Share

Chapter 222

Penulis: LanaCross
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-22 00:02:59

Nang magising siya kinabukasan, ang unang salitang tumunog sa kanyang tenga ay ang mga salitang sinabi nito sa kanya kagabi nang hawakan siya nito sa kama.

Aniya, "As a husband and wife, siyempre may karapatan kang mag-enjoy sa akin."

Namula ng husto ang kanyang pisngi at bahagyang gumalaw pero may malalakas na braso ang nakayakap sa kanya.

Lumingon si Julliane, at nang imulat niya ang kanyang malinaw na mga mata, nakita niya ang lalaking natutulog pa rin sa tabi niya.

Dahan-dahan niyang inalis ang braso nito sa kanya at humarap siya dito.

May mga kalmot pa sa balikat nito na iniwan niya kagabi. Gusto niya iyong hawakan pero baka magising ito.

Kapag tulog ito ay tila napakabait nitong tao, tila hindi ito agresibong lalaki. Hindi matampuhin at higit sa lahat hindi antipatiko at masungit.

Well, mabait naman ito kaya lang lagi silang magkaaway.

Well!

It's all because he was too harsh!

Medyo hindi komportable si Julliane, at ibinaling ang kanyang ulo para tumingin sa kabilang side bago si
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Secretly In-Love with my Estranged Husband   Chapter 222

    Nang magising siya kinabukasan, ang unang salitang tumunog sa kanyang tenga ay ang mga salitang sinabi nito sa kanya kagabi nang hawakan siya nito sa kama.Aniya, "As a husband and wife, siyempre may karapatan kang mag-enjoy sa akin."Namula ng husto ang kanyang pisngi at bahagyang gumalaw pero may malalakas na braso ang nakayakap sa kanya.Lumingon si Julliane, at nang imulat niya ang kanyang malinaw na mga mata, nakita niya ang lalaking natutulog pa rin sa tabi niya.Dahan-dahan niyang inalis ang braso nito sa kanya at humarap siya dito.May mga kalmot pa sa balikat nito na iniwan niya kagabi. Gusto niya iyong hawakan pero baka magising ito.Kapag tulog ito ay tila napakabait nitong tao, tila hindi ito agresibong lalaki. Hindi matampuhin at higit sa lahat hindi antipatiko at masungit.Well, mabait naman ito kaya lang lagi silang magkaaway.Well!It's all because he was too harsh!Medyo hindi komportable si Julliane, at ibinaling ang kanyang ulo para tumingin sa kabilang side bago si

  • Secretly In-Love with my Estranged Husband   Chapter 221

    Napailing na lang si Julliane, hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito."Pero bakit patuloy pa rin na pinipilit na sinasabi ng babaeng iyon na siya pa rin ang mahal mo?" Pabulong na tanong ni Julliane kay Ismael kaya napatitig siya sa asawa.Naalala niya ang pilit na sinasabi ni Crissia na dapat na maikasal sila ni Ismael. O talagang desperado ang babaeng iyon at gusto lang talaga nito na sirain silang dalawa ni Ismael."Crissia is crazy, ewan ko kung bakit nagkaganon siya. To be honest she is no longer the same woman i fell in love before." Bulong ni Ismael, nasaktan si Julliane sa sagot nito pero nakaraan na ang sinabi niya diba?"Naniniwala ka naman sa akin diba? I love you now Julliane. So can we just starting not to hate or fight to each other?" Tila nahihirapan na sabi ni Ismael na pinagdikit ang kanilang mga noo.Humihingal ito at amoy na amoy niya ang bango ng hininga nito."Pero hangga't nandito ako sa tabi mo, hindi nila ako titigilan. Hangga't nakikita nila na kasama ki

