At dahil nga gustong makasiguro ni Mikea na sasamahan ko siya sa pupuntahan niya ay sinakto niya ang dating sa mismong oras na nagsasara na ako ng karinderya ko.
"Nasabihan ko na si Inday at pumayag naman siya na magtagal tayo sa labas hanggang 10pm," sambit ni Mikea matapos kong mai-lock ang gate ng karinderya. "Kaya huwag ka nang mag-alala sa bahay mo, okay?”
Napabuntong hininga na lang ako. Wala na talaga akong kawala dahil naasikaso na niya ang lahat mula sa bahay ko. “Oo na.” Inilagay ko na sa bag ko ang susi tsaka lumapit sa kanya. “Siguraduhin ko lang na hindi tayo lalapgpas ng alas-diyes ng gabi, huh. Sasabunutan kita kapag hindi ka nagpatangay umuwi kapag nag-aya ako.”
Ngumiti siya at kumapit sa braso ko. “Nako, huwag kang mag-alala. Alam ko naman na hindi ka pwedeng lumagpas sa oras na iyon kaya promise, uuwi tayo agad.”
“Good.”
Madali namang kausap ang isang ito kaya hindi na masama na pagbigyan ko siya ngayon. Bihira lang din siya kung magkaroon ng day-off at ang mga ganitong pagkakataon ay bihira lang din niyang gawin.
“Then, tara na sa night market at lumamon ng marami!” masaya niyang sabi na ikinatawa ko na lang.
Well, pagkain na din naman ang pupuntahan namin kaya walang masama kung ie-enjoy ko ang pagpasyal naming ito. Mag-uuwi na lang ako ng pasalubong para sa bahay.
“At para makarating tayo agad doon, nagtawag na ako ng sundo natin.” Iginiya ako ni Mikea sa gilid ng kalsada palapit sa nakaparadang tricycle. “Isinama ko na din si Isko.”
“Hello, Ate Milan,” nakangiting bati ni Isko, ang kapitbahay namin na may gusto kay Mikea.
Magkababata ang dalawa at ang alam ko ay talagang patay na patay itong si Isko kay Mikea. Ang kaso nga lang, walang interes sa lalaki itong kaibigan ko kaya naman ilang beses na niyang sinasabi dito na hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay.
At hindi naman iyon naging hadlang sa pagkakaibigan nila. Though, ang pamilya naman nila ang naging hadlang sa closeness nilang dalawa.
Elementary lang kasi ang natapos ni Isko. Maaga siyang nawalan ng mga magulang kaya siya ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niyang babae.
Isinakripisyo niya ang kanyang pag-aaral para magtrabaho at kumita ng ipangbubuhay sa kanilang magkakapatid.
Habang si Mikea naman ay nakatapos ng college at mayroong magandang trabaho kaya iniisip ng kani-kanilang pamilya na hindi sila nararapat na maging magkaibigan.
Iniisip ng pamilya ni Mikea nakikipaglapit ang lalaki dahil gusto siya nitong perahan. Gustong hingan ng pera upang makaluwag sa buhay.
Iniisip ng mga kapatid ni Isko na ginagamit ni Mikea ang nararamdaman ng lalaki sa kanya para mapasunod ito sa anumang hilingin niya.
Kaya ang mga ganitong pagkakataon na nagkakasama sila ay bihira lang.
“Mas mabuti na iyong may sundo tayo para hindi na tayo mahirapan sa pagpunta at pag-uwi,” sabi ni Mikea. “At sakto na nakita ko iyang si Isko sa pilahan kaya siya na ang kinontrata ko. Plus, matagal-tagal na din kaming hindi nagkaka-bonding itong best friend ko.”
Napangiti ako. “Oo na.” Bahagya ko siyang itinulak papasok ng tricycle. “Ang dami mong sinabi. Alam ko naman na na-miss mo lang si Isko kaya talagang sinadya mo siya sa pilahan.”
Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Ate!”
Tinapik-tapik ko ang braso niya. “You don’t have to deny that to me.”
“Huwag ka namang magbiro ng ganyan, Ate Milan,” natatawang sambit ni Isko ng tuluyan kaming makasakay sa tricycle niya. “Baka mamaya ay maniwala ako diyan.”
“Oo nga!” alma ni Mikea. “Baka nga maniwala iyan at mag-assume pa.”
“Nasa iyo naman kung maniniwala ka o hindi,” sambit ko. Bahagya pa akong natawa nang panlakihan ako ng mata ni Mikea.
Well, ang totoo kasi niyan ay may gusto din ang babaeng ito kay Isko pero dahil sa sitwasyon ng pamilya nila ay ipinipilit niyang wala siyang nararamdaman para dito nang sa gayon ay hindi lumala ang sitwasyon.
Para sa kanya, mas makakabuti kung magiging magkaibigan sila dahil hindi din niya kayang suwayin ang pamilya niya. At kailangan pa si Isko ng mga kapatid nito kaya ayaw din niyang dumagdag sa aalalahanin nito.
