Miro POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay nakaalis na ako sa condo. Naka-motor ako papunta sa beach resort. Mabilis lang ang biyahe, walang gaanong sasakyan sa daan. Habang nagmamaneho ako, iniisip ko na ang mga posibleng mangyari, paano ko sisirain ang tahimik na bakasyon ni Don Vito? Paano ako makakahanap ng impormasyon nang hindi nila napapansin?Pagdating ko sa resort, malayo pa lang ay nakita ko na ang convoy ng sasakyan ni Don Vito. Maraming security, pero hindi iyon magiging hadlang sa akin. Inikot ko ang lugar at naghanap ng puwesto kung saan ako puwedeng mag-observe nang hindi nila napapansin. May isang bahagi ng resort na under renovation, doon ako nagpunta at nagmamasid mula sa mataas na bahagi ng scaffolding.Mula roon, nakita kong may tatlong babae na kasama si Don Vito, mukhang mga high-class escorts. Nagtatawanan sila, habang ang ilang bodyguards ay alerto sa paligid. Ang funny lang talaga ng hayop na tulad ni Don Vito. Kakalibing lang ng asawa niya pero heto, nagp
Samira POVSa kalagitnaan ng gabi, gumalaw ako ng sobrang tahimik. Ang dilim ay naging kakampi ko at ang bawat anino ay nagmistulang panangga sa akin. Tahimik kong ginawa ang sarili kong plano, ang pangalawang hakbang para kay Manang Luz, para mapatalsik na siya. Ito na ang tamang gabi para kumilos ako.Dahan-dahan akong pumasok sa kuwarto ni Don Vito. Ang malakas niyang hilik ang pumuno sa paligid, isang palatandaan na mahimbing ang kaniyang tulog. Lasing siya ng umuwi kanina, badtrip dahil sa mga ginawang panggugulo ni Miro sa bakasyon niya. Akala ko nagsisinungaling lang talaga si Miro, pero totoo nga palang nasira niya ang masaya dapat na bakasyon ni Don Vito, dinig na dinig ko kanina kung gaano siya kagalit kasi hindi nila nakilala o nahuli manlang si Miro. Ibig sabihin, mukhang magaling din si Miro at mas lalong kailangan ko siya para sa labang ito.Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Binuksan ko ang pinto ng kanilang walk-in closet, nandito pa rin ang mga damit at gamit ni Donya R
Samira POVNagising akong bigla sa malakas na sigaw ni Don Vito. Halos sabay-sabay kaming napabangon ng ibang mga kasambahay habang ramdam ang tensyon sa buong mansyon.“Everyone, downstairs! NOW!” sigaw niya mula sa hagdanan na para bang raratratin na kami ng baril.Hindi na namin kailangan pang magtanong. Isa-isang naglabasan ang mga staff mula sa kani-kanilang silid, mabilis na bumaba sa grand staircase kung saan naroon si Don Vito, kasama sina Lolo Lito, Lola Emilia, Sir Vic at Ma’am Via. Nakapamulsa si Sir Vic habang nakataas ang isang kilay at si Ma’am Via naman ay mukhang hindi natuwa na ginising ng ganito kaaga. Pero walang makakapantay sa galit sa mukha ni Don Vito.“Marami sa mga alahas ni Donya Ria ang nawawala!” sigaw niya na dahilan para may ilan sa amin na mapaatras sa kaba.Nagkatinginan kaming lahat. Alam naming hindi kami ang may gawa, pero iba ang takbo ng utak ni Don Vito. Kapag may nawala, siguradong may magbabayad. At sure kong ligtas ang lahat, puwera na lang kay
Samira POVNagising ako nang maaga, gaya ng nakasanayan. Pagkababa ko ng kama, agad akong nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kuwarto. Pagdating ko sa kusina, nakita ko na si Manang Luz, tahimik na naghihiwa ng gulay sa may counter. Ang dating mayabang at feeling may-ari ng mansyon ay tila nawala na. Ngayon, siya na ang laging inuutusan at pinagtatrabahuan ng mabibigat na gawain dito sa bahay.“Manang Luz, pakihugasan mo nga itong mga plato,” utos ni Manang Cora ng nakangiti pero halatang may bahid ng pang-aasar. Binabalik na ni Manang Cora kay Manang Luz kung anong ginagawa nito sa kaniya noon.“Opo,” mahina ang sagot ni Manang Luz na walang reklamo. Bawal siyang umangal, kundi malalagot siya kay Manang Cora. Alam na kasi ni Manang Luz ng patakaran, kapag sumuway sa mayordoma, may karapatan ang mayordoma na manakit, at ang utos na iyon ay galing kay Don vito.Nagpalitan kami ng tingin ni Manang Luciana. Pareho kaming napangiti nang palihim. Ang dating mataray na si Manang Luz, ngayon
