Share

Chapter 7

Chapter 7

My Own Dream Catcher.

Magkasama kami ni Range pa biyahe sa bahay nila, duon nga din daw ako matutulog, I wonder tuloy kung kasundo ba ni ate Hannah ang pamilya ni Range o baka isa rin ito sa mga dahilan na magpapahirap sakanya. Hayst ikalma mo nga Crizza Marie Verdin, sa sobrang tapang ng ate mo imposibleng hindi. 

Sampal nga pang tagal na niya ng ulo joke haha, kidding aside.

Kinakabahan akong bumaba sa kotse ni Range, nakita ko ang kabuoan ng bahay nila, mansion ang tingin ko sa kalakihan ng bahay nila, mayroon din silang mga maid duon na bumati saamin pagkababa palang ng kotse, halos lahat mababait yung iba ay nginitian pa nga ako at kinamusta.

Papasok na kami ng pintuan nila nang salubungin kaagad kami ng dalawang bata na nasa sala, si Range agad ang una nilang nilapitan bago ako. Mga kapatid niya siguro ang mga 'to, hawig kasi mas lalo sa batang babae. 

"Kuya? Bakit dream catcher nanaman?" Tanong ng batang lalaki, tumawa si Range bago hawakan ang kamay ko at saka isinama sa sofa.

"Oum nga bakit po dream catcher? Mayroon napo ako nito e' mga pito po." Sabi ng babae, ngumiti si Range sakanya. Hinawakan ni range ang kwintas na dream catcher.

"Tama 'yan mangarap kayo habang bata pa." Sabi niya at saka isinuot sa batang lalaki ang kwintas, ngumiti ako habang pinapanood siyang nakikipag kuwentuhan sa mga kapatid, narinig nalang namin ang yapak na nanggaling sa kusina.

"Ijo! Umuwi ka rin. I missed you a lot." Sabi ng babaeng maganda, mukhang ito nanga ang mommy niya, nakipag beso siya sa mommy niya. Akmang bebeso ako nang medyo siyang lumayo kaya naiilang akong lumayo at umiwas ng tingin.

"What are you doing here ija?" Tanong niya, hindi siya nakangiti, hindi rin nakasimangot pero halata mong wala sa mood ang mukha niya, tinignan ako ni Range at saka sinagot ang mommy niya.

"She's here to stay a night ma, didn't I mention it?" 

"No... she could sleep alone at her condo naman 'di ba? Family restricted here, you know that Range." Ni head-to-toe niya ako bago bumaling kay Range, hindi na tuloy mapakali ang mga daliri ko sa kaba, sabi nanga ba basta mayaman may attitude e' napabuntong hininga ako ng palihim, Range just glare at her mom.

"Ma naman, not infront of my siblings and fiance'" Sabi niya sabay akbay saakin, umirap ang mommy niya at saka tinawag ang yaya para maghanda ng pagkain, hindi ko ata kaya mag stay rito ngayong gabi, baka kasi bigla akong atakihin nitong dragong nanay niya.

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa habang naghihintay kay Range, sinabi niya kasing kukuhanan niya ako ng damit para makapag palit, I suggested na duon nalang ako magbihis pero nalaman kong hindi pala puwede, dahil ayaw ng mommy niya at baka may mangyari.

So I guess they never tried it, I mean the-heck 'wag na nga lang intindihin niyo nalang. 

Maya-maya ay nilapitan ako ng mommy niya, umupo siya sa seat na nasa harapan ko at saka nag kibi't-balikat. "We've talk about it lot of times Hannah. I could pay you! How much?" Hindi ko siya naintindihan, wala naman akong hinihinging pera, pero nag da-down siya ng amount sa usapan.

"Anong how much po?" Tanong ko, tinaasan niya ako ng kilay at saka sarkastikong nakangiting bumuga ng hangin.

