Mag-log in“Si Lia… nawawala?!”
Namumugto ang mga mata ni Nathan sa kaiiyak. “’Wag ka nang magkunwari na nag-aalala! Sigurado akong may sinabi ka na naman sa kanya! Ginamit mo si Lia para makuha ang bone marrow niya, para mailigtas ‘yung anak ng lalaking mo!”
“H-Hindi ako—”
Hindi pa man siya natatapos, itinulak na siya ng bata nang malakas.
“Masama kang ina! Wala kang ibang mahal kundi si Dominic. Hindi mo kami minahal ni Lia!”
Mula sa pintuan, dumagundong ang malamig na tinig ni Theodore na kararating pa lamang. “Tama na 'yan, Nathan!”
Pumasok siya, suot ang maitim na coat, at sa bawat hakbang niya, tila natutunaw ang hangin sa paligid. Tumahimik ang lahat.
“Natalie,” aniya sa malamig na tono, “kapag may masamang nangyari kay Lia, ako mismo ang sisira kay Dominic.”
Napatigil si Natalie. Hindi iyon banta—isa iyong pangako. Ngunit nang tumingin siya sa lalaki, malamig pa rin ang mga mata nito. “Umamin ka na, Natalie. Ano ang itinatago mo?”
Bahagyang umiling si Natalie at tumitig lang sa asawa nito. Hindi siya sumagot. Kahit magsalita pa siya, alam niyang hindi rin ito maniniwala. Kaya itinaas niya ang ulo, pinanatili ang dignidad.
“Kahit anong sabihin ko, hindi ka rin maniniwala. Hanapin na lang muna natin ang anak natin.”
Napakunot ang noo ni Theodore, tila may kakaiba sa tono nito—matatag, hindi histerikal.
Pagkatapos ng ilang segundo, tumango siya. “Tara. Sumama ka.”
*****
Sumibat ang kotse sa gitna ng basang kalsada. Ang mga patak ng ulan ay tila luha na dumadaloy sa mga bintana. Tahimik sa loob ng sasakyan. Nakayuko si Nathan sa likuran, mahigpit ang pagkakasara ng kamao.
Nilingon siya ni Natalie, ngunit agad ding tumingin sa labas. Gulong-gulo ang kaniyang puso.
Pagkatapos ng ilang oras, biglang nagsalita ang drayber, may alinlangan sa boses. “Sir Theodore, nakita na raw po si Ma'am Lia sa isang ospital. Nasa operating ward siya… kasama ang babaeng si Marielle Valle.”
Napasinghap si Natalie. Kilala niya si Marielle... ang babaeng kinakasama ngayon ni Dominic Almeda! Ano na lang ang pwedeng gawin ng babaeng iyon kay Lia? “Ano?! Bilisan mo!”
*****
Amoy disinfectant ang buong ospital. Sa di kalayuan, nakita ni Natalie ang maliit na pigura ni Lia sa labas ng operating room—nakasuot ng puting hospital gown, hawak-hawak ang paborito niyang manika.
Sa tabi niya, isang babaeng naka-designer heels at mapulang lipstick ang nakayuko.
“Lia,” malambing na sabi ni Marielle Valle, “kapag nag-donate ka ng bone marrow para mailigtas si Ate Patricia, hindi na aalis si Mommy mo. Gusto mo bang buo ulit ang pamilya niyo?”
Nanlamig ang dugo ni Natalie. Si Patricia ang anak na babae ni Dominic at Marielle na siyang nangangailangan ng bone marrow ni Lia.
Mabilis binuksan ni Natalie ang pinto ng operating room. “Hoy, huwag kang gagalaw diyan!”
Napalingon si Marielle, at agad namutla. “N-Natalie—?!”
“Subukan mong hawakan ang anak ko ulit, at babasagin ko ang bawat buto sa katawan mo.”
Lumaki ang mga mata ni Lia. “Mommy…?”
Lumuhod si Natalie sa harap ng anak, pinilit ang ngiti. “Baby, ayos lang. Nandito na si Mommy.”
“Mommy, ‘pag sinagip ko si ate Patricia, hindi mo kami iiwan, ‘di ba?”
Tumigil ang tibok ng puso ni Natalie. Hinaplos niya ang pisngi ng bata. “Hindi, anak. Wala kang kailangang iligtas. Hindi ka iiwan ni Mommy, kailanman.”
