Narinig ni Julliane ang boses ng babae sa kabilang linya. "Ismael, pwede ka bang pumunta dito? I feel very uncomfortable right now!" Sabi nito na tila ba nakikiusap na ano sa lalaki kaya napakuyom ng kamao si Julliane. "Gabi na Crissia, nasaan ang kasama mo?“ Seryoso na nagsalita si Ismael kaya napatingin si Julliane dito. "Pero sobrang uncomfortable talaga ako, parang mamamatay na ako!" Nakikiusap na tila ba nagpapaawa pa na turan ng babae kaya gustong matawa ni Julliane. Umiiyak na si Crissia sa telepono, kaya napatitig si Julliane kay Ismael na seryoso lang sa pagda-drive. Sa isip ni Julliane ay hindi nakakaawa ang babae para sa kanya nang marinig niya ang ganoong boses, ngunit pakiramdam niya ay mapagkunwari siya, ngunit natural na hindi niya ito masabi. "I'll call the doctor immediately, just lie in bed and don't move, okay?" Sabi agad ni Ismael sa babae na nag-isip pa kung ano ang isasagot sa maarteng babae. Umiiyak pa rin ito mula sa kabilang linya pero hindi talaga mar
Nang makapagpa-check up si Ismael at maihatid sa harap ng hospital si Julliane ay agad na siyang nagpaalam dito.Magaan na ang pakiramdam niya dahil nainom na niya ang gamot na riseta ng doktor. Imbes na puntahan si Crissia ay naisipan nito na pumunta ng club.Nang dumating si Allen na tinawagan niya, nakainom na siya ng ilang baso. Umupo si Allen sa harapan niya na nakakunot ang noo."Bakit late ka na umiinom? Hindi mo ba alam na lalong lalala yang sakit mo sa tiyan, at isa pa ay si Crissia na hinahanap ka pala?" Nakakunot na sabi ni Allen sa kanya kaya napailing lang si Ismael.“Bukas ko na lang siya pupuntahan, at isa pa ay masyado nang gabi." Mahinang sabi ni Ismael, at saka tinunga ang huling laman sa baso nito. Hindi napigilan ni Allen na mapangiti pagkatapos marinig ito."Sino ang sinamahan mo kanina kung ganon?" Tanong ni Allen sa kanya kaya napatingin si Ismael dito. "Sinamahan mo ba si Lian? Pero parang medyo inis ka may nangyari ba?“ Bulong ulit ni Allen na may kasama
Nang makaakyat sa third floor si Julliane ay nasalubong nito ang nurse ng ina. “Magandang gabi Julliane, binigyan ko ng huling session ang iyong ina. Gising pa siya.“ Nakangiting sabi nito sa kanya kaya agad naman na nagpasalamat si Julliane. Eksaktong alas onse y medya ang huling gamot para sa ina kaya gising pa ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto ng ina. “Hello mama ko.“ Masiglang bati dito ni Julliane kaya napangiti naman ang ginang. “Bakit ka nandito anak? Sabi ko naman sa'yo na okay lang ako.“ Mahinang turan nito sa anak na agad na hinalikan siya sa noo. “Gusto kitang makasama hindi ba pwede?“ Nakangiting turan ni Julliane sa ina. “Ikaw talaga, napakalambing pa rin ng pinakamamahal kong anak.“ Bulong nito na binigay ang kamay kay Julliane na agad naman na hinawakan nito. “Pasensya ka na mama, ngayon lang ulit tayo nagkita at nagkasama.“ Biglang turan ni Julliane habang mahigpit na hawak ang kamay ng ina. “Ikaw na bata ka, nauunawaan ni mama. At isa pa ay
Alas sais na ng umaga ng araw na iyon, at madilim pa rin. Ang driver ay natutulog sa kotse, at biglang nakarinig ng kalabog, at iminulat ang kanyang mga mata at tumingin sa labas. Nagmamadaling lumabas ang amo nito na palabas ng bahay at agad na kumatok sa kotse nito. Hindi pa niya nakitang tumatakbo nang ganoon kabalisa ang kanyang amo! Samantala sa ospital ay nagising ng maaga si Julliane, tahimik na pinagmasdan ang ina na mahimbing ang tulog. Naging magaan ang pakiramdam niya kinaumagahan, at pinanood ang nurse na ayusin ang IV fluid ng ina. Maayos ang pintig ng puso ng ina sa monitor kaya gumaan pa lalo ang pakiramdam ni Julliane. Naisipan nito na bumaba muna at para makapag-almusal at saka muling babalik, dapat bago magising ang ina ay nakabalik na ulit si Julliane. Maagang nakabukas ang canteen dito sa ospital at naghahanda na ang mga cook ng almusal para sa mga pasyente. Nag-order siya ng sinangag, itlog at tocino, may kasama na rin na pineapple juice. Patapos na siy
