ANMELDENAng akala niyang perpektong asawa na mahal na mahal siya ay sumiping sa ibang babae. Idagdag pa na ang ina nito ay sobrang ayaw sa kaniya na kung saan ay handa pa siya nitong bayaran para lang hiwalayan niya ang anak nito at nang makita niyang may kasiping na iba ang asawa niya ay doon na tuluyang naubos si Jasmine. Nakipaghiwalay siya rito, not knowing na buntis pala siya. Limang taon ang lumipas at muling nagkrus ang landas nilang dalawa. He became her new boss at doon, muli nitong ginulo ang mundo niya. “She's our daughter right?” his eyes filled with emotion. Ngumiti siya ng mapait. “She's not.” “Jasmine please... Alam kong may nararamdaman ka pa para sa akin.“ Matinding galit ang nararamdaman niya rito dahil sa ginawa nitong pagtataksil, ngunit paano kung hindi naman pala totoo ang lahat ng iyon at isa lang misunderstanding? Will they find their way back to love? Or tatanggapin na lang ang katotohanan na hindi sila para sa isat-isa dahil sa mga hadlang sa pag-iibigan nila?
Mehr anzeigenAlas syete pa lang ng umaga ay naghahanda na sa pagpasok sa paaralan si Jasmine at ang kanyang anak na si Diane. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya nang makitang hindi pa ring ito gumagalaw mula sa kinauupuan. “Anak, suotin mo na ang mga sapatos mo, malelate na tayo niyan e.” sabi niya rito.
Ngumuso ito at pagkatapos ay bigla na lang pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib. “Ayoko! Ayokong pumasok!” sabi nito na may kasama pang pagdadabog.
Muli na lang siyang nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. “Anak naman…” medyo pinalambot niya ang kanyang boses. “Ibibili kita mamaya ng paborito mong chocolate cake kapag pumasok ka.” ngumiti siya rito. “Hindi ba at paborito mo iyon?” biglang naging malambot ang ekspresyon ng kanyang anak. Sa sumunod na sandali pa ay bigla na lang nitong iniayos ang paa.
Hindi na siya nagdalawang isip pa na bilisan ang kanyang mga galaw. Mabilis niyang sinuutan ito ng sapatos pagkatapos ay binuhat niya ito pababa ng bahay. Habang buhat-buhat ang anak ay mabilis niyang inilabas ang kanyang cellphone at idinial ang number ni Sally. Ilang ring lang ay mabilis naman nitong sinagot iyon. “Sally, pwede ba akong humingi ng tulong sayo? Baka kasi malate ako e. Sunduin mo naman ako.” medyo nakikiusap na sabi niya rito.
Mabilis niya namang narinig ang sagot nito mula sa kabilang linya. “Oo naman, ikaw pa ba? Hintayin mo ako. Papunta na ako.” sagot nito sa kaniya at mabilis na ibinaba na ang tawag.
Ilang sandali pa nga ay tuluyan nang dumating ang taxi na tinawag ni SAlly, hindi siya nito nagawang sunduin dahil hindi daw sila parehong pwedeng malate, inihatid na sila sa school kung saan papasok ang kanyang anak. Pagbaba niya ang sasakyan ay kaagad niyang napansin ang bag ng kanyang anak na nakabukas, yumuko siya at akmang isasara na sana ito nang mapansin niyang may nakaharang pala sa zipper ng bag ni Dave kaya hindi ito maisara. Binuksan niya muna ang bag upang iayos ito ngunit halos manlamig ang kanyang katawan nang makita kung ano iyon. Isang larawan.
Halos tumigil ang pagtibok ng kanyang puso nang makita ang lalaking nasa litrato, walang iba kundi si Nathan Cruz.
Hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang anak. Paanong napunta sa bago nito ang larawang iyon? Ang tahip sa kanyang dibdib ay mas lalo pang bumilis. “Anak, saan mo nakuha ang larawang ito?” tanong niya habang nanginginig.
Nakita niyang nagsalubong ang maliit na kilay nito at pagkatapos ay itinuro ang larawang hawak niya. “Sino ba ang lalaking yan Mommy?” tanong sa kaniya ng anak bago napuno ng lungkot ang mga mata nito. “Lahat ng kaklase ko ay may Daddy. Nakita ko yan at gusto ko rin siyang maging Daddy.” sagot nito sa kaniya.
Habang nakatingin sa mukha ng kanyang anak ay bigla na lang kumirot ang puso ni Jasmine ng wala sa oras. Halos limang taon na silang hiwalay ng dati niyang asawa at simula noon ay hindi na sila muling nagkita pa. Nawalan na siya ng balita rito dahil unang-una ay hindi naman niya pinag-interesan ang mga pangyayari sa tungkol sa buhay nito dahil hiwalay na sila. Marahil ay nag-asawa na itong muli at baka masaya na.
Hindi na lamang siya sumagot pa at muling ibinalik ang larawan sa loob ng bag ng anak kahit na may kirot siyang nararamdaman at tuluyang inihatid si Diane hanggang sa classroom nito. Paglabas niya ay halos patakbo siyang sumakay sa taxi. Nagpahintay siya rito dahil alam niyang kung hindi niya iyon gagawin ay baka mahirapan siyang makahanap ng masasakyan niya.
Pagkasakay niya pa lang ng taxi ay bigla ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Sally ang tumatawag. “Jazz, nasaan ka na? Bilisan mo! Hindi ka pwedeng malate ngayon.” may pag-aalalang sabi nito sa kaniya.
Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” bigla siyang kinabahan ng wala sa oras.
“Well, tinawagan lang din ako. Alam mo naman na ngayon darating ang bagong CEO, hindi ba?” tanong nito sa kaniya.
Halos mapamura siya sa loob-loob niya dahil paano nga bang nawala iyon sa isip niya? Oo nga pala. Napakagat labi na lang siya bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. “Oo, papunta na ako.” sabi niya bago tuluyang ibinaba ang tawag.
******
Isang Rolls Royce ang pumarada sa harapan ng gusali at ilang sandali pa ay bumaba ito sa loob ng sasakyan. Nakasuot ito ng kulay itim na suit at mala-diyos ang atake nito habang naglalakad papasok. Ang mga empleyadong naghihintay sa pagdating nito ay hindi nagsalita at nakamasid lang hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa kanila. Dahil sa lakas ng awra nito ay hindi sinasadyang mapayuko silang lahat at wala ni isa ang nangahas na salubingin ang mga mata nito.
Kaagad na sinalubong ng Vice President ang bagong CEO na may ngiti sa mga labi. “Welcome sir Nathan.” magalang na sabi nito. Hindi ito sumagot sa halip ay walang pakialam nitong sinuyod ang mukha ng lahat ng empleyado na naroon.
Bakit parang may kulang yata? Tanong niya sa kanyang isip habang magkasalubong ang kanyang mga kilay. “May meeting hindi ba? Kailangan lahat ng kasali sa meeting ay naroon.” sabi niya rito at tuluyang naglakad patungo sa elevator.
Dahil ito ang gagamit ng elevator, ang ilang empleyado na naroon ay kaagad na nagtakbuhan patungo sa hagdan para umakyat. Pumasok na si Nathan sa loob ng elevator kasama ang ilan at malapit ng sumara ang elevator nang isang sigaw ang umalingawngaw ng wala sa oras. “Sandali lang!”
Sa sobrang pagmamadali ni Jasmine na habulin ang pagsara ng elevator ay natapilok siya ng wala sa oras. Mabuti na lang at may mga bisig na sumalo sa pagbagsak niya. Hindi niya hahayaang malate siya dahil malalagot siya kung sakali.
Napahawak si Jasmine sa dibdib ng lalaking sumalo sa kaniya. Napakatigas ng dibdib nito at bukod pa doon ay naramdaman niya ang pagbalot ng mga kamay nito sa kanyang beywang ng wala sa oras. Ilang sandali pa ay isang tinig ang narinig niya. “Sa tagal nating hindi nagkita, ganyan na ba talaga kalakas ang loob mo ngayon para gawin ang bagay na ito?”
…
PAGKASAKAY ni Jeddah sa sasakyan ay kaagad niyang tinawagan si Jace. “may ginagawa ka ba ngayon? Kailangan ko ng tulong mo. handa akong magbayad kahit na—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lang siya nitong pinutol sa pagsasalita.“Wala, busy ako.” at pagkasabi lang nito iyon ay pinatayan na siya nito ng tawag. Napakunot ang noo ni Jeddah at hindi makapaniwalang napatitig sa kanyang cellphone. Talaga bang tinatanggihan na siya nitong tulungan ngayon?Muli niyang tinawagan ang isa pa ngunit pareho lang ang sagot ng mga ito. Ayaw ba nilang magkaroon ng pera? Talaga bang tinatanggihan na nila ngayon ang grasya?Napasimangot na lang siya at pagkatapos ay itinago ang kanyang cellphone. Hindi nagtagal ay tuluyan nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng napakataas na gusali ng kumpanya ng mga Villanueva. Tuloy-tuloy siyang pumasok at sinabi niya sa front desk ang sadya niya at hind nagtagal, sinamahan na siya ng isa sa mga staff patungo sa pinakamataas na palapag ng g
PINAGHAHAMPAS ni Jasmine ang dibdib ni Nathan dahil sa galit niya. Ngunit hinawakan lang nito ang kanyang mga kamay at mas lalo pang diniinan ang paghalik sa kaniya. Halos maubusan na siya ng hininga nang sa wakas ay binitawan na siya ni Nathan.Hindi niya na nagawa pang umangal ng buhatin siya nito at pinaupo sa mesa. Ilang sandali pa ay bigla na lang siya nitong niyakap. “I’m sorry Jazz…” mahina at halos puno ng pagsisisi na sambit nito. “I am really sorry…” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya.Mas lalo lang tuloy umagos ang luha mula sa kanyang mga mata at mabilis naman nitong pinunasan iyon. “Huwag ka ng umiyak please… papalitan ko na lang ang bracelet mo okay?” Pagkasabi nito iyon ay dinukot nito ang cellphone sa bulsa. May pinindot ito doon kaso ay hindi na niya ito pinansin pa. Tinabig niya ang kamay nito at sinubukang bumaba mula sa mesa. “Pwede ba sir na hayaan niyo muna ako please?” pagkasabi niya nun ay itinulak na niya ito at bumaba siya sa mesa tyaka lumas ng hindi na i
LUMABAs si Nathan pagkatapos ng ilang sandali at mabilis nila itong sinundan ni Sally. Samantalang si Yvonne namay ay nagdala ulit ng panibagong kape sa tatlong nasa conference room noong mga oras na iyon. Habang naglalakad sila ni Sally at pinupuri siya nito dahil sa ginawa niya. Sino nga ba naman ang mag-aakala na gagawin niya iyon hindi ba?Ipinabago sa kaniya ni Nathan ang kontrata na mabilis niya namang ginawa. Pagkatapos niya itong gawin ay bumalik siya s a opisina ng lalaki at sabay-sabay silang tatlo nila Sally na bumalik sa conference room para tuluyang mapirmahan na ang kontrata.Nang matapos ay nagpaalam na rin para umalis sina Mr. Ross at pagkaalis ng mga ito ay kaagad siyang tinawag ng lalaki sa opisina nito. “You did an impressive job there.” hindi niya alam kung ituturing niya ba iyong compliment o ano dahil kung siya ang tatanungin, baka mamaya ay puno lang pala iyon ng panunuya. Baka mapahiya pa siya kung isipin niyang medyo na-amazed nga ito sa pinakita niya.“Do you
PAGKATAPOS ihatid ni Jasmine si Diane ay nagpababa siya kay Vincent sa coffee shop malapit lang sa kanilang kumpanya at bumili ng sandwich at kape para sa kanilang dalawa ni Vincent. Paglabas niya ay inabot niya lang ito rito at mag-isa na siyang naglakad patungo sa kumpanya. Ayaw niyang magkaroon ng kung ano-anong balita kapag nakita sialng magkasama nito.Medyo maaga pa noong dumatiing siya sa kanilang opisina kaya naupo muna siya sa kanyang mesa. Habang nagkakape at kumakain ng sandwich ay binasa niya ang kontrata na iniwan ni Mr. Ross kahapon. Kaagad niyang napansin ang pagkakaiba ng nilalaman ng dalawang kontrata. Ang isa kasi ay nakasulat sa English at ang isa naman ay sa Italian language.Napakunot tuloy ang noo niya ng wala sa oras. Ang nilalaman ng kontrata ay magkaibang magkaiba at tiyak na makakaapekto ito sa kumpanya kapag hindi nakita ni Nathan lalo na at hindi pa nito iyon pinipirmahan. Habang napapaisip ay biglang dumating si Nathan na may hindi maipintang mukha kaya sa
NANATILING nakapako ang mga mata ni Nathan kay Jasmine noong mga oras na iyon. Nakasuot ito ng kulay itim na dress. Ang mapuputi nitong mga balikat ay nakalantad at ang dibdib nito ay bahagyang nakalabas. Tiyak na kaunting galaw lamang nito ay makikita na ang dibdib nito ngunit hindi naman iyon mal
HALOS alas singko y medya na nang hapon nang makabalik si Jasmine sa kumpanya. Ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili niya. Simula kaninang umaga ay hindi pa rin sila nagkita ngayong buong maghapon ng boss niya at ngayon ay kailangan niyang pumunta sa opisina nito kahit na i
MATALIM ang mga matang tiningnan niya si Nathan. “Anong klaseng rules ito?!” hindi niya na napigilan pang mapasigaw. Kahit na boss niya pa ito ay wala na siyang pakialam pa dahil hindi niya akalain na aabot sila sa ganito.Sa halip na sagutin siya ay isang ngiti ang dahan-dahang sumilay sa mga labi
NANG marinig ni Cedric ang pangalan ng lalaki ay hindi siya makapaniwala. Nathan Cruz, siya lang naman ang tycoon na may bilyong ari-arian. Samantala, halos mahulog na mula sa mga paa ni Jasmine ang suot niyang sapatos dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin binibitawan ni Nathan. Nilay


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.