MasukThank you very much for unlocking chapters. Love you all!
Natahimik si Sofia.“Pwede mo nang i-level up ang pang-aakit,” bulong ni Faith. “Pero classy. Huwag cheap. Dapat hindi masyadong halata. Actually sa ganda mo, hindi ka mahihirapang mang-akit.”“Paano?”“Simple. Medyo lapit at dikit lang ng konti.”Napatakip si Sofia sa bibig niya. “Grabe ka.”“Hindi ’yan grabe,” tawa ni Faith. “Strategy ’yan. Pagpapakita ng motibo.”Kinabukasan, ginawa ni Sofia ang sinabi ni Faith, pero in her own way. Nilabhan niya ang shirt, ibinabad sa Downy. Pinatuyo. Pinalantsa, at tinupi ng maayos.Pagdating niya sa school, kabog ang dibdib niya.Office 308. Kumatok siya.“Come in.”Pagpasok niya, nandoon si Zack, nakaharap sa laptop, pero parang pagod ito.Lumapit siya sa desk, inilapag ang shirt na nakabalot sa malinis na paper bag.“Sir, ibinabalik ko po yung shirt ninyo. Nilabhan ko na po.”“Keep it,” anitong bumalik ang mata sa laptop.“Bakit po?”“Para kapag kinailangan mo, may pamalit ka ulit.”“Okay po. Sir,” sabi niya, dahan-dahan, “coffee po?”“Yes pl
“Sir, huwag na po--” aniyang nahihiya.“Mahirap umuwi ng madilim at umuulan.”Wala siyang nagawa kundi tumango.Sa parking, may itim na sasakyan si Zack.Pag-upo ni Sofia, kumapit siya sa seatbelt.Si Zack pumasok sa driver seat at nagsindi ng makina.Habang umaandar sila, walang masyadong salita.Sinubukan niyang magsalita. “Sir, salamat po sa… sa shirt. Ibabalik ko po bukas.”Tumango lang ito.Umusad ang kotse ni Sir Zack sa makipot na kalsada ng barangay, mabagal dahil sa tubig na naipon kalsada.Nakaupo siya sa passenger seat, yakap ang bag.Pagdating sa kanto, ibinaba ni Zack ang bintana upang tignan kung kasyang ipasok sa loob ang sasakyan.Biglang may sumigaw.“Ay, si Sofia!”Nanlaki ang mata niya. Kitang-kita niya ang kapitbahay nilang si Aling Mercy, nakapayong, nakapamewang, at parang may hawak na megaphone kahit wala.“Anak, sino ’yang kasama mo?!” sigaw nito.Napatigil siya. “Sir, dito na lang po ako. Masikip na po ang daan.”Tumakbo si Aling Mercy papunta sa bahay nila, s
“Sir…” halos pabulong na sabi ni Sofia.“Your hair,” sabi ni Zack, saka dahan-dahang inayos ang hibla sa gilid ng pisngi niya, isiningit sa likod ng tenga. Isang iglap lang, pero parang huminto ang oras.Hindi sila nagsalita.Malamig pa rin ang office kahit nakasuot na siya ng coat ni Sir Zack. Sa labas, humahampas ang ulan sa bintana, parang may galit ang langit.“Parang nayakap ko na rin siya,” naisip niya, sabay higpit ng yakap sa sarili. Pero hindi niya puwedeng ipahalata.“Sir,” mahina niyang sabi habang sinusunod ang filing order, “itong evaluation forms, alphabetically po ba per program?”“By program first. Then alphabetically,” sagot nito, hindi tumitingin.Tumango si Sofia, saka tumayo para abutin ang folder sa itaas ng cabinet. Medyo mataas. Kailangan niyang umangat sa dulo ng toes. Dahil naka-coat siya, medyo maluwag, medyo mabigat.Pagkakuha niya ng folder, lumingon siya para bumalik sa mesa… at doon.“Naku!”Nadulas ang paa niya sa sahig. Bigla siyang nawalan ng balanse.
