DAHLIA
Nakatayo ako dito sa may labas ng pintuan. Tahimik na umiiyak habang nakikinig sa kanilang dalawa. “Mahirap po ba talaga na pumunta sa Maynila, mom?” tanong ni Kuya Gavin kay mommy.“Bakit naman ako pupunta doon? Para ano?”“Mom, birthday po ni Dahlia. Kahit man po sana pakitang tao ay ginawa niyo.” saad pa ni Kuya.“Wala akong pakialam. Puwede ba hayaan mo ako!”“Ni minsan po ba ay hindi niyo talaga siya tinuring na anak?” Ramdam ko ang hinanakit ni kuya.“Ano na naman ito, Gavin?!” galit na tanong ni mommy.“Just answer my question, mom.” “Sa tingin mo ba talaga ay mamahalin ko ang bastarda na ‘yon?! Hinding-hindi ko siya mamahalin dahil siya ang nagpapaalala sa kataksilan na ginawa ng daddy mo!” sigaw ni mommy.“Pero mahal ka niya. Kahit na hindi mo siya mahal ay mahal ka ni Dahlia. Hindi mo ba puwedeng kalimutan ang lahat. Wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanan ang ginawa sa’yo ni daddy. Kaya sana mahalin niyo rin, kahit hindi na bilang anak. Kahit bilang tao na lang.”“Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Lumabas kana,” utos ni mommy kay Kuya.“Mom—”“Leave, now. Leave!” mula sa pagiging kalmado hanggang sa sumigaw na si mommy.Nanatili akong nakatayo dito sa labas ng pintuan. Hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko. At nang lumabas si Kuya ay nagulat siya dahil nakita niya ako. Sumenyas ako sa kanya na ‘wag siyang maingay. Habang puno ng luha ang mga mata ko. Hinila ako ni Kuya Gavin papunta sa may kwarto niya.“D–Dahli–”“K–Kuya, t–totoo ba ang lahat ng narinig ko?” naiiyak na tanong ko sa kanya.“Dahlia,” malungkot na sambit niya sa pangalan ko.“Totoo ba? Hindi ako anak ni mommy? Kuya, can you tell me the truth? Please,” sabi ko sa kanya. “Dahlia, listen to kuya. Kahit na ano pa ang sabihin ko sa ‘yo lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. At kapatid kita, ikaw ang kapatid ko.” umiiyak na sabi ni kuya sa akin.“Kaya ba hindi ako mahal ni mommy? Kaya ba galit siya sa akin? Sino po ba ang mommy ko?” sunod-sunod na tanong ko kay kuya habang umiiyak.“Patay na ang mommy. Nagpakamatay siya. Ang totoo kasi niyan ay ninakaw ka lang ni daddy at pinalabas niya na patay kana.” Hindi ko inaasahan ang malalaman ko. Ibig sabihin ay wala na pala talaga akong mommy.“Ano po ang pangalan ng mommy ko?”“Cathy Ballarta,” sagot niya sa akin.“Ballarta? Kaano-ano niya si Zio?” tanong ko sa kanya. "Pamangkin niya si Zio at si Mireya ang babaeng mahal ko." Malungkot na sagot sa akin ni kuya.“Kuya, promise me. Hindi mo sasabihin kay mommy na alam ko na ang totoo. Promise me,” umiiyak na sabi ko sa kanya.“Kung ‘yan ang gusto mo.” sagot niya sa akin.“Thank you, kuya. Thank you for loving and accepting me. Thank you so much.” umiiyak ako habang yakap ko si Kuya Gavin."I love you, bunso. Palagi mong tatandaan na mahal ka ni kuya." Sa sinabi ni kuya ay mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.Lumabas si kuya at hinayaan niya akong mapag-isa. Umiyak ako ng umiyak. Ngayon ko lubos na naiintindihan ang lahat. Kung bakit ganun na lang ang pagtrato nila sa akin. Si mommy at si Kuya Axel. Kaya pala galit sila sa akin. Dahil bastarda ako. Anak ako sa labas at sa babaeng kinamumuhian niya. Pinunasan ko ang luha ko. Kinuha ko ang bisikleta ko at pumunta ako treehouse na ginawa sa akin ni kuya Axel. Mula rito sa itaas ay natatanaw ang malawak na pagmamay-ari ng pamilya namin. Kahit pala ano ang gawin ko ay hindi talaga magiging sapat para kay mommy. Dahil hindi niya ako anak. Sa ngayon ay nais kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Gusto kong ilabas ang lahat para kahit na papaano ay gumaan naman itong dibdib ko. “Ano ba ang kasalanan ko?! Bakit ba ako?! Bakit?!” sigaw ko.