Mishon POVMay kung anong ingay na bumabasag sa katahimikan ng umagang iyon. Medyo may hang-over pa ako dahil sa ilang basong wine na nainom kagabi sa pa-party ni Ada sa mama niya.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, habang pilit na nilalabanan ang antok.Matapos ang announcement ni Ada, bumaha ng mensahe sa phone ko, pero hindi ko na binasa lahat. Gusto ko lang matulog nang mahimbing, pero mukhang hindi iyon mangyayari ngayong umaga. Dapat alas nuebe pa ang gising ko.Napakunot ang noo ko nang mapansin ang ingay mula sa labas. Parang may rally? Demonstration?Pero nang humakbang ako papunta sa terrace ng kuwarto ko, doon ko nakita ang totoong kaguluhan."What the hell…?"Sa harap ng mansyon ko ay napakaraming tao ang nag-aabang—mga lagpas siguro isang daan.May mga banner pang hawak ang iba. May nagsisigawan. May nag-aabot ng mga papel. At may iba na sumisigaw ng pangalan ko?! "Mishon! Come out!" "We love you, Mishon!" "You're so hot! Can I take a picture with you?!" Putang—
Mishon POVMasarap ang merienda kahit nung una ay inisip ko na mukhang hindi maganda ang lasa. Masaya ang kwentuhan. Pero kahit pa gaano kasarap ang pagkaing hinanda ni Ada, hindi ko pa rin makalimutan ang ginagawa ni Verena kanina.Nasa likod lang siya, tahimik pero may pasimpleng panunuya. Alam kong may gustong ipahiwatig ang ginagawa niyang paghehele, pero ayaw kong patulan siya sa harap ni Ada. Kaya nang matapos kaming kumain at biglang nagpaalam si Ada para magbanyo, alam kong pagkakataon ko na ito.Dahan-dahan akong tumayo, naglakad papunta sa sala kung saan naroon si Verena ngayon. Sakto naman na nasa second floor si Sora.Nakahilig siya sa sofa, hawak ang baso ng juice, tila walang pakialam sa mundo. Pero alam kong alam niyang paparating ako. Tumigil ako sa harap niya, saka nagsalita sa mababang boses."You need to stop messing with me, Verena," malamig kong sabi. "Or else, I’ll start messing with you."Napataas ang kilay niya, saka ngumiti nang malapad. Alam kong iniinsulto n
Ada POVHindi ko akalaing darating ang araw na ito.Ang araw kung kailan magiging opisyal na mag-asawa ang aking mga magulang. Sabi ni mama, ikakasal daw dapat sila dati ni papa, magaganap iyon pagkapanganak sa akin, pero dahil pinalabas ni Sora na namatay ako noong baby pa ako para manakaw niya ako, hindi natuloy ang dapat na masayang kasal nila. Pero dahil ang tadha pa rin ang masusunod, talagang sila pa rin sa huli ang magkakatuluyan.Matapos ang mahabang taon na pagiging single ni mama, na puro business at pagpapayaman na lang ang inisip, heto at hindi niya raw inaasahang pagkalipas ng mahabang taon ay ikakasal pa rin siya sa first love niya.Matapos ang lahat ng drama—narito na kami ngayon, sa pinakamagarbong kasal na nasaksihan ko sa buong buhay ko.Dahil ngayong araw, ikakasal na si Mama Franceska kay Papa Ronan.Nung nakaraang linggo nga ay may eksena pa bago ang masayang kasalan na ito. Noong una kasi ay ayaw pumirma ni Sora.Nakita ko kung paano siya humagulgol, halos hindi
Ada POVPagkatapos ng isang marangyang kasal sa Paris, hindi pa rin natatapos ang kasiyahan. Ngayong gabi, sa loob ng aming mansiyon, sinamahan namin ni Mishon sina Mama Franceska at Papa Ronan sa pagbubukas ng kanilang mga regalo.At dahil halos lahat ng bisita ay bigatin—mga supermodels, fashion moguls at high-profile celebrities—inaasahan na naming hindi lang basta mamahalin ang mga regalong natanggap nila, kundi sobrang sosyal at nakakasilaw sa halaga.Nakaupo kami sa malawak na sala ng mansiyon, napapaligiran ng mga malalaking kahon na natatakpan ng mamahaling wrapping paper."Let's see what we got," natatawang sabi ni Papa habang kinukuha ang unang kahon.Si Sora naman ay palihim na patingin-tingin. Halatang naiinggit.Binuksan niya ito at sa loob ay isang exquisite diamond-encrusted Fabergé egg mula sa isang Russian billionaire na kilala sa pagko-collect ng rare artifacts."Damn, this could go straight to a museum," biro ni Mishon kaya natawa kaming lahat. Kahit kasi siya ay na
