Share

Chapter 6

Woah!

Marami na din naman akong night markets na napuntahan noong nasa college ako dahil mahilig kumain sa iba’t-ibang lugar ang ex-husband ko pero hindi ko inaasahan na ang night market na nasa harap ko ngayon ay mayroong kakaibang ganda na talaga namang nakaka-attract sa mga tao.

Ang mga pagkain na isine-serve nila dito ay hango sa iba’t-ibang kultura ng ibang bansa. At mayroon din sila mga paraan nang sa gayon ay madali itong makain ng mga customers kahit pa patuloy ang paglilibot nila sa market.

Tulad na lang ng box kung saan nila inilalagay ang pagkain at mayroong nakakabit na cup sa ilalim nito na siyang pinaglalagyan ng inumin.

Kaya talagang mae-enjoy ng lahat ang pagkain at site-seeing sa paligid.

Hindi lang naman kasi puro food stalls ang narito. Mayroon ding mga stalls para sa mga mini games tulad ng mga darts, target shooting, mini-basketball at iba pa na talagang kasisiyahan, hindi lamang ng mga matatanda, kundi maging ang mga bata.

Ah, kung alam ko lang na mayroong mga ganito dito, sana pala ay isinama ko na si Millie.

“Sabi ko naman sayo, magugustuhan mo dito,” sabi ni Mikea. “And aside from that, sigurado din na marami kang bagong dishes na matututunan dito na maaari mong ibenta sa cafeteria mo.”

Well, she is not wrong on that one.

Karamihan sa stalls na narito ay ipinapakita kung paano nila i-prepare ang mga dish na kanilang inihahanda kaya madali iyong pag-aralan.

At tingin ko ay isa iyon sa main goal ng night market na ito. Ang ibahagi ang iba’t-ibang cruisines na nalalaman ng bawat chef na kabilang dito.

“Tara na at kumain ng masasarap na pagkain!” Kumapit siya sa braso ko at hinila ako papunta sa isang stall na nagse-serve ng asian food. “Ito muna ang umpisahan natin.”

Napailing na lang ako at hinayaan siyang mamili kung ano ang kakainin namin. This is her day off. At maliban pa doon, minsan lang din naman niyang makasama sa ganitong pagkakataon si Francis.

Sinamantala na nga ni Mikea ang pamimili ng mga pagkain namin. At dahil masyadong marami ang pinili niya ay nagpasya na kaming mag-dine in na lang muna dahil mayroon namang prepared na table and chair ang bawat stall.

Though, kaming dalawa pa lang ni Francis ang naupo dahil si Mikea ay nanatili sa gilid ng chef at pinapanood kung paano nito lutuin ang mga pagkain namin.

“Mukhang nasisiyahan nga siya sa pagpasyal niyang ito,” sabi ni Francis habang nakatingin kay Mikea na animo’y isang bata na tuwang-tuwa sa kanyang pinapanood. “At matagal na din nang huli ko siyang ngumiti ng ganyan kasaya.”

“Masyado siyang naging busy sa bago niyang trabaho nitong mga nakaraang buwan kaya wala siyang oras para makapagpamsyal,” sabi ko.

“Ahm…” Napakamot siya ng ulo at bumaling sa akin. “Ang totoo niyan ay hindi iyan ang ibig kong sabihin.”

Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”

“Simula kasi noong nagtrabaho siya sa factory ay hindi na muling siya ngumiti na umaabot sa kanyang mga mata,” paliwanag niya. “Iyon kasi ang madalas kong hanapin sa kanya noong nagkakasama pa kami. Iyong matamis niyang ngiti.”

Oh.” Tumangu-tango ako at bumaling kay Mikea.

Well, nabanggit na naman sa akin ni Mikea ang halos buong buhay niya at isa na doon ang pagkakataon na kinailangan niyang dumistansya kay Francis matapos siyang matanggap sa factory dahil masyado nang malaki ang pag-aaway ng pamilya nila dahil sa pagkakaibigan nila.

At tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit nawala ang ngiting madalas na hinahanap ni Francis sa kanya.

Kahit naman kasi ganito ang sitwasyon ni Francis, hindi nagbabago ang nararamdaman niya para dito. Pero hindi niya kayang suwayin ang sariling pamilya dahil masyado niya ding mahal ang mga iyon.

“At ito na nga ang mga pagkain natin,” sambit ni Mikea na siyang naglapag ng isang tray sa table namin. “And I was the one who seasoned that.” Itinuro niya ang noodle dish na dala niya. “At iyon naman ang mga pagkain na nirekomenda ng mga chef dito.”

At tatlo pang tray na naglalaman ng pagkain namin ang dumating.

“Sigurado ka bang mauubos natin ang lahat ng ito?” tanong ko sa kanya. “Baka nakakalimutan mo na ito pa lang ang nabibisita nating stall. Marami pa—”

“Just eat, Milan,” sabi niya at inilapag ang isang plato sa harap ko. “We will check other stalls later and that is for sure, okay?”

Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang kutsara ko.

Hindi naman ako mananalo sa pakikipagtalo sa babaeng ito dahil alam niya kung paano ako patigilin.

“So, kamusta naman ang bago mong trabaho?” tanong ko sa kanya habang kumain kami. “Mabait ba sayo ang mga coworkers mo?”

“Wel, hindi naman lahat ay mabait sa akin kasi ang karamihan sa kanila ay nagseselos dahil ako ang nakakuha ng posisyon na malapit sa gwapo naming boss,” sabi niya. “At sinasabi pa nga nila na wala naman daw akong potensyal na maging secretary dahil wala akong kakayahan. At kaya lang daw ako natanggap sa kumpanya ay dahil ginamit ko ang kagandahan na mayroon ako.”

