Share

Chapter 6

Chapter 6

I'll say this once... ya'll are disgusting.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko habang tahimik na nakasakay sa kotse ni Range, he's playing instrumental song sa C.D, habang ako ay nagbabasa ng mga messages noon ni ate Hannah, hindi naman sa nakiki chismis ako, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras para halungkatin ang cellphone niya.

Duon ko nakita ang mga pictures niya sa iba't-ibang lugar, I just can't stop envying her. Ang ganda ng mga napuntahan niya habang ako naka i-stambay lang sa bahay  habang nag ta-travel siya sa buong mundo. I sigh while scrolling still sa gallery, nakita ko ang picture nila ni Range.

They are such a sweet couple, halatang-halata na mahal nila ang isa't-isa, sa mga mata palang. Yung ngiti na binibigay nila sa isa't-isa halatang may pagmamahal, paglipat ko ay naagaw ang atensyon ko ang isang picture na nakahalik si Range sa palad ni ate Hannah na may caption'ng 'Just got engage.' malaki ang ngiti ko nang makita 'yon.

"Akala ko nga sasabihin mong no e'" Narinig kong aniya ni Range, tumingin ako sakanya at saka bumalik ang tingin sa cellphone.

"Paano mo naman nalaman?" Sabi ko bago bumaling ulit sakanya, nakangiti lang siya habang nag da-drive.

"Ang tagal mong sumagot e', the silence is overflowing between the place. Lahat kami naghintay sa'yo. You didn't notice that." Sabi niya habang natatawa. Tinitigan ko uli ang cellphone, hindi halata sa picture na  pinaghintay siya ni ate Hannah.

"Nakatingin kalang while crossing your arm, it's funny how you just stare at me na parang nanonood ng pelikula." 

Napangiti ako, pakipot talaga siguro si ate Hannah. "Maybe its because I'm tired." Sabi ko, ang sweet lang talaga ng picture na 'yon.

Hindi siya umimik pero ramdam ko ang saya niya habang nagmamaneho, nakita ko rin ang mga videos nila magkasama. Just can't stop envying this girl....

Tahimik parin ako habang nag kakalkal ng mga laman ng cellphone niya, yung iba ay may restricted na app kung saan ay kailangan ng password kaya hindi na ako nagbalak pang buksan, nag park si Range sa mini park na maraming tao, nakita ko ang mga batang nagtatakbuhan habang may hawak na saranggola. 

Pagbukas ko ng pinto ay may muntikan na akong madaling bata, bago ko pa man siya madali ay humagulgol na siya ng malakas, agad akong nag panic at pinagkasya ang sarili palabas ng pintuan para hindi madali ang bata, hindi parin siya tumitigil sa pag iyak.

"What happen?" Tanong ni Range bago tumakbo papalapit saaming dalawa ng bata.

"H-Hindi naman siya natamaan pero umiyak siya." Inosenteng aniya ko, tinitigan niya ako bago subukang pakalmahin ang bata. Nag iisip ako ng paraan dahil baka makita kami ng magulang niya.

"Stop crying na, mabait si ate..." Pangungumbinsi ko, naka kapit padin ang bata kay Range kaya si Range ay todo pag hawi sa buhok ng bata.

"May masakit ba? Turo mo." Sabi ko pa, tumigil siya sa pag iyak sabay turo sa nagtitinda ng cotton candy, hindi ko siya maintindihan kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Inaway ka nung nagtitinda?" Tanong ko, umiling siya at saka pinakita ang isa pang kamay niya, duon ko nakita ang limang piso, tinitigan ko iyon bago uli bumaling sa mukha niya.

"I wost my piso." Sabi niya, muling namuo ang luha sa gilid ng mata niya at saka humagulgol, binuksan ko ang pinto ng kotse at saka kinuha sa bag ko ang coin purse ko at saka hinawakan ang munti niyang mga kamay.

"Ate will treat you, gusto mo? You lost piso right?" Sabi ko kahit na alam kong limang piso iyon, tumango siya at saka mahigpit na kumapit saakin, sinama ko siya sa harapan ng tindahan at saka binilhan ng malaking cotton candy.

Si Range naman ay naka kapit sa kamay ko habang kinakausap ang bata, siya rin pumili ng kulay para sa bata. He chose pink dahil babae rin naman iyon, he also added one color para sure na hindi na iiyak ang bata, ngumiti lang ako sa gestures niya. 

