Mag-log inThird Person's POV
Gigil na inubos ni Dario ang laman ng bala ng baril na hawak niya. Hindi kalaunan ay ibinalibag niya iyon kung saan ay agad iyong tumama sa vase na malapit sa kanyang desk.
Kasabay ng pagkabasag ng vase na iyon ay sinipa niya ang upuan na nasa kanyang tagiliran at itinaob ang maliit na lamesang nasa sulok ng kanyang silid.
Napasigaw siya at matapos niyon ay sinuntok ang pader.
Sa kalagitnaan ng pagwawalang iyon ng binata ay nana
Naya DiazMatapos ang isa't kalahating oras ay nakarating na rin kami sa airport. Sa paglabas namin sa kotse ay agad kaming dumiretso sa comfort room upang magbihis.Bagama't walang kasiguraduhan kung mayroong mga tauhan ang mga Navarro at Callisto sa loob ng airport, kinailangan pa rin naming itago ang totoong pagkatao namin.Bukod sa pagpapalit ng damit namin, ito na rin ang simula ng pagpapalit ng identity namin. Kung tutuusin, ayaw kong mapunta sa ganitong sitwasyon, ngunit para na rin sa kaligtasan ko at kaligtasan naming lahat, kailangan kong makipagsabayan."Here is your passport, Mrs. Yna Salvatierra," anas ni Ares na agad kong ikinatango. Maya-maya ay ibinigay din niya ang passport nina Iris at Ruan. "As for you, you are going to be Mr. George Dela Cruz and Mrs. Belen Dela Cruz. If anyone is going to ask, pinsan ni Mr. George si Mrs. Yna Salvatierra."Nagkatinginan na lamang kaming tatlo sa pahayag na iyon
Xavier IglesiasNaputol ang pagmumuni-muni ko nang mapukol ang tingin ko kay Naya na sa mga sandaling iyon ay hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa akin.After I turned off the lid of my laptop, agad kong iniabot iyon kay Ares. Ilang saglit pa ay umusog ako sa tabi ni Naya kasunod niyon ay ang paghalik ko sa kanyang noo."Something's bothering you? What are you thinking?" mahina kong tanong na ikinangiti niya.Niyakap niya ako. "Actually, I'm not bothered, but curious.""What is it?"Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot. "Paano ka nakaligtas sa pagsabog? Malakas ang bombang inilagay sa conference room na 'yon. At base sa narinig ko sa balita, halos lahat ng mga kasamahan mo roon ay…namatay. Walang nakaligtas sa kanila. How come you survived that bomb? What did you do?"I paused for a moment.Hindi kaagad ako nakaimik sa tanong niyang iyon. Ngunit pansin ko ang agad na pag
Third Person's POV"Xavier is alive?" namilog ang mga matang bulalas ni Damiano. "Paanong nangyari 'yon? Dario made it sure na masasabugan ang hinayupak na 'yon ng bomba. Paano siya nakaligtas?"Nagkibit-balikat si Neri. "Hindi ko alam. Pero 'yon ang sinabi sa 'kin ni Leticia. Ayaw kong maniwala noong una, pero kilala ko ang batang 'yon. Hindi siya madaling suhulan at noon pa man ay siya na ang pinagkakatiwalaan ni Mama sa mga ganitong bagay."Ikinuyom ni Damiano ang kanyang mga kamao at kalaunan ay ibinalibag ang baso na nasa kanyang harapan."That fucking Xavier!" tiim-bagang nitong anas. "Wala ba talagang kamatayan ang lalaking 'yon? That was a high-quality bomb! Itinago ni Dario 'yon sa tagong lugar at sinigurado niya na walang ligtas si Xavier. Did he find out about that?"Umiling si Neri at napaisip."Tinanong ni Mama ang mga pulis at ang sabi nila, base sa mga kasamahan niya sa loob ng conference room, hindi r
Naya DiazMatapos kong mag-impake ng mga gamit ko ay agad na rin akong lumabas ng kwarto. Bitbit ko ang travel bag ko ay naglakad ako patungo sa hagdan at mula sa ibaba ay natanaw ko si Xavier na nakaupo sa couch.Mag-isa lamang siya sa living room habang si Ares at ang iba pa sa kanyang mga tauhan ay palakad-lakad sa loob at labas ng safehouse. Wala rin doon sina Ruan at Iris.Pakiwari ko ay nasa kuwarto pa rin sila at nag-iimpake ng maaari nilang dalhin sa bagong lugar na pupuntahan namin. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay wala na rin doon ang babaeng nagngangalang Leticia na kausap ni Xavier kanina.Maya-maya bago pa man ako tuluyang makababa ng hagdan ay agad na tumayo si Xavier sa kanyang kinauupuan. Dali-dali siyang lumapit sa kinalulugaran ko at kinuha ang bitbit kong bag."Sana tinawag mo 'ko at nang ako na ang nagbitbit nito pababa," anas niya sabay halik sa noo ko. "Is this all the things that you want to
Mattias Avila"That's what I liked about you, Mr. Avila," nakangiting anas ni Don Gustavo. "May isa kang salita at marunong kang tumupad sa usapan. Talaga ngang hindi nagkamali si Lucien na ilagay kayong dalawa ni Xavier sa posisyon ninyo ngayon. If he's alive, I'm sure, matutuwa 'yon."Tumango ako sa pahayag niyang iyon."Kung marunong makiusap ang taong kaharap ko, bakit naman hindi?" blangko ang reaksiyon kong anas. "Tama kayo. Hindi kami pinalaking bastos ni Lolo Lucien, pero nakadepende pa rin sa taong kaharap namin."Natawa siya at napailing.Dinampot niya ang mug na nasa kanyang harapan at kalaunan ay uminom ng kape. Maya-maya ay tinapunan niya ng tingin ang kanyang dalawang anak na sa puntong iyon ay kumukuha pa ng kanilang makakain."I am serious, you know." Muli ay humarap siya sa akin. "Seryoso ako sa desisyon ko na gusto kong pakasalan mo si Xyla. Hindi ako nagbibiro."Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko. Umayos ako ng upo at sinalubong ang kanyang mga titig.
Xavier Iglesias"What?" Nanlaki ang mga matang bulalas ni Ruan. "Thiago Severino is your…uncle?"Tumango ako. "He's indeed my uncle. Siya ang anak ng kapatid ni Lola Erlita. Noon pa man ay gusto na niyang mapunta sa kanya ang posisyon na hawak ko. Nakipag-away pa nga siya kay Lolo Lucien dahil sa bagay na 'yon, pero wala na siyang nagawa dahil buo na ang desisyon ni Lolo."Napabuga ng hangin si Ruan at umiling.Tinapunan niya ng tingin ang family picture na nasa pader kung saan ay nandoon si Lola Erlita at ganoon din ang kapatid nitong si Lolo Lucien—kasama nila ang kanilang mga asawa at mga anak.Paano nakilala ni Verena si Thiago? Paano sila nagkatagpong dalawa?Umiling ako at muling naupo sa puwesto ko. "Is there something to be surprised about? Makapal ang pagmumukha ni Verena at sigurado ako na kahit anong bagay ay inalok niya kay Thiago para lang magawa niya ang gusto niyang mangyari. She was such a vermin! Pero mali ang kinalaban niya at mali ang taong nilapitan niya.""May gal
Naya Diaz Mag-aalas-siete na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Kung tutuusin ay sanay naman na ako sa mga sunod-sunod na gawain pero sa mga sandaling ito ay parang pagod na pagod ako. Sa ngayon ay wala akong gustong gawin kundi ang dumiretso kaagad sa kwarto at nang makapagpahinga na. O di kaya
Xavier Iglesias "I can't believe that this looks harder than I thought," anas ko sa sarili ko nang muli akong pumwesto sa desk ko. "Kung bakit ba kasi kailangan pa naming itago ang relasyon namin?"Napahilamos ako sa mukha ko nang mga sandaling iyon. Kung tutuusin, dapat ay masanay na ako dahil s
Naya Diaz 'Come on, it's just one date, Naya. Wala naman sigurong masama kung kikilalanin natin ang isa't-isa, hindi ba? Besides, you're single and I'm single. Pwera nga lang kung may nobyo ka na magagalit. Of course, talagang hindi na kita pipilitan pa.'Isang oras na ang nagdaan pero hanggang ng
Xavier Iglesias Agad na nabasag ang maingay na kapaligiran sa loob ng cafeteria pagpasok namin. Everyone stopped talking and laid their eyes on us including my wife with her friend, Jasmine. Bagamat halos lahat ng mga babaeng nandoon ay inamin na may gusto sa akin at nagbigay pa ng motibo ay tang