Ang pakiramdam ng pagkawala ng kanyang ina at pagkahulog sa walang katapusang kadiliman ay nagpanginig sa kanya ng husto.Tatlong araw nakalibing ang kanyang ina dahil wala naman silang kamag-anak ang darating, ang ilan sa mga naging kaibigan ni Juanita na galing pang Tarlac ay ang siyang huli nilang inaasahan na bisita.Ito ang huling gabi ng ina ni Julliane at lalo siyang nalungkot sa isipin na hindi na niya makikita pa ng tuluyan ang ina.Si Ismael ay palaging nasa tabi niya, at ang pamilya Sandoval ay palaging nasa tabi niya.Hindi siya ng mga ito iniwan, si Mama Ana ay laging rin na nasa tabi niya at inaalalayan siya katulad ng anak nito.Kinabukasan ay ang araw ng libing ng ina, mga puting bulaklak ang hawak ng mga nakilibing at si Julliane ay nakasuot ng puting bestida.Nasa tabi nito si Ismael at sa kabila naman ay si Analou na kanina pa umiiyak.Kahit napakasakit ay pinilit na makapaglakad ni Julliane at hindi siya halos makahinga dahil sa pag-iyak.Nang matapos ang padasal s
Pero paano siya matutulog kung nandito pa rin ang lalaki sa tabi niya at nakatitig lang sa kanya.Hindi man lang siya naglakas loob na huminga, dahil kung gagawin niya ito ay mapapansin nito ang kaba niya.“Julliane…” Bulong ni Ismael dahil hindi nito mapigilan ang sarili na hindi magsalita.Bigla siyang naiinip kaya tinawag niya si Julliane at dahan-dahang yumuko.Parang kulog naman ang tibok ng puso ni Julliane.Nang makita siyang palapit nang palapit, naaamoy niya ang bahagyang malamig na hininga nito, muli niyang ibinaling ang kanyang ulo.Dito ay kinubabawan na siya ni Ismael at nagulat siya ng husto sa ginawa nito.Ang kanyang dalawang kamay ay napahawak ng mahigpit sa kanyang kumot, at ang labi nito ay dumampi sa sulok ng kanyang mga labi, at sa wakas ay napabuntong-hininga sa pagkabigo."Ang bango ng hininga mo Julliane.“ Bulong ni Ismael at hindi siya umalis, at lalo pang diniinan ang katawan nito sa katawan niya.Gustong magpahinga ni Julliane, ngunit naramdaman niyang dinur
Dahil sa kagustuhan na muling tumangi si Julliane ay nagsalita na naman siya.“Pero Ismael, hindi mo dapat ito ginagawa dahil lang inutusan ka nila.“ Mayamaya na turan ni Julliane dito, binilang niya ang bawat kataga na sinasabi niya at pigil ang sarili na hindi na madagdagan pa ang sasabihin.Napakunot naman ang noo ni Ismael at nagsalin ng sopas sa bowl nito.“Wag ka nang kumontra, ginagawa ko ito sa ayon sa kagustuhan ko hindi lang dahil inutos ito ng pamilya ko.“ Sabi ni Ismael sabay titig sa kanya.Napayukong muli si Julliane dahil hindi niya kayang salubungin ang titig ng lalaki.Pero pinirmahan na ni Julliane ang kasunduan sa annulment nila, at nadama niya na talagang hindi na ito angkop para magkasama pa sila.Iniisip rin ni Julliane na sigurado siya na magagalit na sa kanya ng tuluyan ang nobya nito.Si Crissia na kahit nagmamakaawa sa oras ni Ismael ay hindi pa rin makita ni Julliane ang pagmamahal o pang-unawa sa mga mata nito.Anong nangyayari? Bakit biglang umayon sa sitw
Hindi maiwasan na hindi kabahan si Julliane dahil sa paraan ng pagtitig ni Ismael sa kanyang labi.Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso at kung hindi lalo pa silang magtatagal sa ganitong sitwasyon ay baka mabaliw na siya. Ibinaba ni Julliane ang kanyang ulo at tumigil sa pagsasalita ng mahabang sandali.Kinuha ni Ismaelang mangkok na ginamit niya at muling nilagyan ang kanyang mangkok ng sopas, pagkatapos ay matikas na sinimulang kainin ang kanyang hapunan, at sinabi sa kanya na.Muli ay nagulat pa rin siya sa ginawa nito dahil talagang hindi nito iniisip ang ginamit niyang kutsara at mangkok."Ipapadala ko na lang ang iyong maleta mamaya, pero palitan mo na ang mga damit mo. Magpapadala ako ng tao para personal kang makapamili ng mga bago mong damit.“ Sabi ni Ismael sa kaswal na boses habang magana pa rin na kumakain.Sa isip ni Julliane ay pati ang kanyang kasuotan ay balak na rin nitong pakialaman, ang mga damit niya ay maayos pa naman.Hindi pa luma ang mga ito, at isa pa ay n
Habang nasa byahe si Gary at Alora ay hindi mapigilan na paluin nito ang braso ng pinsan."Aww! What's the matter?" Nagulat na tanong ni Gary."Hindi ka dapat nagtanong ng ganon kay Mr. Sandoval." Sabi ni Alora kay Gary kaya napatawa na lang ito.Alam na alam ni Gary na gaano man kalaki ang problema sa pagitan nina Julliane at Ismael, kahit na nag-away sila hanggang sa puntong magkagulo, hindi mapapalitan ang posisyon ni Ismael sa puso ni Julliane.Kahit na kaya niyang sabihin ang mga mapagpasyang salita."Gusto mo pa rin ba siya?" Mayamaya na tanong ni Alora sa lalaki.Si Gary ay napaisip, at saka napangiti. Hindi mahirap magustuhan si Julliane, napakabaig nitong babae at wala pa siyang nakikilalang kasingbait nito.Kahit naman na binalaan siya noon ni Ismael, alam niya na hindi pa nawala ang paghanga niya sa babae."Magsisinungaling ako kung hindi na, pero may asawa na siya. At ayokong dagdagan pa ang problema ni Julliane kung sakali man." Sabi na lang niya kay Alora na napangiti at
Kinabukasan ay ang magpinsan naman na Alora at Gary ang inimbitahan niya.Pero ngayon nandito si Ismael, ayaw pa nitong umalis.Nauna na si Evelyn na umuwi at humingi ito ng dispensa sa kanya na agad naman niya na tinangap.Naabutan pa nito si Allen na tulog pa sa sofa sa sala niya at napailing na lang ito.Wala itong sinabi pero nangako ito na magkukwento kapag natapos na ang holiday.Si Allen ay nagising ng alas syete at nagising ito sa ingay ng telebisyon na sadyang nilakasan ni Ismael, kahit na sinaway niya ito.Nagluto siya ng mushroom soup para kapag nagising si Allen ay makahigop ito ng mainit na sabaw, at magkakasabay silang nag-agahan.Umalis na rin si Allen dahil uuwi pa raw ito sa kanila sa Zambales.Naiwan naman sila ni Ismael na wala pang balak na umuwi, kaya hinayaan na lang ni Julliane ang lalaki.Alas singko nh hapon ay dumating ang magpinsan, at nagulat si Alora dahil nandito si Ismael na agad naman na binati nito.Awkward pero okay naman ang lahat, gayon nga lang ay
Agad na lumapit si Ismael at hinawakan ang kanyang braso."Bakit ano ba ang problema?" Tanong ni Ismael sa kanya.Si Julliane ay tila umikot sa kanyang kamay, ang kalahati ng kanyang katawan ay dumikit sa kanyang malakas na braso."Bakit hindi mo tanungin yang kaibigan mo!" Inis niya sa sabi dito kaya napatingin ito kay Ibinaba niya ang kanyang mga mata upang tingnan ang kamay na kanyang pinipindot, at sa sandaling iyon, ang kanyang mga mata ay muling tumingin kay Ismael.Si Mirko ay tumingin sa kanya na may pagkalito, at pagkatapos ay sumulyap kay Allen na nakatitig pa rin kay Evelyn."Mas mabuting huwag ka na lang magtanong." Biglang sabi ni Allen na napakamot na lang ng batok."Ano ba ang nangyayari dito at bakit naglasing yang kaibigan mo?" Tanong sa kanya ni Ismael na nakatingin sa kanya."Wala, bakit pala kayo nandito?" Pag-iiba niya ng usapan pero napakunot lalo ng noo si Ismael."I want to see you, and this two wants to greet and give you thier gifts." Sabi nito sa kanya kaya
Tumawag si Ismael ngayong araw para kumustahin ang banquet hall na inaasikaso niya.Naka-videl call ito para makita kung ano na ang nagawa, kaya tinapat niya ang camera sa harap."Inihanda na nila ang birthday banquet..." Sabi niya dito, abala ang mga tauhan nila at may kanya-kanyang ginagawa.Ang mga upuan ay maayos na rin na nakakalat sa hall area."Napakaganda ng night view dito!" Si Julliane ay nakangiti habang pinapakita ang labas sa kanya, ngunit biglang nagambala si Ismael.May sinasabi kasi ang sekretaryo nito kaya tumapat sa mukha nito ang camera.Natigilan si Julliane ay napalunok, napakagwapo nito. Pero tila wala itong maayos na tulog.Sa pagkakaalam niya ay lagi itong nasa labas ng bansa, upang umatend ng mga meeting.Ito ang dahilan kung bakit wala ito ngayon dito, ilang araw na."Oo!" Sabi nito sa lalaki at napatingin ito sa kanya."Pasensya ka na abala ako ngayong araw." Paghingi nito ng paumanhin.Saglit na natigilan si Julliane, at nag-aalangan na sumang-ayon."Sasam
Si Julliane ay lumapit kay Analou na nakangiti pa rin.Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, ang sustento at bills ni Crissia ay tinangal na rin pala ni Ismael dito."Hindi dapat manggaling sa akin ang salitang ito, pero matagal nang tinangal ni Ismael ang sustento niya sa babaeng iyon hija." Sabi ni Analou na nakatitig sa kanya.Si Julliane ay hindi na nagsalita pa at napatango na lang dito.Talaga nga na wala nang pakialam si Ismael kay Crissia, dahil sa nalaman niya ngayon.Bandang alas-diyes, lumabas sina Anlou at Julliane. Sumakay si Analou sa kotse ng pamilya at hinintay siya na makapasok."Mama, mauna ka na po. Makikipagkita pa ako sa kaibigan ko." Sabi ni Julliane dito."Ganon ba anak? Sige pero umuwi ka sa bahay para sa hapunan okay." Sabi nito sa kanya kaya napangiti si Julliane at agad na tumango.Alas tres pa lang naman ng hapon, may dalawang oras pa siya at nag-text kasi sina Mayi na mag-milktea sila kaya agad naman siyang pumayag dito.Pero kailangan muna niyang umuwi
Napatitig si Julliane kay Ismael at saka napailing."O gusto mo ng ibang klase ng bulaklak? O chocolate kaya? Ano ba ang gusto mo? Teddy bear?" Magkakasunod nitong tanong na hindi alam kung tama ba ang sinasabi nito o ano.Nag-iinit ang mga mata ni Julliane, ibinaba niya ang kanyang ulo at nag-isip sandali, pagkatapos ay sumagot. "Hindi ko gusto ang alinman sa kanila!""Then what do you like? I'll give it to you? You can continue to sue me." Niyakap siya nito at muling isinubsob ang mukha sa leeg niya.Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane, at sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya ng bahagyang basa sa kanyang leeg.Siya...umiiyak? Hindi makapaniwala si Julliane sa kanyang natuklasan.Natakot si Julliane sa sarili niyang iniisip, lumingon siya at tumingin dito, ngunit wala siyang nakita, at pagkatapos ay hindi siya nangahas na kumilos.Sa sumunod na mga minuto, ang buong bahay ay tahimik, ang tanging naririnig lang ni Julliane ay ang mahinang tunong ng aircon dito sa kanyang sala.
Pero si Isagani ay tumawa na naman."Mali mahal ko, pumayag siya dahil mahal na mahal ni Ismael si Julliane noon pa man. Ayaw lang niyang aminin kaya nga binaling niya ang pagtingin kay Crissia noon." Sabi ni Isagani sa asawa na napatanga sa sinabi niya.Tumawa na lang si Analou at napailing.Totoo ang sinabi ng asawa niya, talaga lang na ma-pride ang kanilang anak kaya ngayon nahihirapan ito na paamuhin si Julliane."Kaya tignan mo ngayon, siya ang nahihirapan na kinin ang tiwala ni Julliane." Sabi ulit ni Isagani na napatawa habang inaalala ang huling pag-uusap nila ng anak.Talagang hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nito kay Julliane Dangan nga lang ay nagkamali talaga siya na ibaling ang pagtingin sa ibang babae.Alam naman niya na minahal rin ni Ismael si Crissia, pero ang babae mismo ang sumira sa kanilang dalawa."At ngayon magdusa siya. Kapag talagang umiyak si Julliane dahil sa kanya naku mapipingot ko talaga ang batang iyon." Inis na sabi ni Analou na naiinis sa anak."
Matapos itong sabihin ni Ismael ay hindi agad nakapagsalita si Julliane, iniisip pa rin ang sinabi ni nito."Kung ako rin ang magiging writer, pahihirapan kita sa kwento ko. Para kahit man lang doon ay makabawi ako sa'yo!" Inis na sabi niya rin dito na ikinatawa nito ng malakas."Is that counterattack?" Tanong nito sabay iling at nakatawa pa rin."Ismael Sandoval, isa kang demonyo!" Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane pagkatapos marinig ito, pagkatapos ay tumayo siya at pinagalitan siya.Ang kalmadong aura sa mga mata ni Ismael ay nagparamdam sa kanya na kahit saan niya ito hampasin, babalik ito sa kanya. Nagsimula siyang gumala sa harap ng mesa, at pagkatapos ay pinandilatan siya ng galit gamit ang kanyang malinaw na mga mata.Nakaupo pa rin doon si Ismael na kasing-tatag ng bundok, na may payat at magandang pigura na walang kapintasan.Kahit na sa sandaling ito, ang kanyang malamig na mga mata ay nakapagtataka sa mga tao kung paano magkakaroon ng ganoon kagandang mga mata sa mun
Nahawakan na lang ni Julliane ang kanyang malamig na noo sa galit, pagkatapos ay tumingin sa kanya at nagtanong, "Ang ginawa mo ay isang counterattack, tama ba?""Oo!" Walang paligoy-ligoy na sagot sa kanya ni Ismael, habang nakalagay sa baywang nito ang isang kamay."Ano ngayon? Paano ang mga siomai na ito?" Wala sa loob na tanong sa kanya ni Julliane."Nilagyan ko ito ng gamot, at pagkatapos mong kainin, ihahagis kita sa kama, at pagkatapos..."Ang malaki at matayog na katawan ni Ismael ay nakasandal, ang kanyang magandang kaliwang kamay ay nakadikit sa gilid ng marble counter, ang kanyang itim na mga mata ay nakatitig ng diretso sa kanya.Parang kulog ang tibok ng puso ni Julliane, at hindi niya maiwasang tumingin sa kanya nang nagtatanggol."Maghugas ka na ng kamay at maghanda para sa hapunan!" Nasabi na lang niya.Alam naman niya na nagbibiro ito, at hindi ugali ni Ismael ang pwersahin siya.Sa mga nakalipas na buwan ay oo, hinahalikan, niyayakap sa gabi pero ni minsan hindi siya