LOGINMedyo naramdaman ni Liana na tumutubo ang sungay niya sa sinabi ni Stella, pero pinigil niya ang sarili. Baka mapalayas siya nang wala sa oras. Huminga siya nang malalim, pinili ang maging mahinahon.
“Ma’am, si Ninong Rafael po ang magdedesisyon kung hanggang kailan niya ako tutulungan.”
Matalim ang ngiti ni Stella. “I’ll make sure, you’ll leave,” bulong nitong parang sampal.
Hindi na sumagot si Liana. Pumasok siya nang tawagin ni Rafael para kumain ng hapunan. Mabango ang chicken barbeques, ginataang kalabasa, at ginataang mais.
Tumulong si Liana sa paghahain, ngunit bago pa man siya makalayo, tinapik siya ni Rafael at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi.
“Umupo ka na dito. Magmula ngayon, hindi ka na magsisilbi ng hapunan. Pagod ka sa school,” mahinahon nitong sabi.
Mabilis siyang tumalima.
Habang kumakain, kulang na lang ay kumandong ito sa ninong niya.
Sa katahimikan, aksidenteng nahulog ang kutsara niya. Sabay silang yumuko ni Rafael upang damputin. Sabay silang dumampot. Nagtagpo ang mga kamay. Parang may dumaloy na kuryente sa balat niya. Nag-angat siya ng tingin at nasalubong ang mata ni Ninong Rafael.
Tumikhim si Stella, mababa at mariin. Dahan-dahang umatras si Rafael, ibinalik ang tingin sa plato.
***
Kinabukasan, maagang nagising si Liana. Madilim pa. Nagsimula siyang maglinis, dala ang pamunas at balde. Habang pinupunasan ang cabinet sa dulo ng hallway, napalingon siya sa bahagyang nakaawang na pinto ng silid ni Stacey.
Sa salamin sa loob, may repleksyon ng isang babaeng umiiyak, mahina pero umaalog ang balikat.
Napasinghap si Liana. Paglingon niya sa mismong silid, wala namang tao.
Maya-maya, hinampas siya ng malamig na hangin. Umusok ang hamog sa salamin, at unti-unting sumulpot ang mga letra. LEAVE.
Kumalabog ang dibdib niya. Nabitawan niya ang pamunas at kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto, nagtalukbong siya ng kumot.
Bakit nagmumulto si Stacey? Hindi ba buhay pa ito? Kelan pa nagmulto ang may diprensya sa pag-iisip?
Kinabukasan, sinundo siya ulit ni Ninong Rafael. Minabuti niyang iwasan si Jasper.
Nalalakad na siya palabas ng unibersidad nang biglang bumuhos ang ulan. Dumilim ang langit, kumalabog ang kulog. Mabilis ang hakbang niya. Nakita niyang naghihintay na si Ninong Rafael at may dala pang payong. Wow! Para siyang nasa drama.
Ilang minuto pa lang sila sa byahe, maya-maya ay sumadsad ang kotse, na-flat ang gulong. Napilitan silang tumigil sa maliit na kubo sa gilid ng kalsada.
“Dito ka muna,” sabi ni Rafael, inaabot ang coat at isinuot sa balikat niya. “Baka magkasakit ka.”
Kahit malamig ang hangin, mainit ang bigat ng coat sa balat niya, parang yakap ng ninong niya. Pinanood niya ang bawat kilos nito.
Nag-alis ito ng shirt at hinagis sa kanya. Sakto sa mukha. Umalon ang puson niya ng maamoy ang pinaghalong pawis, natural na amoy at cologne sa shirt. Sininghot niya ang amoy. Nakakaadik. Lalo na ng mapagmasdan niya ang katawan ng ninong na hot namang talaga. Mula sa broad shoulders hanggang sa maliit nitong beywang na V-shape at matambok na pwet at maumbok na biceps with 6 pieces of pandesal. Sherep!
Tumayo si Rafael sa ulan, nagbukas ng compartment, at sinimulang palitan ang gulong. Binuhat niya ang jack, kinalas ang lug nuts, mabilis at maingat ang kilos nito.
“Ninong, baka po may maitulong ako.”
“Stay there,” putol niya, hindi tumitingin. “Baka mabasa ka.”
Pinanood niya ang ninong mula sa lilim ng kubo, ang pagtiklop ng manggas at ang tubig ulan na gumagapang sa katawan nito.
“Anong tinitingnan mo diyan?” tawag ni Rafael, hindi pa rin lumilingon. May bahid ng biro sa boses, ngunit kontrolado. “Nag-aalala ka ba o pinagpapantasyahan mo ako?”
“Nag-aalala po,” mabilis na sagot ni Liana, namula. “Malakas po ang ulan, baka magkasakit po kayo.”
“Malakas pa ako sa kalabaw.”
Natapos ni Rafael ang palit-gulong at lumapit pabalik sa kubo. Basang-basa ang katawan nito, kumikinang ang talsik ng ulan sa balat. Kinuha nito ang maliit na tuwalya mula sa loob ng kotse at pinunasan ang buhok, saka ibinalik ang tingin kay Liana.
