Huwag mo siyang tingnan. Wag mo siyang pansinin! Ito ang bulong ni Julliane sa isip niya.Awkward pa rin sila habang nagda-drive si Ismae.Tumingin si Ismael sa kanya ng ilang beses, pero iwas talaga ang kanyang tingin dito.Nakasandal lang siya ng mahina sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana, walang imik kanina pa.Pero napamura ito dahil may bigla na lang na nagmaneobra na sasakyan sa kanya.Medyo nataranta siya at hindi niya maiwasang tumingin ulit sa kanya.Ano kaya ang nasa isip nito? Kailangan ba na alamin pa ito ni Julliane sa mga sandaling ito, hinalikan siya nito.Ang first kiss niya na hindi niya inaasahan, oo inaasam na niya mula pa man noon na ito ang maging first kiss niya.Minamahal niya ito ng palihim at minsan nang gustong maramdaman sa labi niya ang labi nito.Dumating ang sasakyan sa ibaba ng kanyang bahay, at walang umimik sa kanila.Si Julliane ay bumalik sa kanyang katinuan, tumalikod at tumango para pasalamatan siya."Salamat sa paghatid sa akin, mag-ingat k
Inuwi na lang ni Julliane ang agahan niya at kinuha ito sa counter at nagpasalamat sa cashier.Pero bago ito ay pinadala muna nito ang pagkain ni Crissia kung saan ito nakaupo.Pagkauwi ni Julliane sa bahay niya ay may kotse na naman na nakaparada sa tapat ng bahay niya.“Goodmorning.“ Bati ni Ismael na lumabas ng sasakyan nito kaya napahinga ng malalim si Julliane.“Anong kailangan mo?“ Tanong nito sa lalaki imbes na batiiin rin niya ito na tinignan ang dala niya kaya napangiti ito.“Hindi pa ako kumakain pwede mo ba akong papasukin sa loob?“ Tanong nito kaya tumango na lang si Julliane.Naalala nito si Crissia na ilang beses na siyang sinabihan na iwasan ang lalaking ito, pero ano ang magagawa nito? Hindi kayang pigilan ni Julliane ang lalaking ito.Ayaw niya bang makipaghiwalay? Ito ang nasa isip na tanong ni Julliane.Naguguluhan si Julliane pero pumasok na ito sa loob ng bahay.Naramdaman ni Julliane na sumunod na ang lalaki sa kanya papasok.Dimeretso sila sa kusina at nilapag n
Habang nagta-trabaho na si Julliane ay may natangap siyang tawag mula kay Allen.Nang sagutin nito ang lalaki ay sinabi nito na iniimbitahan siya nito mamayang gabi sa isang dinner.“May bago akong bukas na restaurant, please pumunta ka. I want you to try our food.“ Napangiti si Julliane sa sinabi ng lalaki kaya naman napatango siya.“Oo naman, pupunta ako.“ Nakangiting sagot nito kay Allen, habang ang lalaki sa kabilang linya ay napasuntok pa sa hangin dahil napapayag nito si Julliane.Nang mamatay ang tawag ay napahinga na lang ng malalim si Julliane.Dinner party iyon, malamang nandoon rin si Ismael at syempre makakaharap na naman niya ang babaeng iyon.Ayaw nang mag-isip ni Julliane dahil naiinis lang ito.Nang sumapit ang tanghalian ay nagluto lang ng korean noddles si Julliane, nabili niya ito sa isang korean store kamakailan lang.Mahilig sa mga ganitong pagkain si Mayi at Dina kaya nang matikman niya ito ay napabili na rin si Julliane.Isa pa ay may dinner naman mamayang gabi
