로그인Please read my other books in GoodNovel. 1. Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO – (Book 1-4) Ongoing 2. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 3. Love for Rent (1.3M views-Book1-7) - Completed 4. The CEO's Cold Ex-Wife - Ongoing 5. Unlove Me Not - Completed 6. The Ex-Convict Billionaire - Completed Thank you very much po sa suporta!
Habang kausap ni Zack sina Nanay Becky at Tatay Arnold sa gilid ng admin hallway, habang sa di kalayuan ay may mga matang nakasilip, mga estudyanteng kunwari dumadaan lang, pero halatang sumasagap ng tsismis.“Pasensya na po kung nadamay si Sofia sa gulo. Pero gusto ko pong linawin, wala pong masamang ginawa ang anak ninyo. Nasa trabaho po siya.”“Sir Zack… scholarship ng anak ko ’yan. ’Yan lang ang sandalan niya. Kapag nawala ’yan… baka hindi siya makapag-aral,” ani Tatay Arnold.“Sir,” mahina nitong dugtong, “hindi kami sanay humingi. Pero… ayokong masayang ang kinabukasan ng anak ko.”Tumango si Zack. “I understand po. Kaya po ako nandito. I’ll protect her.” Saglit itong huminga, pinili ang tamang tono, hindi yabang, hindi pangako na walang laman. “May panel bukas. I’ll be there. At sisiguraduhin kong patas ang maririnig nila.”Napapikit si Sofia. Gusto niyang magsalita, gusto niyang magsorry sa magulang niya, pero ang lalamunan niya parang sinakal ng hiya at takot.“Salamat,” ani
“Miss Sachez. Missy. Magpunta kayo sa office ngayon na.”Nanghina ang tuhod ni Sofia. Lagot na.Sa opisina ni Dean Reyes, parang mas maliit ang mundo.“Conduct concerns,” malamig na sabi ni Dean, sabay tapon ng isang papel sa mesa. “Scholarship review. Effective immediately.”Nanlaki ang mata niya. “Dean… please po…”“Huwag ka ng magsalita,” putol nito. “May video. Kumakalat na. At ipapatawag ko ang magulang mo, Miss Sachez. You embarrassed the school.”Parang binuhusan si Sofia ng yelo. Nanginginig ang labi niya. Sa gilid, si Missy umiiyak-iyak kunwari, pero halatang masaya.“Dean Reyes,” pakiusap ni Sofia, “si Missy po ang nagsimula ng gulo. Matagal na po siyang bully.”“Walang pakialam ang board kung sino ang nagsimula,” sagot ni Dean. “They care about behavior. At kitang kita ang pagiging basagulera mo.”At doon, tumunog ang phone ni Sofia, isang notification.Faith sent a video.Caption: “Assistant sa umaga, pokpok sa gabi, viral na!”Nanghina siya.Bago pa siya tuluyang makapag
“Opo, sigurado po,” ani Liana.“Next time,” sabi ni Dean. “I don’t want to hear your name involved in gossip again, Zack.”Tumingin si Zack nang diretso. “Next time, Dean Reyes, huwag kang basta naniniwala sa tsismis.”Nagkibit-balikat si Dean, pero kitang-kita sa mata ang inis. “You may go.”Lumabas sila ng office.Pagdating sa hallway, hinawakan ni Sofia ang braso ni Liana. “Bes… salamat. Hindi ko alam kung paano ko babayaran ’to.”“Wala ’yon,” bulong ni Liana. “Pero ingat ka. Marami talagang mata dito.”Tumango si Zack, tumingin kay Liana. “Thank you.”Ngumiti si Liana nang bahagya. “Walang anuman po, Sir. Tinutulungan ninyo din po ako.”***Pagdating sa classroom, pagpasok pa lang nila ni Sofia, sinalubong na sila ni Faith na parang bulateng hindi mapakali.“Bes!” sigaw ni Faith. “Grabe ka! Overnight ka na agad?!”“Faith!” pabulong na sigaw ni Sofia, namumula. “Huwag kang maingay!”Bago pa lumala ang tsikahan, bumukas ang pinto.Pumasok si Sir Zack.Biglang tumahimik ang buong room