“Talaga?”
“Totoo, anak. Pero ngayon, pikit ka muna at wag sisilip, ha?”
Ngumiti si Lia at kahit namumugto ang mga mata, sinunod nito ang utos ng ina. Dahan-dahang isinuksok ni Natalie ang headset sa mga tainga ng bata at nang humarap siya muli, nawala ang kaniyang ngiti.
Hinablot niya ang buhok ni Marielle at itinulak ito sa pader.
Pak! Pak! Pak!
“Aray, Natalie!”
“Anong ginagawa ko?” malamig niyang sagot. “Tinuturuan lang kita kung paano umasta.”
Bawat salita ay sinabayan ng isa pang sampal. Sa huli, halos hindi na makilala ang mukha ni Marielle.
“Sa susunod na idikit mo ang kamay mo sa anak ko,” bulong ni Natalie, “ipapauwi kitang lumpo!”
“Natalie, itigil mo 'yan!” Isang boses ang nagpasabog sa hangin—galit, puno ng sigaw.
Si Dominic.
Sumugod ito, namumula sa galit nang makita si Marielle na halos matumba. “Ano’ng ginawa mo?!”
Humarap si Natalie, malamig pa rin ang tingin. “Hindi mo ba nakikita? Tinuturuan ko lang ng manners ang aso mo. At siguro'y tama lang siguro... na ang basurang tulad ninyo ay manatili sa lupa.”
Lumingon siya kay Marielle. “Isama mo ang aso mo. Lumayas na kayo!”
“Natalie! Parang sumosobra ka na! Kung wala ako, wala ka ring halaga!” sigaw ni Dominic habang pilit bumabangon.
“Kung wala ka,” aniya, “may dangal pa rin ako.” Ang bawat salita ni Natalie ay mas malakas pa sa kahit anong sampal.
Namula sa galit si Dominic. “Gusto mo akong bumalik sa ’yo? Sige! Pero ibigay mo muna ang bone marrow ng anak mo para mailigtas si Patricia! Pagkatapos no’n, pakakasalan kita! ‘Yan naman ang gusto mo, ‘di ba?!”
Mabagal na ngumiti si Natalie, malambing pero may lason. “Pakakasalan kita? Ni hindi ka karapat-dapat humawak ng sapatos ko.”
“Putang—!” Itinaas ni Dominic ang kamay para saktan siya—
Ngunit bago ito bumagsak, may humarang.
Isang tunog ng nabaling buto ang umalingawngaw.
“AAAHH!” napasigaw si Dominic.
Nasa likuran niya si Theodore, basang-basa ng ulan, malamig ang tingin.
“Sino ang sinabihan mong walang kwenta?” mababa ang boses nito, ngunit puno ng banta. “Asawa ko ang pinagsasalitaan mo! Umalis ka na dahil sa susunod, hindi lang braso mo ang babasagin ko.”
Tahimik ang buong silid. Ang bawat isa ay hindi makakilos.
Mabilis ang tibok ng puso ni Natalie—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kakaibang init na matagal na niyang hindi naramdaman. Ngunit bago pa siya makapagsalita, muling nagsalita si Theodore, malamig pero mahinahon.
“Natalie, iuwi mo na muna ang mga bata.”
*****
KINAGABIHAN, tahimik ang buong mansyon.
Mahimbing na natutulog si Lia, habang si Theodore ay nakatayo sa tabi ng bintana, sigarilyong may sindi sa pagitan ng mga daliri.
Pagpasok ni Natalie, hindi man lang ito lumingon. Nagsalita si Theodore sa kaniyang malamig na tono. “Pwede mo akong kamuhian,” aniya, “pero huwag mong idadamay ang mga bata.”
Mahinahon siyang sumagot. “Alam ko. Kaya nga hindi ako aalis.”
Bigla itong napalingon. “Ano ’ng ibig mong sabihin?”
“Para kay Lia,” sabi niya, diretso ang tingin. “Ang sabi ng doktor kanina bago kami umuwi, may autism ang bata. Hindi ko pa nasisigurado kung totoo, pero sa tingin ko, huwag na muna tayo maghiwalay.”
Tahimik. Tanging usok lang ng sigarilyo ang gumuhit sa pagitan nila.
“Kung gano’n,” anito, mababa ang tinig, “sige.”
