LOGINKabanata I
YEAR 2025 NANENG POINT OF VIEW Katatapos lang ng trabaho ko. Alas-otso ng gabi pa lang ay napatulog ko na si Amber sa kanyang kwarto. Nang mailigpit ko ang mga kalat namin na laruan—saglit akong naupo sa sulok at napatungo. Hindi ako pagod sa tmaking trabaho; ang totoo niyan ay hindi ako nahihirapan dahil sobrang bait ng batang si Amber—anak ng mga amo kong sina Attorney Iñigo Alcantara at Attorney Xyrine Marie Alcantara. Mababait sila; buong pamilya at angkan. Kung tutuusin ay malaki ang pasasalamat ko kina ate Joan at ate Jolan dahil sa dinami-dami na kilala nilang kamag-anak—ako ang napili nilang ipasok at ipalit sa kanilang posisyon. Umangat ang mukha ko saka napangiti. Saktong pagtayo ko ay saka naman pumasok ang amo kong babae—si Ma'am Marie. Naka-formal attire siya—pang trabaho. Ngumiti nang tuluyan makapasok. "Ma'am Marie?" mahina kong tawag sa kanya. Suminyas siya sa akin saka nilapitan ang anak na nasa crib nito. "Katutulog niya lang po Ma'am." Saad ko nang halikan niya ang paa ng anak nito. Bumalik siya sa kanyang tindig. Humarap siya sa akin na may magandang ngiti. "Naneng, may sinabi si Sir Iñigo mo sa akin—pwede ba tayong mag-usap?" Malumanay na pagkakasabi niya sa akin. Actually, malambing talaga siya magsalita. Tipong hindi mo alam kung galit ba siya o hindi. Pero para sa akin—sobrang bait niya. "Sige po Ma'am." Sagot ko naman. Naupo kami sa mahabang sofa. Tahimik akong nakikiramdam habang siya ay may kinukuha sa kanyang laptop bag. May inilabas siya roon. Isang pulang sobre na nakasilyo pa. Nagulat na lang ako nang inabot niya iyon sa akin. Nakangiti pa rin siya. "Para sa 'yo," aniya't inabot talaga sa aking mga kamay. "Passbook at ATM card mo iyan." Napatanga ako. Hindi kaagad nakapagsalita. "Ma'am Marie? Para saan po ito?" Takang tanong ko. Sa totoo lang, hindi sila nagkulang ng pasahod sa akin. May sariling ATM card din ang sahod ko—maliban diyan binibigyan pa nila ako ng monthly budget cash just in case raw na may gusto akong bilhin—personal needs. Nakahihiya pero sa aaminin ko, hindi ko kayang mawalan ng ganito ka-laking sweldo. "May sinabi sa akin si Iñigo. Hindi ka na raw sasama sa amin sa Amerika? Alam mo, irerespito namin ang desisyon mo. Alam din namin na pinag-isipan mo iyan ng matagal, kaya ayos lang sa amin. Ang inaalala ko lang kasi—paano ang law school mo? Hindi ba't gustong-gusto mo maging lawyer? Oo, iyan ang mga salitang tanong ko kay Iñigo, dahil maski siya ay inaalala ka niya. Pero dahil nakapagdesisyon ka na rin ng buo; ito ang regalo namin sa iyo—ituloy mo ang law school at maging abogada ka balang-araw." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napaiyak na lang ako—hindi dahil sa nasaktan, kundi dahil sa sobrang saya at swerte ko sa kanila. "Hindi ko alam kung paano ko kayo mapapasalamatan Ma'am Marie. Sobra-sobra na po itong binibigay ninyo sa akin, although wala pa naman akong isang taon sa poder ninyo—ang laki na ng naitulong ninyo sa amin. Saka po, humihingi na rin ako ng patawad at paumanhin. Napamahal na rin po sa akin si Amber at maging sa inyo po, pero kailangan ko po muna unahin ang mga kapatid ko." "Pwede naman sila dito. Malaki ang bahay nina Mama at Papa—" Sunod-sunod akong umiling, tumanggi. Nakahihiya na sa kanila. Sa akin pa lang ay sobra-sobra na ang binigay—patutuluyin ko pa mga kapatid ko dito? Hindi pwede. "Huwag na po Ma'am Marie. Nakakahiya po." Napangiti siya. Mayamaya ay kinuha niya aking kamay saka magaan na pinisil iyon. "Ang hirap ng buhay—kaya habang kaya mo pang lumaban ng patas—lumaban ka. Huwag kang magpapatalo sa mga tukso at kung anong hindi nakabubuti sa kinabukasan mo. Ang palagi mong isipin; maisakatuparan mo ang mga pangarap mo. Walang imposible sa taong nagpoporsige. Maraming salamat din sa panahon na nilaan mo sa amin at sana balang araw ay magkita ulit tayo." Hindi ko napigilan na yakapin siya ng mahigpit. Napaiyak ako sa mga balikat ni Ma'am Marie dahilan haplusin niya ang likod ko. Nang kumalas ako ng yakap ay dali-dali akong nagpunad ng aking mga luha. Mahinang natawa nang ngumiti siya. "Maraming salamat po sa lahat-lahat Ma'am Marie." "Walang anuman. Next