Share

Season Series 1 Winter: White Rose
Season Series 1 Winter: White Rose
Author: JeJeanEiDyVirgo

Prologue

WARNING: This story contains violence and mature contents.

Readers discretion is advised.

Kulog, kidlat at kadiliman ang bumabalot sa mansion kung saan hinahabol na ni kamatay si Detective Ybañez na nakikipaglaban dito, kailangan na umalis siya sa mansion ng pamilyang iniimbistigahan niya, kung nais niya pang mabuhay.

Pilit niyang ikinikilos ang halos lantang katawan niya, gumagapang na lang ito upang iligtas ang sarili kay kamatayan, pilit iniwawaksi ni Detective namamatay na siya.

"H-Hindi ako puwedeng mamatay d-dito." Bulong niya sa sarili't pilit na itayo ang lantang katawan.

Ngunit 'di pa tuluyang nakakatayo si Detective ay dumating na siya, ang taong may kagagawan nito sa kanya. Ang White Rose.

Nakangiting tinignan niya si Detective na tila ba'y napaka-inosente nito, "Detective, aalis ka na agad? Akala ko ba gusto mong makipaglaro?" Painosente tanong niya bago hilahin ang palakol na kaniyang dala na puno na ng dugo.

"D-Demonyo ka! H-Hindi ka tao!"

"Detective, kahit 'di mo na sabihin sa'kin. Alam ko." Sambit nito bago itaas ang palakol at ipatong sa kaniyang balikat ang kahoy na hawakan.

Ang kaninang mala-anghel na ngiti ay napalitan na maala-demonyong ngiti, nakakatakot ang kaniyang awra kahit sino ay matatakot sa kanya kahit na marahil si kamatayan ay matatakot din.

"Ito ang regalo ko sa'yo Detective. Since 'di kita na bigyan nung pasko at bagong taon dahil abala ako sa pamimigay ng regalo sa iba." Sabi niya bago i-abot kay Detective ang maliit na kahon, ngunit 'di tinanggap iyon ni Detective. Sa halip ay tinabig niya 'yon dahilan para mahulog ito.

Umiling na lamang siya bago ma-upo sa paburitong silya ng kaniyang ama-in.

"Bakit mo ito ginagawa?" Tanong niya kahit na siya'y nahihirapan na magsalita, marahil sa kaniyang tinamo mula sa taong kinakausap nito.

Na tahimik ito bigla, habang humahaba ang katahimikan na bumbalot sa kanila'y unti-unting dumilim ang kaniyang mukha.

Muli ay nakaramdam ng takot si Detective pero nilalabanan niya ang takot na kumakain sa kaniyang kabuuan, dahil kung magpapakain siya sa takot ay mamatay talaga.

"Revenge." Maikling sagot niya bago tumayo't kunin ang palakol na kaniyang ibinaba sa harapan ni Detective Ybañez.

"Anung… Kasalanan ko… Sa'yo?" Naghihingalong tanong ni Detective.

"Hindi mo talaga matandaan Detective kung… Anung ginawa mo sa'kin?" Makahulugang tanong nito.

Tinitigan ni Detective ang taong gusto siyang paghigantihan, hanggang sa napagtanto niya kung sino ang taong naghihiganti sa kanya. Ang taong gustong kunin ang buhay niya, ang taong minsan na niyang tinanggihan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status