Mag-log inHINDI ALAM NI NATALIE kung anong kamalasan ang nadatnan niya sa panahong ito, pero tila sunod-sunod ang problema nila ngayon. Kinabukasan kasi, ang tahimik na bahay ay nabasag ng sigaw ni Lia.
“Kuya! Kuya, gumising ka!” Nanginginig ang boses ni Lia habang tumatakbo sa pasilyo.
Mabilis na lumabas si Natalie ng kaniyang kwarto at saka hinanap kung nasaan ang kaniyang mga anak. Doon niya nakita si Nathan, nakahandusay sa sofa, maputla, at yakap-yakap ang tiyan sa matinding sakit.
“Nathan! Anak, anong nangyari?”
“Umalis ka… huwag mo akong hawakan…”
Ngunit hindi nakinig si Natalie. Hinawakan niya ang pulso ng bata — mahina, mabilis, hindi pantay. Hindi ito sakit. Gutom ito. “Gaano na siya katagal na ganito?”
Nang magtanong ito sa mga kasambahay, nagkatinginan ang mga ito, halatang takot. “Madam, sumunod lang po kami sa utos ninyo. S-Sinabi ninyo sa amin na isang gutumin ang mga bata.”
Nang marinig ito ni Natalie, biglang huminto ang kaniyang mundo. Ako ang nagsabi niyon?
Bago pa siya makasagot, nagsalita si Nathan, basag ang boses. “Wala ka namang karapatang mag-alala ngayon. Sinabi mo na mas mabuti pa ang aso kaysa sa amin!”
“T-Tumahimik na kayong lahat,” mariin niyang wika. Tumingin ito sa mga kasambahay at saka nag-utos. “Magluto ng lugaw. Ngayon din!”
Walang kumilos. Hanggang sa malakas niyang ibinagsak ang kamay sa mesa. “Sabi ko, NGAYON!”
Nagkatarantahan ang mga ito, agad na tumakbo sa kusina.
Lumapit siya muli sa anak at hinaplos ang noo nito. “N-Nathan, kailangan mong kumain ha? Magtiwala ka muna sa akin ngayon, p-please?"
Hindi sumagot ang bata. Lumingon lang ito, malamig ang mga mata.
Maya-maya, isang pamilyar na tinig ang pumunit sa katahimikan.
“Ano ‘to?” malamig na tanong ni Theodore mula sa pintuan. “Anong nangyayari?”
“May dinaramdam si Nathan. Mahina ang pulso niya. Matagal na siyang hindi nakakakain ng maayos. Nasira na ang lining ng tiyan niya. Kung hindi siya maagapan, magdurugo ‘yan sa loob.” Matatag at kalmado ang boses niya, parang isang propesyonal na doktor, hindi ang babaeng dati’y nagwawala sa galit.
“Paano mo naman nalaman 'yan?" tanong ni Theodore.
“Doktor ako,” mahinahon niyang sagot. “At hindi ako nagsisinungaling.”
Bago pa makasagot si Theodore, biglang napahawak muli sa tiyan si Nathan, nanginginig sa sakit ang bata. "Arayyy! Ang sakit na po!"
Mabilis na kumilos si Natalie. Kinuha niya ang isang maliit na roll ng pilak na karayom mula sa kanyang bag nang dalhin ito ng mga kasambahay. Mga acupuncture needles
“Ano’ng gagawin mo?” mariing tanong ni Theodore.
“Ililigtas ko siya,” sagot niya nang mariin, sabay disimpekta ng karayom. May kung anong pwersa sa tono ng boses niya, matatag, may halong pagmamakaawa.
Tahimik ang lahat habang tinutusok niya ang ilang acupuncture points. Makalipas ang ilang minuto, humina ang pag-ungol ni Nathan. Bumalik sa normal ang kanyang paghinga.
Mahimbing na itong natulog.
Tahimik ang lahat. Ang mga doktor na dumating ay napatingin sa kanya, gulat.
“Iyan ang teknik ni Miracle Doctor Thalie ng Manila! K-Kaso matagal na siyang nanahimik ang alam ko.” sambit ng isa sa mga house nurse nila.
Napangisi si Natalie, pero hindi niya ito pinahalata. Tumayo ito, malamig ang tinig. “Wala nang kailangan pang gamutan. Bigyan lang siya ng malambot na pagkain sa loob ng tatlong araw.”