“Mahirap ba akong mahalin?!”“Ano ba ang dapat kong gawin para tanggapin niyo ako?!”Minahal ko siya, iniintindi ko siya kasi ang buong akala ko ay mommy ko siya. Pero bakit? Bakit hindi niya ako kayang mahalin? Ginagawa ko naman ang lahat ng gusto niya. Pero kulang pa rin. Si Kuya Axel half brother ko lang siya. Alam nilang lahat at ako lang ang hindi nakakaalam.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iyak. Nagising lang ako dahil naramdaman ko na may tao dito sa treehouse. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si Kuya Axel.“Bakit dito ka natulog?” tanong niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ako sumagot.“Dahlia, may problema ka ba? Umiyak ka ba?” tanong niya ulit sa akin.“Galit ka rin ba sa akin?” wala sa sariling tanong ko sa kanya.“Hindi, bakit ‘yan ang tanong mo sa akin?” Nagtataka na tanong niya sa akin.“Puwede mong aminin sa akin. Puwede mong sabihin na galit ka sa akin. Alam mo diba? Alam mo?” umiiyak na tanong ko sa kanya.“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan.” tanong niya sa akin.“Kaya ba malamig ang pakikitungo mo sa akin. Dahil galit ka? At dahil hindi mo ako tanggap… Hindi mo ako tanggap bilang kapatid mo. Kasi iba ang mommy ko at isa akong bastarda?” may hinanakit na tanong ko sa kanya.Natigilan siya at alam ko na hindi niya inaasahan na malalaman ko ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko pero kaagad kong inilayo ang sarili ko sa kanya.“Let me explain,” aniya sa akin.“Don’t bother yourself to explain. Hindi na kailangan, kuya. I fully understand. Ako kasi ang dahilan kaya nasira ang pamilya niyo. Dahil anak ako ng kabit ni daddy. Anak ako ng isang baliw at anak ako ng babaeng minahal ni daddy. Mas ma-appreciate ko kung itatago mo na alam ko na ang lahat.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumaba sa treehouse namin.Sumakay ako sa bisikleta ko at umuwi na sa mansyon. Gusto ko ng bumalik sa Maynila. Gusto ko ng lumayo dito. Kahit ngayon lang.“Kuya Gavin, puwede mo ba akong ibili ng condo?” lakas loob na hiling ko kay kuya.Hindi ako mahilig magpabili ng kahit na ano pero ngayon ay alam ko na kailangan ko na ito.“Okay, kailangan mo na ba ngayon?” “Sana, kuya.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Okay,” nakangiti rin na sagot sa akin ni kuya at ginulo niya ang buhok ko.Hindi na ako nagtagal sa hacienda. Bumalik na ako sa Maynila at doon na ako dumiretso sa condo na binili ni Kuya para sa akin. Simula ngayon ay magpapalakas na ako. Para kapag dumating ang araw na ako na lang mag-isa ay kakayanin ko. Dahil si Kuya Gavin lang naman ang meron ako. Siya lang ang nagmamahal sa akin.Sa mga sumunod na araw ay pumunta ako sa puntod ni daddy. “Hi, dad. Sorry po kung ngayon lang ako ulit nakapunta dito. Kakatapos lang po ng 18th birthday ko. Masaya siguro kung nandito ka. Dad, alam ko na po ang totoo. Hindi po pala ang tunay na anak ni mommy. Kaya pala iba nag treatment niya sa akin. Kaya pala mas malamig pa siya sa yelo. Diba dad, mahal mo ako? At mahal mo ang mommy ko? Kayong dalawa, hindi ko man lang kayo nakasama o nakilala. Kung buhay pa po kaya kayo ni mommy, magiging one happy family po kaya tayo? Nararanasan ko po kaya na mahalin ng isang ina?” tanong ko sa kanya.Marami akong tanong pero alam ko naman na hindi na niya masasagot. Gusto ko pa rin na sabihin sa kanya. Gusto kong bawasan ang mga tanong sa utak ko.“I love you, dad.” saad ko sa puntod niya bago ako umuwi sa condo ko.Simula nang nalaman ko ang totoo ay hindi na ako gaanong nakikipag-usap sa kanila. Nilayo ko na rin ang sarili ko kay mommy at Kuya Axel. At sa mga araw at buwan na dumadaan ay nasanay na lang rin ako. Nasanay na ako na ganito ang buhay ko. Para hindi maghinala si mommy ay nag-aaral pa rin ako. Balak ko pa rin tapusin ang kurso na nais niya para sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Kuya axel. Hindi ako nakikibalita kay Kuya Gavin.Pauwi na ako ngayon at nag-aabang ako ng masasakyan.“Hatid na kita, Dah.” sabi sa akin ni Ryan.“Naku, ‘wag na maabala pa kita.” nahihiya na sabi ko sa kaklase ko.“Hindi naman, doon rin naman ang daan ko.” sagot niya sa akin.“Okay po, ikaw ang bahala.” sagot ko sa kanya.Hinayaan ko na ihatid niya ako. Mabait si Ryan at matagal ko na siyang kilala. Simula high school ay magkakilala na kami. Habang nasa daan ay nagkukwentuhan kami kaya hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa place ko.“Salamat sa paghatid, ingat ka sa pag-uwi.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“You’re welcome, Dah.” nakangiti na sabi niya kaya ngumiti rin ako.Hinintay ko muna na makaalis na siya bago ako pumasok sa loob ng building. Pero natigilan ako dahil nasa harapan ko si Kuya Axel na madilim ang mukha. Alam ko na galit siya, nakakuyom ang mga palad niya.“May boyfriend ka na ba?” seryoso na tanong niya sa akin.“Wala po, kuya. Kaibigan ko lang po siya.” sagot ko habang papasok kami sa loob ng elevator.“Kaibigan huh?” “Hindi mo kailangan maniwala kung ayaw mo.” hindi ko alam pero bigla na lang uminit ang ulo ko. Alam ko na hindi siya naniniwala sa akin. At ayoko ng mag-explain pa. “Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi ka puwedeng magka-boyfrien—”“Puwede ba, hayaan mo na lang ako sa buhay ko. Hindi rin naman ako nangingialam sa ‘yo. Hindi ako robot na puwede niyo na lang kontrolin. May sarili rin akong buhay. Gusto ko rin maging masaya!” sigaw ko sa kanya.Kitang-kita ko sa mga mata niya na nagulat siya sa akin. “Mahal kita, kuya. Pero kailangan kitang mahalin sa sarili kong paraan. Dahil hindi tayo puwede. Dahil kapatid kita at alam ko na mali itong nararamdaman ko para sa ‘yo.” umiiyak akong nakatingin sa kanya at hindi ko kayang isatinig ang nasa isipan ko.“Dahlia–” “Please, hayaan mo akong maging masaya sa buhay ko.” saad ko sa kanya at mabilis akong lumabas sa elevator.HELLO po sa inyong lahat,Nais ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa story na ito. Alam ko na marami po akong absent dito at humihingi po ako ng pasensya sa inyong mga naghintay ng matagal. Masaya po ako na kahit medyo matagal akong nawala ay hindi niyo ako iniwan. Ang story po ni Theo ay ihihiwalay ko po dito. Hindi ko pa po alam kung kailan ko isusulat dahil may bago akong story na ilalabas soon. Sana ay suportahan niyo rin po ito kapag lumabas na. Thank you po sa inyong mga nag-add nitong story, sa mga nagbigay ng Gems, sa mga comments. at sa inyong lahat na nagbabasa sa story na ito. May mga pagkakataon na nakakapagod magsulat pero dahil sa inyo kaya ko pinipili pa rin na magsulat. Magpapahinga pero magsusulat pa rin. Thank you so much po sa inyong lahat and God bless you!STAY HAPPY AND HEALTHY!LIST OF MY COMPLETED STORIES1. MY SECRETARY IS A SINGLE MOM2. LOVING, MR. CHEF3. MR. BLAKE, THE MYSTERIOUS BILLIONAIRE4. PROFESSOR'S MAID5. TRAPPED BY A HOT PROFESSOR6.
