Share

Tres

Penulis: Binibining_J
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-06 14:15:42

“Yvon, pinapatawag ka ni oku-sama [madame] Dexie” Tinanguan ko si Benjie. Manager si Dexie, pinsan lang rin ni Winter.

Marami ang customer kasi Thursday ngayon, busy ang lahat. Tuwing Monday, Thursday at Friday punuan talaga ang mga customer dito sa Wintersea. Mabenta talaga ang seafoods, lalo pa't malapit lang ito sa resort. May mga branches na rin ng Wintersea sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas.

Nag-iisang anak si Winter, kaya alam kong siya rin ang magmamana ng lahat. Kaso noong tanungin namin ito, ayaw niya. Minsan na nga yung naglayas ng pakiusapan siya ng mga magulang niya na siya ang mag ma-manage ng main branch Wintersea restau nila sa Palawan. Kung ako iyon, kahit ilang bansa pa ang magkaroon ng Wintersea branches. Hinding hindi ko aayawan. Masarap kayang matulog na maraming pera.

Hayyss, utak mo Winter nasa paa.

Yung style ng restaurant nila ay pang Japanese. May Sona rin sila sa loob, VIP rooms for VIP guests na gustong kumain at ayaw ng ingay at istorbo. Yung sahod ko ata sa isang buwan ay isang pagkain lang nila dito na nasa menu. Yung uniforms rin namin pang Jape style.

Ang cute lang, naalala ko yung mga kawaii girls. Kung hindi ko lang naging kaibigan si Winter, malamang hinding-hindi ako makakapag trabaho dito. Nagulat nga yung mga nagtatrabaho dito dahil hindi man lang ako isinalang sa interview. Nagpasa lang ako ng biodata at resume and voala, waitress na ang lola niyo.

Ngumiti ako pabalik ng ngumiti sa'kin ang isang customer. Nagtungo ako sa taas dahil nandoon ang office ni Madam Dexie. Kakatok palang ako ng tinawag nito ang napakagandang pangalan ko. Papasok palang din pala siya sa office niya.

“Yvonne” Usal nito.

“Oku-sama” Ngumiti ako at yumuko bilang paggalang. Tinanguan lang ako nito.

Strikta talaga siyang tingnan lalo na kapag seryoso. Maganda siya pero mas maganda si Prof. Torres. Heto na naman siya na biglang lilitaw sa utak ko yung mukha niya.

Simula noong unang pagkikita namin, madalas ko na rin talaga siyang maisip sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko pa natitigan ang mukha niya, natatakot kasi ako at nahihiya. Pakiramdam ko kasi masyado siyang masungit na kahit ang titigan siya ay magiging makasalanan iyon para sa kanya.

Sabay na kaming pumasok ni madam Dexie sa office niya. Nahiya pa nga ako dahil siya pa ang nagbukas ng pinto. Namangha ako ng makita na halos mapuno na ng abstract paintings ang office niya.

I love paintings.

Napawi ang malawak kong ngiti ng dumapo ang tingin ko sa kanya. Nakatitig kasi siya sa'kin habang nakaupo sa swivel chair niya.

Ang ignorante ko na siguro sa paningin niya.

“Take a sit, Yvonne.“ Sumunod naman ako at umupo sa couch na nasa gilid. Isa sa napapansin ko sa kanya, she loves calling my name. I rested my both hands in my lap.

“I would like to inform you, that you'll be handling one of our VIP guest later.“ Maang akong napatingin sa kanya. Sa pagkakaalam ko, may mga VIP waitress sila para doon.

Mas malaki ang sahod nila kumpara sa'min na regular waitress. Malaki rin kasi ang nakukuha nilang tip. Unang araw ko palang ngayon, wala na bang mas nakakagulat pa dito?

“Oku—”

“Relax, Yvonne. You're adorable, but you're not going to be a VIP waitress. Veronica isn't here because unfortunately she was in a car accident the other day. Her injuries are minor, but she still requires medical attention, and please stop calling me Oku-sama. Call me Dexie"

Namula ako ng dumukwang ito saka pinanggigigilang pisilin ang pisnge ko.

