Ang mahimbing na pagtulog ni Mateo ay naistorbo ng ingay ng mga tao sa labas ng kubo.
Papungas-pungas pa siyang dumilat habang iniinda ang sakit ng ulo.
Kaagad niyang inilibot ang tingin sa apat na sulok ng kubo. Pilit na inaalala kung paano siya napunta doon.
Hindi niya pa man nasasagot ang sariling katanungan ay nabalot muli siya ng pagtataka nang makitang wala siyang saplot pang-itaas at tanging panloob lamang ang tumatakip sa kan'yang ibaba.
Dali-dali siyang bumangon at hinanap ang kan'yang mga damit. Isinuot niya ito nang mabilisan nang marinig ang pagkalampag sa pintuan. Mayroong nagbubukas nito.
"Sino ka? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ng may edad nang babae na pumasok.
Hindi siya pinansin ni Lucas. Sa halip ay kinuha nito ang pitakang nasa papag, ngunit napatigil siya nang makita ang kulay pulang mantsa doon, tila ito dugo.
Lumalim ang pagkakakunot ng kan'yang noo.
Sa isipan niya'y isang panaginip lamang na mayroong nangyayari sa pagitan nila ni Maica nang gabing iyon. Subalit saan nanggaling ang bakas ng dugo sa papag.
Nagkibit-balikat siya at umiling, marahil ay naroon na iyon matagal na.
"Hoy! Tinatanong kita. Trespassing iyang ginagawa mo," galit na anang ng babae.
Lumingon dito si Lucas upang humingi ng paumanhin.
"Nagpalipas lamang po ako ng gabi dito misis. I'm sorry." Dire-diretso na siyang lumabas at hindi na hinintay pa'ng sumagot ang babaeng natulala na sa kan'yang kagwapuhan.
Marami na ang nakapagsabi na silang apat na lalaking magkakapatid ay biniyayaan ng kakisigan at gwapong mukha. Hindi na iyon nakakapagtaka dahil ang kanilang ama't ina ay nagmula sa magandang lahi.
Wala sa ayos ang kan'yang buhok at gusot na din ang kan'yang t-shirt nang maglakad siya pabalik sa kung saan siya nanggaling kahapon. Subalit hindi iyon naging hadlang upang tingnan siya ng mga taga-roon lalo na ang mga kababaihan.
Hindi niya iyon pinansin dahil malalim siyang nag-iisip sa kung ano ang nangyari kagabi.
Sigurado siyang hindi lamang panaginip ang init ng sandaling naranasan niya dahil wala na ang ilan niyang saplot nang gumising, ngunit ang kan'yang pinagtataka ay kung sino ang babaeng kasama niya.
Imposibleng si Maica iyon dahil nasa ibang bansa ito.
Hinilot niya ang sintido at mariing pumikit. Hindi na mahalaga kung sino man iyon dahil nang gumising siya ay wala na ito sa kan'yang tabi. Ibig sabihin lamang nito ay balewala lamang iyon sa babae. Marahil ay liberated na rin ang mga babae sa Sta. Ignacia katulad ng sa Amerika.
Pumara siya ng tricycle. Nakakaramdam pa din siya ng pagkahilo dahil sa hang-over kaya hindi niya na kakayaning maglakad pa patungo sa mansyon ng alkalde.
Kapatid ng kan'yang ama si Mayor Esteban, ang alkalde ng Sta. Ignacia. Ayaw niya munang umuwi sa ina, alam niyang ipipilit lamang nito ang gusto sa kan'ya.
"Sa bahay po ni Mayor, manong," aniya sa tricycle driver.
Umupo siya sa loob ng tricycle at isinandal ang ulo sa likod. Pumikit siya at kinapa ang pitaka na nasa kan'yang kaliwang kamay. Subalit kaagad din siyang napadilat nang iisang papel na pera lamang ang kan'yang nakapa.
Nagsalubong ang kan'yang kilay nang makitang isang daang piso iyon. May kalumaan na ang itim na pitaka na akala niya'y sa kan'ya.
Dumukot siya sa bulsa at nakuha doon ang kan'yang pitaka. Nakahinga siya nang maluwag. Naroon ang kan'yang mga I.D kaya hindi iyon maaaring mawala.
Muli ay pinasadahan niya ng tingin ang pitakang hindi kan'ya. Sinuri niya iyon at nakita ang larawan ng isang babaeng mayroong mahabang buhok. Maganda ang ngiti nito sa larawan.
Napaawang ang kan'yang labi. Naalala niya ang mahabang buhok, na tumama sa kan'yang mukha kagabi, na inakala niyang kay Maica. Napailing siya at napahilot ng sintido. Mas lalo lamang sumasakit ang kan'yang ulo.
Sanay na siyang marinig ang kwento ng mga amerikano niyang kaibigan tungkol sa pakikipagtalik sa hindi nito kilalang babae sa loob ng isang gabi o 'one night stand'. Subalit, kailanman ay hindi sumagi sa kan'yang isipan na gawin iyon. Hindi niya nanaisin na lokohin ang nobyang si Maica.
Nang makarating sa bahay ng kan'yang Tito Esteban ay malugod siyang pinatuloy ng katulong. Kagaya ng kan'yang inaasahan ay wala doon ang kapatid ng kan'yang ama. Nasa munisipyo ito kasama ang asawa.
Binigyan siya ng kape at gamot ng kasambahay, ayon na din sa hiningi niya. Nais niyang maibsan ang hang-over at pananakit ng kan'yang ulo.