“Palabiro ka talaga, Ate Milan.” Napailing na lang si Isko at tuluyan nang pinaandar ang tricycle.
Hindi na ako nagsalita pa.
Wala kasi akong karapatan na manghimasok sa sitwasyon nilang dalawa. Though, nandito lang ako kung sakaling kailangan nila ng tulong.
***********
Enver Andrius;
“Pakisabi nga sa akin kung bakit sumama ako sayo dito?” naiiling kong sambit kay Dash nang makarating kami sa harap ng isang night market.
“Dahil sinabi ko sayo na tutulungan kitang magkaroon ng contact sa Anox nang sa gayon ay maging dealer ka din nila para sa mga kotse nila,” nakangiti niyang sambit. “At kapalit noon ay sasamahan mo ako sa food trip ko dito.”
Napabuntong hininga ako.
Yeah, iyon nga ang dahilan.
Iniwan ko ang lahat ng trabaho ko matapos niyang sabihin na kaya niya akong i-schedule ng appointment sa mismong may-ari ng Anox, ang car manufacturer ng pinakamahal na sasakyan sa buong mundo.
Kahit kasi mahal ang mga sasakyan na ginagawa sa kumpanyang ito ay talaga namang pinagkakagastusan ito at iilang car dealer shop lang ang may permission na magbenta ng mga ito.
Karamihan sa customer ng shop ko ay mga kotseng gawa ng Anox ang gustong bilhin kaya naman ginagawa ko ang lahat upang magkaroon ng kontak sa loob nito.
Ang mismong may-ari lang ang nag-iisang tao na makakapag-autorize sa akin para ibenta ang sasakyang gawa ng kumpanya nila.
Pero hindi madaling makakuha ng appointment dito.
At para sa tulong ni Dash na magkaroon ako ng pagkakataon na makaharap si Mister Neon, ang may-ari ng Anox, ay sumama ako sa kanya dito kahit na ayaw ko talagang umalis sa office ko.
“Let’s just enjoy the night, En,” ani Dash. “Aba’y matagal na din nang huli tayong mag-bonding, hindi ba? Huwag mo na munang intindihin ang trabaho mo dahil bukas na bukas din ay sisiguraduhin ko na haharapin ka ni Lancelot.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “You call him by first name. Close kayo?”
Ngumiti siya at tumango. “Hindi lang kami basta close…” Ipinakita niya sa akin ang kamay niya at ang kanyang hintuturo ay nakapulupot sa kanyang gitnang daliri. “Ganyan kami ka-close.”
“Bakit parang hindi kapani-paniwala?”
Likas na mabait si Lancelot Neon, iyan ang madalas kong mabasa sa mga magazine kung saan siya napi-featured, pero hindi siya iyong tipo ng tao na nakikipag-close sa iba. As far as I know, he preferred to be alone most of the time. Kaya hindi talaga kapani-paniwala ang sinasabi nito.
“Magtiwala ka na lang, okay?” Inakbayan niya ako. “Sa ngayon, mag-enjoy muna tayo.”
Napabuntong hininga na lang ako. Wala na naman akong choice dahil nandito na kami at hindi na ako basta makakabalik pa sa opisina ko.
Well, hindi naman siguro masama na mag-relax kahit ilang oras lang.
“Matagal pa ba tayo?” tanong ko kina Ferry at Castiel na umaalalay sa akin habang naglalakad. Nakapiring ang mata ko dahil mayroon daw silang surprise para sa akin.Kakagaling ko lang sa magulang ni Amethyst at nakausap ko sila sa maaari naming gawin upang tulungan ito sa sitwasyon na kinakaharap.Kahit kasi sila ay nababahala na din sa kahahantungan ng buhay ng anak kung magpapatuloy lang ito sa pagtatago.Matapos naming mag-usap ay sinundo ako ng dalawang ito at bago pa makarating sa pupuntahan namin ay nilagyan na nila ako ng piring sa mata.“Malapit na tayo kaya relax ka lang diyan,” ani Ferry.“Pero halos isang oras ko nang suot ang blindfold na ito,” reklamo ko. “Bakit ba biglaan niyong naisipan na magbigay ng surprise?”“It is not our idea,” ani Castiel. “May ambag kami pero hindi kami ang pasimuno nito. Ang asawa mo ang nangunguna para sa surprise na ito.”“Biglaan nga eh,” sabi pa ni Ferry. “Kahapon niya lang kami kinausap tungkol dito kaya isang mabilisan na pag-aayos na lang
Kailanman ay hindi ko inaasahan na darating ang ganitong pagkakataon. Kung saan makikita kong masaya kaming lahat, walang halong pagpapanggap at tunay ang bawat ngiti na ibinibigay sa isa’t-isa.After we finished our dinner, we decided to continue our conversation in the living room. Doon na din dinala ang mga wine at beer dahil nagkayayaan ang magkakapatid na mag-inuman na, tutal ay matagal na din silang hindi nagkakasama.Habang ang magulang nila ay abala sa pagpapakita kay Millie ng mga regalo nila.Kami na lang ang narito dahil sinundo na si Ferry ng kanyang asawa, habang si Castiel ay umakyat na sa guest room dahil maaga pa ang kanyang pasok bukas. Dito ko na siya pinatulog dahil marami na din ang wine na kanyang nainom.“What?” ani Enver sa kapatid. “Enish divorced her husband?” Si Enish ang isa pa nilang kapatid na babae na mas bata lang ng isang taon kay Enver. “Why?”“The bastard was having an affair with his cousin,” ani Ethyl. “Kaya wala nang pali-paliwanag at nang malaman
