Dalawang araw at tatlong gabi ang ginugol ni Cedie at Drake para magawa ang proposal ni sa AD Group.
Sinigurado nila na maganda ang kakalabasan ng kanilang presentasyon para makuha nila ang deal sa gagawin nilang subdivision.
"Nakahanda na ba ang lahat, Drake?" tanong ni Cedie sa kanyang anak.
"Nakahanda na, Dad, at sisiguraduhin ko na mamamangha sila s aaking presentasyon," malaking tiwalang sagot ni Drake sa kanyang ama.
"Siguraduhin mo lang, Drake. Kung hindi natin ito makukuha ang pakikipag-ugnayan nati sa AD Group, malalagot tayo sa lola mo!" paninigurado ni Cedie sa kanyang anak.
"Huwag ka nang mangamba pa, Dad. Parang hindi mo naman ako kilala, eh! Anak mo ako at alam mo kung ano ang kakayahan ko!" sabi ni Drake sa kanyang ama.
"Kung ganoon, ihanda mo na ang sarili mo at pumunta na tayo sa AD Group!"
Sabay silang lumabas ng kanilang bahay at sumakay sa itim na sasakyan papunta sa AD Group.
Malaki ang tiwala ni Drake sa kanyang sarili. Hindi naman iyong nakakapagtaka dahip marami na rin siyang napatunayan dahil siya lang naman ang pinakapaboritong apo ni Amanda.
Pero hindi nila alam, si Drake ang nakakakuha ng karangalan sa mga ipinapagawa niya kay Alexander sa mga taong mas mababa ang losisyon sa kompanya ng Singson, dahil siya ang napipisil na maging director ngayon ng Singson Architectural Firm sa buong Arkan City, ang ginagawa niya lang ay ang mag-utos sa mga nasa ibabang posisyon sa kanilang kompnaya.
Samantala, matapos gawin ni Ariella ang lahat ng gawain sa loob ng bahay, maaga siyang lumabas para pumunta ng AD Group.
Sumakay siya ng taxi papunta doon. Nang makarating siya, agad siyang pumasok sa loob. Nakasuot siya ng mask at shade para walang makakilala sa kanya.
Nang makapasok siya, agad siyang sumakay ng elevator at nagtungo sa pinakahuling palapag ng gusali kung saan makikita ang opisina ng Director ng AD Group, walang iba kundi siya.
Nang makarating siya sa harap ng opisina, hinanap niya ang biometric para mabulsan ang pinto.
Nakausap na niya si Gladiola noong isang araw at ipinaliwanag na niya ang lahat na pwede niyang malaman. Kung ano ang code ng kanyang opisina, kung sino-sino na ang mga nag-alok ng colaboration sa kanila, at marami pang iba.
Nang mabuksan ang pinto at makapsok si Ariella, nadatnan niya si Gladiola na nakatayo. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa biglaan niyang pagdating.
"Maligayang lagdating, Seniora Ariella!" pagbati ni Gladiola sa kanya.
Naglakad si Ariella palapit kay Gladiola. Tumayo si Gladiola sa upuan at mmalis sa harap ng kulay gintong lamesa na kung saan uupo si Ariella.
"Sana ay sinabihan ninyo ako na darating kayo para nakapaghanda ako ng makakain, Seniora Ariella," sabi ni Gladiola sa kanya.
"Hindi na kailangan, Glad. Hindi naman ako magtatahal dito," sabi ni Ariella sa kanya.
Umupo si Gladiola sa kanyang harapan.
"Ano ang ipinunta ninyo dito, Seniora Ariella? Babalik na ba kayo sa pamilya Armada?" mga tanong ni Gladiola sa kanya.
"Gusto ko lang tignan ang buong gusali, at gusto kong malaman kung ano ang development na nangyayari dito," sagot ni Ariella sa kanya.
"Sandali lang at kukunin ko ang aking laptop, Seniora Ariella, para maipaliwanag at maipakita ko ang lahat sa gusto mong malaman," ani at paalam ni Gladiola.