The dinner party is went pretty well, nag-enjoy si Julliane ng husto sa gabing iyon. May mga masasarap na pagkain ang hinain sa kanilang lamesa, lahat ng iyon ay hindi napigilan na tikman lahat ni Julliane. Kahit isa-isang piraso lang ng bawat putahe ay nakain naman nito. Nang matapos ang dinner ay busog siya dahil si Allen ay hindi siya hinayaan na hindi makakain ng tama. Dagdag pa ang dessert na pinatikim rin sa kanya ni Allen. Samantala ay nasa kabilang lamesa rin si Ismael at si Crissia, inaasikaso rin nito ang babae at walang pakialam si Julliane sa bagay na iyon. Nang matapos ang kanilang masarap na dessert ay may mga alak naman na hinain sa kanila. Hindi umiinom ng alak si Julliane, kaya isang non-alcoholic wine ang binigay sa kanya ni Allen. “Gusto mo ba ang lasa?“ Tanong nito ng tikman niya ito kaya natango siya sa lalaki. “Matamis, walang pait at hindi rin mapakla. Parang grape juice lang.“ Nakangiting sagot ni Julliane sa lalaki kaya napangiti na rin ito. Sa kabil
Sakto na nakauwi si Julliane ay saka umulan kaya napatanaw na lang ito sa labas mula sa bintana.Sinarado nito ang mga bintana at inalis ang basahan na nasa labas pa ng sampayan.Naalala nito ang nangyari kanina sa kanilang dalawa ni Ismael.Ang halik na muli nilang pinagsaluhan, hindi makapaniwala si Julliane na mahahalikan siyang muli ni Ismael.Ang lalaking ayaw madikitan ng dumi o kahit sino ay dalawang beses na siyang hinalikan.At nagustuhan niya iyon, ang matagal niyang ninanais na halik mula sa lalaking minamahal niya ng lihim.Napahiga na lang si Julliane sa kama niya matapos magbihis ng pantulog at napahinga ng malalim.Kinaumagahan, huminto na ang ulan, at ang masaganang sikat ng araw sa labas ay sumikat sa bintana.Pero pagkababa ni Julliane ay nagulat siya sa lalaking natutulog sa kanyang sofa.Oo nga pala, may susi ito ng kanyang bahay kaya hindi malabo na makapasok nga ito dito.Tinitigan saglit ni Julliane ang lalaki na tila napakabait na tao habang bahagyang nakabuka
Umalis na si Allen sa bahay ni Julliane dahil may trabaho na rin siya.Nag-alala si Allen sa babae, habang nagdadrive ay hindi maiwasan nito ang hindi mapamura.Naaawa siya dito dahil alam nito ang hirap na pinagdadaanan ni Julliane.Si Ismael ay tila basta lang kumikilos ng wala sa lugar, hindi nito iniisip kung mahihirapan ba si Julliane o hindi.Dumeretso si Allen sa trabaho at saka inabala ang sarili sa buong araw.Kahit linggo ay may trabaho siya dahil bukas pa rin ang kumpanya ng ganitong araw.Nang matapos ang ilang oras na inabala ang sarili nito sa trabaho ay dumeretso ito sa opisina ni Ismael.Galit na tinitigan siya ni Ismael ng pumasok siya sa opisina nito.“Anong kailangan mo?“ Tanong nito kaya umupo si Allen sa harap nito.“Ikaw Ismael anong ginagawa mo? Bakit hindi mo hayaan na mamuhay ng mag-isa si Jullie. Mahal mo na ba siya?“ Ito ang seryoso niyang tanong sa kaharal na binaba ang hawak na papel na binabasa nito at napakunot ang noo sa kanya.Hindi agad nagsalita si I
IWalang imik si Julliane habang nakasakay sa sasakyan ni Ismael na mukhang maganda ang mood.“Bakit mo ako sinundo?“ Tanong niya dito kaya bahagya siya nitong tiningnan at napatingin ulit sa daan.Pero nakuha ng atensyon ni Julliane ang malaking kahon sa likod ng sasakyan nito.Hindi alam ni Julliane ano ito pero medyo may ideya na ito kung ano ang bagay na iyon.“Gusto ko lang na makita ka.“ Sabi nito mayamaya kaya tumibok ang puso ni Julliane sa sinabi nito.“Nagkikita pa lang tayo kaninang umaga Ismael.“ Sabi niya sa lalaki kaya napatawa ito.Tila sila magkasintahan na nag-uusap, kaswal at hindi nakaramdam ng inis siya dito.“Bakit ka nga pala nandoon?“ Tanong ni Ismael sa kanya mayamaya.“Nagyayang kumain ng dinner ang mga ka-trabaho ko.“ Sagot niya dito kaya tumango lang si Ismael.Naisip ni Julliane na magtanong kay Ismael dahil mukhang magands naman ang mood nito.“May usapan sa trabaho ko kanina, tungkol kay Mr. Sullivan na may dalawang asawa at magkasunod na taon silang namat