Maya-maya ay may nagsisigaw na nanay ang lumapit saamin. "Jeyan? Ay nako kang bata ka! Sinabi ko sa'yong 'wag kang lalayo 'di ba?" Sabi ng babae at saka siya hinawakan sa kamay, tumingin siya saamin ng may pang dududa.

"Wala ho kaming ginagawang masama, we just treat her." Agad kong depensa, tumayo siya ng tuwid at saka ako tinitigan ng masama, hindi ko naman natamaan ang bata kaya hindi naman ako nakokonsensya.

"Thankyou." Banggit niya bago hilain ang bata, kumaway ang bata saamin kaya kumaway din akong nakangiti ganun din si Range. Nagulat nalang ako nang makita si Range na nakasimangot, samantalang kanina ay nakangiti siya bago umalis ang dalawa.

"Hoy ano 'yan Range?" Puna ko sabay turo sa mukha niya, umiling siya at saka ako niyakap.

"Just thought of things." Bulong niya, niyakap ko siya pabalik, biglang nanindig ang balahibo ko at saka bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam pero para akong kinakabahan. Maya-maya ay nanginginig na akong humiwalay sakanya. 

"Feeling ko daddy na'ko because of the earlier." Sabi niya, bigla naman akong napangiti ng maintindihan na ang sinasabi niya, naalala ko din ang unang beses na nag so-sorry siya kay ate Hannah na ako ang kaharap niya because of asking her a baby na ayaw naman ni ate.

"One month to wait, we'll built family." Sabi ko, para namang nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko.

"Yeah, kaya 'yon. Shit can't wait to be a dad." Sabi niya at saka mas lalong humigpit ang kapit niya saakin, nakangiti lang ako habang tinititigan siya.

Lately I've been feeling happy in my days, hindi sa dahil nasa marangya akong buhay kundi ay mas lalo kong na e-explore ang mundo at nakikita ang mga bagay na hindi ko nakikita noon. I just feel free. Wala nadin akong natatanggap na tawag kay ate, madalas ay nakapatay ang cellphone o 'di kaya ay hindi siya sumasagot.

SIgurado naman akong alagang-alaga ni Will si ate, hindi sa tuso ako. But I also see a spark in their eyes, hindi nga lang spark ng katulad kay Range at ate kagaya sa mga napansin kong picture, pero since bata pa naman kami ay may crush na si Will sakanya, kaya hindi na'ko nagtaka nang maging sunod-sunuran siya sa kapatid ko.

Nakaupo lang kami sa grass habang tinititigan ang ulap, hindi pa naman madilim or makulimlim, sakto lang ang hangin, parang tagaytay lang ang peg pero kita mo ang kapatagan ng parke habang may mga naglalaro at yung iba naman ay nag pi-pic nic, napangiti lang ako kay Range na kababalik lang galing sa kotse dala-dala ang mga gamit.

"Makakapag relax din." Sabi niya at saka umupo sa tabi ko, hinalikan niya ang pisngi ko kaya nanlaki agad ang mata ko, bumilis nanaman ang takbo ng puso ko, umiwas ako ng tingin at saka tinapik-tapik ang dibdib ko. "Ang tagal kong plano pumunta rito kaso sabi mo ayaw mo dahil sa grass at dirt."

Sabi niya kaya napatingin ako. Talaga? ganun kaarte kapatid ko? Sabagay sa bahay nga e' hindi siya makakakain hanggat wala ang curler niya.

"Your plan granted naman di ba?" Sabi ko at saka ngumiti, tumango siya at saka hinaplos ang buhok ko.

"Yeah, thanks for a change." Malumanay niyang sabi, ngumiti lang ako habang pinagmamasdan siyang inaayos ang mga pagkain sa harapan namin, plinano niya kasi kagabi ito, matagal naraw niyang gustong puntahan para mag relax, yung kaming dalawa lang.

Pinagbigyan ko siya dahil wala naman akong nakita sa Calendar ni ate na may schedule siya ngayong araw kaya hindi ako nagdalawang isip na pumayag. Hindi niya narin masiyadong pinupuna ang mga galaw ko hindi kagaya nung mga nakaraang araw. 

Naniwala siguro siyang nagbago talaga si ate, pinilit ko kasing pinaintindi na napapagod na akong mag ayos kaya hinayaan niya ako.

