Share

Chapter 16.2: Confession

"MANIWALA ka sa amin, Vee..." At kinuha naman ni Carina ang kanyang kanang kamay. Bahagyang napatingin siya saglit sa mga kaibigan, hindi na talaga niya alam kung sino o kung ano ang kanyang paniniwalaan. Ang masama kasi rito, masyado siyang nagtitiwala sa mga taong hindi naman karapat-dapat sa tiwala niya. "Hindi binayaran ni Mathis ang mga lalaking dumukot sayo noong nag-night out tayo. Hindi din niya binayaran o wala siyang plano para takutin ka at makuha niya kayo ni Giselle na walang nakakaalam."

"So, are you two trying to say that Ezra is lying to me?" Nagpalipat lipat naman siya ng mga tingin sa kanyang dalawang kaibigan. "Kahit kailan hindi nagawang magsinungaling sakin si Ezra. Subalit si Mathis, ilang beses na..."

"Kaya lang naman siya nagsisinungaling para protektahan ka." Sagot naman ni Karla.

Inirapan niya ito. "Kaya din ba niya ako iniwan noon at hindi sumipot sa kasal namin para protektahan ako?"

"Vee..." Napagbugtong hininga naman si Carina habang marahan na hinahaplos
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status