Nagulat si Crissia sa narinig mula kay Ismael at sa galit nitong boses.“Hindi pa kami tuluyan na hiwalay ni Julliane, pinangunahan mo ako agad at hiningi mo pa sa kanya na maging bridesmaid natin!“ Muling galit na sabi pa ni Ismael dito.“Ano ba ang masama sa ginawa ko? Doon rin naman matatapos ito diba?“ Hindi makapaniwala si Ismael sa sinasabi ng babaeng kaharap niya sa mga sandaling ito.“Masama Crissia, isang malaking kahibangan ang hilingin mo sa asawa ko na maging bridesmaid, sinong matinong tao ang gagawin mong abay sa kasal ang dati niyang asawa!?“ Gigil na turan ni Ismael habang palakad-lakad ito sa harap ng babae na namumula na sa kaba.“Kung ganon babawiin ko na lang, Ismael wag ka nang magalit okay. Excited lang ako sa kasal natin.“ Naglambing ang babae sa kanya na yumakap dito kaya huminahon ulit si Ismael at hindi makapagsalita ng mas hindi maganda sa babaeng ito.Ayaw niyang maging dahilan ng paglala ng sakit nito, ang sabi ng doktor nito na nakausap niya ay nagkakaroo
Si Julliane ay lumapit kay Analou na nakangiti pa rin.Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, ang sustento at bills ni Crissia ay tinangal na rin pala ni Ismael dito."Hindi dapat manggaling sa akin ang salitang ito, pero matagal nang tinangal ni Ismael ang sustento niya sa babaeng iyon hija." Sabi ni Analou na nakatitig sa kanya.Si Julliane ay hindi na nagsalita pa at napatango na lang dito.Talaga nga na wala nang pakialam si Ismael kay Crissia, dahil sa nalaman niya ngayon.Bandang alas-diyes, lumabas sina Anlou at Julliane. Sumakay si Analou sa kotse ng pamilya at hinintay siya na makapasok."Mama, mauna ka na po. Makikipagkita pa ako sa kaibigan ko." Sabi ni Julliane dito."Ganon ba anak? Sige pero umuwi ka sa bahay para sa hapunan okay." Sabi nito sa kanya kaya napangiti si Julliane at agad na tumango.Alas tres pa lang naman ng hapon, may dalawang oras pa siya at nag-text kasi sina Mayi na mag-milktea sila kaya agad naman siyang pumayag dito.Pero kailangan muna niyang umuwi
Napatitig si Julliane kay Ismael at saka napailing."O gusto mo ng ibang klase ng bulaklak? O chocolate kaya? Ano ba ang gusto mo? Teddy bear?" Magkakasunod nitong tanong na hindi alam kung tama ba ang sinasabi nito o ano.Nag-iinit ang mga mata ni Julliane, ibinaba niya ang kanyang ulo at nag-isip sandali, pagkatapos ay sumagot. "Hindi ko gusto ang alinman sa kanila!""Then what do you like? I'll give it to you? You can continue to sue me." Niyakap siya nito at muling isinubsob ang mukha sa leeg niya.Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane, at sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya ng bahagyang basa sa kanyang leeg.Siya...umiiyak? Hindi makapaniwala si Julliane sa kanyang natuklasan.Natakot si Julliane sa sarili niyang iniisip, lumingon siya at tumingin dito, ngunit wala siyang nakita, at pagkatapos ay hindi siya nangahas na kumilos.Sa sumunod na mga minuto, ang buong bahay ay tahimik, ang tanging naririnig lang ni Julliane ay ang mahinang tunong ng aircon dito sa kanyang sala.