Inabot niya saakin ang isa sa mga lalagyanan, puno iyon kaya tinitigan ko siya.

"What? Parang kagabi hindi mo tinuhog ang chicken ah? Dinamihan ko na 'yan." Sabi niya habang natatawang inabot saakin ang juice, binuksan ko agad ang tupperwear duon tumambad saakin ang roasted chicken at hatdog.

"Hindi mo 'to nilagyan ng sauce?" Tanong ko sakanya at saka tinuro ang chicken, agad niya naman inusisa ang lalagyan.

"Aish nalimutan ko ipalagay kay yaya, pero andito naman sa bag yung sauce." Sabi niya at saka hinanap ang sauce, napangiti ako habang tinititigan siyang mag hanap maya-maya ay inabot niya na sa akin "Here." 

"Thankyou haha, may extra rice?" Paninigurado ko. Tumawa naman siya.

"Meron po sigurista." Natawa siya habang nag hahalungkat parin ng mga gamit, inilabas niya ang extra rice at tupperwear niya.

Tahimik akong kumakain habang nag papatugtog ng 'I love you 3000' ganun din si Range minsan nagtuturo siya ng mga batang gusto niyang maging kasing puti or kasing harot ng magiging anak nila ni ate Hannah, napapangiti ako habang sumasang ayon sakanya.

"Like yung baby boy na 'yon, he's cute right? Imagine Hannah. he's the only boy tapos panganay pa, and he doesn't want his sister to be hurt. That's damn overwhelming." Paliwanag niya pa.

"E' paano kung kabaliktaran ng expectations mo ang magiging anak mo?"

"Anak ko? Come'on anak natin." Sa pagsabi niyang 'yon ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, nakatingin siya saakin habang nakangiti, 'wag mong sabihing naiinlove ka Crizza? Remember no to fall. No. Falling. 

"A-Anak nga natin." Utal na sabi ko, sumubo muna siya ng kanin bago muling nagsalita.

"Ano kayang magandang pangalan? Rannah? Hangel? What do you think?" Tanong niya, nag isip ako at saka siya sinagot.

"Hangel? Pang lalaki iyon?" 

"Yup Tristan Hangel Finx." Sabi niya, namangha ako sa sinabi niya, Hangel, parang anghel. Natango akong pumayag sa sinabi niya at saka muling kumain ng chicken.

Marami kaming pinuntahan iba-iba 'yon, mayroong streetfoods, bazaar at mga collections ang pinasukan namin, mayroon din siyang mga biniling dream catcher. Dati nakikita ko lang yun sa mga online shopping pero ngayon nahahawakan kona.

Bumili rin siya ng mga souvenir. Masiyado siyang people's choice, lahat magaan ang loob sakanya, hindi ko alam kung dahil ba guwapo o sadyang friendly siya, mayroon nga nag chichismisan at nagbubulungan kung gan0 ka perfect manly si Range. Hindi ko din naman sila masisisi dahil ayan na sa harapan ang pruweba.

"Hannah what color?" Tanong niya, dinampot ko ang kulay green at saka inabot sakanya.

"I thought favorite color mo ang violet?" Tanong niya habang busy sa pag che-check ng mga binili niya, inilapag ko ang napili ko sa loob ng plastic na hawak niya.

"Para maiba naman, andami ng violet e'" Sagot ko, ngumiti siya at saka nagbayad sa babae, nagulat ako nang madaming tumiling mga babae sa labas ng store na pinabibilihan namin. Karamihan dun mga babaeng studyante pa at yung iba ay mga galing din sa tindahan.

Napatingin si Range sa glass door ng shop na pinagbibilhan namin.

"I told you si Range 'yon!"

"Ang guwapo niya talaga!!!"

"Gusto ko mag pa-picture!" 

'Yan ang ingay na nadinig namin sa labas, natatawang napakamot sa batok si Range bago tumingin uli at saka kumaway sa mga babae, nagtulakan at yung iba ay maiingay na nagtilian, hinawakan ni Range ang kamay ko bago bumaling sa tindera na nag abot saamin ng sukli.

"Thankyou manang, godbless!" Sabi ni Range bago kunin ang sukli, ngumiti sakanya ang tindera at saka iniabot ang supot, kumaway ako nang malapit na kami sa pinto, Range opened the door at duon na siya dinumog ng babae sanhi na mabitawan ko ang kamay niya at mapunta sa gilid. Pinapanood ko lang siya habang busy sa pag entertain sa kanila.

