Guys, phone lang ako nag-a-update ngayon kasi nasira ang laptop ko, medyo asahan niyo na mabagal akong mag-update ah. Kainis. sumabay pa sa pagkasira ngayong pasko ang laptop ko 😭
Everisha’s POVSa mga ordinaryong araw ko bilang CEO ng M&E Cosmetic Company, halos lagi kong nakakayang mag-multitask. Sa dami ng kailangang asikasuhin—meetings, financial reports, at mga bagong produktong kailangang aprubahan—nasasanay na akong mag-manage ng lahat ng iyon nang walang sagabal. Pero ngayon, tila hindi ko magawang mag-concentrate.Habang sinisilip ko ang aking social media account sa pagitan ng isang proposal review, napansin kong may nag-like ng isang lumang litrato ko. Simpleng candid shot iyon na kuha nung nakaraang event sa mansiyom. Pero ang pangalan ng nag-like ang kumuha ng atensyon ko: CD Borromeo.Agad akong naintriga. CD Borromeo? Wala akong ibang kilalang Borromeo maliban kay...“Si Czedric?” bulong ko sa sarili ko habang binubuksan ang profile ng taong ito.Pagbukas ko, nagulat ako. Walang kahit anong post, walang profile picture, walang anumang impormasyon. Parang isang ghost account. Pero ang initials na CD, at ang apelyidong Borromeo ay tila may ibig sab
Czedric’s POVNang dumating ang message ni Everisha sa cellphone ko, napako ako sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit kong binasa ang mga salita niya. “Hi. I noticed you liked my photo. May I ask, are you Czedric Borromeo? Have you come down from Abula-Bula Mountain?”Aksidente lang iyon—isang pagkakamali na tila nagbigay ng daan para makausap ko siya, kahit papaano. Mabuti na lang talaga at hindi ko nilagay ang buong pangalan ko at ng picture ko rin. At least, kahit pa paano ay hindi siya sure na ako nga ito. Pero magaling siya kasi nahulaan niya agad na ako ‘to. Minsan, naiisip ko tuloy na mukhang miss na miss na niya talaga ako. Eh, sino nga bang hindi, ako nga nung makita siya sa event sa bahay nila ay maluha-luha ako sa tuwa kasi sa wakas ay nakita ko na siya ulit.May kakaibang saya sa puso ko. Sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ko inaasahan na magkakaroon pa ako ng pagkakataong maramdaman ito muli—ang koneksyon ko kay Everisha.Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa puwedeng sabihin
Czedric’s POVHabang nagtitipon kami sa mahabang hapag-kainan ng mansiyon, ramdam ko ang init ng samahan. Si Tito Everett ang nagplano ng salo-salo, kasama sina Tita Marie at Tita Jaye, para raw may makasama akong kumain paminsan-minsan. Isang simpleng dahilan, pero alam kong nasa likod noon ang kagustuhan nilang iparamdam na may pamilya pa rin ako kahit wala na sina Mama, Papa at mga kapatid ko. Ayos na nga sana, kaya lang dapat sinasama na nila dito si Everisha. Pero alam kong bawal at ayaw ni Tito Everett na madamay si Everisha sa gulong mayroon ang buhay ko.Masaya ang hapunan—mga kuwento, tawanan, at usapan tungkol sa mga nagiging progreso ko sa training.“So, Czedric,” simula ni Tito Everett habang hinihiwa ang steak sa plato niya. “How’s your stamina training going? Kaya mo na bang maglakad ng tatlong oras straight sa bundok?”Nung ihatid ko kasi si Everisha sa ibaba ng bundok, talagang every one hour at humihinto kami. Mahirap kasi, nakakahingal at sobrang nakakapagod. Lalo na
Everisha’s POVPagkarating ko sa mansiyon, ramdam ko ang pagod mula sa buong araw na pag-judge sa singing contest. Hindi ko naman talaga balak sumali sa ganitong aktibidad, pero nang mag-text ang dati kong kaklase na si Claire, hindi ko siya matanggihan.“Ikaw lang ang naisip kong pinaka-credible," sabi niya. At dahil iyon ang unang beses na may tumawag sa akin na "credible," pumayag na rin ako.Isa pa, nag-donate na rin ako ng mga makeup product ko para sa mga taong mananalo o sa sasali kaya tuwang-tuwa ang kaklase ko.Hindi ko akalaing ang simpleng contest na iyon ang magpapabalik ng isang taong gumugulo sa isip ko nung nakaraan pa.Pagpasok ko sa kuwarto, ibinagsak ko ang bag ko sa gilid at naupo sa kama. Napatingin ako sa malaking salamin sa harap ng vanity table ko. Kakaibang ngiti ang bumungad sa akin—isang ngiti na parang may halong kaba at ligaya.Kanina, habang nasa panel ng judges, nagulat ako nang tawagin ng emcee ang pangalan ng susunod na contestant.“Next contestant, CD