"You know I never been liked you for my son, hindi ka nga marunong mag luto, you don't have a best course background, you have the worst attitude and your styles? I hate it. I just can't. I can't let you to have my son. And I hate the most is you, the trouble. The scandal." Para akong tinamaan ng pinaka delikadong arrow ni kupido ng sabihin niya 'yon, para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa sakit ng sinabi niya sa akin, mas lalo sa kapatid ko. The silence remain as it is, hindi ma process ng utak ko ang dami ng panlalait na sinabi niya. Bumuntong hininga ako at saka tumingin sakanya.

"I don't need your money tita, I have my own. I could buy my own food, I could buy your son the most expensive coat, I could earn by my own, I work for myself he work for a company." Sabi ko, umirap siya at saka inis na tumingin saakin.

"You have the money, yes! yes! Illegal persecuter ka kasi." Hindi ko na kaya ang sinasabi niya... Saan ba nagmana si Range at hindi ko makita sa nanay niya ang kabutihang palad at ang pagiging maamo, did even this girl raised her own son, o pinaalaga niya sa iba para maging mabuting tao.

Why did my sister lie about being okay here? Sinabi niya saakin noon na favorite siya sa lahat ng naging girlfriend ni Range, but now I see nothing similar sa mga pinapakita ng mommy ni Range, ni hindi nga manlang siya batiin rito. Umiwas ako ng tingin at saka nagsalita.

"I'm no difference to you." Sabi ko, napatayo siya na hindi ko naman inaakalang aapektuhan siya.

"So you're saying Im like you? I can pay y-"

"You don't have any rights to write in our hearts who to love, E' sa mahal namin ang isa't-isa. As his mother learn to accept the Fact." Diin ko pa sa pagkasabi ng fact, nanahimik nalang siya nang marinig namin si Range at ang mga kapatid niya na sabay-sabay na bumaba na nagtatawanan, bakas sa mukha ni Range ang pagtataka nang makita niyang nakatayo kaming dalawa ng mommy niya.

"Do we have problem here?" Tanong niya, umiling ang mommy niya at saka ngumiti.

"I just asked her about things in life, like her career. The dinner is ready, kumain na tayo." Sabi niya bago mataray na lumiko paalis sa harapan namin, ngumiti si Range bago lumapit saakin at iniabot ang gamit na kinuha niya, ngumiti lang ako at saka pumasok sa C.R, mayroon 'yong bathroom, mukhang malaki masiyado para sa isang tao ang banyo nila.

Agad akong nagbihis para makasalo na sakanila, paglabas ko ay nakita ko ang palihim na irap ng mommy niya, kabado akong umupo sa bakanteng upuan, sa tabi 'yon ng babae niyang kapatid.

"Ate, my birthday is coming soon, I want to have uhmmm new cellphone." Sabi ng kapatid niya, napatingin ako sakanya at sa iba, Range crossed his arm while saying 'no'.

Ilang akong ngumiti at hinaplas ang mukha niya. "You should study before getting a cellphone, it's only for teen agers. I'll buy you big doll house nalang, gusto mo ba?" Hindi ko sigurado kung ayun ba ang mga tipo niya keysa naman walang masabi.

"But my classmates got their I phone already." Nag pout pa siya bago sumubo uli ng pagkain, ngumiti lang ako.

"Okay, A doll house with a i phone mini is that okay?" Sabi ko, ngumiti siya at saka tumango-tango.

"What about me? Her birthday is my birthday too right? We're twins." Sabi niya, ngumiti ako at saka uminom ng tubig.

"Anything you want, a toy?" Tanong ko.

"Okay that's enough Angela and Angelo, we're eating." Sabi niya, napasimangot tuloy silang dalawa, same expression at the time, napangiti nalang ako at saka kumain ng tahimik. Hindi ko na masiyadong pinagtuunan ng pansin ang mommy niya, I really feel the guilt flowing around my body. 

Sino ba kasing hindi? Ang taray niya, her authority is tensing at ang mga sinasabi niya ay tagos sa ngala-ngala, kung hindi nga lang ako napikon kanina ay hindi na'ko makakapag salita, hindi naman ako si ate Hannah na titiisin ang sinasabi niya.

