Share

Pangalawang Kabanata

"Seniora Ariella!"

Paulit-ulit na sigaw ng babae kay Ariella.

Hindi ssiya lumingon sa babae. Nagpatuloy ito sa pagtakas sa kanya.

'Hindi niya ako pwedeng maabutan! Baka kung ano ang gawin niya sa akin!' sabi ni Ariella sa kanyang sarili.

"Seniora Ariella, pakiusap ay tumigil ka," humahangos na sigaw ng babae.

Iilang lang ang tao sa paligid. May tumitingin sa kanila, pero hindi na nila inisip pa ang mga taong nakakakita sa kanila.

Tumakbo na si Ariella para tumakas. Nang makarating siya sa parking lot, mabilis siyang nagtungo sa sasakyan nila.

Hindi nagtagal, naabutan siya ng babae. Hinawakan ng babae ang braso nito kaya napatigil siya sa pagtakbo.

"Ano ba ang kailangan mo?" may inis na tanong ni Ariella sa babae.

Yumuko ang babae sa harap ni Ariella bilang pagbibigay galang sa kanya.

"Gusto kitang makausap ayon sa utos ni Senior Josue," sagot ng babae kay Ariella.

"Wala akong oras para makipag-usap kahit kanino sa aking pamilya!" pagmamatigas ni Ariella.

"Pero importanteng bagay ang mga sasabihin ko sa iyo, Seniora Ariella, at sana ay mapaunlakan mo akong makausap ka," sabi ng babae sa kanya.

Napapikit ng mga mata at napabuntong hininga na lang si Ariella dahil sa sinabi ng babae sa kanya.

"Wala akong pakialam. Matagal na akong walang koneksyon sa pamilya Armada!" madiing sambit ni Ariella.

" Naiintindihan kita sa sinasabi mo, Seniora Ariella, pero sana ay pakinggan mo ang aking sasabihin," pakiusap ng babae sa kanya.

Kitang-kita ni Ariella ang mukha ng babae. Halata dito na gustong gusto siya nitong kausapin.

Napapikit ng mga mata at napabuntong hininga na lang si Ariella, at pagkatapos ay seryoso siyang tumingin sa babae.

"Huwag tayo dito at baka may makakita sa akin na kasama ka," pagsuko ni Ariella.

Napangiti at napatingin ang babae kay Ariella, "Salamat, Seniora Ariella sa pagpapaunlak. Hintayin mo ako dito at kukunin ko lang ang sasakyan. Umalis tayo dito para walang makakita sa ating dalawa," sabi ng babae sa kanya na sinagot niya nang pagtango.

Naghintay si Ariella sa pagbabalik ng babae, at nang tumigil ang isang itim na sasakyan, pumasok si Ariella sa loob at nagsimula na silang umalis.

Nang makalayo sila sa gusali ng AD Group, nagsimula na silang mag-usap.

"Ano ang importanteng sasabihin mo sa akin, Glad?" Deretsong tanong ni Ariella sa kanya.

"Alam kong pinutol mo na ang lahat ng meron ka sa pamilya Armada, Seniora. Wala kang naging balita kung ano-ano ang mga nangyari simula noong itakwil ka ni Senior Josue," unang mga salita na binitawan ni Gladiola.

"Deretsohin mo na ako, Gladiola, at baka hanapin nila ako," seryosong utos ni Ariella sa kanya.

"Si Senior Josue ay malubha na ang kanyang karamdaman, Seniora Ariella, kaya nais ka niyang bumalik sa pamilya Armada para ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng AD Group," sagot ni Gladiola sa kanya.

Tahimik lang si Ariella habang nakatingin kay Gladiola.

"Matagal ka na naming hinahanap, Seniora Ariella, at noong makita ka namin, naisipan ni Senior Josue na magpatayo ng branch dito. Alam din namin kung anong klaseng pamilya ang kasama mo, at ano ang naging dahilan kung bakit ka nakapasok sa pamilya Singson," dagdag pa niya.

"Ikaw na lang ang natitira sa unang pamilya ng Armada, Seniora Ariella, kaya ikaw lang ang tanging aasahan namin na magpatakbo ng AD Group," pagpapatuloy ni Galdiola.

Ang Armada family ay pinamumunoan ni Josue Armada. Ang kanyang asawa ay sampong taon ng patay. May dalawa siyang anak, ang panganay ang ang ama ni Ariella, at ang isa naman ay anak niya sa labas.

Dahil sa pagkamatay ng mga magulang ni Ariella dahil sa isang ambush, limang taon na ang nakakalipas, tanging si Ariella na lang ang natitirang pamilya ni Josue Armada.