  • Secretly In-Love with my Estranged Husband   Chapter 220

    Hindi napigilan ni Julliane na lumaban pa, inalalayan ng dalawang kamay ang kanyang mga balikat at itinulak siya ng malakas.Humihingal sila pareho nang bitiwan nito ang labi niya na tila mamamaga na sa pagsipsip nito.Lumayo ng kaunti si Ismael sa kanya, at nakita niyang nakatingin ito sa kanya nang may labis na kalungkutan at galit."Ismael Sandoval, kailangan mo bang maging agresibo?"Tanong niya sa kanya sa mababang boses hangga't maaari.Sinabi ni Ismael ang isang salita at napatitig sa kanya, "Oo!"Walang oras si Julliane para mag-isip ng kahit ano, at idiniin na niya ito sa sofa.Naramdaman ni Ismael na minsan, mas mabuti para sa kanya na maging matigas.Gusto niya siya, at kailangan niyang makuha siya ngayong gabi. Kung hindi ay talagang mababaliw siya ng husto.Naramdaman ni Julliane ang paggalaw ng kanyang mga kamay, at agad na hinawakan ang kanyang pulso."Baliw ka talaga!" Mahina ang boses niya, pero sapat na iyon para marinig niya.Tumingin sa kanya si Ismael at saka siya

  • Secretly In-Love with my Estranged Husband   Chapter 219

    Dahil sa pagkakaroon ng hindi magandang hangin sa paligid ay pinasigla ni Analou ang kanyang boses.Alam niya na nahihiya ng husto si Julliane dahil sa kanilang sinasabi dito.Ang kanyang byenan na babae ay napangiti at nagpapahayag na tigilan na ang usapan na ito.Hindi na kasi kumportable ang kanilang pinakamamahal na si Julliane."Oh, i need to go back to kitchen. Titignan ko kung tapos na ang lahat." Sabi ni Analou na tumayo na at nagpaalam sa kanila.Ang lolo naman nila ay tumayo at may tumawag dito, kaya silang tatlo na lang ang naiwan."Tignan mo ito apo, maganda ang palabas na iyan." Sabi ng lola niya na nanonood na ng isang noon time show at nakakatawa nga ito.Nawili sila sa panonood at tumatawa pa sila pareho dahil may halong comedy ang palabas.Si Ismael naman ay abala na sa pagkalikot sa cellphone nito.Kausap ni Ismael si Allen at Mirko na wala na naman magawa kundi ang mangulit sa kanya.Nagyayaya si Mirko na sumama siya dito sa osang business conference sa Dubai. Magka

  • Secretly In-Love with my Estranged Husband   Chapter 218

    Naalala ni Julliane na may bago nang libro ang paborito ng lolo niya, kakalabas pa lang nito nong nakaraang araw.Gusto na kasi niyang iligaw ang usapan dahil baka kung saan na naman ito mapunta."Lolo, may book two na po yong paborito mong libro." Sabi niya dito kaya napatingin sa kanya ang matandang lalaki saka ngumiti.Ang matandang babae ay tumingin sa kanyang asawa na may ngiti sa labi at nakangiting sinabi. "Si Julliane lang ang pipili ng regalo para sa iyo. Tingnan mo kung gaano ka kasaya.""Gusto mo ay magpadala ako ng kopya para sa'yo lolo." Sabi niya dito ulit kaya agad itong tumango.Lumabas si Analou mula sa kusina at nakita si Julliane na nandito na sa kanilang bahay.Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan, at agad siyang naglakad papunta diro."Sinong diwata ang dumating sa bahay natin? O! Ang aking manugang? Paano siya naging mas maganda kumpara nong nakaraan?" Napatingin ang lahat kay Analou na nakangiti ng malawak.Hindi napigilan ni Julliane na matawa at sinubukan

  • Secretly In-Love with my Estranged Husband   Chapter 217

    Unang lumabas ang mahabang binti ni Ismael, at agad namang namangha sa orihinal na mapayapang gabi.Napakagwapo pa rin nito, naka-shade kahit malapit nang matapos ang araw. Nakasuot ito ng casual na kasuotan at saka ito napatingin sa kotse kung nasaan si Julliane.Si Julliane ay hindi na hinintay na mapagbuksan siya ng pinto ng driver, at saka siya lumabas.Dahil nakaharang ang kotse ni Ismael ay hindi na nakapasok ang kotse na sinasakyan niya."Ako na ang bahala sa sasakyan, Young Master." Sabi ng driver na agad naman na tumango si Ismael at nagpasalamat dito.Tumabi sa kanya si Ismael, nagsimulang umigting ang kanyang mukha, at mahigpit naman na hinawakan ni Julliane ng kanyang mga kamay ang kanyang bag."Just give me back the key later." Sabi ni Ismael, tapos tumingin ng diretso ang maitim niyang mga mata sa babaeng katabi niya."Magdamag ba ang young master sa bahay?" Tanong ulit ng driver kaya muli siyang tinignan ni Ismael."Oo naman!" Sagot dito ni Ismael saka na siya inalalay

