Maaga pa ngunit nakabihis na si Lera. Hindi niya alam kung totoong maglilibot sila ni Lucas sa farm ngayon. Gayunpaman, may plano siyang bisitahin ang anak kaya magkikita pa din sila ng lalaki sa araw na ito.
"Kailan ba namin pwedeng makita at mabisita ang apo ko?"
Kasabay ni Lera ang ina at kapatid, na si Mikoy, sa agahan. Si Maris ay tulog na tulog pa dahil sobra itong nalasing kagabi.
"Oo nga ate. Miss na miss na namin si Arim."
Malungkot na napangiti si Lera. Kung siya nga na nakakasama ang anak ay namimiss pa din ito sa tuwing umuuwi siya, paano pa kaya ang kan'yang pamilya.
Matapos kumain ay nagmaneho siya patungo sa condo unit ni Lucas.
Kumatok siya sa pintuan.
Bumukas ito subalit hindi niya inaasahan ang bubungad sa kan'ya.
Napaatras siya ng isang hakbang nang lumantad ang walang pang-itaas na si Lucas.
"Ang aga mo." Wala sa sariling saad ni Lucas. Huli na para mapagtanto niyang natulala sa kan'yang katawan
Alas-onse y medya nang tanghali nang magkan'ya-kan'yang takbuhan ang mga bata patungo sa kantina upang kumain nang pananghalian. Break time nila mula sa klase kabilang na si Arim.Sa pagmamadali niya upang makasabay ang kan'yang mga kamag-aral ay hindi niya namalayan na lumuwag ang pagkakatali ng sintas ng kan'yang sapatos. Naapakan niya ito dahilan upang mapatid siya."Arim!" sigaw ni Chesca nang makita ang nangyari.Mag-isang bumangon si Arim. Pinagpagan niya ang tuhod na nagkaroon ng kaunting galos. Hindi niya iyon ininda at pilit na sinintas ang sapatos. Lumuwag pa din iyon nang magsimula na siyang maglakad patungo sa kantina kung nasaan ang mga pinsan kasunod si Chesca."Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ng kan'yang Tita, nanay ni Chesca."Nadapa po 'yan mommy. Hindi nag-iingat," sumbong ni Chesca.Wala ang kan'yang yaya upang umasikaso sa kan'ya. Ang kan'yang tita naman ay abala sa pag-asikaso sa kan'yang mga pinsan."Wow! Thank yo
Nagtatanong na mga tingin ang ipinupukol ni Arim kay Lera at Lucas sa hapag dahilan upang hindi makakain nang maayos ang dalawa."Kumain ka na anak, may pasok ka pa," maotoridad na sabi ni Lucas sa bata.Iniabot ni Lera ang gatas dito, kasabay ng kape ni Lucas. Dahan-dahan na lumingon ang lalaki. Animo'y nagtataka sa ginawa nito.Matapos ang higit tatlong taon ngayon lamang siya muling nalanghap ang kape na timpla ni Lera.Sumimsim siya. Mainit iyon, tamang-tama lamang upang maibsan ang lamig na nararamdaman niya ngayong kasabay muli nila ng anak si Lera sa hapag.Nakakapagtakang ang paglapit ni Lera sa kanilang anak ang bumabagabag sa kan'yang isipan subalit hindi niya matukoy kung paano napapanatag ang kan'yang puso sa presensya nito. Katulad na lamang kagabi na sa condo niya ito natulog. Kung iisipin ay dapat siya maging maingat dahil anumang oras ay kayang-kaya nito na makuha si Arim nang sapilitan o hindi niya alam.Subalit heto s
Kung iguguhit ang Sta. Ignacia, mapupuno ito ng berdeng kulay. Bukod sa payak na mga bahay ay mga matatayog na puno at sakahan ang makikita sa lugar. Ito ang dahilan kung bakit namamangha ang mga tao sa tuwing may magpapatayo ng mataas at magandang bahay sa lugar. Katatapos pa lamang ng mansyon ni Lera subalit doon niya na dinala ang anak. May mga gamit na doon kaya walang naging problema ang kanilang pagpapalipas ng gabi. "Arim, gising na." Malaki ang kan'yang ngiti upang salubungin ang pagmulat ng anak. Namamaga ang mga mata nito mula sa pag-iyak. Labis siyang naawa at hindi niya na mabilang kung ilang beses niyang minura si Lucas sa isipan. Hindi man lang nito naisip na matatakot ang anak sa pagtataas nito ng boses. Kung galit sa kan'ya ang lalaki ay dapat hindi na dinamay ang anak. "Uuwi na po ako Tita Lera." Kagabi pa nais umuwi ng bata pero hindi siya pumayag. Hanggang sa ikatulog na iyon ng anak. "Sige, after school pupunt