Katahimikan ang bumalot saamin nang biglang magsalita si Range. "I think the wedding is in next month, hindi ba't dapat we should prepare everything, what do you think Hannah? You can stay here in our house for preparation." Halos mabilaukan ako sa sinabi niya, napatingin ako sa mommy niya, naiilang akong ngumiti, masama ang tingin saakin ng mommy niya.

"Hannah?" Tanong uli ni Range, tumingin ako sakanya.

"H-Hindi, sa condo nalang ako, o-oo. Duon ako mag pe-prepare." Sagot ko, his mom automatically replied.

"Yun naman pala, she can handle it." Mataray na sabi niya, hindi ko gusto ang tumira dito sa mansion mas lalo kung andito ang mommy niya, hindi niya nga ako gustong nandito tapos e' titira pa ako? Baka magka sabunutan na si dora at annabelle bago pa kami magkaayos.

"No, you'll stay here, napansin ko kasing we're not preparing the wedding, importante kasi 'yon. And also, we will do manhikan next week." 

Hindi ma process ng utak ko, manhikan? Ha? Pero... si ate Hannah... at si Will. Hindi pa puwede, wala pa akong natatanggap na updates, hindi pa siya tumatawag, I have no Idea how will things work. Hindi niya nga nasabi saakin ang mga 'what to expect' and 'what not to expect'

"W-we can do that manhikan naman a-after the wedding diba?" Wala akong alam sa manhikan, ang alam ko lang ay hihingiin ang kamay ng babae sa parents and after the planning wedding, ang sinasabi kong hindi ko alam e' yung kung paano kami mag si-switch, paano namin maipapakita. Kapag ba nalamang twins na kami ay end of the plan na?

Kinakabahan ako sa sasabihin niya. "Nervous? Walang namamanhikan ng after the wedding that's a disrespectful to your parents." Sabi naman niya, napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko, feeling ko ay nanlalamig na'ko. Hindi ako makatanggi kay Range, pero parang gusto ko humugot ng lakas ng loob para tumanggi dahil sa pagtapon ng tingin ng mommy niya saakin, it doesn't bother me or anything else, I just feel little bit tense about her gaze, parang ready to go niya na akong patayin, kidding aside.

"Fine. I'll stay." Puno ng lakas ng loob ang sinabi ko.

Bahala na, isang month lang naman.

"That's good, I'll call our designers, preparators and more to complete our wedding theme. You'll be the best girl in my eyes, you will wore the most beautiful wedding gown Hannah, I promise you that." 

Gusto ko sanang mag chill pero mabilis talaga pintig ng puso ko, ramdam ko ang init sa pisngi ko, I never thought feeling the kilig by this guy 'cause he's my sisters fiance' pero hindi naman masama siguro kung kahit konti ay kikiligin ako? This is just once in a life time, hindi na mauulit. I never feel the same thing, ni hindi nga ako nagka ex or a boyfriend.

Tahimik lang natapos ang pagkain, Range told me that he will be right back after a couple of minute para lang tawagin ang designers, naiwan ako sa harapan ng lamesa habang tumutulong sa mga maid nila.

"Ma'am kami na ho 'yan." Sabi niya at saka inagaw saakin ang mga pinggan, yung iba ay ngumiti saakin habang kinukuha ang iba pang hugasin, kumuha uli ako ng mga pinggan na marurumi para dalhin sa kusina.

"Hindi ho, tutulong ho ako. Parang hindi ko 'to ginagawa sa bahay." Sabi ko at saka nakangiting pumasok sa kusina, hindi naman bago saakin ang gumawa ng gawaing bahay, actually may yaya din kami but my mom told me to be fair enough even tho we have workers.

At sa sinabi nung mommy ni Range na hindi ako marunong magluto? Baka nga mahumaling siya sa Pork and Ribs ko e' favorite ni mommy 'yon, at ang special dinuguan na tinuro sa'kin ni lola hay nako. Inlove nga sila sa luto ko. But back to the reality hindi ako si ate Hannah, kamukha lang pero hindi ako siya, she never been in to our house, palagi siyang sinasama noon ni dad, kaya instead learning how do people normalize.