Nang paalis na siya, biglang hinawakan ni Theodore ang kanyang pulsuhan. “Sino ka ba talaga?”
Tumingin siya sa mga mata nito, kalmado. “Asawa mo.”
Napatigil ito. Wala siyang nasabi. Lumakad siya palayo, habang ang lalaki ay nanatiling nakatayo, litong-lito.
***
KINABUKASAN, banayad ang liwanag ng umaga. Tila ba puyat na puyat sina Theodore at Natalie. Sa hapag-kainan, kumalat ang amoy ng mainit na lugaw.
“Subukan mo ito,” sabi ni Natalie, inilapag ang mangkok sa harap ni Nathan. “Makabubuti ito sa tiyan mo.”
Napakunot ang noo ng bata. “Ikaw ang nagluto?”
“Oo, bakit?”
“Ang weird ng amoy.”
Natawa si Lia. “Special ang luto ni Mommy! Para lang sa matatalino!”
Umirap si Nathan, pero kinuha ang kutsara. Tinikman niya. Isa pang subo. "Kumain ka, Nathan. Pinaghirapan 'yan ng nanay mo."
Nang sabihin 'yon ni Theodore, bahagyang napangiti si Natalie. Nakita ni Theodore kung paano naghirap matutong magluto ang asawa kagabi para lamang mapagsilbihan ang anak. Ngunit mas inaabangan nito ang sagot ni Nathan.
“Yung lugaw... It’s… okay,” mahina niyang sabi.
Ngumiti si Natalie. “Mabuti.”
Sa isang salitang iyon, sa isang subo, nagsimula ang munting paghilom sa pagitan nila.
Tahimik na pinanood sila ni Theodore mula sa kabilang dulo ng mesa. Napansin niya ang mga hiwa sa mga kamay ni Natalie, ang pagod sa kanyang mga mata, at ang kakaibang katahimikan na dinala nito sa bahay na dati’y puno ng galit.
May kung anong malamig sa puso niya na unti-unting natutunaw.
***
NAGING MABUTI NA rin ang lagay ni Nathan at nakatutuwang nitong mga kasunod na araw ay wala masyadong nangyayari. Makalipas ang dalawang linggo, bumulaga sa mga pahayagan ang mga balita:
“BUMAGSAK ANG STOCK NG ALMEDA GROUP — Anonymous Investor Nag-withdraw ng 200 Million.”
“Bumalik ang FLORES ENTERPRISES matapos ang anim na taong pananahimik!”
Napakunot ang noo ni Theodore habang ibinabagsak ang dyaryo sa mesa. “Flores Enterprises? Hindi ba matagal nang nalugi ang kompanyang iyon?”
Sa kabilang panig ng siyudad, sa isang tahimik na café, nakaupo si Natalie sa harap ng laptop, suot ang headset.
“Ilipat ang natitirang shares ng Almeda Group sa shell account. At ipakalat ang charity scandal nila. Gawing mukhang internal leak,” utos niya.
“Yes, Ms. Flores,” sagot ng kabilang linya.
Nang matapos ang tawag, tumitig siya sa repleksyon sa screen — malamig, matatag, mapanganib.
Sa paningin ng mundo, isa siyang asawa na itinapon at pinahiya.
Ngunit sa lihim, siya si Ms. Flores, ang multong kinatatakutan sa mundo ng negosyo.
Tahimik niyang binuo muli ang dalawang mundong nawasak.
“Kinuha ninyo sa akin ang lahat noon,” malamig niyang bulong. “Ngayon, kukunin ko rin lahat pabalik.”
Kinagabihan din, nagkita sila Natalie at Dominic. Maputla ito, halatang desperado. “Natalie, tulungan mo ako,” pagsusumamo niya.
Lumapat siya sa sandalan, malamig ang tinig. “Ginamit mo noon ang anak ko para mailigtas ang anak mo. Ngayon, kung gusto mong tulungan kita, gamitin mo ang anak mo.”
“Nasiraan ka na ng bait!” singhal ni Dominic.
“Hindi,” sagot niya. “Ngayon lang ako nagising. At kung hindi mo ako susundin, makikita mo kung sinong kinakalaban mo.”
***
ILANG ARAW ANG nakalilipas, nag-ingay ang buong Maynila:
“Dominic Almeda, inaresto dahil sa pandaraya at child exploitation.”
Wala na ang imperyong minsang sumira sa kanya.