Pero si Isagani ay tumawa na naman."Mali mahal ko, pumayag siya dahil mahal na mahal ni Ismael si Julliane noon pa man. Ayaw lang niyang aminin kaya nga binaling niya ang pagtingin kay Crissia noon." Sabi ni Isagani sa asawa na napatanga sa sinabi niya.Tumawa na lang si Analou at napailing.Totoo ang sinabi ng asawa niya, talaga lang na ma-pride ang kanilang anak kaya ngayon nahihirapan ito na paamuhin si Julliane."Kaya tignan mo ngayon, siya ang nahihirapan na kinin ang tiwala ni Julliane." Sabi ulit ni Isagani na napatawa habang inaalala ang huling pag-uusap nila ng anak.Talagang hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nito kay Julliane Dangan nga lang ay nagkamali talaga siya na ibaling ang pagtingin sa ibang babae.Alam naman niya na minahal rin ni Ismael si Crissia, pero ang babae mismo ang sumira sa kanilang dalawa."At ngayon magdusa siya. Kapag talagang umiyak si Julliane dahil sa kanya naku mapipingot ko talaga ang batang iyon." Inis na sabi ni Analou na naiinis sa anak."
Matapos itong sabihin ni Ismael ay hindi agad nakapagsalita si Julliane, iniisip pa rin ang sinabi ni nito."Kung ako rin ang magiging writer, pahihirapan kita sa kwento ko. Para kahit man lang doon ay makabawi ako sa'yo!" Inis na sabi niya rin dito na ikinatawa nito ng malakas."Is that counterattack?" Tanong nito sabay iling at nakatawa pa rin."Ismael Sandoval, isa kang demonyo!" Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane pagkatapos marinig ito, pagkatapos ay tumayo siya at pinagalitan siya.Ang kalmadong aura sa mga mata ni Ismael ay nagparamdam sa kanya na kahit saan niya ito hampasin, babalik ito sa kanya. Nagsimula siyang gumala sa harap ng mesa, at pagkatapos ay pinandilatan siya ng galit gamit ang kanyang malinaw na mga mata.Nakaupo pa rin doon si Ismael na kasing-tatag ng bundok, na may payat at magandang pigura na walang kapintasan.Kahit na sa sandaling ito, ang kanyang malamig na mga mata ay nakapagtataka sa mga tao kung paano magkakaroon ng ganoon kagandang mga mata sa mun
Nahawakan na lang ni Julliane ang kanyang malamig na noo sa galit, pagkatapos ay tumingin sa kanya at nagtanong, "Ang ginawa mo ay isang counterattack, tama ba?""Oo!" Walang paligoy-ligoy na sagot sa kanya ni Ismael, habang nakalagay sa baywang nito ang isang kamay."Ano ngayon? Paano ang mga siomai na ito?" Wala sa loob na tanong sa kanya ni Julliane."Nilagyan ko ito ng gamot, at pagkatapos mong kainin, ihahagis kita sa kama, at pagkatapos..."Ang malaki at matayog na katawan ni Ismael ay nakasandal, ang kanyang magandang kaliwang kamay ay nakadikit sa gilid ng marble counter, ang kanyang itim na mga mata ay nakatitig ng diretso sa kanya.Parang kulog ang tibok ng puso ni Julliane, at hindi niya maiwasang tumingin sa kanya nang nagtatanggol."Maghugas ka na ng kamay at maghanda para sa hapunan!" Nasabi na lang niya.Alam naman niya na nagbibiro ito, at hindi ugali ni Ismael ang pwersahin siya.Sa mga nakalipas na buwan ay oo, hinahalikan, niyayakap sa gabi pero ni minsan hindi siya