“Mabuti at dinala ko ‘tong coat,” anito. “Kumusta? Giniginaw ka ba?”
“Kaunti lang po,” mahina niyang sagot. “Ako na po ang magpunas ng likod ninyo,” aniyang mabilis na kinuha ang towel.
Tumayo siya ay pumuwesto sa harap ng ninong. Napansin niyang tumutulo ang buhok nito kay inuna niyang punasan ang buhok.
Napatingala ito sa kanya at naglapat ang kanilang paningin. Kumabog ang dibdib niya kaya agad niyang pinunasan ang likod nito mula sa harap. Sa kaba ay hindi na niya napansin na halos nakasubsob na sa malaking dibdib niya ang ninong.
“Liana, baka hindi mo ako maiuwing buhay,” anitong ipinagtaka niya. Natigil siya sa ginagawa.
“Ang cause of death, suffocation.”
Tsaka lang niya napansin na ang mukha nito ay nasa dibdib niya. Bigla siyang napaatras kaya na-out of balance siya. Mabilis naman siya nitong nasalo.
Parang tumigil ang mundo. Nanigas siya. Pati labi nila ay masyadong magkalapit. Naamoy niya ang mabangong hininga ng ninong. Kusang napapikit ang mga mata niya.
Naramdaman niya ang marahang pagpitik nito sa noo niya.
“Bakit nakapikit ka pa? Tara na, umuwi na tayo.”
Pinamulahan siya ng pisngi.
“Liana, gusto kong malaman mo na hanggang sa akin ka nakatira ay susunod ka. Huwag kang basta nagtitiwala sa ibang tao.”
“Hindi naman po ako maloloko ng iba,” sagot niya, mas mahina kaysa sa gusto niyang iparinig.
Saglit na katahimikan. Tila nakikiramdam ang ulan.
Napatingin siya sa ninong.
Hindi agad sumagot si Rafael. Sa halip, dahan-dahan nitong hinaplos ang kanyang mukha.
“Basa ang mukha mo,” anitong tila nakuryente na naman siya. Inabot nito ang panyo.
Nang abutin niya ang panyo, nagtama ang daliri nila. Isang iglap na mahaba.
“N-ninong,” bulong niya. “Bakit po parang… ang hirap huminga kapag malapit kayo?”
Lumingon siya, mabagal. Ang mga mata nito, tila may bagyo at liwanag sa iisang langit. “Natatakot ka ba sa akin?”
Sumingit ang kidlat, isang puting guhit sa itim na langit. Napaatras siya at napapikit.
Bago pa siya makapagsalita, tumunog ang phone ni Rafael. Agad nitong sinagot ang tawag.
“Ha? Anong nangyari kay Stacey?!”
Tumitig si Rafael kay Liana. “Wala kang dapat ipagpasalamat,” anito. “Basta… habang nasa poder kita, aalagaan kita pero dapat kang sumunod sa akin.”“Raf--, ninong,” naputol ang boses ni Liana sa sariling tawag, nagulat din siya sa pagtawag na iyon. Parang bata siyang nahuling lumapit sa apoy.Nag-angat ng kamay si Rafael, mabagal, maingat para hawiin ang hibla ng buhok sa gilid ng pisngi niya.Tumama ang dulo ng daliri nito sa balat niya, isang dampi lang, ngunit buong katawan niya ang tumugon. Hindi siya makagalaw.Sunod-sunod ang malalakas na kulog at kidlat. Napayakap siya sa ninong niya sa takot. Tsaka lang niya napansin na mainit ito at nilalagnat.Tinitigan niya ang mukha nito sa dilim. Maputla ito.“Ninong, okay lang po kayo? Mainit po kayo,” tanong niya at sinalat ang noo nito.“I’m fine,” mabilis na sagot nito. “Magpahinga ka na,” anitong tumalikod na.Pero pagsilip niya makalipas ang ilang oras, nakita niya itong nakahiga sa kama, pawis na pawis, namumula ang pisngi at noo.