Napasinghap si Natalie. “’Yan na ’yon? Pumayag ka agad?”
“Hindi ito tungkol sayo... ginagawa ko lang ‘to para sa bata.”
Ngunit nang umalis si Natalie sa silid, mahigpit ang pagkakasara ng kamao ni Theodore. Dahil sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, hindi na siya kahawig ng babaeng kinamumuhian niya.
Mukha na siyang… ‘yung babaeng minsang minahal niya.
Hindi. Imposible iyon.
Sa labas ng pinto, napahawak sa dibdib si Natalie. Malakas ang tibok ng puso niya hindi dahil sa takot.
Tinitigan niya si Lia na mahimbing na natutulog, at marahang bumulong, “Kahit anong mangyari… poprotektahan ko kayo. Kayong lahat.”
Mula sa gabing iyon... ang dating Natalie ay tuluyan nang namatay.
At ang bago, ang babaeng muling nabuhay, ang magpaparamdam sa buong mundo kung ano ang kahihinatnan ng sinumang aapi sa kanila.
“May sagot na ba mula kay Ms. Flores?” tanong ni Theodore, kalmado ngunit may halong awtoridad sa tinig.Ang pangalang Ms. Flores ay nagpagulo sa buong mundo ng negosyo. Lahat ng malalaking kumpanya ay desperadong makipagtulungan sa kanya. Dahil sino man ang makakuha ng pabor ni Ms. Flores, ay parang nakahawak na ng susi sa buong merkado.Ang kumpanyang makakakuha ng kanyang tiwala ay siguradong aangat ang halaga at hahakot ng malaking bahagi ng market share.At siyempre, kabilang si Theodore sa mga nais mapasakamay ang misteryosong babaeng ito — ang tinaguriang “business genius” ng bagong henerasyon.Nang itanong iyon ni Theodore, agad na tumindig si Ryan Pascual, ang assistant nito. Tahimik itong nag-ulat, “President Vergara, tinanggihan ni Ms. Flores ang imbitasyon natin. Nalaman ko rin po na pinili niyang makipagtulungan kay Dominic.”Nanigas ang panga ni Theodore, agad siyang napakunot-noo.Tama nga, ilang linggo pa lang ang nakalipas mula nang makalaya si Dominic mula sa kulunga
Tahimik ang mga araw matapos maaresto si Dominic.Tahimik, masyadong tahimik.Ang mga tsismis sa kabisera ay unti-unting kumupas, parang usok na tinangay ng hangin, ngunit alam ni Natalie na ang katahimikan sa bahay na ito ay laging panandalian lamang.Ramdam niya ito — ang bigat sa hangin, ang paraan ng pag-iwas ni Theodore sa kanyang mga mata, na para bang may tinatago itong lihim sa likod ng kanyang mga tahimik na titig.ISANG GABI, naisipan ni Natalie na tingnan ang kung ano anong mga gamit sa kaniyang bagay. Kung sabagay, kailangan talaga niyang maging komportable at pamilyar sa naging buhay niya noon para na rin makasabay. Kailangan niyang mabago ang kaniyang sarili.Sa sobrang busy, hindi nito napansin na matagal nang nakatayo si Theodore sa may pintuan.Ngunit hindi lumingon si Natalie. “Kung may sasabihin ka,” aniya, malamig ang tinig, “sabihin mo na.”Hindi gumalaw si Theodore. "Pwede ko bang malaman kung anong pinagkakaabalahan mo diyan?"Napatingin si Natalie sa asawa at n
ISANG LINGGO MAKALIPAS ANG PAGKABUWAG NG KUMPANYA NI DOMINICMuling nagkaroon ng buhay ang mansyon ng mga Vergara.Ang dating malamig at tahimik na bahay ay muling umalingawngaw sa halakhakan. Ang tinig ni Lia, mataas at masigla, ay humahalo sa mahinahong tawa ng kanyang kapatid habang tumatakbo silang magkapatid sa sala. Ang hangin na dati ay amoy galit at tensyon, ngayo’y amoy jasmin at mainit na lugaw, gawa ni Natalie, siyempre.Mula sa pintuan, tahimik na pinagmamasdan ni Theodore ang kanyang pamilya. Ang dating matigas na ekspresyon sa kanyang mukha ay bahagyang lumambot. Sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, muling naramdaman niyang may buhay ang tahanan nila.Napatingin si Natalie mula sa sofa at nahuli ang titig ng asawa.“Wag ka lang d’yan nakatayo, Mr. Vergara,” biro niya. “Akala ng mga bata, estatwa ka na.”Bahagyang natawa si Theodore. “Baka nga mas tumagal sa gulong ‘tong estatwa kaysa sa akin.”Tumakbo si Lia at hinila ang manggas ng ama. “Daddy, halika na! Sabi
