Share

Secret of His Wife
Secret of His Wife
Author: DarkSwan

Unang Kabanata

Maraming mga mamahalaing sasakyan ang nagsisidatingan papunta sa parking lot ng gusali ng AD Group, ang isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa.

Ngayon ang pagbubukas ng branch ng AD Group dito sa Arkan City, pinakamalaking syudad sa hilagang bahagi ng bansa.

Ang mga dumadalo ay nakasuot ng mamahalin at magagarbong kasuotan. May mga kunikinang na alahas na nakasabit sa kanilang leeg, sa kanilang mga kamay at tainga. Galing ang mga ito sa iba't ibang makapangyarihang pamilya tulad na lang ng mga politiko at mga negosyante dito sa Arkan City para tunghayan ang pagbubukas ng AD Group.

Samantala, nakasakay si Alexander at Ariella sa isang itim na kotse. Nakaupo sila sa likod habang sa harapan naman ay nandoon ang ama at ina ni Alexander. Nagmamaneho ang ama ni Alexander habang ang kanyang ina ay tahimik lang na nakaupo.

"Bakit pa kailangan kong sumama?" Tanong ni Ariella kay Alexander, ang kanyang asawa.

"Kung pwede ka lang maiwan sa bahay ay pinaiwan na kita, pero ang sabi ni Lola ay kailangang dumalo ang lahat," sagot ni Alexander sa tanong ni Ariella.

Napapikit ng kanyang mga mata at napabuntong hininga na lang si Ariella. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa harap ng malaking gusali ng AD Group.

"Tandaan mo, Ariella, manatili ka lang s alikod ko, ngumiti ka, at huwag makikipag-usap kung kani-kanino sa loob. Naiintindihan mo ba?" paalala ni Alexander sa kanya.

Tumango na lang siya bilang sagot. Sabay-sabay silang lumabas ng sasakyan, at hinitay ang iba pang miyembro ng pamilya para sabay-sabay silang pumasok sa bulwagan.

"Ariella, huwag kang gagawa ng ikakahiya ng pamilya ko! Kapag may ginawa ka, malalagot ka sa akin!" may diing turan ni Amanda, ang namumuno sa pamilya Singson.

"Naiintindihan ko po," sagot ni Ariella habang nakayuko.

"Mabuti at alam mo kung saan ka lulugar," narinig ni Ariella na sinabi ni Amanda bago sila magsimulang maglakad papasok ng malaking gusali ng AD Group.

Pagpasok nila, dumeretso silang lahat sa bulwagan kung saan magaganap ang kasiyahan sa pagbubukas ng branch ng AD Group dito sa Arkan City.

May maalumanay na musika na maririnig sa buong bulwagan. Magaganda ang kulay gintong mga palamuti sa paligid, at maaamoy ang mababangong halimuyak ng mga bulaklak mula sa gilid.

Ang mga panauhin ay may kanya-kanyang ginagawa. Mayroong nag-uusap tungkol sa negosyo at sa politika, meron ding mga magkakakilala na ngayon na lang nagkita, at may mga taong nagsasabihan ng mga achievements nila.

Hinanap nila ang kanilang mesa, at nang makita nila ito, naglakad sila para umupo at hintayin ang pagsisimula ng kasiyahan.

Nakayuko lang si Ariella na nakaupo. Katabi niya ang kanyang asawa na si Alexander na nakikipag-usap sa kanyang pamilya. Gusto na niyang umuwi at umalis sa loob, pero wala siyang magagawa kundi ang manahimik na lang.

Halos kalahating oras pa ang kanilang paghihintay bago magsimula ang kasiyahan. May isang lalaki at babae na umakyat sa entablado para simulan na ang kasiyahan.

"Magandang gabi s aating lahat na dumalo sa pagbubukas ng isang branch ng AD Group dito sa Arkan City," pagbati ng lalaking nasa entablado.

Natuon ang lahat ng atensyon ng mga dumalo sa entablado nang magsalita ang lalaki maliban na lang kay Ariella.

"Hindi lingid sa inyong kaalaman na ang AD group ay isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa at pati na rin sa karatig bansa. Ngayon, maswerte ang Arkan City dahil naisipan nilang magpatayo ng branch dito para magserbisyo sa mga tao. Mula sa clothing industry, automobile, hotel and restaurant, malls, airlines, at marami pang iba, siguradong mabibigyan nila tayo ng mga serbisyo na siyang magpapasaya sa ating lahat!" pagsasalita ng babae sa entablado.