  • Secretly In-Love with my Estranged Husband   Chapter 216

    Nakauwi na si Julliane, sakto naman na tumawag si Alora sa kanya.Bukas ay maaga siya nitong pinapapunta sa opisina upang makapaghanda pa sila para sa gagawing general meeting.Basically hindi siya nag-resign sa trabaho. Editor pa rin siya habang nag-aaral sa Singapore.Nakalipat na sila ni Evelyn at nagsisimula na ang kanilang klase.Ang apartment nila ay malapit sa university, dalawang beses na rin binisita sila doon ni Allen at Mirko.Hindi regular ang pasok nila at may apat lang sila na subject , at sa isang linggo ay tatlong beses lang ang pasok nila.Mas malapit na rin ang Singapore dito sa Pilipinas, kumpara sa England na isang araw ang byahe at mahal ang ticket.Pero buti na lang at sagot ito ng kanilang kumpanya kaya wala itong problema kay Julliane.Habang nagpupunas siya ng basang buhok dahil naligo siya ay tumawag si Alexis sa kanya."Ikakasal na ako Julliane." Umiiyak ito habang kausap siya kaya napangiti siya at napakasaya pars dito."Bakit ka umiiyak? Dapat masaya ka di

  • Secretly In-Love with my Estranged Husband   Chapter 215

    Maagang umuwi si Ismael upang makipagkita sa kanyang mga magulang. Naghapunan sila sa isang restaurant dahil aalis ang mga ito at pupunta ng Japan. "Nakausap mo na ba ang ate mo?" Tanong ni Analou kay Ismael na napatigil sa paghiwa ng karne sa plato. "Galit siya sa akin, sabi niya ay ayaw niya akong makausap o makita man lang. Matapos niyang malaman ang pagpapaalis ko kay Julliane." Tapat niyang sagot sa ina na tumawa lang. "Serve you right, well she has the right to be mad at you." Sabi naman ng ama niya. Si Ismael ay hindi makapaniwala sa kanyang mga magulang, well sanay naman na siya sa bagay na ito. Pero iba ang kapatid niya, sigurado siya na pupuntahan nito sa England si Julliane. Katulad nang ginawa ni Allen. "Aalis kami ng pala mo, ang lolo at lola mo naman ay uuwi ng Cebu. Magpapahinga sila saglit at kung wala kang gaanong trabaho ay umuwi ka sa bahay." Sabi ni Analou kay Ismael na napatango na lang dito. "Kahit nasa ibang bansa na si Julliane, magpadala ka pa rin ng

  • Secretly In-Love with my Estranged Husband   Chapter 214

    Si Ismael ay nakasandal sa sofa sa masungit na paraan, huminga nang malalim.Julliane Vazquez!Tahimik niyang binasa ang dalawang salitang ito, at sa sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata, napuno ng isip niya ang eksenang binu-bully niya nito at pinaiyak noong gabing iyon.Ngayon, bigla na naman siyang nagkaroon ng ideyang iyon, na idiin muli siya sa ilalim niya, hayaan siyang umiyak muli sa sakit, at ipaalam sa kanya na ang kahihinatnan ng pagiging malamig nito sa kanya ay magiging napakaseryoso.Bakit ba kasi napakatigas ng ulo nito, bakit hindi na lang ito sumunod sa kanya tulad ng dati.Ano ba ang nagpabago ng husto dito? Pero nang maalala niya kung ano iyon at isa rin siya sa dahilan ay sumasakit lang ng husto ang ulo niya.Tama ang sinabi ng kanyang abuela, nagbabago ang tao kapag sobra na silang nasasaktan.Maraming pinagdaanan na masakit na pangyayari si Julliane, mula nong mamatay ang ama nito hangang sa mamatay ang ina nito.At ang ginawang pangigipit niya sa annulment

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status