Home / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 6 Overprotective Ninong

Share

Kabanata 6 Overprotective Ninong

last update Last Updated: 2025-11-12 20:47:12

Mabango ang hapag-kainan nang gabi na iyon. May sinigang, inihaw na bangus, at tinapay na gawang-bahay ni Yaya Lucy. Tahimik ang paligid, tanging kaluskos ng kubyertos ang madidinig.

Tumulong si Liana sa paghahain. Maingat niyang inilalapag ang mga plato, pero bago pa man siya makaupo, tinapik siya ni Rafael.

“Umupo ka na rito,” mahinahon nitong sabi.

“Po? Tapusin ko lang po.”

“I said, sit down.” Hindi ito tumingin, pero matigas ang tono.

Bahagyang tumigil si Stella, ang kutsara nito ay huminto sa hangin. “Ang suwerte naman ng kasambahay mo, Rafael,” sarkastikong sabi nito. “Pati sa hapag, pinauupo mo na.”

“Hindi siya kasambahay,” malamig na sagot ni Rafael. “Si Liana ay nasa ilalim ng pangangalaga ko.”

Humigpit ang dibdib ni Liana. Pinilit niyang ngumiti at magpasalamat, pero ramdam niyang dumulas ang titig ni Stella sa kanya, mula ulo hanggang paa, parang sinisipat kung anong klaseng tao siya.

Habang kumakain, hindi nakatakas sa mata ni Liana ang madalas na pahaplos-haplos ni Stella sa braso ni Rafael. Sa tuwing hahawak ito sa tinidor o kukuha ng baso, bahagyang dumadampi ang mga daliri nito sa balat ng lalaki.

Napapikit si Liana, pinipigilang mapangiwi.

Anong klaseng kapatid ito? Inaahas ang kasintahan ng sariling kapatid?

“Kamusta ang unang araw mo sa unibersidad?” tanong ni Rafael, iniiwas ang tingin kay Stella.

“Okay naman po. Medyo nakakapanibago lang po kasi malaki ang campus.”

“That’s good. Priority mo ang pag-aaral. Kung may kailangan ka, sabihin mo agad kay Yaya Lucy. Uunahin mo ang school works bago ang gawaing bahay.”

“Opo,” sagot ni Liana. “Salamat po, Ninong.”

At bago pa siya makangiti, isiningit nito, “At gaya ng sinabi ko, huwag ka munang makikipagligawan.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Stella, sinabayan ng mahinang tawa. “Ay, ganyan talaga ang mga kabataan ngayon, Rafael. Mapupusok. Huwag ka nang magulat kung isang araw, mabuntis na lang ‘yan.”

Halos mabilaukan si Liana. “Ha? Mabuntis? Nakikipagkaibigan lang po ako!”

Pinagmasdan siya ni Rafael, walang emosyon, pero parang pinipigilan ang tawa sa sulok ng labi.

“Hindi mo kailangang magpaliwanag,” anito. “Basta tandaan mo ang sinabi ko.”

Tahimik ulit. Sa loob ng ilang segundo, tanging tunog ng kubyertos ang lumalamon sa hangin. Si Stella, ngumiti ng matamis, pero sa mata nito, may pait na halata niya.

Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na ito upang magpahinga.

Nang makaalis ang babae, marahang tumingin si Rafael kay Liana.

“Sanay ka na ba sa schedule mo?”

“Opo. Medyo nakakapagod lang kasi maraming bago. Pero kakayanin po.”

Tumango ito. “Good. Just… stay away from unnecessary people. Hindi lahat ng lumalapit sa’yo, dapat mong maging kaibigan.”

Tumango si Liana, kahit di niya maintindihan kung bakit kailangan niyang bawasan ang pakikipagkaibigan sa ibang tao.

***

Kinabukasan, maliwanag at masaya ang unibersidad. Si Jasper agad ang unang sumalubong sa kanya sa hallway.

“Good morning, Liana!”

“Uy, Jasper. Ang aga mo ah.”