"Ngayon, nais kong tawagin ang representative ng AD Group para pormal na buksan ang AD Branch dito sa Arkan City! Ating palakpakan, Ms. Gladiola Alvarez!"

Nagpalakpakan ang lahat matapos sabihin ng lalaki ang pangalan ng isang babae.

Tumayo ang isang babae mula sa harapan ng entablado. Nakasuot ito ng kulay pulang gown na hapit na hapit sa maganda niyang katawan. May suot siyang gintong kwintas, at isang pares ng dyamanteng hikaw.

Humarap siya sa mga panauhin na nakangiti. Natuon ang mga mata ng mga binatang kalalakihan sa kanya. Hi di maitatanggi na may kagandahang taglay si Ms. Alvarez, mula sa kanyang maamong mukha, sa kanyang magagadang mata, matangos niyang ilong at sa kanyang mapupupang labi.

"Salamat sa pagdalo sa pagbubukas ng AD branch dito sa Arkan City," paunang sabi ni Ms. Alvarez sa lahat.

"Siguro ay nagtataka kayo kung bakit nagpatayo ng branch ang AD Group dito. Alam naman natin na hindi malaking syudad ang Arkan City, pero ang nais ng AD group ay makatulong sa mga mamamayan dito, makapagbigay ng trabaho, ng serbisyo, at para ikakaunlad ng syudad, dahil ang isa sa nais ng AD Group ay makapagbigay ng ngiti, ng kasiyahan sa bawat tao!" paliwanag ni Ms. Alvarez.

Nagpalakpakan ang lahat dahil sa sinabi ni Ms. Alvarez.

Totoo ngang maliit na syudad lamang ang Arkan City, kaya ilan sa mga dumalo ay nagtataka kung bakit naisipan ng AD Group na magpatayo ng branch nila dito.

"Ngayon, bilang kinatawan ng AD Group, pormal kong binubuksan ang AD at sana ay magkaroon ng magandang samahan ang AD Group at ang Arkan City! Sana ay mag-enjoy tayong lahat sa munting handog ng AD Group!" pagtatapos niya bago niya ibinigay ang microphone.

Nagpalakpakan ang lahat ng panauhin at nagsimula na ang kasiyahan.

Nanatili lang na nakaupo si Ariella sa harap ng lamesa ng pamilya Singson. Nagsimula nang tumayo ang ilang miyembro, kasama na rin si Amanda para makihalubilo sa ibang mga negosyante ng Arkan City.

"Dito ka lang, Ariella," bilin ni Alexander sa kanya.

Tatayo na sana si Alexander sa kanyang kinauupoan nang biglang may dumating na isang babae.

"Nice to see you here, Alexander," sabi ng babae.

Napatingin si Alexander at Ariella sa babae. Nakangiti ito na nakatingin kay Alexander. Maganda ang babae, nakasuot ng kulay asul na gown na may kumikinang na mga dyamante.

"Sophia?"

"Mabuti naman at naaalala mo pa ako, Alexander. Kumusta ka na? Simula noong nagtapos tayo ng kolehiyo tatlong taon na ang nakakalipas ay ngayon na lang tayo nagkita," sabi ni Sophia.

"Heto, nagtatrabaho na ako sa kompanya ng aking pamilya," sagot ni Alexander.

"Ikaw, kumusta ka na rin? Mukhang ang laki ng pinagbago mo, ah," tanong naman ni Alexander sa kanya.

Tahimik lang na nakikinig si Ariella sa kanilang usapan ayon na rin sa bilin ni Alexander sa kanya kanina.

Tumingun si Sophia sa lalaking kasama niya. Nakapulot ang kanyang kamay sa braso ng lalaki na halatang magkarelasyon sila.

"Malaki talaga, Alexander. Salamat sa aking mahal na asawa, lahat ng bagay ay nakukuha, mga materyales na bagay at pati na ring mga bakasyon sa iba't ibang bansa," sagot ni Sophia kay Alexander.

"Ikaw? Balita ko, nakasal ka na, ah. Sino ba ang napangasawa mo?" tanong ni Sophia sa kanya.

Ang kasal ni Alexander at Ariella ay pribado. Ang nakakaalam lang ng kasalan ay ang buong pamilya ng Singson at mga malalaking negosyante ng Arkan City.

Ngumiti na lang si Ariella sa tanong ni Sophia. Dahil doon, napansin siya ni Sophia na pinagtaka niya.

