Share

Chapter 4

DAHLIA

Napasandal na lang ako sa likod ng pintuan ko pagpasok ko sa loob ng unit ko. Bakit ba ganito siya sa akin? Bakit ba siya ganito? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Hindi ko kasi maintindihan hanggang ngayon. Alam ko na half brother ko siya pero bakit mas mahigpit pa siya kaysa kay Kuya Gavin.

Nagpalit na ako ng damit ayoko na maging apektado sa kapatid ko. Gusto ko na talaga siyang kalimutan. Dahil mas lalo pa yata akong nagkakagusto sa kanya kapag pinabayaan ko ang sarili ko. Pagkatapos kung mabihis ay kumain at nanuod muna ako ng k-drama. Nang matapos ko na ang limang episodes ay tumayo na ako para magpahinga na.

Papasok na sana ako sa room pero may nagdo-doorbell ng paulit-ulit sa pintuan ko kaya lumabas ako. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang nakayuko ko na kapatid. Sinalubong ako ng malakas na amoy ng alak.

“Are you drunk?” naiinis na tanong ko sa kanya.

“No, I’m not.” mabilis na sagot niya sa akin habang sinisinok.

“Bakit ka ba nagpakalasing?” tanong ko sa kanya at hinila ko siya papasok sa loob ng unit ko.

Kahit na anong gawin ko ay kapatid ko pa rin siya. Kaya hindi ko naman makakaya na pabayaan na lang siya sa labas.

“Galit ka kasi sa akin. Alam mo ba na mahal kita, pinoprotektahan lang kita kasi kapatid kita. Hindi naman ako galit sa ‘yo. Ikaw lang ang nag-iisip na galit ako.” saad niya sa akin.

Hindi ako nagsasalita at nakikinig lang ako sa kanya.

“Ayoko lang na masaktan ka. Gusto ko na humarap muna sa amin ang mga manliligaw mo. Ikaw ang bunso namin, Dahlia. At mahal na mahal ka namin.” lasing na sabi niya sa akin.

Naiyak ako sa sinabi niya. “Pero nakakasakal ka, masyado kang mahigpit sa akin. Bakit ba hindi mo kayang magtiwala sa akin? Wala naman akong balak na magka-boyfriend eh. Masyado akong busy para isipin pa na magboyfriend. Gusto ko lang naman na mahalin mo ako. Bilang bunso mo na kapatid. ‘Yung nag-uusap tayo kagaya ng iba. ‘Yung gentle ka sa akin at hindi pabulyaw kung makipag-usap.” umiiyak na sabi ko sa kanya.

“I have reasons at hindi ko puwedeng sabihin sa ‘yo. I’m sorry kung nasasakal kana sa akin. Sorry kung overprotective ako sa ‘yo. Hayaan mo, simula ngayon ay hahayaan na kita.” Sabi niya sa akin.

Dahil sa sinabi niya ay niyakap ko siya. “Gusto ko lang naman na pagkatiwalaan mo ako, kuya. ‘Yun lang naman ang nais ko.” umiiyak na sabi ko sa kanya.

“Okay, simula ngayon ay magiging mabuting kuya na ako sa ‘yo. Sorry kung nasasaktan kita. I love you, Dahlia.” sabi niya sa akin.

“I love you, kuya. I love you,” naiiyak na sabi ko sa kanya. 

Alam ko sa sarili ko na may iba pang ibig sabihin ang sinabi ko na ‘yun. “Simula ngayon ay mamahalin kita sa paraan na alam ko. Sa paraan na hindi mo malalaman.” saad ko sa sarili ko habang yakap ko siya.

Nang maging okay na kami ay tabi kaming natulog. Hindi man ako komportable ay pinilit ko ang sarili ko na matulog. Maaga pa akong gumising pero wala na sa tabi ko si kuya. Paglabas ko sa silid ko ay nakita ko siyang nagluluto sa kusina.

“Good morning, bunso.” nakangiti na bati niya sa akin at sinalubong ako ng halik sa noo.

“Good morning, kuya. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Ako ang dapat na nagluluto. Hindi ba masakit ang ulo mo?” tanong ko sa kanya.

“It's fine. Minsan lang naman at isa pa gusto kitang ipagluto. Diba ang sabi ko sa ‘yo babawi ako.” nakangiti na sabi niya sa akin.

“Gusto mo ba ng coffee, kuya? Black or with cream?” tanong ko sa kanya para iligaw ang usapan namin.

“Black, please.” nakangiti na sagot niya sa akin.

“Okay, black coffee for my poging kuya.” pabiro na sabi ko sa kanya.

Narinig ko siyang tumawa kaya napangiti na lang ako. Kaagad akong nagtimpla ng kape niya. Sakto dahil tapos na rin siyang magluto kaya pinagsaluhan namin ang isang masarap na almusal. At ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti ulit at nakipagkulitan sa akin. Ang matagal ko ng panagarap.

“Sana ay magtuloy-tuloy na.” saad ko sa sarili ko.

******

AFTER 4 YEARS

"DAHLIA SELENA SANTILLAN, MAGNA CÜM LAUDE!" 

Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga kasabay kong magtatapos ngayon taon. Isa ito sa araw na hinihintay ko. Ang makapagtapos sa kursong hindi mo naman gusto. Pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na tapusin.

