"Yvonne, are you free later?"

Awkward akong ngumiti sa kanila ng hindi nagsasalita. Bakit nila ako kilala? Tumigil ako sa paglalakad at humarap kay Ava.

"Bakit nila ako kilala?" Parang siraulo itong ngumiti, sarap talagang sapakin.

"Now you're talking" Kanina ko pa kasi siya hindi pinapansin at sinasagot. Gusto niyang maging kaibigan ako, e ayaw ko nga sa kanya. Unang araw palang tapos ganon na agad? Kapag naging kaibigan ko ito baka mas malala pa roon ang gagawin niya.

Haysss, mayayaman nga naman.

"Hindi naman kita pinipilit na sumagot, alis na nga" Bagsak balikat itong inikutan ako ng mata, aba't siya pa itong nagmamaldita.

Nagtaka ako ng hilain ako nito, pero ang mas ipinagtataka ko halos talaga ng mga estudyanteng nadadaanan namin ay alam ang pangalan ko. Pakiramdam ko may kinalaman dito si Ava, kaya nagpatianod nalang ako sa kanya.

Nasa labas na kami.

Kusang tumigil ang mga paa ko at natuod sa nakita, kung pwede lang akong magpalamon sa lupa ay walang pagdadalawang isip ginawa ko na. Humarap si Ava sa'kin at ngumiti ng nakakaloko.

"Well, did you like it?" So, siya ang may gawa nito. Marami rin sa mga estudyante ang saglit na titigil para lamang titigan ang nasa billboard at ako. Napahilot ako sa sentido, parang hihimatayin ulit ako. Hindi sa gutom, kundi sa kahihiyan.

Pina billboard ba naman sa harap ng V.C.U yung mukha ko. Aminado akong maganda ako, pero yung picture kasi ay halatang sa f******k lang kinuha, kuha iyon 5 years ago. Ang uhugin ko pa tingnan, yung damit ko, yung buhok, yung peace sign, jusko lahat nakakahiya. Nakapaskil pa ang kompleto kong pangalan.

Yvonne Capriana Ace Suarez

Ayoko sa second name ko na Capriana, kaya nga tuwing nagpapakilala ay hindi ko iyan sinasama. Tinatawag kasi ako ng mga kaibigan ko noon na Capri, tunog kapre kasi. Kaya ayoko, tapos itong siraulong hinayufak na ito ay ibinalandra sa buong University. Matatanggap ko pa kung wala ang pangalan ko roon, pero p*****a kulang nalang ilagay doon kung saan ako nakatira.

"Edi ikaw na, sana pina billboard mo." Bigla kong naalala ang sinabi ko sa kanya kaninang umaga. Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa bumulagta dito si Ava. I clenched my fist, kulang talaga ang isang suntok sa kanya. Kung mamamatay man ako sa kahihiyan, at least mabugbog ko ng todo ang isang 'to.

"Hey, easy..diba sabi mo kanina Edi ikaw na, sana pina billboard mo. Ayan, naging masunurin lang akong kaibigan" Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang galit, hiya na umuusbong sa sistema ko.

Naglilat ako ng mata at galit na tumingin sa kanya, umatras siya hanggang sa tumakbo na ito, hindi ko hahayaang hindi magulpi ang isang iyon. Hahabulin ko pa sana ito ng matigil ako sa isang malamig at maowtoridad na boses.

"Suarez, follow me to the office."

Basta nalang itong tumalikod, hindi sana ako susunod pero muli itong humarap at tinawag ang apelido ko. Gugulpihin ko talaga si Ava kapag nakita ko siya ulit. Kulang nalang talaga lagyan ko ng sako ang ulo ko, nakakahiya talaga.

Tapos paano pa ngayon ako kakalma? Pinapapunta ako sa office ng taong gusto ko munang iwasan muna. Gusto kong magpasalamat sa kanya, pero hindi muna ngayon. Pwede namang bukas o sa makalawa.

Basta hindi ngayon, bago ako nawalan ng malay kanina. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang malalambot na braso nito na siyang sumalo sa'kin. Parang ang sarap lang mawalan ng malay paulit-ulit tapos siya yung sasalo.