Pinasadahan niya ulit ng tingin ang larawan ng babae sa pitaka. Sigurado siyang taga-rito sa Sta. Ignacia ang babaeng iyon. Mas malaking rason iyon para bumalik na siya ng America. Natatakot siyang baka nakilala siya ng babae at ipagkalat ang nangyari sa kanila lalo pa't isa siyang Valle. Subalit hindi iyon ang kan'yang punto. Ayaw niyang makaabot kay Maica na sa unang pagkakataon ay nagtaksil siya dito. Alam niyang pagtataksil iyon dahil aminin niya man sa hindi ay nagustuhan niya ang pinagsaluhan nila ng babae. Hindi niya man maalala ang bawat detalye ay nararamdaman niyang tila mayroong isang bagay na nabuo sa kan'ya.
Tiniklop niya ang pitaka. Ano man ang nangyari kagabi ay kailangan niya nang ibaon sa limot.
"Nasaan po ba si Tita Luisa at Haya?" Hinanap niya ang pinsan ng kan'yang ama at anak nito, na siyang kasabay niya sa pag-uwi ng Pilipinas.
"Naku sir. Hindi n'yo pa po ba nababalitaan ang sinapit ni Haya? Binisita niya po kahapon ang mga batang tinutulungan niya sa kabukiran at gabi na po ay hindi pa siya umuuwi. Hinanap po namin siya hanggang sa dumating po siya dito nang maraming pasa sa katawan."
Mabilis na napatayo si Lucas sa kinauupuan. Si Haya ang pinaka-kasundo niya sa kan'yang mga pinsan. Palibhasa'y kasama niya ito sa ibang bansa at wala siyang kapatid na babae kaya ito na ang tinuturing niyang bunsong kapatid.
"Nasaan sila?" pag-uulit niya ng tanong.
"Nasa himpilan po ng pulis." Mabilis na tinahak ni Lucas ang pintuan palabas.
"Sir! Ang pitaka n'yo po."
Hindi niya na pinansin ang sinabi ng katulong. Dali-dali siyang nagpahatid sa driver na naroon patungo sa himpilan ng pulis.
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Ang hirap magdesisyon kapag hindi umaayon sa'yo ang sitwasyon."Ipa-kidnap na lang natin si Arim. May kakilala ako'ng sindikato," seryosong saad ni Maris na ikinairap ni Lera.Bakit nga ba siya nagtatanong pa ng payo dito? Wala naman siyang makuhang matinong sagot.Kinuha niya ang bag at handa nang umalis sa opisina. Uuwi siya sa mansyon nila sa Sta. Ignacia, kagaya ng kondisyon na ibinigay niya sa anak. Mananatili sila sa Pilipinas kasama si Lucas ngunit doon sila maninirahan."Bye! Hoping for a comeback!"Naiiling na iniwan niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ba ito pumapanig. Isa pa'y wala naman balikan na mangyayari dahil walang nakikipagbalikan. Ang kanilang pagsasama ngayon ay para na lamang sa bata. Sa mga susunod na araw ay binabalak niya nang kumbinsihin ang anak at ipaunawa dito ang magiging set-up nila ni Lucas bilang magulang. Ipapaliwanag niya na hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bubong."Mabuti naman kung hindi n
"Ikaw ang haligi ng tahanan. Keep your family in the loop. You are their protector. There is no reason to give up. Alam ko naman na hindi ka susuko, but I just wanted to remind you that dad didn't raise us to be ungentleman. Harapin mo ang problema mo. Bawiin mo ang pamilya mo. Ako na ang bahala kay mommy."Ang mga sinabi ng kan'yang kapatid na si Dominic ang nagpapalakas sa loob ni Lucas.Isang araw ang nilaan niya upang bigyan ng lakas ang sarili. Hindi biro ang sakit na ibinigay niya kay Lera. Hindi niya alam kung mayroon ba'ng kapatawaran iyon, subalit nais niyang subukan.Hindi niya susukuan ang taong kan'yang mahal."Lera, this is Lucas." Matapos ang higit isang buwan na hindi ito nakakausap ay hiningi niya kay Mikoy ang bagong numero nito."Please, not now Lucas. Nawawala ang anak natin." Gusto niyang ngumiti nang marinig ang salitang 'natin'. Mayroon pa din silang koneksyon. Subalit, pinili niyang hindi ituloy ang pagngiti nang
Matagal nang naka-plano sa isipan ni Lera na sarilinin si Arim. Ngayong kasama niya na ang anak akala niyang buo ang kasiyahan na kan'yang madarama. Hindi pala. Mayroong pa din kulang. Alam niya kung sino, pero alam niya din na hindi maaari."Ako na ang bahala sa kompanya. I'll report to you everything," ani Peter."Kami na din ang bahala kay Nanay Nora at Mikoy," dagdag ni Maris. Pinili niyang huwag na munang isama ang ina upang may makasama ang bunsong kapatid."Thank you." Nagpaalam siya sa dalawa nang umalis na ito.Iginala niya ang mata sa kabuuan ng lugar. Dalawang palapag na bahay ang kanilang nirentahan. Sa taas ay may dalawang kwarto at sa ibaba naman ang salas at kusina. Hindi ganoon kalaki subalit sapat na para sa kanilang dalawa ng anak. Pansamantala lang naman ito dahil sa susunod na buwan ay baka makaalis na din sila ng bansa kasama ang ina.Inihanda niya ang lahat ng kailangan sa ibang bansa para sa sana ay pag-alis nila,