Walang pagsidlan ang tuwa sa puso ni Lera nang sa wakas ay maalala na siya ng anak. Simula nang tawagin siyang 'mama' nito ay hindi na ito mawalay sa kan'ya. Naging mas madali para sa kan'ya na bumawi sa mga panahon na nawala sa kanila bilang mag-ina."Saan kayo pupunta?" sabat ni Lucas nang makitang kapwa nakabihis ng damit pag-alis si Lera at Arim. Hinikayat niya ang babae na manirahan sa mansyon ng kanilang pamilya sa Sta. Ignacia kaysa sa bago nitong mansyon sa 'di kalayuan."Susunduin ko lang si inay at Mikoy. Ngayon na kasi sila babalik dito sa Sta. Ignacia." Nagkita nang muli ang kan'yang anak at ang lola nito kaya labis ang kagalakan ng pamilya ni Lera.Naalarma si Lucas at dali-daling inubos ang kapeng tinimpla ni Lera para sa kan'ya."Sasama ako," anito."Lucas, huwag na. 'Di ba i-me-meet mo pa 'yong mga bagong supplier natin para sa farm?" Kaswal lang naman ang pagkakasabi ni Lera ngunit para kay Lucas ang dating nito ay nais na masolo s
Bata pa lamang si Lera ay nangangarap na siyang magkaroon ng buong pamilya at payak na buhay, kaya nang isilang niya si Arim nang walang ama ay labis na kalungkutan ang naramdaman niya para sa bata."Mrs. Valle?" tawag sa kan'ya ng matandang guro na sumasalubong sa mga kalahok sa family day.Mabilis siyang umiling. Hindi niya masisisi na pagkamalan siya nitong misis ni Lucas, dahil siya ang ina ni Arim."Miss Santillan po," pagtatama niya bago kinuha ang name tag nilang tatlo.Nakangiti siyang sinundan ng tingin si Arim, na hila-hila si Lucas patungo sa mga booth. Kagabi pa sabik ang bata para sa araw na ito kaya masayang-masaya ang puso ni Lera.Ikinabit niya ang name tag sa kan'yang puting polo-shirt na napili nilang maging kulay bilang pamilya sa event ngayon.Patakbo siyang lumapit sa dalawa."Mama! Magpa-picture po tayo doon!" pag-aaya sa kan'ya ng anak habang itinuturo ang isang photo booth.Iniabot ni Lera ang name
“Ipinapaalala ko lang po sainyo Ginang Juana, ako ang nagbayad ng mga utang ninyo kaya nga nagkalakas ka ng loob para umuwi ng Pilipinas.”Batid ni Lucas ang namumuong tensyon sa pagitan ng kan’yang ina at ni Lera. Ibinigay niya sa katulong ang tulog ng si Arim. Bahagya niyang pinandilatan ng mata si Lera. Hindi niya nagugustuhan na sumagot pa ito sa kan’yang ina.“Mom, Lera’s here for Arim,” saad niya.Pagak na tumawa ang ginang. Wala talaga itong utang na loob. Hindi kayang magpakumbaba kailanman.“Sinasabi ko na nga ba, nagkunwari ka pa na nais mong tulungan ang mga magsasaka dito sa Sta. Ignacia pero ang totoo nais mo lamang na malugmok kami upang walang kahirap-hirap mong mabawi ang aking apo.”Gustong palakpakan ni Lera si Ginang Juana, masama talaga ang tumatakbo sa utak nito dahil maging ang kan’yang plano ay nahulaan nito.“Hindi po ako kagaya ninyo na sinasamantala a
Isinantabi ni Lera ang bigat ng kan’yang loob nang marinig ang boses ni Ginang Juana sa hapag kainan. Ipinagpatuloy niya ang pagtimpla ng kape ni Lucas at gatas ni Arim.“Ito na ang gatas mo baby Arim.”Bumusangot si Arim nang marinig ang tinawag sa kan’ya ng ina. Nagkamot ito ng ulo.“Mama, hindi na po ako baby. Big boy na po ako.”Nagkatinginan si Lera at Lucas. Sabay pa silang napangiti nang marinig ang sinabi ng anak, maliban kay Ginang Juana na hindi maitimpla ang mukha.“Don’t grow up too fast, Arim,” sabi ni Lucas na sinalinan pa ng pagkain ang anak sa plato.Ipinagpapasalamat niyang narito ang anak kun’di ay magiging mabigat ang hangin sa pagitan ni Lera at ng kan’yang ina.“You’re always my baby boy, Arim.” Matapos sabihin iyon ay inilapag ni Lera ang tasa ng kape sa harapan ni Lucas. Hindi ito ang unang beses na ipinagtimpla siya nito ng kape
Walang kasing-saya ang mabuhay sa mundo nang hindi nakakaramdam ng negatibong emosyon. Gayunpaman, parte na ng ating mga buhay ang masaktan, malungkot, matakot, at magalit, pero nakadepende sa’yo kung paano mabubuhay na kaakibat ang mga ito. Pipiliin mo ba’ng sanayin ang sarili o gagawa ka ng paraan para mawala ang bagay na nagdudulot sa’yo ng mga pakiramdam na ito?“Getting rid of the things that keep you hurting is the only way to be truly happy.”Ang sinabing ito ni Maris ay paulit-ulit na pinapakinggan ni Lera sa kan’yang isipan habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Lucas na mag-park sa loob ng university campus.Binitiwan niya si Arim nang tumakbo ito patungo kay Lucas. Naglakad siya sunod dito.Ang mga ginawa noon ni Lucas at Ginang Juana sa kanilang pamilya ay patuloy na nagdudulot ng sakit at galit sa kan’ya sa tuwing nakikita ang mag-ina.Masaya siya, oo, dahil kasama niya na ang anak, subalit hindi