Home / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 9 Acts of Care

Share

Kabanata 9 Acts of Care

last update Last Updated: 2025-11-13 09:10:37

Pagkarinig ni Rafael sa tanong niya, tumagal ang katahimikan na parang walang katapusan. Tanging ugong ng ulan at pagpitik ng wiper ang humahati sa dilim sa labas ng windshield. Hawak nito ang manibela, pero wari’y malayo ang isip.

“She tried to kill herself the night before our wedding,” mahinang sagot ni Rafael.

Parang may humigop ng hangin sa dibdib ni Liana. “Ninong… ano po ang --”

“Don’t ask questions anymore,” putol nito, mariin. “Dahil hindi ko na sasagutin.”

Tumango siya, kinuyom ang palad sa tuhod. Hindi niya naituloy ang mga salitang nakatigil sa dila. Sa gilid ng kanyang paningin, kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata ni Rafael. Malinaw na mahal nito si Stacey, naisip niya, at sa bigat ng katotohanang iyon, parang may kumurot sa puso niya na hindi niya maintindihan kung bakit.

Pagbalik nila sa mansyon, nabaling ang tingin ni Liana sa braso ni Rafael, may gasgas, parang kalmot, mapula at may marka ng dugo.

“Ninong, sandali lang,” aniya, mabilis na tumakbo sa aparador at ki
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Lhen Altura
hindi mpigilan ang pagkaakit ni girl ky ninong and cguro vice versa
goodnovel comment avatar
Lhen Altura
hindi mpigilan ang pagkaakit ni girl ky ninong and cguro vice versa
goodnovel comment avatar
Lhen Altura
hindi mpigilan ang pagkaakit ni girl ky ninong and cguro vice versa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 103 Promise to Keep

    Tinulungan si Liana ni Sir Zack na makadalaw. Tahimik ang pasilyo ng detention center. Amoy disinfectant at bakal. Mabagal ang bawat hakbang ni Liana, parang bawat tunog ng sapatos niya ay may kasamang kaba. Hawak niya ang maliit na paper bag, may lamang damit at paboritong pagkain ni Rafael, kahit alam niyang malamang hindi iyon ipapapasok.“Visiting hours are over at ayaw pong tumanggap ng bisita ni Mr. Vergara,” malamig na sabi ng guwardiya nang huminto siya sa harap ng salamin.“Please,” mahina niyang pakiusap. “Kahit saglit lang po. Kahit makita ko lang siya.”Tumingin ang guwardiya sa listahan, saka umiling. “Hindi po puwede.”Humigpit ang kapit ni Liana sa bag. “Kahit sa malayo lang po. Hindi ko siya kakausapin.”May sandaling katahimikan. Sa huli, bumuntong-hininga ang guwardiya at tumuro sa dulo ng pasilyo. “Sige, pero sandali lang.”Lumapit siya sa makapal na salamin. Sa kabilang panig, nakita niya si Rafael, nakaupo, diretso ang likod, nakapamewang ang mga kamay. May pasa s

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 102 Fight for Love

    Dumating ang isang guro, kasunod ang guard.“Guidance office. Ngayon din,” utos nito.Habang hinihila sila palayo, humihikbi si Liana, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit at panghihinayang.Hindi siya palaban.Pero sa araw na iyon, natutunan niyang ipagtanggol ang sarili niya.At ang lalaking kanyang mahal.Tahimik ang guidance office. Nakaupo si Liana sa harap ng mesa, magkapatong ang kamay sa tuhod, pilit pinapakalma ang panginginig.“Liana,” mahinahong sabi ng guidance counselor, pero may lamig sa boses, “naiintindihan naming stressed ka. Pero base sa nangyari kanina… may history ka ba ng emotional episodes?”Parang sinampal siya ng tanong.“Wala po,” mahinang sagot ni Liana. “Napuno lang po ako. May sinabi po siyang hindi maganda kaya ko po siya pinatulan. Noon pa po siya ganyan.”“Marami kasing sinasabi online. At kapag may ganitong exposure, minsan… nagiging overwhelming sa mga kabataang kagaya mo.”Bumukas ang pinto.“Excuse me po,” sabay-sabay na pumasok sina Sofia, Fai