Czedric’s POVMaagang-maaga pa lang, halos hindi ko pa nga naaayos ang sarili ko nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.“Czedric!” Sigaw ni Tito Everett. Galit na galit ang boses niya at ramdam ko agad na may mabigat siyang pakay. Hindi ito ang normal na si Tito Everett na palaging kalmado at maayos magdala ng emosyon.Napamulagat ako at halos mahulog sa kama. "T-Tito? Anong nangyari?" tanong ko kahit alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.“You joined a singing contest?” aniya, na halos bumalot sa buong silid ang boses niya.Napabuntong-hininga ako, hindi alam kung paano magsisimula. Pero bago pa ako makapagsalita, bigla niyang isinara ang pinto at tumayo sa harapan ko.Alam ko na agad, siguro nga ay tama ang hinala ko. Nasabi na agad ni Everisha sa kaniya ang nangyari sa singing contest kagabi.“Do you realize what you’ve done, Czedric? Hindi ba’t malinaw ang sinabi ko? No public appearances. No unnecessary risks. Pero sumali ka sa isang singing contest! Sa public stage pa ta
Czedric’s POVPagod na akong nakaupo sa sulok ng training room habang pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang basang tuwalya. Ramdam ko ang kirot sa bawat kalamnan ng katawan ko, pero alam kong sulit lahat ng hirap na ito.“Good job, Czedric,” ani Tita Marie habang hawak ang training staff. Bumungad siya sa tabi ko at iniabot ang isang bote ng tubig. “You’re getting better. Hindi na kita kayang patumbahin nang ganito kabilis.”Napangiti ako kahit pagod. “Thanks, Tita. But I still have a long way to go.”Umupo siya sa harapan ko habang ang mga mata niya ay seryoso ngunit may halong lambing. “True. Pero hindi lang physical strength ang kailangan mo. You need focus, determination... and sometimes, a little bit of faith in yourself.”Tumango ako, alam kong tama siya. Pero bago pa ako makapagsalita, bigla siyang tumingin sa akin na parang may naisip na bago.lSpeaking of faith,” sabi niya nang nakangisi nang kaunti. “I saw your singing contest video. Ang daming nag-upload ng ganoon.”Natigi
Everisha’s POVNakaupo kami nina Rica, Ada, at Piyel sa sala ng bahay ni Rica, nagkukulitan habang tinatapos ang isang tray ng nachos na kami rin ang naghanda kanina. Tumatawa si Rica habang nagpapakita ng nakakatawang meme sa phone niya, pero ako? Tahimik lang akong nakikinig, nakikiramdam, habang nakasandal sa sofa.“You know what?” biglang sabi ni Rica habang itinataas ang phone niya na parang may naalala. “Have you guys seen the new video of CD Borromeo? My gosh, ang ganda talaga ng boses niya!”Natawa si Piyel habang nagbubukas ng isang soft drink. “Of course, Rica. You’ve been talking about him for days now. Kahit sa social media, hindi ka na natigil sa kaka-share ng videos niya.”Nagkatinginan kami ni Ada, sabay tawa. Alam na alam namin kung gaano kalakas ang crush ni Rica kay CD."Well, hindi mo siya masisisi," sabi ni Ada na nakangisi. “Ang ganda nga naman ng boses. Nakaka-in love pakinggan.”Napatigil si Rica at tumitig kay Ada. “Diba? It makes you wonder... if someone’s voi
Czedric’s POVSa loob ng maraming linggo ng pag-eensayo at pag-aaral ng kung paano lumaban o kung paano magpaka-assassin, handa na akong sumabak sa paghihiganti ko.Sa wakas, ito na ang unang hakbang para mabawi ko ang lahat ng nawala sa akin. Isa-isa kong aalisin ang mga kakampi ng impostor na patuloy na nagpapanggap bilang ako.Ayon kay Tito Everett, ang unang target ko ay si Mark Joseph—isang dating tambay na naging biglaang bilyonaryo matapos ang sampung taon.Sampung taon. Ang parehong panahon na ginugol ko sa paglalagalag sa Abula-Bula Mountain, tinatakasan ang mundo habang pilit na nagtatago, para lang matakasan ang kamatayan ko.Habang nagmamaneho ako papunta sa malaking resort na tinatawag na tahanan ni Mark Joseph, hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng nalaman ko tungkol sa kaniya.Ayon sa background check ni Tito Everett, si Mark Joseph ay isa sa pinakamalapit na kaibigan ng impostor ko. Mula sa pagiging tambay, bigla na lang siyang nagkaroon ng koneksyon sa mga mayayamang
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac