Share

Kabanata 10

Lukso ng dugo o pagkagiliw sa bata. Ano nga ba ang nararamdaman ni Lucas para kay Arim?

Maingat na isinasalangsang ni Lucas ang limang paper bags na naglalaman ng damit pambata at mga laruan sa likod ng kan'yang kotse.

Pagkatapos ng kan'yang meeting ay dumiretso siya sa bayan upang bilhin ang mga iyon.

"Para kanino ang mga iyan?" Usisa ng kan'yang ina. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang matapos silang mag-usap nito sa mansyon patungkol sa ipapatayo niyang negosyo.

"Para sa apo ng kasambahay ni Tito Esteban," kaswal niyang sagot sa ina.

Mataman siyang tinitigan nito.

"Kailan ka pa nahilig na bumili ng gamit para sa ibang bata?" Alam ni Ginang Juana na walang hilig ang anak sa mga bata, maliban na lamang kung nagbago na ito simula nang manirahan sa ibang bansa.

Sandaling napatigil si Lucas sa ginagawa at marahan na isinara ang likod na pintuan ng kan'yang kotse. Napaisip siya. Bakit nga ba tila napakaespesyal ni Arim para sa kan'ya?

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status