Habang muling bumubuhos ang ulan kinagabihan, lumabas siya sa hardin. Naroon si Theodore, hawak ang telepono, nakatingin sa kalangitan na pinupunit ng kidlat.
“Pagod ka na ba?” tanong nito. “May taong sumira kay Dominic nang sobrang pulido,” sagot niya. “Kung sino man siya, matalino.”
“Siguro... mabuti naman at may matalinong kumalaban sa kaniya,” sagot ni Natalie.
Natigilan si Theodore. Hindi nito akalain na ito ang magiging sagot ng kaniyang asawa. “Kung kailangan mo ng tulong, Natalie,” mahinahon niyang sabi, “huwag kang lalaban mag-isa.”
Ngumiti siya, bahagya, malamlam. “Oo naman. Matalino rin naman ako.” Ngumiti ito at tinapik si Theodore sa balikat bago pumasok muli sa mansion.
Sa loob-loob ni Natalie, alam niyang hindi pa tapos ang laban.
Dahil habang bumabagsak ang mga multo ng kanyang nakaraan, may bagong anino na muling nagmamasid sa kanyang muling pag-angat.
“May sagot na ba mula kay Ms. Flores?” tanong ni Theodore, kalmado ngunit may halong awtoridad sa tinig.Ang pangalang Ms. Flores ay nagpagulo sa buong mundo ng negosyo. Lahat ng malalaking kumpanya ay desperadong makipagtulungan sa kanya. Dahil sino man ang makakuha ng pabor ni Ms. Flores, ay parang nakahawak na ng susi sa buong merkado.Ang kumpanyang makakakuha ng kanyang tiwala ay siguradong aangat ang halaga at hahakot ng malaking bahagi ng market share.At siyempre, kabilang si Theodore sa mga nais mapasakamay ang misteryosong babaeng ito — ang tinaguriang “business genius” ng bagong henerasyon.Nang itanong iyon ni Theodore, agad na tumindig si Ryan Pascual, ang assistant nito. Tahimik itong nag-ulat, “President Vergara, tinanggihan ni Ms. Flores ang imbitasyon natin. Nalaman ko rin po na pinili niyang makipagtulungan kay Dominic.”Nanigas ang panga ni Theodore, agad siyang napakunot-noo.Tama nga, ilang linggo pa lang ang nakalipas mula nang makalaya si Dominic mula sa kulunga
Tahimik ang mga araw matapos maaresto si Dominic.Tahimik, masyadong tahimik.Ang mga tsismis sa kabisera ay unti-unting kumupas, parang usok na tinangay ng hangin, ngunit alam ni Natalie na ang katahimikan sa bahay na ito ay laging panandalian lamang.Ramdam niya ito — ang bigat sa hangin, ang paraan ng pag-iwas ni Theodore sa kanyang mga mata, na para bang may tinatago itong lihim sa likod ng kanyang mga tahimik na titig.ISANG GABI, naisipan ni Natalie na tingnan ang kung ano anong mga gamit sa kaniyang bagay. Kung sabagay, kailangan talaga niyang maging komportable at pamilyar sa naging buhay niya noon para na rin makasabay. Kailangan niyang mabago ang kaniyang sarili.Sa sobrang busy, hindi nito napansin na matagal nang nakatayo si Theodore sa may pintuan.Ngunit hindi lumingon si Natalie. “Kung may sasabihin ka,” aniya, malamig ang tinig, “sabihin mo na.”Hindi gumalaw si Theodore. "Pwede ko bang malaman kung anong pinagkakaabalahan mo diyan?"Napatingin si Natalie sa asawa at n
ISANG LINGGO MAKALIPAS ANG PAGKABUWAG NG KUMPANYA NI DOMINICMuling nagkaroon ng buhay ang mansyon ng mga Vergara.Ang dating malamig at tahimik na bahay ay muling umalingawngaw sa halakhakan. Ang tinig ni Lia, mataas at masigla, ay humahalo sa mahinahong tawa ng kanyang kapatid habang tumatakbo silang magkapatid sa sala. Ang hangin na dati ay amoy galit at tensyon, ngayo’y amoy jasmin at mainit na lugaw, gawa ni Natalie, siyempre.Mula sa pintuan, tahimik na pinagmamasdan ni Theodore ang kanyang pamilya. Ang dating matigas na ekspresyon sa kanyang mukha ay bahagyang lumambot. Sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, muling naramdaman niyang may buhay ang tahanan nila.Napatingin si Natalie mula sa sofa at nahuli ang titig ng asawa.“Wag ka lang d’yan nakatayo, Mr. Vergara,” biro niya. “Akala ng mga bata, estatwa ka na.”Bahagyang natawa si Theodore. “Baka nga mas tumagal sa gulong ‘tong estatwa kaysa sa akin.”Tumakbo si Lia at hinila ang manggas ng ama. “Daddy, halika na! Sabi