Kung kailangan mag picture ay nakikipag picture siya, kung kailangan naman ng auto graph wala siyang reklamo at kukunin ang o-autographan niya. Nagulat nalang ako nang may tumulak saakin paatras.

"Excuse me nga." Sabi ng babae at saka pumunta kay Range at saka nakangiting nakikipag kuwentuhan, maya-maya ay nagawi ang mata ni Range saakin, nag peace sign lang ako at saka ngumiti pero ang totoo naipit na ang balat ko sa may middle ng sapatos ko dahil sa tulak ng babae.

Ang attitude masiyado, parang akala mo sumasamba ng diyos kung maka tulak, sure naman ako na lahat sila makakalapit kay Range e'.

Naka kibi't-balikat akong nakatingin sa ibang lugar, sinusukat ko panga gamit ang mata para sa poste para hindi ma bored, sumisipol din ako ng mahina habang hinihintay siya, masiyadong maraming babae kaya paniguradong matatagalan pa kami bago makaalis.

"That's all for today. I'm sorry I couldn't make all for you guys. Bonding namin ng fiance' ko so I do hope you guys understand my personal relationship. You know pag mahal mo." Napatingin ako nang sabihin niya 'yon, hindi naman ako magtatampo mas maganda nga ang ginagawa niya for his career. Lahat tuloy ng babae nakatingin saakin at para akong hinuhusgahan.

"H-Hi!" Bati ko, yung iba ay bumati pabalik pero yung iba ay nanlilisik ang mata nakatingin saakin.

"I just wonder kung anong nagustuhan ni Range diyan e' masama ang ugali niya 'di ba?" Bulong ng babae na sapat na marinig naming lahat.

"Yup. Balita ko e' may issue about career din siya." Sagot naman nung isa, nakaramdam ako ng sakit sa puso ko nang sabihin nila 'yon saakin.

"May scandal pa nga sila ni Will right? yung bestfriend niya. Nakakadiri siya." 

Duon na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, scandal? kailan? hindi ko ata nalaman 'yon? Napatingin ako kay Range na nakasimangot habang nakatingin sa mga babae. Naramdaman ko ang pag muo ng luha ko sa gilid ng mata ko. Nasasaktan ako sa sinasabi nila.

"Ya'll annoying." Seryosong sabi ni Range, napatingin ako sakanya na wala paring ekspresyon ang mukha, ganun din sila kaya nga napaatras sila. "If you're just going to disrespect my girlfriend better to leave. Ang ayoko sa lahat ay harap-harapan niyong babastusin ang girlfriend ko." Sabi niya, tumulo ang luha ko sa sinabi niya, hindi dahil masakit kundi feeling ko ay naligtas niya ako.

Na parang natakpan ng salita niya ang sinabi nila.

Na hindi ako dapat matakot dahil andiyan siya.

A feels to have Range in my sisters life.

Pinunasan ko ang luha ko, naglakad siya papalapit saakin habang nakapamulsa, hinalikan niya ang noo ko at saka hinaplos ang buhok, maya-maya ay pumunta na ang kamay niya sa tainga ko. "Look at me Hannah, It's me Range and I'm here, saakin ka dapat makinig. Saakin lang." Sabi niya, mas lalong tumulo ang luha ko nang halikan niya ako pagkatapos niya sabihin ang salitang 'yon. 

"Ano pang hinihintay niyo, delete the photos we've taken earlier or I'll break your phone into a pieces." Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya, dali-daling tumingin ang mga babae sa cellphone nila at pinakita ang pruwebang wala na sa gallery nila.

"Range enough, o-okay lang." Sabi ko, tinapik niya ang ulo ko bago muling tumingin sa mga babae.

"I'll say this once so pull out a notes 'cause you won't be able to come in any fan sign of mine or even a meet and greet." Sabi niya bago seryosong tumingin sakanila. "You're more disgusting than what've you expect." Sabi niya kaya lahat ay natahimik, bigla nalang niya akong hinilakaya agad akong nagpatianod, I sense the anger in him na mas lalo kong ikina-guilt kung hindi sana ako nag Hi edi sana ay maganda ang mood niya.

"You should've fight back like what you used to." Sabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status