Tumayo siya sa kanyang kinauupoan para kunin ang kanyang laptop. Nang makuha niya ito ay inihanda niya ang Smart Tv para doon ipakita ang lahat ng gusto niyang malaman. Pagkatapos niyang maghanda, mabilis siyang lumapit kay Ariella at nagsimulang magprisenta.
Halos isang oras din nag-present si Gladiola kay Ariella. Mula sa lahat ng plano ng AD Group hanggang sa mga taong gustong makipag-ugnayan sa kanila.
"Meron ka pa bang katanungan, Seniora Ariella?" tanong ni Gladiola sa kanya.
"Wala na, malinaw na ang lahat sa akin," sagot ni Ariella.
Napayuko si Gladiola ng kanyang ulo at nagsalita, "Masaya akong malaman iyan, Seniora Ariella," sabi niya.
"Sa pagpunta ninyo dito, ang ibig bang sabihin ay tinatanggap niyo na pamunuoan ang AD Group dito sa Arkan City, Seniora Ariella?" tanong ni Gladiola sa kanya.
"Wala naman ako masyadong ginagawa kaya naisipan kong abalin ang aking sarili sa pag-alam kung ano ang nangyayari at mangyayari dito," sagot ni Ariella.
"Pero hindi ibig sabihin iyon na babalik na ako sa pamilya Armada. Hihitayin ko si Senior Josue na siya ang makipag-usap sa akin!" dagdag pa niya.
"Naiintindihan ko, Seniora Ariella," sabi ni Gladiola sa kanya.
Tumayo si Ariella sa kanyang upuan at humarap kay Gladiola.
"Kung ano man at kung sino mam ang nagnanais na makipag-ugnayan sa AD Group, sabihan mo ako at ipasa ang kanilang proposal sa aking, Gladiola," utos ni Ariella sa kanya.
"At walang makakaalam kung ano man ang kaugayan ko sa AD. Kapag may magtanong kung sino ang namumuno ng AD ngayon, ang tanging isasagot mo ay Ms. Armada," dagdag pa niya bago siya umalis.
Naglakad na palabas ng opisina si Ariella. Iniwan niyang mag-is asi Gladiola sa opisina at muling sumakay ng elevator para makaalis na sa gusali.
Nang lumabas siya ng elevator, napatigil siya nang makita niya si Cedie at Drake na naglalakad.
Agad siyang nakita ni Drake na pinagtaka niya. Kinalma ni Ariella ang kanyang sarili at hindi siya nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kanilang dalawa.
"Ariella, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Drake sa kanya nang makalapit sila ng kanyang ama.
"Sinubukan kong mag-apply ng trabaho dito," sagot ni Ariella kay Drake.
Tumawa nang bahagya si Drake dahil sa sagot ni Ariella sa kanya.
"Ang tapang mo namang mag-apply ng trabaho dito, Ariella! Dito sa AD pa talaga!" natatawang sambit ni Drake sa kanya.
"Bakit? Wala rin naman akong masyadong ginagawa sa bahay kaya naisipan kong mag-apply."
"Walang masama sa ginawa mo, Ariella, pero alam nating dalawa na wala ka namang silbi! Ang tanging alam mo lang gawin ay ang maging katuling sa pamilya ni Uncle Joseph! Magluto, maglinis, maglaba, mamalengke, at kung ano-ano pa! Kaya sa ringin mo ba ay tatanggapin ka ng AD Group?" pangmamaliit ni Drake sa kanya.
"Hindi natin alam, Drake. Sinubukan ko lang naman," sagot ni Ariella sa kanya.
"Huwag ka nang umasa pa, Ariella, dahil baka kahit sa pagtinpla ng kape ay hindi ka nila kukunin!"
"Huwag kang magsalita ng ganyan, Drake, dahil baka kayo ang ipagtabuyan nila dito," seryosong sabi ni Ariella sa kanya.
