Share

Kabanata 2

Author: MeteorComets
last update publish date: 2026-02-23 14:25:38

PAAAAAK! Isang malakas na sampal ang sumalubong sakin nang makauwi ako samin.

“Anong ginawa mo?” Sabay duro sakin ni tito. Galit na galit.

“Bakit ka nakipaghiwalay kay Raizen? Nababaliw ka na ba?”

Hindi ako makasagot dahil totoo ang sinabi niya. Nakipaghiwalay na ako sa lalaking yun.

“Hindi ba malinaw ang inutos ko sayo kahapon?”

Kumuyom ang kamao ko. “Na ano po tito? Na akitin siya ng sa ganoon hindi niya ako iwan?”

Si tito Hunk at tita Irish ang nagpalaki sakin mula ng mamatay ang magulang ko kaya utang ko ang buhay ko sa kanila.

Pero no’ng tumuntong ako sa saktong taong gulang, doon ko namalayan that they only see me as a mere tool for business expansion through marriage alliance.

That’s why na-engage ako kay Raizen Rozanov.

“Is that too much Klare? He’s your fiancé! Ano naman kung may mangyari sa inyo bago ang kasal?”

So gusto nga niya akong ibugaw.

Gusto kong matawa. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito mula sa kaniya.

“Hindi ako bugaw, tito.”

Halos malukot ang mukha niya. “Bugaw? I only ask you to please him. At kung may mangyari sa inyo, ano naman? Doon rin naman ang punta niyo!”

Alam ba niya anong kalokohan ang ginagawa no’ng Raizen na yun?

“Tito, that man is-”

“Klare!”

Sinapawan ako ni tita Irish. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.

“Klare, you know what’s happening to our company. Alam mong kailangan natin ang marriage alliance na ito para hindi tayo mabunkrupt.”

“Pero tita, Raizen cheated. Hindi ko kayang pakasalan ang kagaya niya.”

Kapatid ni mama si tita Irish at umaasa akong maiintindihan niya ko.

“But Klare, we need his family’s wealth and influence. Without him, mawawala ang lahat ng satin.”

“But tita,” halos magmakaawa ako dahil ayoko na talagang balikan si Raizen. Sobra ang ginawa niya.

“How about Lanny, your cousin… He’s so young, Klare. Anong buhay ang mabibigay namin sa kaniya ng tito mo kung mawala na itong kumpanya natin?”

Natigilan ako.

Lanny is close to me and I love him so much.

Ayoko ring makitang mahirapan siya oras mawala ang kumpanya.

“Please Klare… alam mong wala ng ibang paraan para masalba ang kumpanya natin.”

Mariin akong napapikit. What choice do I have?

Kahit labag sa kalooban ko, unti-unti akong tumango.

Umaliwalas ang mukha ni tita at niyakap ako. “Thank you, Klare.”

At tumikhim naman si tito Hunk sa tabi.

“Klare, fix this mess. Ayokong umabot sa ama ni Raizen itong ginawa mo. We cannot afford to offend them.” Sabi niya bago umalis.

Si tita naman ay hinawakan ako sa pisngi ko.

“I am proud of you. And I'm sure magiging proud rin ang mama mo sayo at lumaki kang mabait at masunurin."

Ang bigat ng loob ko. I'm not sure kung proud ba talaga si mama sakin sa gagawin ko.

"Excuse me tita, magpapahinga lang po ako."

Umalis na ako at nagpunta sa kwarto ko, then nakita ko si Lanny sa ibabaw ng kama at naglalaro.

He's probably waiting for me.

“Ate!”

Ngumiti ako, lumapit sa kaniya at niyakap siya.

Kitang kita sa mukha niya na tuwang tuwa siya na makita ako.

“Ate, bakit wala ka sa room mo kanina?”

“Nagsleepover kasi si ate sa friends niya.” Palusot ko at alam kong magtatampo siya kasi hindi ko siya isinama.

“Bakit hindi mo ko sinama?”

Natawa ako at inupo siya sa lap ko. “Kasi baby ka pa at bawal.”

“Big boy na kaya ako ate!”

Napatitig ako sa kaniya when he’s pouting at narealize na tama ang sinabi ni tita.

Bata pa si Lanny at hindi ko maatim tignan na nahihirapan siya dahil sa makasariling desisyon ko.

Gusto ko siyang bigyan rin ng magandang buhay. Gusto kong makapag-aral siya sa private school, makakakain ng masarap at makuha ang mga laruan na gusto niya.

Kung mawawala ang family business namin, imposible na yung mangyari.

Somehow, parang nagkaroon ako ng lakas ng loob para kalimutan ang sarili at pride ko.

Kung itong sakripisyo ko ang makapagbibigay ng maayos na buhay dito kay Lanny then kaya kong makipagbalikan kay Raizen at kalimutan ang ginawa niya.

“Lanny, puntahan mo muna ang mama mo.”

“Huh? Why?”

“Kasi busy si ate. May gagawin ako ngayon.”