And today napatunayan ko na kaya ko pala. Pero may part pa rin sa akin na hindi ako masaya. Ginawa ko man ang lahat, pero kulang pa rin. Hindi pa rin si mommy ang kasama kong kukuha ng medalya ko sa stage. At lalo ko lang napatunayan na hindi niya ako matatanggap na anak niya. And in the past four years. I have also distanced myself to her. Tinatawag ko pa rin siya na mommy pero hindi na kagaya ng dati tuwing uuwi ako sa hacienda.

"Congratulations, bunso. I'm so proud of you." Nakangiti na saad sa akin ni Kuya Axel.

"Thank you, kuya. Para ito sa inyo ni Kuya Gavin." nakangiti na sabi ko sa kanya.

Siya ang makakasama ko ngayon. Wala si Kuya Gavin dahil may sakit ang pamangkin ko. Kaya kailangan niya itong alagaan. Masaya ako dahil sa nakalipas na apat taon ay naging maayos ang relasyon namin ni Kuya Axel. Tinupad niya ang pangako niya sa akin na aalagaan niya ako at mamahalin bilang isang kapatid.

"Smile ka, hindi maganda kung pangit ka sa graduation photo mo." Pabiro na sabi niya sa akin.

Ngumiti ako sa camera at ganun rin si kuya. Masaya pa rin ako dahil may mga kapatid ako na proud sila sa akin. Kumain lang kami ni kuya sa isang fancy restaurant. Syempre libre niya dahil daw deserve ko na i-treat.

"So, what's your plan now?" Tanong sa akin ni kuya habang kumakain kami.

"Wala pa, kuya."

"Can I ask you a favor?" Tanong niya sa akin.

"What is it, kuya?"

"Can you be my temporary secretary? Kakaalis lang kasi ng secretary ko. Kung okay lang sa 'yo. If hindi ay okay lang naman." 

"Okay, kuya. No problem." Nakangiti na sagot ko sa kanya.

“Thank you, bunso.”

Okay rin na magtrabaho ako sa company namin. Habang naghahanda ako ulit na pumasok sa school. Gusto ko na tuparin ang pangarap ko. Alam ko na maiintindihan ako ng mga kapatid ko. Dahil alam nila ang hirap ko sa loob ng maraming taon.

Kaagad akong nagsimula sa company namin bilang secretary ni Kuya. When it comes to work ay sobrang strict ni kuya and I understand him. Sa loob ng opisina niya ay hindi niya ako kapatid. I'm his secretary. At kapag tapos na ang trabaho ay balik na ulit siya sa pagiging malambing na kuya.

"Dahlia, may lakad ako mamaya. Kaya hindi kita maihahatid pauwi." Sabi sa akin ni kuya.

"It's okay, kuya. I'll take a cab na lang. At may lakad rin po kami ni Jane." Sagot ko sa kanya.

"Okay, sorry talaga bunso." Aniya sa akin. 

It's not a big deal for me na hindi niya ako ihatid. He has a life. At alam ko na nag-eenjoy siya.  Sanay na ako sa pagiging babaero niya. Halos gabi-gabi ay nasa bar siya. Pero may lungkot na akong nararamdaman. Lalo na ngayon na may papalit na sa akin bilang secretary niya. Aaminin ko na napamahal na ako sa trabaho ko. Pero may kailan kasi kaming gawin. At magagalit si mommy kapag hindi ako umuwi sa hacienda. 

Halos hindi ko namalayan na halos mag-iisang taon na rin pala akong nagtatrabaho sa company namin. Umuwi akong mag-isa ngayon. Pero tuwing out ko sa trabaho ko ay palagi akong niyaya ng  kaibigan ko na kumain sa labas kapag wala si kuya Axel. Hindi kasi ako sumasama sa kanya sa bar. 

“Alam mo sa tingin ko talaga ay magiging matandang dalaga ka. Masaya ka pa ba sa buhay mo?” tanong sa akin ng kaibigan kong si Jane.

“Oo naman, bakit naman ako hindi magiging masaya?” tanong ko rin sa kanya.

“Mahal mo talaga?” biglang tanong sa akin ni Jane.

“Huwag na natin pag-usapan ‘yan,” saad ko sa kanya.

“Hanggang kailan ka ba magiging ganito, Dah?” tanong pa niya ulit sa akin.

Dahil sa sinabi niya ay napaisip rin ako. Hanggang kailan nga kaya ako magiging ganito? Alam ko na bawal pero hindi ko naman puwedeng turuan ang puso ko. Dahil mas lalo yatang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.

“I’m secretly in love with my brother, Jane. Na kahit lumipas man ang ilang taon ay siya pa rin. Hindi ko alam, Jane. Pero alam ko na unti-unti ng nasusunog ang kaluluwa ko sa impyerno sa ginagawa kong ito.” Sagot ko sa kanya. Si Jane lang ang tanging nakakaalam sa sikretong tinatago ko. Kasi siya ang bestfriend ko at pinagkakatiwalaan ko sa lahat.

“Ipagdarasal ko na makahanap ka ng lalaking hihigit sa kanya. Bakit ba ayaw mong bigyan ng chance si Ryan? Mabait naman siya?” tanong niya sa akin.

“Kung pwede ko lang turuan ang puso ko ay matagal ko na sanang ginawa. Dahil kahit ako ay gusto ko ng matapos itong kahibangan ko.” sagot ko kanya.

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
siguro anak SI Axel sa ibang lalaki,so Hindi talaga sila magkapatid
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH
thank you po
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH
thank you po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status