LOGINMisha’s POV
Paglabas ko sa kuwarto ko, narinig kong umiiyak si Mama. Kagigising ko lang, mukhang problema na naman ang sasalubong sa akin. Tumakbo tuloy ako pababa ng hadan para tignan kung ano nang nangyayari sa ibaba. Baka kasi nag-aaway na sila ni mama. Nahinto ako sa pagbaba sa hagdan nang makita kong pumipirma na naman ng mga papel si papa. Tila isa sa mga natitirang farm namin ay naisanla na naman niya kung kani-kanino. Palala na nang palala ang nangyayari sa mga ari-arian namin.
Pag-alis ng mga taong ‘yon, malungkot na napatingin sa akin ang mga magulang ko.
“Wala na ‘yung mga baboy, kambing, manok, isda, baka at kalabaw sa isang farm natin na pinaka mabenta sa lahat. Nakasanla na rin,” sabi ni mama na parang nagsusumbong sa akin. Sa nangyayari, parang pakiramdam ko ay kasalanan ko ang kamalasang inaabot ng business namin.
“Isa na lang sa mga farm ang hawak natin. At maaaring sa mga susunod na araw o linggo, maisanla na rin natin ‘yon,” sabi sa akin ni papa na tila nahihilam na rin ang mga mata. Pinipilit niyang huwag maiyak. Tinatago niya ang lungkot kaya napapabuntong-hininga tuloy ako.
Bakit kasi ako ang gusto nilang sumagip sa problemang ito? Hindi ba nila alam na hindi madali ‘yung gusto nilang ipagawa sa akin? Bugaw ang tawag sa ginagawa nila. Ginagawa nilang pokpök ang anak nila. Iyon ang naiisip ko sa gusto nilang ipagawa sa akin.
Pero mukhang no choice na rin ako. Alam ko naman na sobra-sobra ang naibigay nilang pagmamahal sa akin. Lahat naman gusto ko ay binibigay nila. Spoiled na spoiled ako sa kanila. Kaya naman oras na rin siguro para bumawi sa kanila. Kaya lang, bakit naman kasi ang hirap nang gusto nilang ipagawa sa akin?
“Kung lalandiin ko ba si Ninong Everett ay papayag ba siya? Papayag ba siyang makipagrelasyon sa inaanak niya? Sige nga, mama, papa?”
Napatayo agad si papa nang itanong ‘yon. “Hindi naman ata siya aware na inaanak ka niya. Saka, katuwaan lang iyon. Magkalapit lang din kayo ng edad kaya hindi naman siguro masagwa na maging kayo. Kung sakaling magkatuluyan nga kayo, magiging maganda pa ang kinabukasan mo. Sa panahon ngayon, binababa na talaga ang pride. Diskarte ang labanan ngayon sa buhay. Saka, malay mo magka-inlove naman kayo sa bandang huli. Masasalba na natin nito ang pagbagsak natin, magkakaroon ka pa ng guwapo at mayaman na asawa.”
Lumapit naman si mama sa akin. Hinawakan ang kamay ko. “Alam ko, iniisip mo na bad influence kaming mga magulang mo. Tama ka naman doon. Hindi tama itong ginagawa namin. Pero, anak, sakaling hindi naman mag-click ‘yan, okay lang. Ang mahalaga sinunod mo naman kami. Pasensya ka na, anak, kung ikaw ang naiipit sa sitwasyon ngayon. Ikaw na lang talaga ang tanging paraan para makabangon tayong muli sa kahirapan na ‘to,” sabi ni mama na seryoso sa sinasabi niya.
“Kung wala talaga tayong mapala diyan, wala na tayong magagawa. Pati itong bahay, baka maisanla na rin natin. Tumira na lang din siguro tayo sa isang maliit na bahay. Kaya naman natin ‘yon ‘di ba?” tanong ni papa sa amin ni mama. Kung papakinggan, nakakalungkot isipin ‘yun. Nasanay ako sa ganitong kalaking bahay, nasanay ako sa mala-princessang laki ng bedroom na may closet room, tapos mauuwi sa maliit. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko kapag nangyari ‘yon? Baka layuan na nila ako kasi malalaman nilang mahirap na ako ngayon.
“Hindi, papa. Hindi ko kaya. Ayokong mangyari ‘yan kaya papayag na ako. Ikaw ang gumawa ng paraan para magkita kami. Bahala na kung ano man ang mangyari,” sagot ko kahit na ang totoo ay hindi ko pa masabi sa kanila na may nangyari na sa amin ng ninong ko. Ang nakakahiya nito ay magkakaharap na kami ulit. Ano nalang ang sasabihin ko kapag nagkita kami ulit? Pero, wala naman kasi akong alam na siya ‘yon. Akala ko talaga si Jake ang ka-sëx ko.
“Anak, Misha, nung isang araw pa kami magkausap ni Everett. Ilang araw na rin kitang pinipilit na makipag-usap sa kaniya kaya sa wakas ay mare-reply-an ko na siya na payag ka nang makipagkita sa kaniya. Ang totoo kasi niyan ay gusto ka rin niyang makausap. Nagtataka nga ako. Parang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkakilala talaga kayo. Alamin mo na rin kung bakit gusto ka niyang makita at makausap,” sabi ni papa na kinagulat ko.
“Gusto niya akong makausap?” paglilinaw ko pa.
“Oo, hindi ka kasi nakikinig sa akin kapag nagsasalita ako. Nung isang araw ko pa sinasabi sa ‘yo na gusto ka niyang makausap,” sagot niya kaya lalo akong kinabahan. Alam ko na agad kung ano ang dahilan kaya gusto niya akong makita at makausap. Sigurado akong tungkol sa pagse-sëx namin ang gusto niyang pag-usapan. Lalo tuloy akong kinabahan nito.
Pagagalitan niya kaya ako? Isusumbong niya kaya ako sa parents ko? Ay, naku, kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko ay magagalit siya. Sino ba naman kasing ninong ang hindi magagalit kapag nalaman niyang ‘yung ka-sëx niya pala nang gabing iyon ay inaanak niya.
Tang-ina talaga. Hindi pa kami nagkikita, pero kumakabog na agad ang dibdib ko ngayon.
Ahva POVKung dati, si Eryx lang ang inaasikaso ko dito sa bahay niya, ngayon may nadagdag na. Oo, pati si Kara, kailangan ko ring intindihin dahil kailangan niya. Ayoko namang si Eryx pa ang mag-alaga sa kaniya, kaya mainam pang ako na lang.Pagbaba ko sa hallway papunta sa guest room, narinig ko agad ang boses ni Amon.“Huy! Ahva! Ang aga mo ah!” sigaw niya mula sa loob, na para bang pag-aari niya na ang buong bahay.Pumasok ako at bumulaga sa akin ang eksenang hindi ko inaasahan. Si Kara, nakaupo sa kama, nakasandal sa malambot na headboard, naka-braid pa ang buhok, si Amon ang nagbraid. Pinag-trip-an daw niya ang buhok nito.Si Amon naman, nakasalampak sa carpet, may hawak na maliit na lalagyan ng moisturizer.“Ahva, tingnan mo!” sabi ni Kara, proud na proud. “Si Amon nakaka-braid pala! Akala ko puro suntukan lang alam nito.”Si Amon, kunwari pa-cool. “Madali lang naman. Nanood lang ako dati sa video at hindi ko inaakalang kaya ko palang magaya.”Napangiti na lang ako, natutuwa ka
Eryx POVNgayong araw, hawak ko na ang sampung alam kong malalakas, walang sugatat pinili kong mga estudyante mula sa mga nasagip namin. Matatangkad, mabilis kumilos at matatalas ang mata. Kung tutuusin, maraming nagpaiwan, pero itong sampung ‘to, ibang klase ang presensya na nakikita ko sa kanila.“Simula ngayon,” sabi ko habang nakasandal ang kamay ko sa likod, “buburahin ko ang kahinaan ninyo. Hindi kayo trainee. Hindi rin kayo basta-bastang apprentice. Sa loob ng ilang araw magiging anino ko kayo.”Tahimik lang silang lahat at walang kumikibo. Minsan, mas gusto ko ‘yung ganoon ‘yung tingin pa lang nila, alam mong desperado talaga silang lumaban.“Handa na po kami, Boss Eryx,” sigaw ng isa.Tumango naman agad ako. “Simulan na natin.”Dinala ko sila sa lumang underground training grounds sa ilalim ng mansiyon ko. Parang maze iyon, puro pader, poste, scaffolding, mga beam at elevated platforms. Madilim, para masanay sila sa natural na kondisyon ng mga assassin.“Rule number one,” sab