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala
Mishon POV Sa wakas, dumating na ang araw na maaari ko nang ilabas sa merkado ang mga unang batch ng alak mula sa aking ubasan. Ngunit bago iyon, kailangan ko munang tiyakin na ang lahat ay naaayon sa mga regulasyon ng Pransya. Sa aking pagkaalam, ang mga alak na ibinebenta sa Pransya ay kailangang sumunod sa mga pamantayan ng Institut National de l'Origine et de la Qualité, ang ahensyang responsable sa pagkontrol ng mga produktong may Appellation d'Origine Contrôlée. Maaga akong nagising at agad na tinawagan ang aking assistant na si Marlo upang ipaalam ang mga hakbang na kailangan naming gawin. Magiging busy na ako kasi ito na ang simula ng pag-abot ko sa pangarap ko. "Marlo, kailangan nating tiyakin na ang ating mga alak ay sumusunod sa mga pamantayan ng INAO bago natin ito ilabas sa merkado. Maaari mo bang alamin ang proseso para sa pagsusuri at pag-apruba ng ating mga produkto?" "Opo, Sir Mishon. Agad kong sisimulan ang pag-research tungkol dito at kukunin ang lahat ng kinak
Mishon POVAng pagtayo ng Tani Wine Company sa Paris ay isang pangarap na unti-unting nagiging realidad na ngayon. Matapos makuha ang opisyal na pag-apruba para sa pagbebenta ng aming alak, nagsimula na akong mag-focus sa branding, packaging at sa opisyal na operasyon ng kumpanya ko.Ngayong natapos na ang pagpapatayo ng unang opisyal na opisina malapit sa aming ubasan, oras na upang mag-hire ng mga propesyonal na tutulong sa akin sa pagbuo ng Tani Wine Company bilang isang premium brand.Maagang dumating ang mga bagong empleyado sa opisina at ngayon ay opisyal ko silang sasalubungin bilang CEO nitong Tani Wine Company. Sa isang conference room na may malalaking bintanang tanaw ang vineyard, pinulong ko ang mga key members ng branding at packaging team.“Welcome to Tani Wine Company,” panimula ko habang nakatayo sa harapan nila. “We have worked hard to get to this point, and now we’re taking our wines to the next level. That means exceptional branding, packaging, and presentation. I n
Ada POVAng flower farm ng mama ko ang napili kong lugar para sa pagtuturo ko kung paano lumakad sa runway stage kina Yanna at Verena. Malawak ang espasyo dito, tahimik at presko ang hangin—perfect setting para sa runway training. Isa pa, gusto kong maging mas komportable ang dalawa sa pagmo-model at mas madaling matuto kung relaxed ang paligid.Sa ilalim ng mainit ngunit hindi matinding sikat ng araw, nakatayo sina Yanna at Verena sa gitna ng daan na papunta sa flower garden. Ako naman ay nasa harapan nila, nakapamewang at nakangiti."Alright, ladies. Today, I’m going to teach you different types of runway walks," panimula ko. "It’s not just about walking—it’s about presence, confidence and knowing how to carry yourself."Tumango si Yanna, habang si Verena naman ay may bahagyang ngiti sa labi. Kahit hindi pa siya sanay, kita ko ang excitement sa mga mata niya."First, the classic runway walk," sabi ko at saka ako humakbang paharap. "Keep your shoulders back, your head high, and let y
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d