“Sir Zack, heto po ang approved campaign, paki-check and sign na din po after ninyo i-review. Salamat po,” tawag ni Dean Reyes at inabot ang isang folder.Si Zack lumakad sa tabi ni Sofia, pero parang may invisible shield. Pagdating nila sa clinic, ito ang nagbukas ng pinto.Pagpasok nila, malamig ang clinic, may nurse na nag-angat ng ulo.“Sir Zack?” gulat ng nurse. “May nangyari po ba?”“Please, check her arm,” maikli nitong sagot.Napatitig si Sofia sa sahig.Habang tinitingnan ng nurse ang pasa, napansin ni Sofia na si Zack nakatitig pa rin sa braso niya.Paglabas nila ng clinic, si Zack ang nag-ayos ng sleeve niya.“Sir…salamat po,” halos pabulong si Sofia.Bumalik sila sa Office 308. Pagpasok, trabaho agad. Papel. Folders. Schedules.Pero para kay Sofia, bawat segundo sa loob ng kwartong ’yon ay parang may sariling romantic suspense.Si Sir Zack naupo sa likod ng desk, tahimik, nakatutok sa laptop. May mga papel na nakahilera, evaluation forms, schedules, attendance sheet. Paran
Hindi agad sumagot si Sofia kay Faith.Nakatayo sila sa may gilid ng bulletin board, nakasandal si Faith na parang wala lang, pero siya… malakas ang kabog ng dibdib.“Bes,” hirit ni Faith, kinurot ang braso niya nang bahagya, “hindi ko sinasabing lumandi ka. Magpapakita ka lang ng motibo. Parang ipapaalam mo lang na available ka.”“Pero professor ko siya,” mahinang sagot ni Sofia. “At anak ng may-ari. At--”“At gwapo,” singit ni Faith, sabay tawa. “Saka ikaw? Alam mo bang maganda ka? Kulang ka lang sa ayos. Lagi kang nakapusod, may salamin ka pa. Parang lagi kang nagtatago.”Napatitig si Sofia sa sariling repleksyon sa salamin ng Bulletin.“Hindi ito tama,” bulong niya. “Pero… gusto ko rin namang mapansin. Kahit konti.”“’Yan!” tuwang-tuwang sabi ni Faith. “Ayan ang tamang spirit. Konting ayos lang. Hindi ka magpapaka-sexy, hindi ka magpapaka-cheap. Basta… noticeable.”“Paano?” napatitig si Sofia.Tinapik ni Faith ang balikat niya. “Simple. Hair down. Konting lipstick. Ayos ng kilay.
“You even offered marriage to me noon,” sabi ni Stacey, umiiyak na. “Para iligtas ako sa kahihiyan. Para hindi ako masira.”Nanikip ang dibdib ni Zack nang naalala ang panahong wala siyang ibang magawa kundi saluhin ang gulo ng ibang tao.Yumakap na ang babae sa kanya ng mahigpit. Parang kung bibitaw siya, guguho ito.“You were my safe place,” iyak ni Stacey. “Zack… I need you.”Hindi siya nakasagot.May kumatok sa pinto.Naghiwalay sila ni Stacey.Bumukas ang pinto. Isang guro ang sumilip. “Sir Zack, mag-start na po ang program for exchange students. Nasa auditorium na po sila. Kayo po ang welcome remarks.”Tumango siya. “I’m coming. Thanks, Sir Diaz.”Pinahid ni Stacey ang luha, saka tumingin sa kanya. “After that… we talk, okay?”Saglit na tiningnan niya ang babae. “Stacey, kailangan mo ng magpahinga, aalis lang ako saglit tapos, ihahatid kita.”“Huwag mo akong itaboy,” bulong nito.Hindi sumagot si Zack. Kinuha niya ang coat, inayos ang tie, at lumabas.“Babalik ako.”Iniwan si Sta