Putcha.

Masakit.

“For now, you will temporarily take over her position”

“Oku—D-dexie” Nahihiya kong usal. Nasanay kasi akong tawagin siyang Madam. Tumalim pa nga ang tingin nito ng bibigkasin ko palang ang salitang Oku-sama.

“Yes, Darling”

Hala siya, Darling raw oh.

Tumikhim ako, na-awkward ako bigla sa pagtawag niya sa'kin. Yvonne lang naging Darling na. Baka naman trip niya lang. Mukha naman siyang may boyfriend, at mukhang straight talaga ang isang 'to gaya ko. Yes, I'm straight.

“Bakit po ako? “ Marami kasi kami, kaya bakit ako? Kakapasok ko pa nga lang.

Marami sa mga kasama ko na gustong maging VIP waitress. Hindi ako nag-iinarte, para kasing hindi ko deserve. Siguro kapag tumagal na ako.

“Just think that this is a training, and you have to excel. Malay mo bukas na bukas din, ma-promote ka bilang VIP waitress " Namilog ang mata ko, natawa naman ito sa naging reaksyon ko.

Sino bang hindi magugulat? Parang ang bilis e. Hindi ko pa napapakita ang pagiging the best employee of the year. She amusingly get her pen.

“Kidding” Nagngingiti itong tumingin sa laptop niya.

“Anong oras po sila darating?“ Busy na siya sa pag-piperma ng mga nag patong-patong na papeles na nasa tabi lang ng laptop niya. May tiningnan siya sa monitor.

“She'll be here at 8pm sharp” Tumango-tango ako.

It's a she.

“Pwede na po akong umalis? “

Paalam ko. Alas sais palang naman, saka regular waitress lang ako. Bayad ang bawat oras. 4hrs lang ang duty ko since pang-gabi naman ako dahil nag-aaral ako sa umaga. Unlike VIP waitress, nakadepende yung sahod nila sa mga regular VIP costumer. Yung 10k sa kanila pwedeng-pwede nilang makuha sa isang gabi lang. Hindi pa bilang yung nakukuha nila sa umaga.

Tumango ito. May ibinigay siya sa'kin na room number, nagpaalam na ako at bago paman ako tuluyang makalabas ng pinto, narinig ko pa ang sinabi nito.

“Be cautious, and simply obey everything she says. She is one of our most important VIP guests here.“ Kinakabahang sinarado ko ang pintuan ng office niya.

Nakakakaba kasi yung way ng pagkakasabi niya. Ikiniskis ko ang dalawang palad at dinampi sa magkabilang pisnge. Ang ginaw kasi, malapit lang ito sa dagat. Balak ko ngang gumala roon kasama yung tatlong maliliit kong kapatid. Hindi pa sila nakakapunta sa mga sosyal na beach.

Mag-iipon ako para kapag nakauwi ako roon ay makakabili ako ng maraming pasalubong. Nagtungo ako sa mga kabataan na parang kaedad ko lang rin naman, na natapos ng kumain, liligpitin ko na ang pinag-kainan nila para sa mga susunod na kakain.

Parang Jape yung dalawang babae dahil sa mata nila na singkit. Hindi naman gaano kasingkit kagaya ng mga chinese. Parang yung sa kanila sakto lang. Ang ganda nga e. Apat sila, ang gwapo rin ng dalawang lalaking kasama nila, double date ata.

“Konbanwa. Kitekurete arigatō, matakitene. [Good evening. Salamat sa pagpunta, balik ulit kayo]”  

Nakangiti kong bati sa kanila. Jusko minimorize ko pa iyon ng paulit-ulit. Amused na ngumiti pabalik sa'kin ang dalawang dalaga.

