LOGINTumitig si Rafael kay Liana. “Wala kang dapat ipagpasalamat,” anito. “Basta… habang nasa poder kita, aalagaan kita pero dapat kang sumunod sa akin.”“Raf--, ninong,” naputol ang boses ni Liana sa sariling tawag, nagulat din siya sa pagtawag na iyon. Parang bata siyang nahuling lumapit sa apoy.Nag-angat ng kamay si Rafael, mabagal, maingat para hawiin ang hibla ng buhok sa gilid ng pisngi niya.Tumama ang dulo ng daliri nito sa balat niya, isang dampi lang, ngunit buong katawan niya ang tumugon. Hindi siya makagalaw.Sunod-sunod ang malalakas na kulog at kidlat. Napayakap siya sa ninong niya sa takot. Tsaka lang niya napansin na mainit ito at nilalagnat.Tinitigan niya ang mukha nito sa dilim. Maputla ito.“Ninong, okay lang po kayo? Mainit po kayo,” tanong niya at sinalat ang noo nito.“I’m fine,” mabilis na sagot nito. “Magpahinga ka na,” anitong tumalikod na.Pero pagsilip niya makalipas ang ilang oras, nakita niya itong nakahiga sa kama, pawis na pawis, namumula ang pisngi at noo.
Pagkarinig ni Rafael sa tanong niya, tumagal ang katahimikan na parang walang katapusan. Tanging ugong ng ulan at pagpitik ng wiper ang humahati sa dilim sa labas ng windshield. Hawak nito ang manibela, pero wari’y malayo ang isip.“She tried to kill herself the night before our wedding,” mahinang sagot ni Rafael.Parang may humigop ng hangin sa dibdib ni Liana. “Ninong… ano po ang --”“Don’t ask questions anymore,” putol nito, mariin. “Dahil hindi ko na sasagutin.”Tumango siya, kinuyom ang palad sa tuhod. Hindi niya naituloy ang mga salitang nakatigil sa dila. Sa gilid ng kanyang paningin, kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata ni Rafael. Malinaw na mahal nito si Stacey, naisip niya, at sa bigat ng katotohanang iyon, parang may kumurot sa puso niya na hindi niya maintindihan kung bakit.Pagbalik nila sa mansyon, nabaling ang tingin ni Liana sa braso ni Rafael, may gasgas, parang kalmot, mapula at may marka ng dugo.“Ninong, sandali lang,” aniya, mabilis na tumakbo sa aparador at ki
Madilim pa nang dumating sila sa ospital. Sa labas ng gusali, may nakasabit na karatulang may nakasulat.St. Agatha’s Sanatorium – Private Psychiatric Ward.Tahimik si Liana habang naglalakad sa tabi ni Rafael. Ramdam niya ang lamig ng paligid at ang bigat ng hangin. Parang bawat hakbang nila, may kasabay na pag-hinga ng mga aninong hindi nakikita.Nang buksan ng nurse ang pinto ng silid, una niyang naamoy ang halimuyak ng gamot at alcohol. Pagpasok, bumungad sa kanila ang isang babaeng nakaupo sa kama – mahaba ang buhok, maganda ang mukha, at maputi.Si Stacey.Mas maganda ito kaysa kay Stella, maamo ang mukha pero may lungkot sa mga mata. Ka-edad marahil ni Rafael.Pero higit sa lahat, nakita niya ang bakas ng sakal sa leeg nito.Parang nilamon ni Liana ang hangin. Nagtangka ba itong magpakamatay?Tahimik na tumabi si Rafael sa kama at marahang hinawakan ang kamay ni Stacey.“Stace,” bulong nito. “Ako ‘to.”Tumingin si Stacey sa binata, pero ang mga mata ay tila walang nakikita.“Ra
Medyo naramdaman ni Liana na tumutubo ang sungay niya sa sinabi ni Stella, pero pinigil niya ang sarili. Baka mapalayas siya nang wala sa oras. Huminga siya nang malalim, pinili ang maging mahinahon.“Ma’am, si Ninong Rafael po ang magdedesisyon kung hanggang kailan niya ako tutulungan.”Matalim ang ngiti ni Stella. “I’ll make sure, you’ll leave,” bulong nitong parang sampal.Hindi na sumagot si Liana. Pumasok siya nang tawagin ni Rafael para kumain ng hapunan. Mabango ang chicken barbeques, ginataang kalabasa, at ginataang mais.Tumulong si Liana sa paghahain, ngunit bago pa man siya makalayo, tinapik siya ni Rafael at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi.“Umupo ka na dito. Magmula ngayon, hindi ka na magsisilbi ng hapunan. Pagod ka sa school,” mahinahon nitong sabi.Mabilis siyang tumalima.Habang kumakain, kulang na lang ay kumandong ito sa ninong niya.Sa katahimikan, aksidenteng nahulog ang kutsara niya. Sabay silang yumuko ni Rafael upang damputin. Sabay silang dumampot. Nagtagp
Mabango ang hapag-kainan nang gabi na iyon. May sinigang, inihaw na bangus, at tinapay na gawang-bahay ni Yaya Lucy. Tahimik ang paligid, tanging kaluskos ng kubyertos ang madidinig.Tumulong si Liana sa paghahain. Maingat niyang inilalapag ang mga plato, pero bago pa man siya makaupo, tinapik siya ni Rafael.“Umupo ka na rito,” mahinahon nitong sabi.“Po? Tapusin ko lang po.”“I said, sit down.” Hindi ito tumingin, pero matigas ang tono.Bahagyang tumigil si Stella, ang kutsara nito ay huminto sa hangin. “Ang suwerte naman ng kasambahay mo, Rafael,” sarkastikong sabi nito. “Pati sa hapag, pinauupo mo na.”“Hindi siya kasambahay,” malamig na sagot ni Rafael. “Si Liana ay nasa ilalim ng pangangalaga ko.”Humigpit ang dibdib ni Liana. Pinilit niyang ngumiti at magpasalamat, pero ramdam niyang dumulas ang titig ni Stella sa kanya, mula ulo hanggang paa, parang sinisipat kung anong klaseng tao siya.Habang kumakain, hindi nakatakas sa mata ni Liana ang madalas na pahaplos-haplos ni Stella
Pagkaalis ni Liana sa study, nagsara nang marahan ang pinto. Ngunit bago pa siya makalayo, umalingawngaw ang tinig ni Stella mula sa loob, matinis, at halatang galit.“You’re replacing Stacey with that girl! Paaalisin mo ang babaeng ’yan!”Tumigil siya. Dumikit ang tainga sa malamig na kahoy. Sunod niyang narinig ang baritonong boses ni Rafael.“Don’t start again, Stella. Hindi mo naiintindihan.”“Iniisip ko lang ang reputasyon mo! Baka makasira sa ’yo ang inaanak mong ampon.”“Malaki ang utang na loob ko kay Kuya Crisanto. Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak niya.”“Alam ng lahat na kapag gumaling na si Stacey ay magpapakasal kayo, hindi ba? Tiyak na hindi makakabuti kapag nalaman niyang may babae kang kasama sa iisang bubong. Baka hindi na siya tuluyang gumaling.”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Liana. Gumaling? Ibig sabihin ay totoong may sakit si Stacey, ang babaeng nasa larawan?Tahimik siyang umatras, nanginginig ang tuhod. Sa bawat hakbang, bumigat ang dibdib. Mainit ang