"Ipagtabuyan? Ako? Alam mong ako ang pinakamagaling na architech sa pamilya Singson, kaya malayong mangyari iyan, Ariella! Sisiguraduhin kong mamamangha silang lahat sa aking ipapakita!"
"Pinakamagaling? Sa pagkakaalam ko, nagtatago ka lang sa anino ni Alexander. Siya ang totoong may ipagmamalaki, dahil ikaw, kinukuha mo lang ang karangalan na dapat ay para sa kanya!"
Nawala ang pagngisi ni Drake dahil sa sinabi ni Ariella sa kanya.
"Si Alexander at sa mga kasamahan niya nanggagaling ang mga disenyo na prinepresenta mo, at kapag pumasa ito sa mga kliyente, ikaw ang nakikinabang sa mga ito!" dagdag pa ni Ariella.
Nanlisik ang mga mata ni Drake, "Anong pinagsasabi mo? Kung magsalita ka, parang ang dami mong alam, ah! Isa ka lang namang sampit sa pamilya Singson! Pareho kayo ni Alexander na walang silbi!" galit na sabi ni Drake sa kanya.
"Drake, tama na iyan. Huwag mong sayangin ang kras mo sa kanya, wala kang mapapala sa kanya," pagpapatigil ni Cedie sa kanyang anak.
"Sabagay, ayaw kong ibaba ang sarili ko sa isang abbae na mas mababa pa sa daga ang utak!" sabi ni Drake.
"Tara na, Dad at puntahan na natin si Ms. Alvarez!" anyaya ni Drake sa kanyang ama.
Napailing na lang si Ariella nang makaalis sina Drake at Cedie. Nang makasakay sila sa elevator, lumabas na rin si Ariella at umuwi sa bahay nila Alexander.
Nang makapasok sina Drake at Cedie sa opisina ni Gladiola Alvarez, nakangiti silang humarap dito.
"Magandang umaga, Ms. Alvarez. Kami ay galing sa Singson Architectural Firm, at nang malaman namin na magpapatayo kayo ng subdibisyon dito sa Arkan Citu, hi di naming mapigilan na ipakita ang aming mga designs," sabi ni Drake kay Gladiola na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Natanggap namin ang inyong pi adalang mensahe noon at pinaunlakan namin ang inyong hiling, Mr. Singson. Kaya sana ay hindi ako madismaya sa iyong presentasyon," sabi ni Gladiola sa kanya.
"Huwag kayong mag-alala, dahil kami ang isa sa pinakalaking Architectural Firm dito sa Arkan City. Sisiguraduhin kong mapapangiti kita, Ms. Alvarez," sagot ni Drake sa kanya.
"Kung ganoon, magsimula ka na," utos ni Gladiola sa kanya.
Nagsimulang ayusin ni Drake ang kanyang presentasyon at pagkatapos ay ipinakita na niya ang proyektong pinagpuyatan niya ng tatlong gabi.
Naging maganda at swabe ang naging presentasyon ni Drake sa harap ni Gladiola. Ipinakita niya ang mga designs ng bahay, istraktura, at kabuoan ng subdibisyon sa kanya. Tahimik lang na nakikinig si Gladiola hanggang sa matapos ito sa pagprisenta.
"Napakaganda ng aming plano, hindi ba, Ms. Alvarez? Kung kami ang kukunin ninyo, siguradong mabilis niyo lang mabawi ang kapital na ilalaan ninyo!" pagmamayabang ni Drake kay Gladiola.
"Pangkariniwan!" may diing sabi ni Gladiola sa kanya.
Napatahimik at nanlaki ang mga mata si Drake dahil sa sinabi ni Gladiola.
"Anong ibig mong sabihin, Ms. Alvarez?" nauutal na tanong ni Drake sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin, hindi kayo ang kukunin namin para magplano sa proyekto namin. Pangkarinawan, at walang dating ang presentasyon mo, kaya kung maaari ay umalis na kayo. Sinayang niyo lang ang oras ko!" sagot ni Gladiola sa kanya.