"Bakit hindi na lang ipamahala ni Senior Josue sa anak niya sa labas o sa iba pa niyang mga kapatid at pamangkin?" tanong ni Ariella sa kanya.

"Ayaw niyang ibigay ang pamamahala sa kanyang mga kapatid o mga pamangkin ang AD group, at lalong ayaw niyang ibigay ito sa kanyang anak sa labas, Seniora Ariella," sagot ni Gladiola sa kanya.

"Paano kung ayaw kong pumayag sa kagustuhan niya? May magagawa ba siya?" mga tanong niya.

"Alam mo na ang iyong ama ang naghirap noon para mapalago ang AD Group, Seniora Ariella," sabi ni Gladiola sa kanya.

Alam ni Ariella ang tungkol doon, dahil saksi siya sa paghihirap ng kanyang ama noon para lang mapalago ang AD Group. Ibinigay lahat ng kanyang ama ang kanyang atensyon sa AD Group kahit na ang buhay nila ang nakasalalay.

"Kung inaaalala mo ang iyong sekyuridad, huwag kang mag-alala, dahil kumuha ang pamilya Armada ng pinakamagagaling na mga sundalo sa buong bansa para maging maayos ang buong pamilya. Ang lahat ng sangkot sa pagkakamatay ng iyong mga magulang ay nakakulong at wala na sa mundo, at wala ni kahit sino man ang magnanais na bumangga sa pamilya Armada," pagpapaliwanag ni Gladiola.

"Alam mo kung ano ang nangyari sa akin noon, hindi ba, Glad?" tanong ni Ariella sa kanya.

"Alam ko, Seniora Ariella, pero nagsisisi na si Senior Josue sa kanyang ginawa," sagot ni Gladiola sa kanya.

Napataas ng kilay si Ariella dahil sa sinabi ni Gladiola.

"Kung ganoon, papayag lang ako kapag si Senior Josue na ang nakipag-usap sa akin," may diing sabi ni Ariella sa kanya.

"Pero, hindi pa nagigising si Senior Josue dahil sa pagkakaopera sa kanyang utak, Seriora Ariella," sabi ni Gladiola.

"Kapag nagising na siya, at kakausapin ako, baka babalik ako sa Armada, pero hanggat wala pa, hindi ako babalik!"

Napayuko si Gladiola dahil sa sinabi ni Ariella sa kanya.

Kitang-kita niya ang pagbabago ni Ariella simula noong pinalayas siya ni Senior Josue sa pamilya. Ang dating mabait, palangiti, at mahinhin ay nagkaroon na ng tapang. Ito ay dahil sa pamumuhay niya na mag-isa, na hindi umaasa sa pamilya Armada.

"Kung iyan ang desisyon mo, Seniora Ariella, wala na akong magagawa pa, pero may mga ibinilin si Senior Josue sa amin bago siya maoperahan," sabi ni Gladiola sa kanya.

May kinuha siyang isang itim na card at ibinigay ito kay Ariella.

"Ito ay isang exclusive card ng pamilya Armada. May laman itong dalawangpong bilyong dolyar," sabi ni Gladiola sa kanya.

Nakatingin si Ariella sa itim na card.

"Gamitin mo kung saan mo gusto ang card na iyan, Seniora Ariella, at isa pa, ako ang itinalaga para tignan ang AD branch dito sa Arkan City, at ikaw ang dapat mamuno. Hindi na kailangan pang pumasok ka o pumunta ng AD, dahil ibibigay ko sa iyo lahat kung ano ang mga mangyayari sa mga transactions ng AD Group kung nais mo." pagtatapos niya.

"Wala ka na bang sasabihin? Kailangan ko nang bumalik sa sasakyan ng asawa ko," tanong ni Ariella sa kanya.

"Wala na, Seniora Ariella," sagot ni Gladiola.

"Kung ganoon, bumalik na tayo," utos ni Ariella.

Bumalik sila sa gusali ng AD Group. Nagpalitan na rin sila ng cellphone number para matawagan nila ang isa't isa kapag may kailangan sila.  Bago lumabas si Ariella sa sasakyan ni Gladiola ay nagsalita siya.

"Huwag kayong makikipag-ugnayan sa isang Clothing line na tinatawag na Amorosa," utos ni Ariella sa kanya.

"Masusunod, Seniora Ariella!"

Matapos sabihin ni Gladiola iyon, lumabas na si Ariella at pumasok sa loob ng sasakyan ng pamilya ni Alexander.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status