week na ang alis namin, pero bago maghiwalay ang landas natin, may ibibigay ulit ako sa 'yo." Diyos ko! Ano na naman ba ito? Tatanggihan ko sana nang may inabot siyang calling card. Itim na calling card. "Kailangan mo ito. Kung magbago man ang desisyon mo sa pag-aabogado—subukan mong tawagan ang numero na iyan at pwede rin mag e-mail ka sa kanila. Kung interesado ka lang naman. Trabaho." "Trabaho po?" Tumango si Ma'am Marie. "Oo. Soon to open ang kompanya na iyan—kliyente ko ang boss diyan. Binigyan ako ng calling card—ibibigay ko sa 'yo dahil alam kong kailangan mo ito." Isang linggo ang nakalipas. Balik na ako sa sarili kong buhay kung saan magbabantay—mag-aalaga muna ako ng mga kapatid ko. Habang nagliligpit ng mga gamit ay napatungo ako sa sahig ng may nahulog na bagay roon. Dali-dali kong pinulot nang maalala ang bagay na iyon. Sinipat ko ang calling card na ibinigay sa akin ni Ma'am Marie. Kakaiba ang pangalan. "Exhibition Space International—Philippines branch? Mahina kong sabi, saka tinignan ang numero na nakalagay roon. Dahil sa kuryusidad, at dahil isang linggo na rin akong walang trabaho. Sinubukan kong tawagan ang numero ngunit out of reach. Kumunot ang noo ko. "Imposible naman nagpalit na kaagad ng numero." Sambit at saka tinignan ang g**gle mail roon. Kinuha ko ang aking laptop. Sinubukan kong mag-sent ng resume sa kanila kahit alam kong walang kasiguraduhan. Walang mawawala kung susubukan ko. Lumipas ulit ang isang linggo. Dahil sa pagiging abala ko sa aking mga kapatid ay nakalimutan ko na ang resume ko na iyon. Nakabuntong hininga ako dahil walang tawag o response man lang. "Better luck next time na lang tayo Naneng." Sambit ko saka sumampa sa aking kama. Hinablot ko ang aking telepono. Panay scroll ko sa aking social media nang may nag-notification sa aking g**gle mail. Nanlaki ang mga mata ko nang basahin ko ang resulta ng aking resume. "Good day! This is Helen, secretary for Exhibition Space. I have reviewed your resume, and I am inviting you for final interview on June 25th, 2025 at Exhibition Space International building, Pasay City, Manila Philippines. Pleade, wear your formal attire and bring your documents. We are expecting your coming. Thank you and Best regards!" Napatalon ako sa sobrang saya nang basahin ko ang e-mail na galing sa sekretarya ng ESI.Kabanata 89NANENG POINT OF VIEWNagising ako kinabukasan na katabi ko si Gabriel. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kami ngayon. Napangiti ako nang makita kong lumagpas ang kumot sa kanyang paa dahil sa haba ng bias nito. Akma na sana akong babangon nang bigla niya akong hilain papalapit sa kanya; nakayapos na siya sa akin."Babanyo ako." Lumuwag ang pagkayapos niya sa akin nang sabihin ko iyon. Bumango ako't nagbihis—lumabas ng kwarto.Napabuga ako ng hangin sa kawalan nang makapasok sa banyo. Napatingin ako sa aking replika sa salamin; nahilamos, sipilyo, at nag-ayos ng buhok.Paglabas ko, nasa sala na si Gabriel; nakaupo ma siya sa kawayan na upuan, at abala na sa kanyang phone. Mayamaya ay may tumawag na siyang sinagot niya kaagad."Yes? Uhm! Okay! Continue. Fifty-six millions; seven paintings. Please, proceed and sent a location. Thank you! Happy new year."Hindi na ako magtataka. Fifty-six millions is just a small amount. He earn, billions to trillions every weeks."A
Kabanata 88NANENG POINT OF VIEWWARNING!!! S P G ! ! !Lakad pabalik ang ginagawa ko sa likuran ng pintuan. Mayamaya ay sumisilip ako sa bintana. Naroon pa sila. Para silang mga istatwa na hindi gumagalaw."You are crazy inlove with this woman!""She had a name; Mazekeen Araneta. She's not just a woman. At saka, huwag na huwag kayong gahawa ng iskandalo rito. Bagong taon at ayaw namin magkaroon nang kahit na anong problema. Walang kinalaman si Naneng rito; kami ang kusang pumunta sa kanila."Nanginginig na ako sa takot. Huwag naman sana humantong sa punto na tatalikdan ni Gabriel at magtatanim naman ng galit si Caleb sa kanilang mga magulang."Ano bang nangyayari sa inyo?! Bagong taon tapos wala kayo sa sarili ninyong pamamahay?! Gabriel—Calebré, anak ko pa ba kayo?" Mahinahon na salita ng ina."Nanay, we"re sorry for making you upset and worried about us. Let's go home Nanay."Habang nakatanaw sa kanila, ramdam ko 'yong paninikip ng dibdib ko. Nag-aaway sila dahil sa akin. Sabihin m