"Pero.." hindi natuloy ni Drake ang kanyang sasabihin nang magsalita ulit si Gladiola.
"Marami pa akong gagawin at marami pang magpapakita ng presentasyon sa akin, kaya umalis na kayo kung ayaw niyong ipakaladkad ko kayo sa gwardya!" may pagbabantang sagot ni Gladiola sa kanila.
"Bigyan niyo pa kami ng isang pagkakataon, m
ms. Alvarez. Sa susunod ay magpapakita kami ng iba pang plano sa inyo," pagsabat naman ni Cedie."Hindi na kailangan pa dahil sa ipinakita ninyo, alam kong wala na kayong magagawa pa!" sagot ni Gladiola sa kanya.
Napalunok sila ng kanilang laway. Hindi sila makapaniwala na ganoon na lang ang pagtanggi ni Gladiola sa kanilang dalawa.
"Lagot tayo kay Lola, Dad!"
"Damian no ang lulutuin mo ng hapunan, Ariella, bibisita ang mga kaibigan ko!" utos ni Clara sa kanya. "Sarapan mo rin para hindi ako mapapahiya!" Dagdag pa niya. Hindi sumagot si Ariella sa mga sinabi ni Clara sa kanya. Ipinagpatuloy na lang niya ang paghiwa sa mga sangkap na kanyang lulutoin. Mahigit isang oras pa bago mag-alas-sais ng gabi, kaya may oras pa siya para magluto. Kaninang umaga, maagang umalis si Alexander sa kanilang bahay dahil sa biglaang pagtawag ni Amanda sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan, pero alam may ideya na siya kung bakit siya pinatawag ng kanyang lola. "Ariella! Dalhan mo nga ako ng malamig na maiinom dito!" narinig na sigaw ni Clara kay Ariella. Napailing na lang siya at itinigil saglit ang kanyang ginagawa. Kung hindi lang niya kailangang manatili dito ay matagal na siyang umalis, pero para hindi siya mahanap ng kanyang lolo na walang malay ngayon, napagtyagaan niya ito. Habang naglalakad si Ariella dala ang isang baso ng orange juice,
'Kung inaakala mo na magtatagumpay ka, isang malaking kalokohan ang bagay na iyan!' sabi ni Ariella sa kanyang sarili. Bago siya pumunta dito, nakausap na niya si Gladiola at nagplano kung ano ang gagawin nila. May mga tao na nasa kabilang silid na handang pumasok kung may masama mang mangyari sa kanya. Nilapitan ni Arthure si Ariella. Hinawakan niya ang balikat nito kaya napatingin si Ariella sa kanya. "Bakit hindi na nating simulan ngayon, Ariella?" bulong ni Arthure na punong-puno ng pagnanasa sa kanyang boses. "Bitawan mo ako!" direkta at malamig na utos ni Ariella sa kanya. "Akala ko ba ay papahirapan mo ako? Simulan mo na ngayon dahil nangangati na ako!" tanong at sambit ni Arthure sa kanya. Hinawakan ni Ariella ang kamay ni Arthure, at malakas niya itong pinisil. Hindi natinag si Arthure sa ginawa ni Ariella. Gamit ang isa pa niyang kamay, hinawakan niya rin ang isa pa niyang balikat. Iniharap ni Arthure si Ariella sa kanya. Nagkaharap silang dalawa, nakangisi si Arthure
Chapter 19: Secret of His WifeTahimik lang na nakaupo si Ariella sa likod ng sasakyaj ni Alexander. Papunta silang dalawa sa Arkan Hotel and Resto kung saan sila maghahapunan ni Arthure Marcos. Nakatingin si Ariella sa labas ng bintana ng sasakyan, pinapanood ang mga taong naglalakad sa kalsada, mga sasakyan na nakakasabay nila, at ang mga gusali na nalalagpasan nila. Napatingin si Alexander kay Ariella. Alam niya na ayaw ni Ariella na makipaghapunan kay Mr. Arthure Marcos. Alam niya ang dahilan, pero kailangan nilang makausap ang negosyante para sa pagpapatayo ng subdivision ng AD group. Hindi nagtagal, nakarating silang dalawa Arkan Hotel and Resto. Pinagbuksan ni Alexander si Ariella ng pinto nang sasakyan. Bago bumaba si Ariella, tumingin siya sa kanyang asawa. Napayuko si Alexander, hindi niya alam kung bakit, pero may iba siyang nararamdaman ngayon. Guilty? Pwede dahil pwedeng may mangyaring masama kay Ariella sa pagkikita nilang dalawa ni Mr. Arthure Marcos. "Tawagan mo na