“Excited akong makita ‘yung kaklase kong kahapon lang ay pinagtitinginan ng buong campus sa sobrang ganda.”

Napatawa siya. “Loko, nambola ka pa. Tara na, baka ma-late tayo.”

Habang naglalakad sila, ramdam niya ang excitement sa bagong buhay na meron siya.

Pag-uwi, mabilis ang hakbang niya para maiwasan ang abala. Pero napahinto siya nang makita si Jasper na bumili ng bulaklak sa may gate. Nilingon siya nito, kumaway, at lumapit.

“Para sa’yo,” sabi ni Jasper, abot ang maliit na bouquet ng daisies. “Walang ibang dahilan. Para lang sumaya ‘yung unang araw mo sa college life.”

“Salamat, pero hindi--”

“Please. Gift lang.” Matamis ang ngiti nito. Kaya kinuha niya na lang. “Okay, salamat. Pero--”

“Liana.”

Halos bumagsak ang bulaklak mula sa kamay niya nang marinig ang pamilyar na boses. Mababang tono. Puno ng awtoridad.

Paglingon niya, nakita niya si Rafael. Nakatayo ilang metro mula sa kanila, nakaitim na polo, at mukhang bagong paligo. Ang mga estudyante sa paligid ay napahinto. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa presensya nito, matikas na tindig, seryosong mukha, at sobrang gwapo.

Tahimik na naglakad ito palapit. Si Jasper, halatang kabado. “Sir, ako po si Jasper, classmate ni Liana--”

Ngunit bago pa matapos, mahigpit na hinawakan ni Rafael ang braso ni Liana.

“Sumama ka sa akin.”

“Ninong, sandali lang--”

Walang sinumang nagsalita. Si Jasper ay nakatayo lang, halatang nagulat ng ibalik ni Liana ang bulaklak. Si Liana, halos madulas sa pagkabigla.

Hinila siya ni Rafael palayo sa gate, sa harap ng lahat. May mga estudyanteng nagbubulungan, may mga nagtataka kung sino siya. Nakakahiya. Pero mas nangingibabaw ang kaba at ang init ng kamay nito sa braso niya.

Pagdating sa gilid ng kotse, saka lang ito huminto.

“You don’t need flowers from anyone,” anito, mababa ang boses pero mabigat ang bawat salita. “I can give you everything you want.”

Hindi siya makapagsalita. Ang titig ni Rafael, diretso sa mga mata niya, galit ba iyon? O selos? Luh. Malamang galit ito sa inaakalang pakikipagligawan niya.

“Hindi naman po ‘yun masama, Ninong. Kaibigan lang si Jasper,” mahina niyang sabi.

“Hindi mo kailangan ng kaibigan na iba ang intensyon sa’yo.”

“Ano pong ibig ninyo sabihin?”

“Alam mo kung ano ang sinasabi ko.”

Ang paligid, parang huminto. Sa pagitan nila, ramdam niya ang init ng hininga nitong halos dumampi sa balat niya.

“Bitiwan ninyo po ako,” bulong niya, pero mahina.

Unti-unti niyang binawi ang kamay. “Hindi po ninyo ako pag-aari,” aniyang hindi alam kung saan kumuha ng lakas ng loob.

Tila natauhan si Rafael. Umatras ng isang hakbang, mariing pumikit. “Uuwi na tayo,” malamig na sabi nito, sabay talikod.

Sumakay siya sa kotse. Sa labas ng bintana, nakita niya si Jasper, nakatayo pa rin, hawak ang bulaklak na ibinalik niya.

Sa rear-view mirror, kita niyang matalim ang tingin ni Rafael sa direksyong iyon.

Hindi ito selos, Liana, bulong ng isip niya. Proteksiyon lang ‘yan.

Pero bakit parang ang tibok ng puso niya ay ibang kwento ang sinasabi?

Pagdating sa mansyon, diretso sa veranda si Rafael. Sa loob, nadatnan niya si Stella, nakaupo, may wine glass sa kamay.