“I can help ate…”

Umiling ako. “Aalis ako at hindi ka pwedeng sumama. Bawi nalang si ate sayo sa susunod ah?”

Tinulak ko na siya palabas ng room ko kahit na ayaw niyang umalis at saka nagmamadali akong maligo dahil hahanapin ko si Raizen.

I stalk his social media account and I found him at Ivory Stallion Ranch with his circle of friends.

Nagpunta ako agad doon, wearing only a white t-shirt and simple jeans then backpack na may lamang spare clothes.

I paid for my entrance f*e na sobrang mahal.

I went to my cabin first para iwan ang backpack na dala ko at saka ko hinanap si Raizen.

Dahil sa myday niya e naka-feature ang isang ilog, iyon ang una kong hinanap.

I told to myself na lulunukin ko ang pride ko, na makikipagbalikan ako sa kaniya pero nang makita ko siya, mas lalo lang sumiklab ang galit ko.

I saw him with a girl on his lap and they are kissing habang yung mga kaibigan niya sa tabi e chini-cheer sila.

His friends knew about me. Yung iba pa sa kanila e nagagawa pang makipag-usap sakin at ngitian ako.

Then, suportado pala nila ang kat@rantaduhan ng kaibigan nila.

Ang kakapal ng mukha.

'Totoo nga yung kasabihan that your boyfriend's friends are not your friends.' Sabi ko sa sarili ko.

Lumapit ako, maintaining my posture. Nang makita ako ng mga kaibigan niya, bigla silang tumahimik.

Nang mapatingin naman si Raiden sakin, namilog sandali ang mata niya ngunit maya-maya lang ay ngumisi ng nakakaloko.

At hinaIikan pa niya ng isang beses yung babae na nasa kandungan niya. Deliberately telling me na hindi siya natatakot kahit na nahuli ko siyang may iba.

Grabeng pambabastos. He's humiliating me in front of his friends.

Kahit iyong babae e ngumisi rin. Hindi man lang siya nagulat sakin, na para bang alam niya kung sino ako sa buhay ni Raizen.

Then his friends, who just went silent earlier cheered again. Tumawa pa yung iba sa kanila.

They are mocking me.

Hindi ko alam paano ko sila haharapin. Kung sasaktan ko ba si Raizen o aalis nalang ako.

Kung mag-iskandalo ako, pati ako ay malalagay sa kahihiyan. Kung aalis naman ako, alam kong pagtatawanan lang nila lalo ako. I wouldn't save my face after this.

At ramdam ko na ang luha ko na nagbabadya ng tumulo.

Their laughters grew even louder too.

Hanggang sa may isang boses ang nagpatigil sa kanila.

"We met again," ang sabi.

Natigilan ako.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at halos manlaki ang mata ko nang makita siya.

Yung gwapong lalaki kagabi.

Si Peres.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 108

    “Natatandaan mo pa ba ako?” tanong ni Arlo. Tumango ako. Ayoko sana magtagal na kausap siya kasi kahit wala si Peres sa tabi ko at hindi niya to nakikita, pakiramdam ko e nagkakasala pa rin ako.“What are you doing here?”“Coffee,” sabi ko at tinuro ang st/rbucks.“I see. You’re with someone?”Umili

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 107

    “Peres, uuwi na ako…” sabi ko sa kaniya nang makitang alas 10 na ng gabi. Hindi ako nag-aalala kay Lanny dahil alam kong kasama niya si tita Martha ngayon.Pero kasi kailangan ko pa ring umuwi dahil may trabaho pa ako bukas.At sa tindi ng yapos niya, mukhang wala yata siyang plano na pakawalan ako.

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 106

    Olie pouted her lips. “I know it’s not good but kasalanan mo rin kasi. You’ve been hiding her from us. Bakit hindi mo siya isinasama kapag may tipon tipon ang barkada? Your friends, including my husband are dying to know her.”Peres scoffed. “Why would I do that? Sigurado akong maghihiganti lang yun

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 105

    Papalit palit ang tingin ko kay Peres at dito sa babaeng sumagot sa tawag ko kanina. I learned that her name is Olie, kababata ni Peres at Floyen.Nasa sofa kami ni Peres at sa harapan namin si tita na katabi ni Olie. Looking at her na sobrang close sa dalawa, parang may kung anong pait akong naramd

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 104

    Ito na siguro ang pinakamabilis na pagpapatakbo ko ng sasakyan. Gusto ko lang makarating kaagad doon sa bahay ng mga magulag niya.I am sure nandoon siya ngayon.Nang marinig ko ang boses ng babae kanina, hindi ako agad nakapasalita. I am too stunned to speak to the point na pinutol nito ang tawag.

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 103

    “Hoy! Ilang buntong hininga na yan.”Napatingin ako kay Precil matapos niya akong kalabitin. “Inaaway ka na naman ba ni Catelyn?” tanong niya. “Hindi pa ba siya nakaka-move on? Isang buwan na mula nasesante si Doc Geo.”Umiling ako. “Hindi siya ang iniisip ko.”“Kung ganoon, sino?”“Si Peres. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status