로그인Happy 7k views and 960 followers!
Malapit nang matapos ang Volume 1. Ano nga ba talaga ang tunay na pagkatao ni Xavier? Isa lang ba talaga siyang ordinaryong CEO o higit pa roon? One more chapter to go bago ang Volume 2. Anyway, salamat ulit sa mga readers na patuloy na sumusuporta sa story na ito. Sana ay suportahan at basahin niyo rin ang story nina Theo at Samantha (His Dangerous Desire | Completed) ganoon din ang new story ko na Addicted to Professor Yugi. Thank you for the comments. Appreciated kayo kahit na may mga negative (Hihihihihihi) What do you think of the story? Give a thumbs up kung nagustuhan niyo. 愛しているMattias AvilaHindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa sitwasyon kung saan ay kasama ko ang babaeng lubos akong kinaiinisan. Wala akong balak na pumayag na samahan siya sa mall upang bumili ng mga bagay na kinakailangan niya.Pero nandito ako ngayon at naglalakad kasama niya sa loob ng isang lugar na hindi ko tiyak kung ligtas ba o hindi.Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko sa mga sandaling iyon. Nananatili lamang na nakatuon ang tingin ko sa paligid namin habang sinisigurado ko ang kaligtasan niya. Bagama't wala akong interes na makipagplastikan sa kanya, hindi ko naman siya magagawang pabayaan dahil malalagot ako kay Xavier kung magkataon.Bukod pa roon, parte na siya ng pamilya namin ngayon. At bilang pamilya, hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa kanya.Tumikhim siya. "May gusto ka bang bilhin? Kung meron, sabihin mo lang at ako na ang bahalang gumastos para roon."Umiling ako. "Hindi
Naya Diaz(One hour ago)"Mattias Avila, our cousin, is a military man," wika ni Yven na agad na ikinabilog ng mga mata ko. "He is an elite military fighter and a combat rescue operator. Kilala siya bilang Shadow Wolf, hindi lang sa militar kundi pati na rin sa mga kalaban.""Halos pareho lang sila ng kilos ni Kuya Xavier," dagdag pa ni Jasmine. "Halos parehong takot sa kanila ang mga kalaban. Ang ipinagkaiba lang nila ay masyadong tuso si Mattias. Iyon ang paraan niya para mahuli niya ang mga kalaban niya.""That's how our grandfather trained him," anas ni Yven na ikinatitig ko sa kanya. "Habang si Kuya Xavier ang utak ng mafia operation namin, si Mattias naman ang…ibinabala nila sa kanyon. Siya ang gumagawa ng mga buwis-buhay na misyon. That was the reason kung bakit nasa probinsya siya sa nakaraang apat na taon."Hindi ako nakaimik sa sunod-sunod na mga impormasyong narinig ko mula sa kanila.He is a military man.He is an elite fighter and a combat rescue operator.Siya ang gumaga
Mattias AvilaNapapailing na lamang ako sa tinuran ni Naya kanina. Hindi ko lubos maisip na bukod sa pamilya ko, isa rin siya sa walang tiwala sa akin. Pero kung tutuusin, hindi na ako nabigla sa inasta niyang iyon.Sanay na ako.Noon pa man ay ganoon na ako kung tratuhin ng mga taong malapit sa akin. Minsan pa nga akong napaghinalaan na magnanakaw at kriminal. Karamihan sa kanila ay dahil daw sa kung paano ako manamit at kung minsan pa nga ay dahil na rin sa kung paano ko sila titigan.Nag-usap na kami ni Xavier tungkol sa bagay na iyon at imbes na bigyan niya ako ng advice na baguhin ko ang sarili ko, mas gusto niyang ipagpatuloy ko ang ginagawa ko. Kung magiging kahina-hinala ako para sa mga inosenteng tao, mapupunta sa iba ang atensyon ng mga kalaban sa paligid namin. Mas mapapadali ang pagkilos ko.Matapos kong maligo ay agad na rin akong lumabas ng banyo. Ilang saglit pa ay natigil ako sa pagpupunas ng buhok ko nang makatanggap ako ng tawag mula kay Xyla."Kailan ba ako titigilan