“Moshikashite nihonjindesu ka? Anata wa ryūchō ni hanashimasu. [Are you perhaps a Japanese? You speak fluently]”  

Napangiwi ako, gagi wala akong maintindihan. Baka tinatarantado na ako nito. Mahina siyang sinapak sa balikat ng kasama niyang babae. Saka mahinang natawa. Sabi na e, tinatarantado talaga ako.

“Kanojo wa kawaikute gōjasudesu[She's cute and gorgeous]”  Napipika na'ko.

“Stop it, Akira. You're scaring her. Hi, I'm Yuki. She's Akira my best friend. My step brother Zero and her brother Tom” Naglahad siya ng kamay pagkatapos maipakilala ang mga kasama.

Inabot ko naman ito at ngumiti. Malay mo magbigay ng malaking tip. Tinanguan lang ako ng mga kasama niya at ganon rin naman ang ginawa ko.

Ang daldal masyado ni Yuki, kung hindi pa siya pinilit ni Akira na umuwi na, baka hanggang ngayon ay nakikipag-daldalan pa rin ito sa'kin. Hindi ko naman siya pwedeng itaboy, nag-aabang nga kasi ako ng malaking tip. Umalis lang ito matapos hingin ang number ko.

Nanlumo ako. Kuripot naman nila, hindi nagbigay ng tip.

Dumagsa pa ang maraming customers, kaya hindi ko na namalayan ang oras. May locker sila dito at doon ko iniwan ang mga gamit at cellphone kong mumurahin. Plano ko pa lang din bumili ng relo. Lumapit ako kay Wendy.

"Wendy, anong oras na ba?" Sandali itong huminto sa pagliligpit ng mga pinagkainan para tingnan ang wristwatch niya. Magkano kaya ang ganyang klaseng relo? Ang ganda kasi.

"Alas otso nuebe na, bakit?"

Agad akong nakaramdam ng kaba at pagkataranta. Hindi na nga ako nakapag pasalamat sa kanya dahil para akong tinakasan ng dugo at dali-daling nagtungo sa locker para magpalit ng uniform. Magkaiba kasi ang uniform ng VIP waitress sa mga regular waitress. Binigay na sa'kin kanina ni Benjie itong uniform ni Veronica na susuotin ko muna. Kasya lang naman kasi sa'kin.

Shit. Shit. Shit.

Ilang ulit akong napamura sa isip ko. Stupid, ang tanga-tanga ko. Pagkatapos magbihis ay lakad takbo ang ginawa ko, bitbit ang menu at room number. Agad na sumakay sa elevator. Hindi nagbigay ng instruction si Dexie kanina. Hindi ko na rin nagawang bumalik sa office niya para magtanong. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ko nga nagawang tingnan sa salamin ang sarili ko.

Bahala na.

"She'll be here at 8pm sharp”

"Be cautious, and simply obey everything she says. She is one of our most important VIP guests at Wintersea restaurants.“

Ilang ulit nagpabalik-balik sa utak ko ang mga sinabi ni Dexie. Ilang ulit ko rin tinatampal-tampal ang menu sa noo ko. Tanga-tanga mo Yvon.

Paano ka pa e p-promote niyan?

Unang araw, sablay agad.

Tiningnan ko ang room number at huminto sa tapat nito. Pinahid ko rin ng panyo ang maliliit na butil ng pawis na namumuo sa leeg at noo ko. Saka ito isinuksok sa gilid ng maliit na bulsa ng uniform.

Hinila ko rin ang laylayan nito dahil pakiramdam ko masyado itong maiksi at expose na expose ang legs ko. Conservative ako pagdating sa mga damit. Babae naman ang VIP guest kaya kalma Yvon. Kalma. Huminga ako ng malalim.

Hindi pa pala humupa ang katangahan ko, dahil basta ko nalang binuksan ang pinto ng hindi man lang kumatok muna.