(โ‰งโˆ‡โ‰ฆ)/

Ang bango e, sarap yakapin lagi. Jusko yung puso ko, kalma lang.

Kusa akong napapikit ng makapasok sa office niya, I felt like I'm embracing her. Kasing bango niya ang office niya.

"Sit" Napaka bossy nitong magsalita, automatic agad na napapasunod ako. Umupo naman agad ako sa couch na nasa gilid gaya ng sinabi niya.

Umupo ito sa swivel chair niya, pinasadahan ko pa ng tingin ang pangalan niyang nakaukit sa silver plate, at hindi sinasadyang napunta ang paningin ko sa expose nitong legs, mabilis akong umiwas. Bakit ang iksi naman ng suot mong skirt Ma'am?

Hindi ko maintindihan, para kasing gusto kong hawakan.

Inilagay ko ang dalawang kamay sa hita, nilaro-laro ang mga daliri. Kinakabahan na naman kasi ako. Bigla namang bumalik sa'kin ang nangyaring eksena sa Wintersea, nag-salubong agad ang dalawang kilay ko.

"Are you friends with Gonzalez?" The way she speaks, kung hindi galit ay parang naiinis, o hindi kaya ang lamig. Umiling ako.

"Use your voice, Suarez." Ayan naiinis na.

"No, Ma'am." Sigurado akong nakita niya rin yung nasa billboard kanina.

"Ma'am?" Umarko lang ang kilay nito, may ginagawa kasi ito sa laptop niya. Itatanong ko sana kung paano matatanggal yung dugyot kong mukha sa billboard. Ayoko ng ipagpabukas.

"Waโ€”wala" Wag nalang pala. Umiwas ako ng tuluyan na itong tumingin sa'kin. Galit ako sa kanya, pero hindi ko kayang salubungin ang magaganda at nakakaakit na singkit nitong mata.

"How's your feeling?" Hindi ko alam kung magiging masaya ako sa naging tanong niya, galit pa rin kasi ako.

"O-okay na'ko Ma'am" Bakit ba nagkanda utal-utal ako kapag kausap siya? Pakiramdam ko parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Luna" Sukat doon ay tumingin ako sa kanya.

"Po?"

"Call me Luna when it's just the two of us, Suarez." 

"Pero bakit po?" Naguguluhan na talaga ako, yung boses niya kasi katulad noong nasa Wintersea comfort room kami.

Bago paman niya ako halikan non. Ganitong ganito. Mabini itong tumawa, parang hinaplos ang puso ko kahit tumagal lang iyon ng ilang segundo. Inusog niya ang swivel chair.

"Come here." Parang tanga naman akong sumunod sa kanya, nakakawala siya ng katinuan. She tapped her lap, agad nanlaki ang mata ko.

"B-bakit p-po?"

"Drop the po's Suarez." She tapped her lap again, ayoko nga.

"Ano pโ€”ano ba kasi ang kailangan niyo sa'kin?"

Nakaramdam ako ng kaba ng naningkit ang mata nito, tumayo ito kaya umatras naman ako. Napatili ako ng pwersahan akong hinila nito at tuluyan ng napaupo sa lap niya. Nakatalikod ako sa kanya. Yung sistema ko nagwawala na.

This is a total harassment. Sexual harassment.

Pero bakit ganon? Wala akong maramdamang pagtutol ng katawan ko. เฒฅ_เฒฅ

Aarte pa ba ako?

"Better" Inamoy na naman nito ang buhok ko, nakaramdam ako ng kiliti buhat do'n. Malapit lang rin kasi sa tainga.

"Maโ€”aray!" Daing ko ng kurutin nito ang tagiliran ko.

"Luna" Ulit ko, naramdaman kong natigilan ito. Halos mapatayo ako ng marahang kinagat nito ang tainga ko.

"Say it again, Pria"

Pria..

Wala sa wisyong napangiti ako. Parang ang ganda lang e, lalo na kapag sa kanya galing. Ewan, kinilig ako sa bagong nickname.

Marupok

Hindi kaya.

Akala ko tatayo na talaga kami at papakawalan na'ko, ganon nalang ang pagkagulat ko ng pinaupo niya ako ulit ng nakaharap na sa kanya. Deep inside, nagugustuhan ko ito.

"I still remember the kiss" Namula agad ako, bakit naman kasi iuungkat pa iyon. Ayoko na ngang isipin e.

Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito ka lapit. Ang ganda ganda niya talaga. Masyadong makinis, masyadong mapagpala. Napangiti ulit ako sa cute niyang dimple.

"And I want to do it again, properly." Masyado akong nadistract ng kagandahan niya kaya hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. Nalipat naman ang tingin ko sa mapang-akit at mapupula nitong labi, hindi sinasadyang napalunok ako.

Narealize ko na naghihintay ito sa sasabihin ko kaya magsasalita palang ako ng kabigin nito ang batok ko bago siniil ng halik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Save Meย ย ย Epilogue

    "๐€๐œ๐ž, ๐ก๐ฎ๐ซ๐ซ๐ฒ ๐ฎ๐ฉ!""Sandali lang muna, okay?!" Naiinis na turan ko kay Ate. I already graduated as a doctor, and I got my license yesterday. Today we were going to celebrate. It's nothing big, just a private celebration with my family and friends.Kahapon ko pa tinatawagan si Luna. She doesn't answer my calls. Sobrang nakakatampo na nga e, wala siya noong graduation ko. Tapos ngayon mukhang wala na naman siya. Simula ng gawin naming official ang relationship namin, saka naman siya nagkaroon ng sunod-sunod na properties na kailangan asikasuhin.Halos wala na talaga siyang oras sa'kin. Bago siya umalis papuntang Singapore para sa business meeting, nagka-sagutan pa kami. Sinabi ko kasi sa kanya na ako nalang ang mag ta-trabaho, total kaya ko naman ng maibigay lahat ng gusto niya. I can now be able to provide for the both of us. But she got mad, kasi yung pagkakaintindi niya sa sinabi ko ay pang bahay lang talaga siya. Hindi naman talaga 'yon yung point ko e. I'm 25 now and she's

  • Save Meย ย ย Cincuenta y cuatro

    โš ๏ธ ๐–๐€๐‘๐๐ˆ๐๐†; ๐’๐๐† ๐€๐‹๐„๐‘๐“ โš ๏ธ ๐Ÿ’ฆ ๐๐€๐“๐๐”๐๐€๐˜ ๐€๐“ ๐†๐€๐๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐Š๐‹๐€๐€๐ ๐Œ๐Ž๐๐† ๐“๐€๐†๐‹๐€๐˜. ๐‘๐„๐€๐ƒ ๐€๐“ ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐Ž๐–๐ ๐‘๐ˆ๐’๐Š. ๐๐Ž๐“ ๐…๐Ž๐‘ ๐Œ๐ˆ๐๐Ž๐‘๐’๐Ÿ™…____________________โ€œBakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo?โ€ she spoke first after a long silence.Kinabahan pa ako kanina dahil akala ko nawala si Zia. Yun pala, pakana niya lahat 'toโ€”tinawagan na pala niya si Pria kahapon, habang lumabas ako sandali para kausapin ang lawyer ko.Pria is here now, which means Shane must have told her everything I said. I know Pria hates me, and seeing her here only means one thingโ€”she already knows the truth.โ€œTelling you the truth nowโ€ฆ would it really fix anything that happened in the past? It wonโ€™t change anything. You still hate me,โ€ I said honestly. I couldnโ€™t even look at her. I was scared I might cry if I saw how cold her eyes had become. From the corner of my eye, I could see she was trying to keep herself calm. I didnโ€™t knowโ€ฆ maybe she wanted to shout a