HINDI ALAM NI NATALIE kung anong kamalasan ang nadatnan niya sa panahong ito, pero tila sunod-sunod ang problema nila ngayon. Kinabukasan kasi, ang tahimik na bahay ay nabasag ng sigaw ni Lia.“Kuya! Kuya, gumising ka!” Nanginginig ang boses ni Lia habang tumatakbo sa pasilyo.Mabilis na lumabas si Natalie ng kaniyang kwarto at saka hinanap kung nasaan ang kaniyang mga anak. Doon niya nakita si Nathan, nakahandusay sa sofa, maputla, at yakap-yakap ang tiyan sa matinding sakit.“Nathan! Anak, anong nangyari?”“Umalis ka… huwag mo akong hawakan…”Ngunit hindi nakinig si Natalie. Hinawakan niya ang pulso ng bata — mahina, mabilis, hindi pantay. Hindi ito sakit. Gutom ito. “Gaano na siya katagal na ganito?”Nang magtanong ito sa mga kasambahay, nagkatinginan ang mga ito, halatang takot. “Madam, sumunod lang po kami sa utos ninyo. S-Sinabi ninyo sa amin na isang gutumin ang mga bata.”Nang marinig ito ni Natalie, biglang huminto ang kaniyang mundo. Ako ang nagsabi niyon?Bago pa siya makas
“Si Lia… nawawala?!” Namumugto ang mga mata ni Nathan sa kaiiyak. “’Wag ka nang magkunwari na nag-aalala! Sigurado akong may sinabi ka na naman sa kanya! Ginamit mo si Lia para makuha ang bone marrow niya, para mailigtas ‘yung anak ng lalaking mo!”“H-Hindi ako—”Hindi pa man siya natatapos, itinulak na siya ng bata nang malakas.“Masama kang ina! Wala kang ibang mahal kundi si Dominic. Hindi mo kami minahal ni Lia!”Mula sa pintuan, dumagundong ang malamig na tinig ni Theodore na kararating pa lamang. “Tama na 'yan, Nathan!”Pumasok siya, suot ang maitim na coat, at sa bawat hakbang niya, tila natutunaw ang hangin sa paligid. Tumahimik ang lahat.“Natalie,” aniya sa malamig na tono, “kapag may masamang nangyari kay Lia, ako mismo ang sisira kay Dominic.”Napatigil si Natalie. Hindi iyon banta—isa iyong pangako. Ngunit nang tumingin siya sa lalaki, malamig pa rin ang mga mata nito. “Umamin ka na, Natalie. Ano ang itinatago mo?”Bahagyang umiling si Natalie at tumitig lang sa asawa n
“Natalie, gaya ng gusto mo — mag-divorce na tayo.”Ang malamig na tinig ng lalaki ay umalingawngaw sa tahimik na silid ng ospital. Kasunod noon ang malutong na tunog ng papel na bumagsak sa mesa sa tabi ng kama.Divorce Agreement.Napakurap si Natalie, parang umiikot ang paligid. Amoy na amoy pa niya ang antiseptic, ramdam ang benda sa kanyang pulso, at ang tuyong lalamunan na halos hindi makalunok.Divorce? Kanino?Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin. Doon, sa pinakailalim ng dokumento, nakasulat ang pangalan na halos hindi niya maikonekta sa realidad:Theodore Vergara.Nanlamig siya. Theodore? Hindi ba iyon ang pangalan ng lalaking laman ng mga business magazine noon? Ang pinakabatang negosyante sa Manila — ang malamig, untouchable na hari ng mundo ng negosyo?Ang iniidolo niya noon. Napatingin siya sa divorce agreement at nakita niya ang sariling pangalan sa pinaka-ilalim nito.Natalie Flores-Vergara.At anim na taon ang nakalipas… asawa niya raw ito?Imposible. Labing-walong tao







