Share

Kabanata 11

Tunay na mapaglaro ang buhay. Kung kailan tumigil na si Lera sa paghahanap ay saka niya naman ito matatagpuan.

"Mama!" Kinarga niya ang nasasabik na si Arim. Mahigpit niya itong niyakap at paulit-ulit na hinalikan. Bukod sa na-miss niya ang anak ay nais niya din itago ang kaba na nararamdaman sa lalaking kaharap.

Paano siya hindi babalutin ng kaba gayong kitang-kita na sa personal ang pagkakahawig ni Arim sa ama. Walang duda ilang hakbang na lang ang layo niya sa lalaking una't huling umangkin sa kan'ya.

Damang-dama niya ang paninitig nito subalit hindi niya magawang salubungin ito. Kinakabahan siya. Bakit kasama nito si Arim? Alam na ba nito na ang bata ay kan'yang anak?

"You're probably Arim's mother. Hi! I'm Lucas Valle." Inilahad nito ang kamay sa kan'ya.

Umangat siya nang tingin.

Mas lalong tumikas ang pangangatawan nito. At hindi niya rin maikakaila na angat ang pagiging magandang lalaki nito sa buong kalalakihan ng Sta. Ignacia. Paano

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
JR Zurc Aled
nice story
goodnovel comment avatar
Inah Doronila
love the story nice
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status