Naya DiazHalos sabay na umangat ang kilay nina Yven at Jasmine sa mga sandaling iyon. Pareho silang hindi nakaimik sa sinabi ko at ilang saglit pa ay agad silang nagkatinginan.Napailing na lamang ako sa inasta nilang iyon ay maya-maya ay tinapunan ko ng tingin si Xavier.He was still in the ICU—unconscious and had no idea what was going on around him.Ikinuyom ko ang mga kamao ko habang nakatuon ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong kalagayan niya. Sinabi sa akin ni Mom Celine na kailangan kong magpakatatag at huwag masyadong mag-isip, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang huminahon.I want to see him fully awake.Gusto kong makita ang mga ngiti niya habang hindi niya maalis ang tingin niya sa akin. Gusto kong maramdaman ang pag-aalaga niya habang ipinagbubuntis ko ang anak namin. Kung tutuusin, hindi pa namin ipinapaalam sa kahit na sino ang pagbubuntis ko.Ipinangako namin sa isa't isa na sasabihin namin ang tungkol di
Mattias AvilaIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang nasa kalagitnaan ako ng almusal na iyon. Matagal na panahon na rin nang huli kong maranasan ang ganitong klaseng eksena. Halos sampung taon na rin yata ang nakakalipas nang mamatay ang mga magulang ko at sa mga panahong iyon ay masasabi kong nakalimutan ko na kung paano ang umasta sa harap ng mga taong malapit sa akin.Hindi kalaunan ay nabasag ang pananahimik ko nang tapikin ako ni Tita Nicole."Kamusta nga pala ang buhay probinsya, iho?" nakangiti niyang tanong. "Yven told me, na marami ka raw inaasikaso roon. Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito at iwanan pansamantala ang trabaho mo."Nagsalita si Jasmine. "Medyo pumayat nga siya, hindi tulad nang huli natin siyang nakita. Baka naman sa dami ng inaasikaso mo ay hindi mo na nahaharap ang sarili mo? Hindi mo ba natandaan ang sinabi sa 'tin ni Kuya Xavier about work?"Bago ko pa man sagutin si Jasmine ay agad na sumabat si Tito Rodolfo."Mattias is perfectly fi
Naya DiazMatapos kong maligo ay agad akong lumabas ng banyo. Habang abala akong nagpupunas ng buhok ko ay natigil ako nang mapukol ang tingin ko sa puwesto ni Xavier sa kama namin.Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Pakiwari ko ay may sumaksak sa akin ng matalim na kutsilyo sa likuran ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala rito si Xavier sa tabi ko at nandoon siya, nakahiga pa rin sa ICU.Tuluyan ko nang inihinto ang ginagawa ko at hindi kalaunan ay umupo sa gilid ng kama.Ramdam ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko na hindi ko alam kung kailan nagsimula. Sinusubukan kong magpakatatag at umahon mula sa pagsubok na ito, ngunit tila ba lalong sinusubukan ang tatag ng loob ko.Ilang saglit pa ay agad kong pinunasan ang mga luha ko nang bumukas ang pinto.Iniluwa niyon si Mom Nicole.Right before she spoke, natigil siya nang mapukol ang tingin niya sa akin. Dali-dali siyang
Third Person's POVIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Corazon matapos niyang kausapin ang kanyang anak sa telepono. Sa paglapag niya ng kanyang cellphone sa lamesa ay tumayo siya mula sa couch at nagtungo sa kanyang kwarto upang maghanda na sa kanyang pag-alis.Sa kabilang banda nama
Naya DiazNapakagat-labi ako nang maramdaman ko ang paghagod ni Xavier sa pagitan ng mga hita ko. Kapapasok pa lamang namin sa kwarto at naghahalikan pa lamang kami pero ramdam ko na ang pamamasa ng hiyas ko.Kung tutuusin ay ayaw ko munang sundan ang mainit na nangyari sa amin kaga
Xavier IglesiasTanging ang tunog lamang ng mga kubyertos ang naririnig sa pagitan namin ni Naya nang mga sandaling iyon. Hindi naging maganda ang kinalabasan ng usapan namin kanina sa kwarto at wala akong napala.Bukod pa roon ay maaga akong nakarinig at nakatikim ng sermon.Napapailing na lamang
Naya DiazIlang oras na ang nagdaan simula nang mag-usap kami ni Xavier pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi ako makapaniwala na pumapayag siyang makipagkasal ako kay Ruan. Kung tutuusin ay inaasahan kong magagalit siya o di kaya ay sasabihin