  • Save Meย ย ย Cincuenta y tres

    "๐—ง๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐˜„๐—ผ๐˜‚๐—น๐—ฑ ๐—ฏ๐—ฒ ๐—ณ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ, ๐— ๐—ฎ'๐—ฎ๐—บ." I paused when Clarisse said that. She's one of the staff here in the flower shop I always go to. I just wanted to make a little effort today, by picking different colors of the tulips, and I never wanted these things delivered. "What do you mean free? Iโ€™ll pay for it," tanong ko habang nakakunot ang noo. Pero ngumiti lang siya saโ€™kin at umiling. "Simula po nung naging regular customer namin kayo, dumami po talaga ang bumibili. As in, ang dami na pong dumadayo dito. Tumaas ang sales namin, pati na rin โ€˜yung mga online orders. Kaya sabi ng boss ko, libre na raw po as pasasalamat." Napataas lang โ€˜yung kilay ko saglit. I don't really like to take any treats. I can afford it, pero kung sasabihin ko iyon. It'll sound so ungrateful. Appreciate little things ika nga nila. Kaya instead na iyon ang sabihin, I come up with different words. "I donโ€™t know why that has something to do with me," tanong ko, at medyo nagtat

  • Save Meย ย ย Cincuenta y dos

    It's been a week since I last saw Pria step into my office. And I knew right then that I needed to do something. I can't just sit there, longing for her and then just let her vanish. No, not again.โ€œI needed to talk,โ€Shane just nodded. I want to win Pria back, but in order to do that, I need to clarify some certain things to Shane. That's why I texted her to meet me here on the SkyView rooftop. Akala ko nga ay hindi siya pupunta, pero nauna pa nga siya sa'kin dito. "Is this about winning my sister back?" I didnโ€™t answer right away. I stared down at the lights. Ang ganda ng tanawin, ang presko ng hangin. Pero hindi nito matanggal yung bigat sa dibdib ko. How would I convince her na totoo ang nararamdaman ko sa kapatid niya? How would she believe me if her trust was already broken? Dahil kung tutuusin Shane has all the right to be mad at me. Hindi ko man sinadya, pero the situation like I was taking advantage of the situation dahil lang sa pinakiusapan niya ako to find more details a

  • Save Meย ย ย Cincuenta y uno

    ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ฎ'๐˜€ ๐—ฃ๐—ข๐—ฉ I'm on my way to meet Drent and his girlfriend Kellie, my mind couldnโ€™t stop running back to what Shane said yesterday. She said Pria was back, but didnโ€™t explain anything. I wasnโ€™t even sure if she meant Pria was back in the Philippines or somewhere else. But the moment I heard it, I felt something tightened in my chest. I didnโ€™t know if it was fear or excitement. Maybe both. I held the steering wheel a little tighter, trying to calm myself down. I didnโ€™t want to get my hopes up. For three years, I tried to move on. I kept myself busy with work, avoided certain places, and ignored everything that reminded me of her. But all it took was that one sentence from Shane, and I was back to feeling all of it again. Aligaga ako dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin sa oras na magkita kami. Ilang oras din ang inabot ko bago ako nakapili ng masusuot. I knew she had to meet me later at noon today, for a sign-up of the contract. Alam kaya niya na ako ang CEO ng Val

  • Save Meย ย ย Cincuenta

    Yvon's POV. Pagkababa ko ng kotse sa harap ng mansion namin, parang biglang bumalik lahat ng memories. Ang daming emotions na hindi ko ma-explain. Tahimik ang paligid pero may kung anong bigat sa dibdib ko habang nakatingin ako sa buong mansion. After three years, finallyโ€ฆ nakabalik din ako. A lot has changed in the past three years. I achieved so many things I never thought I could. I took business and medicine at the same time, and it wasnโ€™t easy. There were sleepless nights, endless exams, and moments where I thought I couldnโ€™t do it anymore. But I pushed through. I worked hard, every single day. I made myself busy, focused, and far from anything that could break me again. Hindi ko na binabanggit ang pangalan niya kahit kanino. Para saโ€™kin, tapos na โ€˜yon. Sarado na dapat โ€˜yung kabanatang โ€˜yon. Ngayon, mas confident na ako. Mas malakas. Sabi nila, mas gumanda raw ako. Pero more than that, mas naging buo na ako. Iโ€™ve grown. Hindi lang sa panlabas, pero sa loob din. Now, severa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status