MEC-MEC3 YEARS LATER…“Mama, may gusto ka po bang kainin?” tanong sa akin ni Macky.“Wala po,” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Hindi po ba nagugutom si baby?” nakangiti na tanong niya at hinaplos ang tiyan ko.“Hindi pa po siya nagugutom.” malambing na sagot ko sa panganay kong anak.“Kapag may gusto ka po ay sabihin mo po sa akin, mama. Ang sabi ni papa ay ako po muna ang mag-aalaga sa ‘yo habang wala siya. Ako po muna ang mag-aalaga sa inyo.” “Ang galing naman ng Kuya Macky namin. Maasahan na talaga ni papa. Sigurado ako na matutuwa ang papa mo kapag nalaman niya na sobrang maasahan na ang kuya namin,” sabi ko sa kanya.Nasa business trip kasi ang asawa ko at limang buwan na akong buntis. Sa dami ng nangyari sa buhay namin talagang hindi naging madali ang lahat. Mahirap pero kinaya namin.Minsan ay naaalala ko pa ang nangyari three years ago. Parang bangungot pero dahil nasa tabi ko ang mag-ama ko ay nalagpasan namin ni Macky ang lahat. Hindi lang ako ang nahihirapan kundi pati na
MEC-MEC Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali man na may nangyari sa anak namin. Mabuti na lang at mabilis namin siyang nadala sa pinakamalapit na ospital. Ligtas na siya ngayon dahil ang tubig na iniinom niya kanina ay may lason pala. “Kasalanan ko ito, sana hindi ko na lang siya pinainom ng tubig niya.” umiiyak na sabi ko habang nakaupo sa tabi ng anak ko at hawak ko ang kamay niya. “Mahal, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan, okay. Pina-imbestigahan ko na ito. At hindi ko hahayaan na hindi managot ang tunay na may gawa nito. Kahit pa kilala ko na kung sino.” sabi sa akin ni Mark. “Huwag siyang magpapakita sa akin dahil baka mapatay ko siya. Baliw siya, papatayin niya ang anak natin.” umiiyak na sambit ko. “Sorry, mahal. Alam ko na may pagkukulang ako. Alam ko na ako ang may kasalanan kaya ito nangyayari. I’m really sorry dahil wala na naman akong nagawa,” umiiyak na sabi ng asawa ko. “Wala kang kasalanan at may ginawa ka. Kung hindi natin dinala agad ang anak natin dito
MEC-MEC“Mahal, sa tingin mo tama ang ginawa natin?” tanong ko sa asawa ko na ngayon ay paakyat na kami sa office niya.Tinawagan niya kasi ako kung gusto ko daw siyang puntahan. Hindi ko naman alam na nasa labas pala si Tina kaya tuloy hindi ko na napigilan ang sarili ko na magmaldita sa kanya.Nakaramdam rin ako ng awa sa anak niya pero kasi kaysa ang anak ko naman ang pagbantaan niya. Umaasa kami na sa ginawa ng asawa ko ay mapapaalis namin siya sa school. Sila ng anak niya, gustong-gusto ko ang tahimik na buhay pero itong mga babae na baliw sa asawa ko ang nagiging dahilan kaya kami nagugulo.“May problema ba?” tanong niya sa akin.“Nag-aalala lang ako kay Macky.” sagot ko sa kanya.“Okay lang siya, sinabihan ko na rin ang school na tingnan nila ang anak natin. Hindi ko hahayaan na masaktan ang anak natin.” malambing na sabi niya sa akin.“Pinapunta mo ako dito. Ano naman ang gagawin ko dito?” tanong ko sa kanya.“Wala, gusto lang kitang kasama dito.” sabi niya sa akin.“Akala ko p
THIRD PERSON POV Lihim na napangiti si Tina dahil ang buong akala niya ay natalo na niya si Mec-mec. Alam niya na natatakot na ito sa kanya dahil pinagbantaan niya ang anak nito. Napahawak siya sa kanyang pisngi dahil sa sampal sa kanya ni Mec-mec.. Hindi niya hahayaan na maging masaya ito. Dahil sa babaeng ito ay nawala sa kanya ang lahat. Nawala ang trabaho niya at higit sa lahat ay nawala sa kanya si Mark. Ang lalaking mahal na mahal niya. Ngayon lang siya naging baliw sa isang lalaki. Ito kasi ang nagparamdam sa kanya na kamahal-mahal siya. Ang nagbigay halaga sa kanya at sa anak niya. Napangiti siya dahil nakita niya na tumatawag sa kanya si Mark. mabilis niya itong sinagot. “Hello, Sir.” “What do you want?” tanong ni Mark sa kanya. “I want you, Sir.” nakangiti na sagot niya pero bigla na lang pinatay ni Mark ang tawag kaya nakaramdam ng inis si Tina. “Bwisit!” bulalas niya. “Miss Tina, pinapatawag po kayo sa principal’s office.” saad ng isang teacher. “Bakit po?” “Hindi
WARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! MATURE CONTENT! FOR ADULT ONLY…MEC-MECHinalikan niya muna ako bago siya pumwesto sa pagitan ng mga hita ko. Aaminin ko na nakakaramdam ako ng kaba at excitement. Kinakabahan kasi alam ko kung gaano kalaki ang ipinagmamalaki ng asawa ko at excitement dahil sa loob ng limang taon ay magagawa namin ito ulit.Sa loob ng limang taon ay umiikot lang ang buhay ko sa anak ko. Ni hindi ko man lang naisip ang ganitong bagay.“Are you nervous?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Hindi ah,” sagot ko agad sa kanya.“Really?” panunukso pa niya sa akin.“Bakit naman ako kakabahan? Baka ikaw ang kinakabahan d’yan?” nakangiti na sabi ko sa kanya at pilit na tinatago ang nararamdaman ko.“Okay, sabi mo.” nakangiti na sabi niya at naramdaman ko ang pagk*lalaki niya sa bukana ko.Napalunok ako habang nakatingin ako sa kanya. “Sh*t! Hindi pa nga ako nakapasok pero ang sarap na.” sabi niya habang ikinikiskis ang ulo ng pagk*l