Kabanata 87 NANENG POINT OF VIEW Nakaupo sa isang sulok habang tinitanaw ko ang apat na masayang nagpapaputok ng mga kwitis. Mayamaya lang ay may inilagay si Caleb sa gitna ng daan; sampung kahon iyon at sa pagkakaalam ko, fireworks raw ang tawag do'n. Nilingon ako Gabriel. Nakangiti siya sa akin sabay kindat. Napapailing na lang ako't lumapit sa kanila. "Ang dami niyo naman fireworks. Kayo lang 'yong may napapansin dito." "Nagustuhan mo ba? Ang daming binili ni Caleb. Kulang pa nga raw ito, eh!" Sagot ni Gabriel. Nakikita ko kung gaano ka-saya ang aking mga kapatid. Ito na ata ang pinakamasayang bagong taon ko. "Ang ganda." Mahina kong salita. "Happy new year Naneng," lumapit si Gabriel sabay halik sa pisngi ko. "Let's start over?" Doon lang ako tumanga sa kanya. "Gabriel Alcantara?" "Huh?" "Ano'ng mangyayari kapag bumalik ulit ako sa Exhibition?" "You mean, gusto mong magtrabaho ulit?" "Oo. Wala na akong pera, eh! Kailangan ko nang malaking sweldo. Magkanu ipapasweldo m
Kabanata 86NANENG POINT OF VIEWUmaga nang naghahanda kami para sa bagong taon. Masaya naman kaming tatlo kahit papaano. Matatapos ang taon na walang gulo at walang iniisip na kahit ano."Ate, nagchat na sa akin 'yong in-orderan ko ng lechon belly. Kukunin ko na ba ngayon?""Maaga pa Ivan, mamaya na siguro.""Sige ate 'Neng, sabihan ko na lang na mamaya."Naging abala ako; linis dito, linis doon. Nagbabago ng mga lokasyon ng gamit at naglalagay ng mga panibagong gamit. Napabuntong hininga na lang ako't sumampa sa kawayan na upuanan. Napaidlip ng limang minuto."Ate Naneng! Ate Naneng!" Tawag ni bunso sa akin; papalapit siya sa kinaroroonan ko."Bakit, bunso? Oh? Saan galing 'yang hawak-hawak mong paputok?""Nandiyan sila! Nandiyan sila!""Ha? Sinong sila?"Kumunot ang noo ko nang hilain niya ako palabas ng bahay."Sila! Sila! Nandiyan sila, ate Naneng!"Tumabingi ang ulo ko nang unang lumabas si Caleb. Ang ganda ng ngiti niya sa akin sabay taas ng mga bitbit niya."Happy new year!" W
Kabanata 85KID GABRIEL ALCANTARABagsak ang balikat nang makauwi sa bahay. Pabagsak ang pagsampa ko sa aking katawan at napatingla sa kisame. Napabuga ako ng hangin at sunod-sunod na bumuntong hininga.Ramdam ko ang paglapit ni Caleb. He's sitting next to me with ten centemeter away."The problem is, you were too much greedy, selfish and self-centered. Let her go. Give her peace of mind. Focus to your family; you become a father soon."Napangisi ako. "Father my ass! You know, I'm not the father of her child.""She's your wife.""A contracted wife and Arcus is the father, not me.""Whatever! But, I am telling you, Naneng she'll never comeback to you."I keep my ego silent. I let Caleb scolded me. May punto naman siya—ako lang talaga 'yong may problema."I want her. I want her to comeback, and that's all I need." I said with my lower voice with calm mimd.Morethan two months. Magtatapos na din ang December, at hindi ko pa siya naco-convince. Ang hirap ibalik ang tiwala niya sa akin. I
Kabanata 84NANENG POINT OF VIEW"Magkakilala pala talaga kayo?""Yes!""No!"Nagkatinginan kami ni Gabriel nang taliwas amg sagot ko sa sagot niya sa tanong ni Doktora. Napalaguk ako ng tubig pagkatapos ay tumikhim, while Gabriel keep his guards down. Hindi siya umapila."Ah? Parang may misunderstanding tayo, ano? Nevermind. We're so happy na nagkaroon kami ng bisita. Mazekeen, thank you for coming here with your siblings—for christmas. Ans also, to my daughter's boss—Mister Gabriel Alcantara, right? I didn't expect na magdadala si Mimi ng boss niya tonight."Tumango lang ako kay Doktora."Actually, Mom, Boss Gab is a famous artist for your information. He's the owner of Exhibitaion Space International, also he's father Lemuel Alcantara—""Oh, I see? I know him," magiliw na sagot ni Doktora sa anak—si Mimi. "Thank you for coming here, hijo." Binalingan ako ni Doktora—ningitian.Naging masaya sa kanila ang nuche buena habang ako ay panay iwas sa mga nakaw tingin ni Gabriel sa akin hab