“Bakit parang galing sa giyera ang mukha mo, Rafael?”

Hindi sumagot si Rafael. Tumalikod siya, pero bago siya umalis, dinig ni Liana ang maanghang na bulong ni Stella.

“Hanggang kailan mo balak isiksik ang sarili mo dito?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 10 Belong in his Arms

    Tumitig si Rafael kay Liana. “Wala kang dapat ipagpasalamat,” anito. “Basta… habang nasa poder kita, aalagaan kita pero dapat kang sumunod sa akin.”“Raf--, ninong,” naputol ang boses ni Liana sa sariling tawag, nagulat din siya sa pagtawag na iyon. Parang bata siyang nahuling lumapit sa apoy.Nag-angat ng kamay si Rafael, mabagal, maingat para hawiin ang hibla ng buhok sa gilid ng pisngi niya.Tumama ang dulo ng daliri nito sa balat niya, isang dampi lang, ngunit buong katawan niya ang tumugon. Hindi siya makagalaw.Sunod-sunod ang malalakas na kulog at kidlat. Napayakap siya sa ninong niya sa takot. Tsaka lang niya napansin na mainit ito at nilalagnat.Tinitigan niya ang mukha nito sa dilim. Maputla ito.“Ninong, okay lang po kayo? Mainit po kayo,” tanong niya at sinalat ang noo nito.“I’m fine,” mabilis na sagot nito. “Magpahinga ka na,” anitong tumalikod na.Pero pagsilip niya makalipas ang ilang oras, nakita niya itong nakahiga sa kama, pawis na pawis, namumula ang pisngi at noo.

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 9 Acts of Care

    Pagkarinig ni Rafael sa tanong niya, tumagal ang katahimikan na parang walang katapusan. Tanging ugong ng ulan at pagpitik ng wiper ang humahati sa dilim sa labas ng windshield. Hawak nito ang manibela, pero wari’y malayo ang isip.“She tried to kill herself the night before our wedding,” mahinang sagot ni Rafael.Parang may humigop ng hangin sa dibdib ni Liana. “Ninong… ano po ang --”“Don’t ask questions anymore,” putol nito, mariin. “Dahil hindi ko na sasagutin.”Tumango siya, kinuyom ang palad sa tuhod. Hindi niya naituloy ang mga salitang nakatigil sa dila. Sa gilid ng kanyang paningin, kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata ni Rafael. Malinaw na mahal nito si Stacey, naisip niya, at sa bigat ng katotohanang iyon, parang may kumurot sa puso niya na hindi niya maintindihan kung bakit.Pagbalik nila sa mansyon, nabaling ang tingin ni Liana sa braso ni Rafael, may gasgas, parang kalmot, mapula at may marka ng dugo.“Ninong, sandali lang,” aniya, mabilis na tumakbo sa aparador at ki

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 8 The Curse of Love

    Madilim pa nang dumating sila sa ospital. Sa labas ng gusali, may nakasabit na karatulang may nakasulat.St. Agatha’s Sanatorium – Private Psychiatric Ward.Tahimik si Liana habang naglalakad sa tabi ni Rafael. Ramdam niya ang lamig ng paligid at ang bigat ng hangin. Parang bawat hakbang nila, may kasabay na pag-hinga ng mga aninong hindi nakikita.Nang buksan ng nurse ang pinto ng silid, una niyang naamoy ang halimuyak ng gamot at alcohol. Pagpasok, bumungad sa kanila ang isang babaeng nakaupo sa kama – mahaba ang buhok, maganda ang mukha, at maputi.Si Stacey.Mas maganda ito kaysa kay Stella, maamo ang mukha pero may lungkot sa mga mata. Ka-edad marahil ni Rafael.Pero higit sa lahat, nakita niya ang bakas ng sakal sa leeg nito.Parang nilamon ni Liana ang hangin. Nagtangka ba itong magpakamatay?Tahimik na tumabi si Rafael sa kama at marahang hinawakan ang kamay ni Stacey.“Stace,” bulong nito. “Ako ‘to.”Tumingin si Stacey sa binata, pero ang mga mata ay tila walang nakikita.“Ra