"Teka lang, ikaw si Ariella Armada, hindi ba? Ang pinakamahirap na babaeng mag-aaral noon sa Arkan University!" tanong ni Sophia.

Nagkatinginan si Alexander at Ariella.

"Huwag mong sabihin na siya ang napangasawa mo, Alexander?" tanong ni Sophia.

Natahimik si Alexander dahil sa tanong ni Sophia.

Mahinang tumawa si Sophia dahil tama ang hinala niya.

"Ang malas mo naman, Alexander, at si Ariella ang napangasawa mo, maganda nga siya ngayon, pero alam ng lahat na isa siyang mahirap na babae na galing sa ampunan at pinaaral ng mga pari at madre," pangmamaliit ni Sophia kay Ariella na medyo natatawa.

Nawala ang pagkakangiti ni Ariella dahil sa sinabi ni Sophia tungkol sa kanya.

Iyan ang alam ng lahat tungkol kay Ariella.

"Bakit ka nagpakasal sa kanya, Alexander? Nabuntis mo ba siya? Pinikot ka ba niya?" sunod-sunod na tanong ni Sophia sa kanya.

"Ikaw ang pinakagwapo noong kolehiyo tayo. Ikaw nga ang naging Mr. Arkan University noon, tapos sa isang walang kwentang babae ka lang babagsak?" pangmamaliit niya kay Ariella.

"Nakakaawa ka naman, Alexander. Anong nangyari at sa kanya ka nakasal? Hindi ba may kasintahan ka noon? Iyong Ms. Arkan University rin? Ano na ba ang pangalan niya?" pagpapatuloy niya.

Natahimik na lang si Alexander sa sunod-sunod na mga tanong ni Sophia sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa mga tanong niya dahil alam niyang tama si Sophia sa lahat nang sinabi niya.

"Kung ako sa iyo, hiwalayan mo na si Ariella, Alexander. Wala kang mapapala sa kanya," pagbibigay niya ng opinyon kay Alexander.

"Bakit hindi mo ako tularan?" tanong pa niya at pagkatapos ay tumingin siya sa lalaking kasama niya.

Ngumisi si Sophia, "Alam mo ba, itong mahal kong asawa ay mayroong clothing line, ang Amorosa. Kapag swinerte kami, baka magkaroon kami ng partnership sa kanyang clothing line at ang AD Group! At kapag nangyari iyon, siguradong sisikap ang clothing line ng mahal kong asawa!" pagmamayabang niya.

"Hon, kailangan na nating umalis. Hahanapin ko pa si Mr. Miguel," pag-aya ng asawa ni Sophia sa kanya.

"Oo nga pala."

Tumingin si Sophia kay Alexander at Ariella, "Paano? Alis na kami at may kakausapin pa pala ang mahal kong asawa. Kinagagalak ko kayong makita ulit, Alexander, Ariella," nakangiti niyang paalam sa kanila.

Nang makaalis si Sophia at ang kanyang asawa, tumingin si Alexander kay Ariella.

"Pumunta ka na lang sa sasakyan at hintayin kami!" may diing utos ni Alexander kay Ariella.

"Pero..."

Hindi natuloy ni Ariella ang sasabihin niya nang magsalita ulit si Alexander.

"Ayaw kong may iba pang makakita na kasama kita, Ariella, kaya bumalik ka na doon at maghintay sa pag-uwi natin!"

Napayuko na lang si Ariella dahil sa sinabi ni Alexander sa kanya.

"Kapag bumalik ako dito, ayaw kong makita ka na nakaupo dito!" may pagbabantang sabi ni Alexander bago siya umali at naglakad para makihalubilo sa iba pang mga dumalo.

Napailing ng ulo at napabuntong hininga na lang si Ariella. Napasunod siya nang tingin sa likod ni Alexander habang naglalakad kasama ang kanyang ama.

Nang makita niyang nakikipag-usap na si Alexander sa isang lalaki, nagsimula na rin siyang maglakad palabas ng bulwagan.

Napatigil si Ariella sa bungad ng gusali ng AD Group nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan.

Napalingon siya at nakita niya ang isang babae na papalapit sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Ariella. Mabilis siyang naglakad palabas ng Gusali at nagtungo kung nasaan ang kanilang sasakyan, pero hinabol siya ng babae.

"Sadali lang, Seniora Ariella!" sigaw ng babae kay Ariella.

Lumingon si Ariella sa babae, at nang makita niya itong papalapit sa kanya, mabilis siyang naglakad para makalayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status