Akala ko ay tatanggihan ni Enver na makipag-usap sa pamilya niya para ayusin ang hidwaan sa pagitan nila. Kaya naman napangiti ako nang dalhin niya ang mga ito sa garden at doon sila nagsimulang mag-usap.Habang kami ni Millie ay tumutulong na sa mga maid para ihanda ang hapag. Nang sa gayon ay makakain na kami pagkatapos nilang mag-usap.“Eh? Seryoso?” sambit ni Ferry matapos ikwento ni Castiel sa kanya ang paghingi ng tawad sa akin ng mga in-laws ko. “Sincere ba?” Bumaling siya sa akin. “Hindi eme lang dahil natatakot na ma-upset ka dahil alam nilang posible mong ipagbawal uli na makalapit sila kay Millie?”“That is the first thing that came to my mind earlier.” Inilapag ko sa harap niya ang isang plato na puno ng slice kiwi at may side sauce na spicy ketchup. Iyon kasi ang pinaglilihian niya. “But it feels like they were sincere. Erwin vouch for that.”“Oh well,” ani Castiel. “It doesn’t really matter now if they were sincere or not. Labis na kahihiyan na ang dinanas sila dahil sa
“Are you even breathing?” Castiel whispered to me while we were looking at the car that stopped in front of our house. “You don’t have to be nervous, right?” I glared at her. “I am not nervous.” Inirapan ko siya. “I am just composing myself to avoid the awkwardness that we might feel later.” I turned my attention to the car when it slowly opened. Lumabas doon ang mag-asawang Don Emil at Madame Venice na todo postura pa. May mga bitbit pa silang maraming paper bag na tingin ko ay naglalaman ng mga laruan na ibibigay nila kay Millie. Enver was the one who got out of the house to greet them. Ferry was staying inside while Castiel and I stood in front of the door, together with Millie who was holding my hand. “If you say so,” she said. “But I didn’t expect that they would also bring two of Enver’s siblings.” We both turned our eyes to the other car that just arrived. At laman ng sasakyang iyon ang dalawa sa nakababatang kapatid ni Enver, sina Ethyl at Erwin. “Mukhang hindi din nila i
Nakakulong ako ngayon sa banyo at nakatitig sa limang pregnancy test kits na pinabili ko kay Castiel.Kanina pa lumabas ang resulta at pare-pareho lang ang lumabas sa limang test na ito. And I am overwhelmed with the emotion I am feeling right now.Nasa plano ko naman talaga na magkaanak pa, kung papayag si Enver. Gusto ko kasi talagang bigyan ng kapatid si Millie. Pero hindi ko inaasahan na ibibigay ito agad sa amin sa panahong hindi namin inaasahan.Yes, I am pregnant. Ang limang test kits na ginamit ko ay pare-parehong nagresulta ng positive.“Milan!” sigaw ni Ferry mula sa labas. “Nandito na ang asawa mo! Nagsumbong agad ang maid mo na kanina ka pa nagkukulong dito sa banyo kaya siguradong susugurin ka na niya.”Kinuha ko ang isang dalawang test kits pagkuwa’y binuksan ang pinto. Eksakto din na kapapasok lang ng kwarto ni Enver at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.“Anong nangyayari dito?” tanong niya. Agad siyang lumapit sa akin ngunit bago pa niya ako mahawakan ay agad ko na
“Mommy!”I slowly opened my eyes and I saw Millie jumping in bed while calling out for me.“Wake up, Mommy! It is already morning.” She stopped jumping when she saw me awake and sat beside me. “Good morning, my beautiful mommy.” She kissed my cheeks. “Daddy is preparing our breakfast. Bangon ka na po.”I smiled and pulled her closer to me. “Let’s sleep more, baby.” I kissed her neck and tickled her side which made her laugh.“Mom! Don’t tickle me!” Sinubukan niyang makawala sa akin ngunit mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumawa na lamang. “Mommy! Please stop!”“Hey…”Tinigilan ko ang pagkiliti sa kanya at sabay kaming bumaling sa pinto. Nakita namin doon si Enver na may dalang isang malaking tray na puno ng pagkain kaya naman agad na kaming bumangon at inayos ang kama.“Breakfast in bed for my lovely ladies.” Nilapag niya ang tray sa kama tsaka hinalikan ang noo namin ni Millie. “Dito na tayo kumain at siguradong hindi mo pa gustong bumangon dito.”“