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 101 When Silence Breaks

    Tumahimik ang paligid sa loob ng bahay ni Sir Zack.“Liana,” marahang sabi ni Sir Zack. “May relasyon ba kayo ni Rafael?”Hindi siya agad sumagot.May sandaling pumasok sa isip niya ang lahat, ang gulo, ang eskandalo, ang takot, ang posibilidad na mas lalong lumala ang lahat kapag umamin siya. Pwede niyang iwasan. Pwede niyang sabihin na wala. Pwede niyang iligtas ang sarili niya.Pero biglang pumasok ang mukha ni Rafael sa isip niya. Kung paano siya yakapin kapag natatakot siya. Kung paano siya ipagtanggol kahit wala pa siyang paliwanag. Kung paano siya piliin kahit magulo ang mundo.Huminga siya nang malalim.“Mahal ko po siya at mahal din niya ako,” mahina niyang sabi.Pag-amin sa relasyon nila.Hindi depensa o paliwanag.Isang katotohanan lang.Saglit na tumahimik si Sir Zack. Kita sa mata nito ang pagkabigla at pag-unawa.“Salamat sa katapatan,” sabi nito. “Alam kong hindi madali ‘yan lalo sa isang bata pang kagaya mo.”“Sir Zack, natatakot po ako, dahil sa ugnayan po namin ni Ra

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 100 Against the World

    Tumunog ang cellphone ni Stella. Isang ngiting malamig ang sumilay sa labi niya habang pinipindot ang pangalan sa screen.“Stella,” sabi ni Karl sa kabilang linya. “Ano na naman ‘to? Bakit bigla mong gustong mag-file? Seryoso ka ba?”Hindi nag-aksaya ng oras si Stella. “Isampa mo na ang kaso, iutos mo sa iba. Masyadong matigas si Rafael.”Tumahimik sandali si Karl. “Rape case ‘to. Alam mo ‘yan. Kapag sinimulan natin, wala nang atrasan. At--” huminga siya nang malalim, “--bakit mo ba ipinipilit na makasal sina Rafael at Stacey? Akala ko ba… may gusto ka kay Rafael?”Sumikip ang panga ni Stella. “Alam mo, huwag kang makialam. Mas madali siyang agawin kung kay Stacey mapupunta.”“Stella--”“Kapag nakasal na sila,” patuloy niya, mabagal at malinaw, “pwede kong ipadala ulit si Stacey sa mental institution. Isang pirma lang. Isang assessment. Tapos kami na ni Rafael ang magsasama.”Nabigla si Karl. “Stella, you’re sick.”Tumawa si Stella. “At ikaw? Anong tawag ko sa’yo? Traydor sa kaibigan?

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 99 Starting the Investigation

    Kinagabihan, tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Dumating si Rafael.“Babe,” tawag ni Liana, agad lumapit.Ngumiti si Rafael, yung ngiting pilit pero para bang ayaw mag-alala ang kaharap. “Hey.”Walang tanong si Liana. Hindi niya tinanong kung saan galing, o kung ano ang nangyari. Sa halip, hinila lang niya si Rafael papasok sa loob.“Gutom ka na ba? Magluluto pa lang ako.”“Pagtulungan na natin para mabilis.”Nagpunta sila sa kusina. Carbonara ang lulutuin nila. Siya ang naghiwa, si Rafael ang nagprito ng bacon. Nagbanggaan ang siko nila.Tahimik na naghihiwa ng sibuyas si Liana. Medyo namumula na ang mga mata niya, pero tuloy pa rin. Hawak ang kutsilyo, iniisip ang problema ni Rafael.Biglang dumulas ang sibuyas.“Aray!” napaungol siya.Napatingin siya sa daliri niya, may pulang patak ng dugo. Nahiwa siya.“Liana?” agad na tawag ni Rafael mula sa likuran.Hindi pa siya nakakasagot nang nasa harap na niya ang binata. Kinuha nito ang kamay niya, maingat pero mabilis, parang kabisad

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 98 Serious Threat

    “May gusto lang akong sabihin,” ani Stacey.Lumunok si Liana. Ramdam niya ang bigat ng sandaling iyon.“Hindi kita hinahabol para saktan,” dugtong ni Stacey, nangingilid ang luha sa mata. “Gusto ko lang malaman… kung ano ba talaga ang totoo.”Nag-alangan siya pero tumango. Umupo sila sa isang bench. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas.“May relasyon ba kayo ni Rafael?”“Ma’am Stacey, hindi na po ako magsisinungaling sa inyo. Mahalaga sa akin si Rafael at nagkakaunawaan po kami. Pero hindi po ako mapayapa kasi iniisip ko na nakasakit ako ng ibang tao. At kayo nga po ‘yun. Mabigat po sa kunsensya.”“Ikakasal kami kahit ano ang mangyari. Hindi papayag si Ate Stella na hindi matuloy ang kasal. Kaya humanda ka na. Baka matulad ka sa akin,” anitong tumatawa.Hindi niya alam kung maniniwala ba o hindi. Pero sumubok siyang magtanong.“Ma’am Stacey, ano po ang nangyari noong birthday mo?”“Hindi ko na alam,” biglang sabi ni Stacey, nanginginig ang boses. “Kung alin ang alaala ko… at alin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status