Abala si Ariella sa paghahanda ng meryenda ng kanyang mga manugan at ang kanilang mga bisita sa kusina. Lingid sa kanyang kaalaman, pinagmamasdan siya ni Alexander mula sa labas ng kusina. Mabilis na umalis si Alexander sa kanyang kinatatayuan nang matapos ni Ariella ang paghahanda ng pagkain. Naglakad siya papunta sa sala para dalhin ang meryenda nila. Habang papalapit si Ariella sa mga bisita, napansin niya si Alexander na nakatingin sa kanya. Sinenyasan siya ni Alexander na nakuha naman ni Ariella. Nang maibigay niya ang mga pagkain para sa kanyang manugang at mga bisita, umalis si Alexander at nagtungo siya sa garden sa likod ng bahay. Sinundan siya ni Ariella ng tingin at alam niyang may nais itong sabihin sa kanya kaya sumunod siya. Nang makarating si Ariella sa garden, nakita niya si Alexander na naghihintay sa kanya. Nilapitan niya ito at humarap sa kanya. "May kailangan ka ba sa akin, Alexander?" tanong ni Ariella kay Alexan
Tahimik lang na nakikinig si Ariella sa usapan ni Alexander at Mr. Aethure Marcos. Pinag-usapan nila ang design na inaprobahan ng AD Group, at sinabi na rin ni Alexander kung ano ang kanyang dahilan kung bakit siya nakipagkita sa kanya. "Maganda nga ang plano na ginawa mo, Mr. Singson, kakaiba ito sa iba naming nahawakang proyekto, pero sa palagay ko, malaking halaga ang kakailanganin para matapos ang subdivission," pagbibigay ng opinyon ni Aethure kay Alexander. "Iyan din ang problema ko, kaya ako lumalapit sa iyo, Mr. Marcos," sambit ni Alexander sa kanya. Napangisi si Arthure habang nakatingin kay Alexander, at pagkatapos ay tumingin siya kay Ariella na tahimik lang na nakaupo. Kanina pa napapansin ni Ariella ang mga tingin ni Arthure sa kanya. Hindi lang siya nagsasalita, pero nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kaharap nilang dalawa ni Alexander. "Matagal na kaming nagkakasama ng lola mo na si Donya Amanda, Mr. Singson, kaya kung
"Maghanda ka, magbihis ka ng maganda, may pupuntahan tayo mamaya," utos ni Alexander kay Ariella habang nagluluto siya ng agahan. Napatigil si Ariella sa kanyang pagluluto at nilingin si Alexander na umiinom ng tubig. "May pupuntahan tayo?" tanong ni Ariella kay Alexander. Nang matapos uminom ng tubig si Alexander, tumingin siya kay Ariella, "Ngayon ako makikipagkita kay Mr. Arthure Marcos, Ariella, at isasama kita," sagot ni Ariella sa kanya. Napasingkit ng mga mata si Ariella dahil sa sinabi ni Alexander sa kanya. Ngayon lang niya ito isasama sa isang meeting. Palagi lang siyang nasa loob ng bahay at gumagawa ng mga gawain. Kapag tapos na ang mga gawain ay pupunta siya sa kanyang kwarto para magpahinga. "Bakit ako sasama sa iyo?" tanong ni Ariella sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Alexander. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanya habang hawak ang baso na pinag-inuman niya. Humarap siya kay Ariella, "Dah