“At mukha namang wala kang pakialam doon,” sabi ni Francis habang natatawa na nakatingin sa reaksyon ni Mikea habang ikinukwento ang karanasan niyang iyon sa kanilang opisina.

Imbes kasi na matakot o masaktan sa mga salitang iyon ay para bang gustong-gusto pa niyang naririnig ang mga iyon.

Alanganin siyang ngumiti at napakamot ng kanyang ulo. “Well, alam ko kasi ang kakayahan ko. Nasa training pa ako at talaga namang hindi madali ang pagiging secretary lalo na kung walang previous experience. Kaya kahit ako, sa sarili ko ay nag-aalangan pa din kung deserve ko nga ba ang posisyon ko sa malaking kumpanya na iyon. Pero—”

Yeah, there is a but…

At lalong lumapad ang ngiti niya at para bang proud pa siya nang tumingin sa amin. “Gustong-gusto ko kasi na ipinangangalandakan nila sa akin na maganda ako.”

Napangiti ako at muling napailing na lang ng ulo.

Wala talaga siyang pakialam sa mga masasakit na salita na naririnig niya sa mga taong iyon dahil ang higit na nakakuha ng atensyon niya ay iyong magandang bagay na sinasabi niya kahit pa pang-iinsulto ang gusto nilang gawin dito.

And that is what I really like about her. She always sees what is good in everything despite what situation she is in.

“Hindi ko naman iniisip na maganda ako noong nag-apply ako sa kumpanyang iyon,” dagdag ni Mikea. “Pero dahil lagi nilang sinasabi iyon ay nagsisimula ng tumatak sa utak ko na maganda talaga ako.” At hinawi-hawi pa niya ang buhok niya.

“Maganda ka naman talaga.” sabi ni Francis habang nakatingin sa kanya.

Natigilan si Mikea at pansin ko agad ang pamumula ng mga pisngi at tainga niya. Hindi naman niya kasi inaasahan na sasabihin iyon ni Francis habang taimtim na nakatingin sa kanya.

Iniyuko niya ang kanyang ulo at hinawakan ang kanyang mukha upang itago ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

Pakiramdam ko tuloy ay third wheel ako sa date nilang ito dahil para na silang nasa sarili nilang mundo. Kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko at hinayaan silang maglambingan sa tabi ko.

Pagkatapos kumain ay nagpasya na muna kaming i-check ang mga entertainment stall. Busog na busog ba naman kami sa dami ng pagkain na in-order ni Mikea.

At sa pagkakataong iyon ay pinili kong bahagyang lumayo sa kanila. Alam ko naman kasi na gusto talaga nilang makasama ang isa’t-isa at baka makagulo lang ako sa date nila.

Nag-message na lang ako kay Mikea na magkita kami sa exit ng night market kapag nag-10 o’clock na ng gabi.

Dahil ako na lang naman mag-isa ay pinili kong i-check na lang ang iba pang mga food stalls para magkaroon ako ng idea kung ano ang mga bagong dishes na idadagdag ko sa menu ko.

At karamihan sa mga chef na nakausap ko ay masayang itinuro sa akin kung paano lutuin ang mga dishes na sila mismo ang gumawa.

Sila pa nga ang nagsabi sa akin na maaari kong idagdag iyon sa menu ng cafeteria ko.

Kailangan ko lang daw dagdagan iyon ng sarili kong twist nang sa gayon ay umayon iyon sa panlasa ng mga customers ko.

Sinulat ko ang lahat ng mga itinuro nila sa akin. At ang swerte ko dahil siguradong malaki ang maitutulong noon para magkaroon ako ng mas maraming customers.

Hindi naman kasi ako professional chef. Hindi rin ako ganoon kagaling sa pagluluto kaya naman kailangan ko talaga ang mga pointers na binigay nila para makapagluto ako ng masarap na pagkain.

Ah! Mabuti na lang pala at pumayag ako na sumama kay Mikea.

Tumunog ang alarm ko na siyang nag-iindika na 10pm na ng gabi kaya namang itinabi ko na ang mga notes ko at itinapon ang mga pinagkainan ko pagkuwa’y naglakad papunta sa direksyon kung nasaan ang exit.

Sana lang ay naroon na si Mikea para makauwi na din kami agad.

Kapag talaga hindi ko nakita ang babaeng iyon sa meeting place namin, pipisilin ko talaga ang pisngi niya hanggang mamula. Alam niyang hindi ako pwedeng abutin ng hating-gabi.

Malapit na akong makarating sa exit ng night market at nakahinga ako ng maluwag nang makita doon si Mikea at kasama niya si Francis.

Pero mayroon pa silang kasama.

Isa iyong lalaki na nakatalikod sa akin kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Peor tingin ko naman ay kilala iyon ni Mikea dahil kumportable siya habang kausap ito.

Makikita ko na sana ang mukha nito ngunit agad na itong nagpaalam bago pa ako tuluyang makalapit sa kanila kaya kunot noo akong tumingin kay Mikea.

“Sino iyon?” tanong ko habang nakaturo sa lalaking kausap niya kanina.

“Ah, iyon ang boss ko,” nakangiti niyang sabi. “Apparently, kinaladkad siya ng kaibigan niya para pumunta dito kapalit ng isang malaking deal kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sumama. Pero dahil alas-diyes na ng gabi ay nagpasya na siyang umuwi nang hindi na nagpapaalam sa kasama niya.”

“Oh.” Tumangu-tango ako.

“At nagkataon na nagkita kami dito sa exit,” dagdag niya. “Ang coincidence, noh?”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joan Alacto
Wala ngd iban nga nka unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status