"Watashitachiha komu o kakudai suru hitsuyō ga arimasu --[We need to expand our com—]"  

Natigil ang babaeng matandang Jape sa pagsasalita at maging ang magandang babaeng kaharap nito. Parehas silang nakatingin sa direksyon ko. Maging ako ay natigilan rin, nakalimutan ko rin yatang huminga. Fvck those eyes nanghihina ako.

Nalilito silang nakatingin sa'kin, nakataas pa ang kilay ng isa. Sinundan ko ang mga magagandang mata nito ng bumaba para tingnan ang..alam ko kung saan siya nakatingin. Napahigpit ang hawak ko sa dalang menu.

Kahit kulang ako sa mga gamit pang-babae, natural na ang pagiging maputi sa balat ko. Maalaga ako sa katawan. Makinis ang legs ko, pero yung balat ng babaeng matamang nakatitig sa'kin ngayon. Nakakahimatay yung ganda ng kutis niya. Nagagandahan ako sa sarili ko, pero kapag siya na ang pag-uusapan. Feeling ko ang pangit-pangit ko.

Parang ang unfair lang.

Gumuhit ang mapaglarong ngiti nito sa kanyang mapupulang labi..shit, her lips are..fvck Yvon. Focus.

Segundo lang iyon dahil bumalik agad ang seryoso nitong mukha.

Straight ka nga diba?

Lalaki pa rin ang gusto mo.

Namamangha lang ako sa kagandahan niya.

"Suarez" She mutter.

Oh, fvck me.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Save Me   Epilogue

    "𝐀𝐜𝐞, 𝐡𝐮𝐫𝐫𝐲 𝐮𝐩!""Sandali lang muna, okay?!" Naiinis na turan ko kay Ate. I already graduated as a doctor, and I got my license yesterday. Today we were going to celebrate. It's nothing big, just a private celebration with my family and friends.Kahapon ko pa tinatawagan si Luna. She doesn't answer my calls. Sobrang nakakatampo na nga e, wala siya noong graduation ko. Tapos ngayon mukhang wala na naman siya. Simula ng gawin naming official ang relationship namin, saka naman siya nagkaroon ng sunod-sunod na properties na kailangan asikasuhin.Halos wala na talaga siyang oras sa'kin. Bago siya umalis papuntang Singapore para sa business meeting, nagka-sagutan pa kami. Sinabi ko kasi sa kanya na ako nalang ang mag ta-trabaho, total kaya ko naman ng maibigay lahat ng gusto niya. I can now be able to provide for the both of us. But she got mad, kasi yung pagkakaintindi niya sa sinabi ko ay pang bahay lang talaga siya. Hindi naman talaga 'yon yung point ko e. I'm 25 now and she's

  • Save Me   Cincuenta y cuatro

    ⚠️ 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆; 𝐒𝐏𝐆 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓 ⚠️ 💦 𝐏𝐀𝐓𝐍𝐔𝐁𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐊𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐋𝐀𝐘. 𝐑𝐄𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐎𝐖𝐍 𝐑𝐈𝐒𝐊. 𝐍𝐎𝐓 𝐅𝐎𝐑 𝐌𝐈𝐍𝐎𝐑𝐒🙅____________________“Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo?” she spoke first after a long silence.Kinabahan pa ako kanina dahil akala ko nawala si Zia. Yun pala, pakana niya lahat 'to—tinawagan na pala niya si Pria kahapon, habang lumabas ako sandali para kausapin ang lawyer ko.Pria is here now, which means Shane must have told her everything I said. I know Pria hates me, and seeing her here only means one thing—she already knows the truth.“Telling you the truth now… would it really fix anything that happened in the past? It won’t change anything. You still hate me,” I said honestly. I couldn’t even look at her. I was scared I might cry if I saw how cold her eyes had become. From the corner of my eye, I could see she was trying to keep herself calm. I didn’t know… maybe she wanted to shout a