Eryx POVMagulo ang umaga ko, pero mas magulo ang isip ko habang nakaupo sa mahabang lamesa sa hall ng mansiyon. Nasa kanan ko si Amon na mas maayos na ang itsura niya ngayon kumpara noong araw na sinagip siya ni Ahva. Sa kaliwa ko naman ay nadoon ang mga kapatid kong sina Sorin, Zuko, pati na rin Ramil, lahat sila ay seryoso, parang mga sundalong naghahanda para sa isang malalang labanan.Habang nasa itaas si Ahva, abala kakalakad sa hallway papunta sa guest room para alagaan si Kara, kami naman ang busy sa pakikipag-usap sa mga estudyanteng nasagip namin. Isang daan sila kahapon, pero ngayon… kalahati na lang ang nakaupo sa harap namin. ‘Yung iba, umuwi na. Hindi ko sila masisisi. Hindi biro ang pinagdaanan nila at hindi lahat ng tao pinanganak para lumaban.Pero itong mga naiwan? Iba ang apoy sa mga mata nila.Huminga ako nang malalim bago nagsimula. “Okay,” sabi ko habang nakasandal sa upuan. “Isa-isa namin kayong kakausapin. Hindi namin kayo pipilitin. Pero kung magpapaiwan kayo,
Ahva POVMag-a-alas nuebe na ng umaga nang tuluyan akong magising, pero pakiramdam ko parang hindi ako natulog. Siguro dahil puyat na puyat at umaga na rin nakatulog kanina.Nasa guest room na si Kara, ayon Kay Eryx. Hindi pa siya malakas tulad ng dati pero at least, may kulay na ‘yung pisngi niya, at medyo nakakatayo na siya nang hindi nanginginig nang sobra. At dahil ayaw niyang magpaalaga kahit kaninong kasambahay namin dito, ako na mismo ang sumalo ng role na iyon dahil nagawa ko na ito sa kaniya noong nasa school pa kami.Pagbukas ko ng pinto ng guest room, una kong naamoy ang malinis na linen at ang mabangong candle na nakabukas ngayon. Malinis, malamig at tahimik ang buong kuwarto, malayo sa takot at ingay ng kulungang pinagdaanan niya ng ilang araw.Nasa kama si Kara, naka-upo, nakabalot sa kumot na kulay beige. Suot niya ‘yung pajama na pinili ko mismo na malambot, warm at pink.“Aba, gising ka na pala,” bati ko, sabay lapit sa kanya.Ngumuso siya. “Kanina pa, nagising na ako
Ahva POV“Hindi ka na babalik sa impyernong ‘yun, Kara,” sabi ko sa kaniya, hindi na ako umalis sa tabi niya para tumigil na siya sa kakaiyak.Maya maya, biglang pumito si Eryx mula sa kabilang side ng parking lot. Nakataas ang kamay nito, nangingitim ang suot na tactical gear, pero bakas pa rin sa mukha niya ang pagiging alerto.“Ahva! Halika rito sandali!” malakas niyang sigaw.Lumapit ako agad. Pagdating ko, hawak niya ang isang maliit na walkie-talkie na galing pa yata sa isa sa mga nasawimpalad na bantay. Nakakunot ang noo niya at kapag ganito si Eryx, ibig sabihin may masama siyang nalamang bago pa namin malaman ang buong problema.“May problema ba?” tanong ko.Tumango siya. “May hinahanap tayong apat pa, ’di ba? Sina Cael, Nyra, Penumbra.”Napalunok ako. “Oo. Bakit?”Pinindot niya ang play button ng radio, at narinig namin ang boses ng isang bantay… humihingal, parang takot na takot.“—ilipat niyo na sila sa Main Facility! Baka ma-trace nila ang underground cell. Ulitin ko, ili
Ahva POVToday is the day. Sa wakas, may pag-asa na kaming makita ulit ang mga kaibigan namin.Narito kami ngayon sa loob ng isang lumang warehouse na ginawa naming temporary base. Lahat kami nakasuot ng dark outfits, tactical gears, at naka-communicator. Si Amon ang pinagmamasdan ko mula sa gilid, nag-i-stretch ng braso, halatang kinakabahan pero mas matatag na siya kumpara noong una naming makita.“Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.Ngumiti siya, payat pa rin pero malakas na ang aura. “Okay na okay kaysa nung unang araw na makita mo akong duguan at mahina.”Napangiti ako. Mabilis ang progreso niya nitong nakaraang linggo. Pinilit namin siyang lumakas—healthy food, supplements, tulog, disiplina at siyempre, training ni Eryx. Kung hindi dahil sa boyfriend kong mafia boss, siguro hindi ganito kabilis ang pagbangon ni Amon. Lahat ng alam ni Eryx, disarming, shadow strikes, silent takedowns—itinuro niya. At ngayon, confident na si Amon sa bawat galaw niya.Narinig ko ang mababang bose