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 7 Getting Closer

    Medyo naramdaman ni Liana na tumutubo ang sungay niya sa sinabi ni Stella, pero pinigil niya ang sarili. Baka mapalayas siya nang wala sa oras. Huminga siya nang malalim, pinili ang maging mahinahon.“Ma’am, si Ninong Rafael po ang magdedesisyon kung hanggang kailan niya ako tutulungan.”Matalim ang ngiti ni Stella. “I’ll make sure, you’ll leave,” bulong nitong parang sampal.Hindi na sumagot si Liana. Pumasok siya nang tawagin ni Rafael para kumain ng hapunan. Mabango ang chicken barbeques, ginataang kalabasa, at ginataang mais.Tumulong si Liana sa paghahain, ngunit bago pa man siya makalayo, tinapik siya ni Rafael at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi.“Umupo ka na dito. Magmula ngayon, hindi ka na magsisilbi ng hapunan. Pagod ka sa school,” mahinahon nitong sabi.Mabilis siyang tumalima.Habang kumakain, kulang na lang ay kumandong ito sa ninong niya.Sa katahimikan, aksidenteng nahulog ang kutsara niya. Sabay silang yumuko ni Rafael upang damputin. Sabay silang dumampot. Nagtagp

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 6 Overprotective Ninong

    Mabango ang hapag-kainan nang gabi na iyon. May sinigang, inihaw na bangus, at tinapay na gawang-bahay ni Yaya Lucy. Tahimik ang paligid, tanging kaluskos ng kubyertos ang madidinig.Tumulong si Liana sa paghahain. Maingat niyang inilalapag ang mga plato, pero bago pa man siya makaupo, tinapik siya ni Rafael.“Umupo ka na rito,” mahinahon nitong sabi.“Po? Tapusin ko lang po.”“I said, sit down.” Hindi ito tumingin, pero matigas ang tono.Bahagyang tumigil si Stella, ang kutsara nito ay huminto sa hangin. “Ang suwerte naman ng kasambahay mo, Rafael,” sarkastikong sabi nito. “Pati sa hapag, pinauupo mo na.”“Hindi siya kasambahay,” malamig na sagot ni Rafael. “Si Liana ay nasa ilalim ng pangangalaga ko.”Humigpit ang dibdib ni Liana. Pinilit niyang ngumiti at magpasalamat, pero ramdam niyang dumulas ang titig ni Stella sa kanya, mula ulo hanggang paa, parang sinisipat kung anong klaseng tao siya.Habang kumakain, hindi nakatakas sa mata ni Liana ang madalas na pahaplos-haplos ni Stella

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 5 Monster in the House

    Pagkaalis ni Liana sa study, nagsara nang marahan ang pinto. Ngunit bago pa siya makalayo, umalingawngaw ang tinig ni Stella mula sa loob, matinis, at halatang galit.“You’re replacing Stacey with that girl! Paaalisin mo ang babaeng ’yan!”Tumigil siya. Dumikit ang tainga sa malamig na kahoy. Sunod niyang narinig ang baritonong boses ni Rafael.“Don’t start again, Stella. Hindi mo naiintindihan.”“Iniisip ko lang ang reputasyon mo! Baka makasira sa ’yo ang inaanak mong ampon.”“Malaki ang utang na loob ko kay Kuya Crisanto. Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak niya.”“Alam ng lahat na kapag gumaling na si Stacey ay magpapakasal kayo, hindi ba? Tiyak na hindi makakabuti kapag nalaman niyang may babae kang kasama sa iisang bubong. Baka hindi na siya tuluyang gumaling.”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Liana. Gumaling? Ibig sabihin ay totoong may sakit si Stacey, ang babaeng nasa larawan?Tahimik siyang umatras, nanginginig ang tuhod. Sa bawat hakbang, bumigat ang dibdib. Mainit ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status