  • Save Me   Cincuenta y tres

    "𝗧𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗼𝘂𝗹𝗱 𝗯𝗲 𝗳𝗿𝗲𝗲 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗵𝗼𝗽, 𝗠𝗮'𝗮𝗺." I paused when Clarisse said that. She's one of the staff here in the flower shop I always go to. I just wanted to make a little effort today, by picking different colors of the tulips, and I never wanted these things delivered. "What do you mean free? I’ll pay for it," tanong ko habang nakakunot ang noo. Pero ngumiti lang siya sa’kin at umiling. "Simula po nung naging regular customer namin kayo, dumami po talaga ang bumibili. As in, ang dami na pong dumadayo dito. Tumaas ang sales namin, pati na rin ‘yung mga online orders. Kaya sabi ng boss ko, libre na raw po as pasasalamat." Napataas lang ‘yung kilay ko saglit. I don't really like to take any treats. I can afford it, pero kung sasabihin ko iyon. It'll sound so ungrateful. Appreciate little things ika nga nila. Kaya instead na iyon ang sabihin, I come up with different words. "I don’t know why that has something to do with me," tanong ko, at medyo nagtat

  • Save Me   Cincuenta y dos

    It's been a week since I last saw Pria step into my office. And I knew right then that I needed to do something. I can't just sit there, longing for her and then just let her vanish. No, not again.“I needed to talk,”Shane just nodded. I want to win Pria back, but in order to do that, I need to clarify some certain things to Shane. That's why I texted her to meet me here on the SkyView rooftop. Akala ko nga ay hindi siya pupunta, pero nauna pa nga siya sa'kin dito. "Is this about winning my sister back?" I didn’t answer right away. I stared down at the lights. Ang ganda ng tanawin, ang presko ng hangin. Pero hindi nito matanggal yung bigat sa dibdib ko. How would I convince her na totoo ang nararamdaman ko sa kapatid niya? How would she believe me if her trust was already broken? Dahil kung tutuusin Shane has all the right to be mad at me. Hindi ko man sinadya, pero the situation like I was taking advantage of the situation dahil lang sa pinakiusapan niya ako to find more details a

  • Save Me   Cincuenta y uno

    𝗟𝘂𝗻𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩 I'm on my way to meet Drent and his girlfriend Kellie, my mind couldn’t stop running back to what Shane said yesterday. She said Pria was back, but didn’t explain anything. I wasn’t even sure if she meant Pria was back in the Philippines or somewhere else. But the moment I heard it, I felt something tightened in my chest. I didn’t know if it was fear or excitement. Maybe both. I held the steering wheel a little tighter, trying to calm myself down. I didn’t want to get my hopes up. For three years, I tried to move on. I kept myself busy with work, avoided certain places, and ignored everything that reminded me of her. But all it took was that one sentence from Shane, and I was back to feeling all of it again. Aligaga ako dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin sa oras na magkita kami. Ilang oras din ang inabot ko bago ako nakapili ng masusuot. I knew she had to meet me later at noon today, for a sign-up of the contract. Alam kaya niya na ako ang CEO ng Val

  • Save Me   Cincuenta

    Yvon's POV. Pagkababa ko ng kotse sa harap ng mansion namin, parang biglang bumalik lahat ng memories. Ang daming emotions na hindi ko ma-explain. Tahimik ang paligid pero may kung anong bigat sa dibdib ko habang nakatingin ako sa buong mansion. After three years, finally… nakabalik din ako. A lot has changed in the past three years. I achieved so many things I never thought I could. I took business and medicine at the same time, and it wasn’t easy. There were sleepless nights, endless exams, and moments where I thought I couldn’t do it anymore. But I pushed through. I worked hard, every single day. I made myself busy, focused, and far from anything that could break me again. Hindi ko na binabanggit ang pangalan niya kahit kanino. Para sa’kin, tapos na ‘yon. Sarado na dapat ‘yung kabanatang ‘yon. Ngayon, mas confident na ako. Mas malakas. Sabi nila, mas gumanda raw ako. Pero more than that, mas naging buo na ako. I’ve grown. Hindi lang sa panlabas, pero sa loob din. Now, severa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status