HINDI ALAM NI NATALIE kung anong kamalasan ang nadatnan niya sa panahong ito, pero tila sunod-sunod ang problema nila ngayon. Kinabukasan kasi, ang tahimik na bahay ay nabasag ng sigaw ni Lia.“Kuya! Kuya, gumising ka!” Nanginginig ang boses ni Lia habang tumatakbo sa pasilyo.Mabilis na lumabas si Natalie ng kaniyang kwarto at saka hinanap kung nasaan ang kaniyang mga anak. Doon niya nakita si Nathan, nakahandusay sa sofa, maputla, at yakap-yakap ang tiyan sa matinding sakit.“Nathan! Anak, anong nangyari?”“Umalis ka… huwag mo akong hawakan…”Ngunit hindi nakinig si Natalie. Hinawakan niya ang pulso ng bata — mahina, mabilis, hindi pantay. Hindi ito sakit. Gutom ito. “Gaano na siya katagal na ganito?”Nang magtanong ito sa mga kasambahay, nagkatinginan ang mga ito, halatang takot. “Madam, sumunod lang po kami sa utos ninyo. S-Sinabi ninyo sa amin na isang gutumin ang mga bata.”Nang marinig ito ni Natalie, biglang huminto ang kaniyang mundo. Ako ang nagsabi niyon?Bago pa siya makas
“Si Lia… nawawala?!” Namumugto ang mga mata ni Nathan sa kaiiyak. “’Wag ka nang magkunwari na nag-aalala! Sigurado akong may sinabi ka na naman sa kanya! Ginamit mo si Lia para makuha ang bone marrow niya, para mailigtas ‘yung anak ng lalaking mo!”“H-Hindi ako—”Hindi pa man siya natatapos, itinulak na siya ng bata nang malakas.“Masama kang ina! Wala kang ibang mahal kundi si Dominic. Hindi mo kami minahal ni Lia!”Mula sa pintuan, dumagundong ang malamig na tinig ni Theodore na kararating pa lamang. “Tama na 'yan, Nathan!”Pumasok siya, suot ang maitim na coat, at sa bawat hakbang niya, tila natutunaw ang hangin sa paligid. Tumahimik ang lahat.“Natalie,” aniya sa malamig na tono, “kapag may masamang nangyari kay Lia, ako mismo ang sisira kay Dominic.”Napatigil si Natalie. Hindi iyon banta—isa iyong pangako. Ngunit nang tumingin siya sa lalaki, malamig pa rin ang mga mata nito. “Umamin ka na, Natalie. Ano ang itinatago mo?”Bahagyang umiling si Natalie at tumitig lang sa asawa n
“Natalie, gaya ng gusto mo — mag-divorce na tayo.”Ang malamig na tinig ng lalaki ay umalingawngaw sa tahimik na silid ng ospital. Kasunod noon ang malutong na tunog ng papel na bumagsak sa mesa sa tabi ng kama.Divorce Agreement.Napakurap si Natalie, parang umiikot ang paligid. Amoy na amoy pa niya ang antiseptic, ramdam ang benda sa kanyang pulso, at ang tuyong lalamunan na halos hindi makalunok.Divorce? Kanino?Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin. Doon, sa pinakailalim ng dokumento, nakasulat ang pangalan na halos hindi niya maikonekta sa realidad:Theodore Vergara.Nanlamig siya. Theodore? Hindi ba iyon ang pangalan ng lalaking laman ng mga business magazine noon? Ang pinakabatang negosyante sa Manila — ang malamig, untouchable na hari ng mundo ng negosyo?Ang iniidolo niya noon. Napatingin siya sa divorce agreement at nakita niya ang sariling pangalan sa pinaka-ilalim nito.Natalie Flores-Vergara.At anim na taon ang nakalipas… asawa niya raw ito?Imposible. Labing-walong tao