Pagkarinig ni Rafael sa tanong niya, tumagal ang katahimikan na parang walang katapusan. Tanging ugong ng ulan at pagpitik ng wiper ang humahati sa dilim sa labas ng windshield. Hawak nito ang manibela, pero wari’y malayo ang isip.“She tried to kill herself the night before our wedding,” mahinang sagot ni Rafael.Parang may humigop ng hangin sa dibdib ni Liana. “Ninong… ano po ang --”“Don’t ask questions anymore,” putol nito, mariin. “Dahil hindi ko na sasagutin.”Tumango siya, kinuyom ang palad sa tuhod. Hindi niya naituloy ang mga salitang nakatigil sa dila. Sa gilid ng kanyang paningin, kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata ni Rafael. Malinaw na mahal nito si Stacey, naisip niya, at sa bigat ng katotohanang iyon, parang may kumurot sa puso niya na hindi niya maintindihan kung bakit.Pagbalik nila sa mansyon, nabaling ang tingin ni Liana sa braso ni Rafael, may gasgas, parang kalmot, mapula at may marka ng dugo.“Ninong, sandali lang,” aniya, mabilis na tumakbo sa aparador at ki
Madilim pa nang dumating sila sa ospital. Sa labas ng gusali, may nakasabit na karatulang may nakasulat.St. Agatha’s Sanatorium – Private Psychiatric Ward.Tahimik si Liana habang naglalakad sa tabi ni Rafael. Ramdam niya ang lamig ng paligid at ang bigat ng hangin. Parang bawat hakbang nila, may kasabay na pag-hinga ng mga aninong hindi nakikita.Nang buksan ng nurse ang pinto ng silid, una niyang naamoy ang halimuyak ng gamot at alcohol. Pagpasok, bumungad sa kanila ang isang babaeng nakaupo sa kama – mahaba ang buhok, maganda ang mukha, at maputi.Si Stacey.Mas maganda ito kaysa kay Stella, maamo ang mukha pero may lungkot sa mga mata. Ka-edad marahil ni Rafael.Pero higit sa lahat, nakita niya ang bakas ng sakal sa leeg nito.Parang nilamon ni Liana ang hangin. Nagtangka ba itong magpakamatay?Tahimik na tumabi si Rafael sa kama at marahang hinawakan ang kamay ni Stacey.“Stace,” bulong nito. “Ako ‘to.”Tumingin si Stacey sa binata, pero ang mga mata ay tila walang nakikita.“Ra
Medyo naramdaman ni Liana na tumutubo ang sungay niya sa sinabi ni Stella, pero pinigil niya ang sarili. Baka mapalayas siya nang wala sa oras. Huminga siya nang malalim, pinili ang maging mahinahon.“Ma’am, si Ninong Rafael po ang magdedesisyon kung hanggang kailan niya ako tutulungan.”Matalim ang ngiti ni Stella. “I’ll make sure, you’ll leave,” bulong nitong parang sampal.Hindi na sumagot si Liana. Pumasok siya nang tawagin ni Rafael para kumain ng hapunan. Mabango ang chicken barbeques, ginataang kalabasa, at ginataang mais.Tumulong si Liana sa paghahain, ngunit bago pa man siya makalayo, tinapik siya ni Rafael at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi.“Umupo ka na dito. Magmula ngayon, hindi ka na magsisilbi ng hapunan. Pagod ka sa school,” mahinahon nitong sabi.Mabilis siyang tumalima.Habang kumakain, kulang na lang ay kumandong ito sa ninong niya.Sa katahimikan, aksidenteng nahulog ang kutsara niya. Sabay silang yumuko ni Rafael upang damputin. Sabay silang dumampot. Nagtagp
Mabango ang hapag-kainan nang gabi na iyon. May sinigang, inihaw na bangus, at tinapay na gawang-bahay ni Yaya Lucy. Tahimik ang paligid, tanging kaluskos ng kubyertos ang madidinig.Tumulong si Liana sa paghahain. Maingat niyang inilalapag ang mga plato, pero bago pa man siya makaupo, tinapik siya ni Rafael.“Umupo ka na rito,” mahinahon nitong sabi.“Po? Tapusin ko lang po.”“I said, sit down.” Hindi ito tumingin, pero matigas ang tono.Bahagyang tumigil si Stella, ang kutsara nito ay huminto sa hangin. “Ang suwerte naman ng kasambahay mo, Rafael,” sarkastikong sabi nito. “Pati sa hapag, pinauupo mo na.”“Hindi siya kasambahay,” malamig na sagot ni Rafael. “Si Liana ay nasa ilalim ng pangangalaga ko.”Humigpit ang dibdib ni Liana. Pinilit niyang ngumiti at magpasalamat, pero ramdam niyang dumulas ang titig ni Stella sa kanya, mula ulo hanggang paa, parang sinisipat kung anong klaseng tao siya.Habang kumakain, hindi nakatakas sa mata ni Liana ang madalas na pahaplos-haplos ni Stella
Pagkaalis ni Liana sa study, nagsara nang marahan ang pinto. Ngunit bago pa siya makalayo, umalingawngaw ang tinig ni Stella mula sa loob, matinis, at halatang galit.“You’re replacing Stacey with that girl! Paaalisin mo ang babaeng ’yan!”Tumigil siya. Dumikit ang tainga sa malamig na kahoy. Sunod niyang narinig ang baritonong boses ni Rafael.“Don’t start again, Stella. Hindi mo naiintindihan.”“Iniisip ko lang ang reputasyon mo! Baka makasira sa ’yo ang inaanak mong ampon.”“Malaki ang utang na loob ko kay Kuya Crisanto. Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak niya.”“Alam ng lahat na kapag gumaling na si Stacey ay magpapakasal kayo, hindi ba? Tiyak na hindi makakabuti kapag nalaman niyang may babae kang kasama sa iisang bubong. Baka hindi na siya tuluyang gumaling.”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Liana. Gumaling? Ibig sabihin ay totoong may sakit si Stacey, ang babaeng nasa larawan?Tahimik siyang umatras, nanginginig ang tuhod. Sa bawat hakbang, bumigat ang dibdib. Mainit ang