Pagbaba pa lang ni Zack sa kotse, ramdam na ni Sofia ang init ng tingin ng mga taong dumadaan. May mga estudyante sa gate na kunwari nagmamadali, pero halatang nakasilip. May mga guro ring nakatayo sa may waiting shed, kunyari nag-uusap, pero ang mata, nasa kanila.At nandoon si Nanay Becky, nakapamewang, hawak ang payong na parang sandata.“Good morning po, Nanay Becky,” magalang na bati ni Zack.Nanay Becky tumingala, mula ulo hanggang paa, parang ini-scan ang buong pagkatao ni Zack. “Good morning din, Sir Zack. Bakit… kasama mo ’tong anak ko? At bakit… hindi siya umuwi kagabi?”“Nay!” pilit na singit ni Sofia, nanginginig sa hiya. “Hindi po--”Bago pa siya makapaliwanag, kinurot siya ng nanay niya sa singit ulit. “Aray! Nay!”“May relasyon ba kayo ni Sir Zack?!” bulalas ni Nanay Becky, walang preno. “May nangyari ba sa inyo?!”Umalingawngaw ang bulungan sa tapat ng gate.At doon, nakita ni Sofia ang isang estudyanteng lalaki na nakataas ang phone, nagvi-video.Lagot na!“Nagkakamal
Naalimpungatan si Sofia. Hindi niya alam kung anong oras na, parang mahuhulog siya sa bangin. Napasinghap siya at tuluyang bumagsak sa tiles.“Ahh!”Dumulas ang balikat niya. Napasubsob siya pababa. Kumapit siya sa bedsheet at umakyat sa kama.Kumilos ang katawan ni Zack na parang instinct. Hinila siya pahiga sa kama at niyakap siya ng mahigpit.“Stay…” mahina nitong bulong, halos walang tinig.At sa isang iglap, napadilat silang dalawa.Nakatitig si Sofia sa mukha ni Zack, sobrang lapit. Isang hibla na lang, magtatama na ang labi nila. Nakikita niya ang pilikmata nito, ang bahagyang gusot na buhok, ang mga mata na tila siya nahihipnotismo.Malakas ang kabog ng dibdib niya.“Sir…” halos pabulong niyang sabi, pero walang kasunod. Kasi wala siyang maipaliwanag kung bakit siya naroon sa kama, kung bakit siya halos nakadagan sa guro, kung bakit… ayaw niyang lumayo.Si Zack napalunok. Kita ni Sofia ang pag-igting ng panga nito, parang may pinipigilan. Dahan-dahan nitong ibinaba ang tingin s
Hindi mahigpit ang yakap ni Sofia. Gusto lamang niyang mainitan si Sir Zack.Pero sa sandaling dumikit ang dibdib niya sa braso nito, biglang bumilis ang tibok ng puso niya.At biglang, gumalaw si Zack.Hindi ito nagising nang tuluyan, pero ang kamay nito… dahan-dahang umangat at kumapit sa baywang niya, parang instinct. Parang hinahanap ang init.Napatigil si Sofia. Hindi siya makagalaw.Kasi yung kamay ng professor niya… humigpit.At sa pagitan ng antok at lagnat, pabulong na sabi nito.“Don’t… leave.”***Nagmulat si Zack ng mata.Una, dinig niya ang tunog ng ulan. Pangalawa, ramdam niya ang kakaibang init.Paglingon niya nang bahagya, doon nito nakita… si Sofia.Nakapikit ito, nakadikit ang pisngi sa balikat niya, yakap ang braso niya na parang kumot. Ang hininga niya, mabagal.Saglit na nanigas si Zack.Pero bago pa man niya tuluyang maisip, biglang tumama ang ginaw sa katawan niya. Instinctively, dahan-dahan niyang hinila si Sofia palapit.Isang iglap lang. Isang kilos na hindi p
“Ha? Saan daw ang location ni Stella?” tanong ni Rafael.Nanlaki ang mata ni Liana sa nadinig. Gumapang ang pangamba sa kanyang puso.“Sige, magkita tayo.”Sumikip ang panga niya. Sumulyap siya kay Liana.“Got it. Papunta na ako diyan.”Pagkababa ng tawag, “Liana, kailangan ko lang umalis. May bali
Ramdam ni Liana ang bumabangong tapang sa dibdib.Hindi na siya tatakbo. Kahit anong mangyari… lalaban siya. Para kay Riley. Para sa buong pamilya na pinapangarap niya.Saglit na lumayo ng bahagya si Rafael.Ang titig nito ay may pitong taong pangungulila, pitong taong pagsisisi, pitong taong pangar
Sa kabilang linya, may saglit na katahimikan… tapos isang malakas na tawa.“Aaww,” ani Stella, amused. “So, you finally discover after so many years.”Bumaba ang boses ni Rafael, mas delikado. “Touch them, and I’ll kill you. Hindi ako mangingiming tapusin ka, Stella!”Bumigat ang hangin sa pagitan n
Hawak niya ang envelope.Nakatayo si Zack sa tabi niya, naka-cross arms, pero halatang kinakabahan din sa resulta.“Bro,” bulong ni Zack, mababa ang boses. “Buksan mo na.”Huminga si Rafael nang malalim. Hindi ito ‘yung klase ng paghinga na pampakalma. Ito ‘yung paghinga ng taong alam niyang may ma







