Share

Infatuated to the Boss - Chapter 5

Infatuated to the Boss - Chapter 5

"BAKIT naman naisipan mo pang mag-board ngayon, anak?" Iyon agad ang reaksiyon ng kanyang ama.

"Makakadagdag lang sa gastos ang ibabayad mo sa upa," sabad ni Kuya Tom.

"Oo nga, little sis," dagdag ni Kuya Jun.

"Baka naman nalalayuan na nang husto si Bunso sa bahay natin?" Si Kuya Bodjie.

"O baka naman may gustong pumorma, hindi makaporma dahil natatakot sa atin?" pakli naman ni Kuya Renzie.

Nagtaas ng mga kamay si Samantha, bago pa humaba nang humaba ang mga haka-haka. "Pakinggan n'yo muna ako, okey?"

"Sige, anak. Nakikinig kami," anang Itay nila.

Inilabas ng dalaga ang tseke. "Narito ang kasagutan sa lahat ng ating mga problema."

Anim na pares ng mga mata ang tumunghay sa halagang nakasulat. At halos sabay-sabay na nanlaki ang mga iyon bilang reaksiyon.

"Sis! S'an ka nakakuha ng ganyan kalaking pera?" ang pabulalas na tanong ni Tom

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status