Ayun nandun siya iba na ang pinag aaralan. Nakita ko ang ibang maid na nagku-kwentuhan sa kusina, natigil lang sila ng mapansing may dala akong pinggan.

"Hala jusko ineng, pagagalitan kami ni Ranger niyan." Sabi niya sabay madaling kinuha ang hawak ko, ngumiti ako habang pinagmamasdan sila. 

"Ahm.. ako na ho mag hugas, ako ho taga hugas saamin. Magaling ho ako diyan, malinis at mabilis." Sabi ko habang umaaktong nag huhugas, lahat sila ay nag tinginan sa isa't-isa.

"Hindi puwede ma'am Hannah, baka ho mapagalitan kami ni Sir Range." Sabi nila at saka inagaw saakin ang sponge at nagmamadaling nag anlaw, ang weird, ano namang ikakagalit ni Range kung sakaling mag hugas ako as if namang hindi niya nagawa 'to nung bata.

"Why are you here?" Nanliwanag ang tainga ko nang marinig ang boses ni Range, sus. Hindi sa may feelings ako ah? wala siyempre. Pero gusto ko lang patunayan na walang mali sa paghuhugas ng plato.

"Gusto ko sanang mag hugas ng plato, yung mga pinggan na ginamit natin kaso ayaw nila akong payagan. Ginagawa ko naman 'to sa bahay e' actually ako nga palaging nag huhugas." Sabi ko, tinitigan lang ako ni Range bago ngumiti.

"They can handle naman Hannah, we should prepare about the wedding." Sabi niya, hihilain niya na sana ako ng mag matigas ako at humawak sa lamesa sa loob ng kusina.

"Pero Range sige na, hindi ko na nagagawa sa'min 'to e." Pagmamakaawa ko, tinitigan niya lang ako ng may pagtataka. "Isang beses lang." Sabi ko at saka tinaas ang index finger, he sigh bago tumingin saakin.

"Fine, only plates and mugs. No to spoon and fork and cooking materials." Sabi niya, bumitaw agad ako at saka ngiting-ngiting hinawakan ang mga plato, I didn't say any words ang iba rin ay nag si kilos na.

Hindi naman masiyado marami iyon, actually nakakabitin nga e' but If you only knew how hard to wash plates sa may gilid hindi ka sisipagin katulad ko kung marami ang hugasin. Agad kong pinunasan ang kamay ko at saka lumabas sa kusina, nakakamiss rin pala talaga gumawa ng gawaing bahay.

Aakyat na sana ako sa hagdan nang matanaw ko si Range na nakahilig sa sofa habang naka bukas ang laptop niya at ang iba pang gadget, dahan-dahan akong lumapit sa gawi niya, he's in deep sleep, amoy na amoy ko ang hininga niya.

Tinitigan ko ang laptop niya, duon ko nakita ang mga research niya about sa wedding planning, sa cellphone naman niya ang decoration ng room, pang babae at panlalaki, nangiti ako habang nakatingin sakanya. Nako ang suwerte-suwerte talaga ng kapatid ko sa lalaking 'to. Sabi ko pa sa sarili ko. Husband material, stable life, effort overload saan kapa gentleman pa.

Pinagmamasdan ko lang siyang natutulog nang bigla niya ako yapusin at ihilig sa dibdib niya. "I love you Hannah." Bulong niya habang hinahalikan ang buhok ko, tagos sa puso ko ang sinabi niya, nakaramdam ako ng kirot na hindi ko naman naramdaman noon, para akong binuhusan ng malamig na hangin.

"I-I love you too Range." Mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa puso ko kaya napahawak ako roon sa bandang parte ng puso ko at saka napapikit, duon ko naramdaman ang mainit na likidong tumulo palabas sa mga mata ko.

"I could catch my dream for you Hannah. 'Cause you're my own dream catcher." Sabi niya, napasinghot ako at saka tuluyang humihikbing yumakap sakanya.

Bakit ba ako nasasaktan?

Bakit ayaw mong tumigil kaka iyak?

Nabalot ako ng lungkot habang yakap-yakap siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status