Sa bahay ng mga Montes, nakikipagtalo si Crissia sa kanyang ama na halos lumabas na ang mga ugat sa sentido dahil sa galit."Hindi mo ba talaga mapapaamong muli ang Sandoval na iyan!" Galit nitong sigaw sa anak nito na hindi rin nagpapatalo sa kanya."Anong magagawa ko kung hindi na tumatalab ang mga drama ko!?" Sigaw rin ni Crissia sa ama."Napakahina mo talaga! Dapat talaga na mawala na sa landas nila ang babaeng iyon!" Sigaw pa rin ni Armando sa anak."So talagang dinaan mo sa pisikal ang pagbabanta kay Julliane!? Sa ginawa mo tignan mo ang ginawa nila daddy! Nawalan ka ng investor at malulugi ang kumpanya mo dahil sa padalos-dalos kang kumikilos!" Hindi na napigilan ni Crissia ang mapasigaw at halos mawalan siya ng hangin sa dibdib dahil sa galit sa ama.Ang mukha ni Armando ay biglang nandilim at bigla na lang sinampal si Crissia, si Cornelia ay nagulat sa ginawa nito sa anak.Habang sapo naman ni Crissia ang nasaktan nitong pisngi."This is the last time you will slap me! Wag na
"Nakwento ko na ba sa'yo na noon pa man ay gawain na niya ang magbigay ng bulaklak sa akin?" Tanong ni Julliane kay Evelyn na nakaupo na at humihigop ng milktea at napatingin sa kanya. Mabilis na naunawaan ni Evelyn ang ibig niyang sabihin at binaba ang hawak na baso at napatitig sa kanya. "Ito ba ay isang paalala para sa iyo na isipin siya araw-araw? Kung galit siya sa iyo ngunit hindi niya kayang saktan ka, hahayaan ka lang niyang mahulog sa bitag ng pag-ibig na itinakda niya?" Si Evelyn mismo ay medyo nalilito nang sabihin niya ang teoryang ito, ngunit sa wakas ay tumango sa sarili. Walang magawa si Julliane kundi ang mapabuntong hininga na lang, "Kahapon, humiling ang mga elder na bumalik at hiniling sa akin na bawiin ang demanda, na nagsasabing maaari lang kaming maghiwalay pagkatapos lumabas ang resulta ng DNA test ng anak ni Crissia Montes." "Uh!" Tanging nasambit sa kanya ni Evelyn. "Ngunit ito ay para lamang maantala ang oras. Anak ni Crissia iyon, sino pa kaya ito kung
Hindi alam ni Ismael kung ano ang binulong ng kanyang ina sa kanyang asawa, pero nang tumingin ito sa kanya ay nakangiti ito sa kanya.Ang damit nito ay bagay talaga dito, ang kanyang ina ay siyang bumili ng ilan sa mga damit nito na maayos na nakalagay sa kanyang closet.Pero kapag siya ang bumili ng damit dito ay hindi nito sinusuot, kaya ang kanyang ina ang pinapakiusapan niya na mamili ng damit para dito.Tungkol naman sa pagbili ng damit para sa kanya, hindi niya alam kung ilan na ang nabili niya.Sa dalawang palapag ng Seaview Apartment, ang lahat ng mga silid para sa mga damit ay puno ng mga damit, sapat na para sa kanya upang masuot ng ilang taon.Ngunit sinuot ba niya ang mga ito?Maging ang pares ng maliit na asul na sapatos na binigay niya ay minsan lang nasuot dahil pinilit niya ito.Ang alam kasi niya ay hindi nito gusto ang masyadong mamahalin na mga damit, napakasimple lang kasi nito.Ibang-iba talaga ito kay Crissia, ang babae ay nagpapabili pa sa kanya mismo ng mga de
Napaungol si Julliane sa sakit, ngunit agad na nanumbalik ang kanyang pakiramdam at itinaas ang kanyang kamay upang itulak ang kanyang dibdib. Hubad, malamig, at gumagalaw ang kanyang dibdib.Kaagad na binawi ni Julliane ang kanyang kamay, pagkatapos ay nagtago pabalik, inilayo ang kanyang mukha, at ibinaba ang kanyang mga mata.Gusto siyang halikan muli ni Ismael, ngunit hindi niya magawa. Kaya't ang kanyang mga itim na mata ay tumingin sa kanya ng diretso, hindi nasisiyahan, at kahit na may ilang pagkondena.Si Julliane ay hindi naglakas-loob na itaas ang kanyang mga mata, at narinig lamang niyang sinabi niya."Ang katapatan ko ay sapat na, tama ba?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ni Julliane.Sino ang gusto ng ganoong katapatan?Medyo naiinis si Julliane, ngunit hindi naglakas-loob na pabulaanan.Iniisip na lang niya ng lihim sa kanyang puso na hinding-hindi siya dadamay sa kanya sa hinaharap.Ang mawalan ng kamay ay maaaring masakit para sa mga ordinaryong tao, ngunit s