Samira POVNagising ako na may bigat sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay nanlata ako nang marinig ko ang balita mula kay Manang Cora na hindi na sa mansiyong ito titira si Don Vito. Ayon sa kaniya, lumipat na raw ito sa bago niyang mansiyon, sa isang lugar na walang sinuman sa amin ang nakakaalam kung nasaan.Simula nang manggulo si Miro, tila napagtanto ni Don Vito na hindi na siya ligtas dito. Kaya siguro nagdesisyon siyang lumipat na. Ginawa niya iyon para sa kanyang kaligtasan, ngunit ito ay naging hadlang para sa aking misyon na iligpit siya. Nakakainis kasi mukhang naging mali pa na inutusan ko si Miro na guluhin ang masaya niyang bakasyon, ngayon, napalayo tuloy ang taong gusto kong patayin.Dahil sa inis, napaupo ako sa gilid ng kama. Ang dahilan pa naman kung bakit ako nandito ay para tapusin siya, para tapusin si Don Vito. Kung alam ko lang na aalis siya, dapat noon pa lang, ginawa ko na ang dapat kong gawin. Sayang ang lahat ng effort ko. Sayang ang bawat segundong ginugugol
Samira POVNang hapon na, paglabas ko ng kuwarto, tumambad sa akin ang nakaupo sa sala na si Lola Emilia. Mag-isa siyang naroon, may hawak na magazine. Nang magtama ang aming mga mata at ngumiti siya. Isang nakakalokong ngiti na naman ang binigay niya sa akin na para bang sabik na naman siyang mang-bully. Tumingin ako sa paligid,wala sina Sir Vic at Ma’am Via. Wala na rin naman dito si Don Vito, ang asawa niyang si Lolo Lito ay wala rin, mukhang nasa casino na naman.Boring ata si Lola Emilia at walang magawa kaya ako ang gusto niyang pag-trip-an, kaya lang ay wala ako sa mood kaya makakatikim siya sa akin.“Samira, make me some tea. No sugar. And make sure the water is boiling,” utos niya habang among-amo ang datingan.Naramdaman kong may binabalak na naman talaga siya. Alam kong hindi iyon simpleng utos lamang. Ngayong wala ako sa mood, lalo na’t umalis na si Don Vito sa mansiyong ito, wala akong balak na magpakumbaba. Hindi ko rin trip na hayaan lang siya, makakatikim siya sa akin
Samira POVNagtipon kaming lahat sa maliit na silid ni Manang Cora. Kasama ko sina Manang Luciana, Manang Luz at ang iba pang mga kasambahay, sina Manang Josie, Manang Percy at Manang Rowena. Ngayong gabi, wala nang atrasan. Alam naming hindi kami maaaring manatili pa sa mansiyon na ito ng matagal kasi nakakasawa na, nasasayang ang buhay ng mga matatandang ito sa wala, kasi wala namang pasahod, buhay nila ang parang nakataya na kung hindi susunod sa kanila, mamamatay sila.Kailangan na naming tumakas. Ngunit bago iyon, kailangang planuhin namin nang maigi ang bawat hakbang.“We can’t just run blindly,” sabi ko sa kanila habang mahina ang boses upang walang makadinig sa amin sa labas. “We need to take care of the outside staff first. The armed guards in the garden, the security personnel loyal to the family, we need to figure out how to get past them.”Nagkatinginan sila habang halatang kinakabahan ngunit gusto na rin talaga nilang makalaya rito.“Paano natin malulusutan ang mga guward
Miro POVMalamig ang hangin nang gabing iyon, ramdam ko pa ang bahagyang hamog na dumadampi sa balat ko habang tahimik akong naglalakad sa madilim na eskinita patungo sa ospital na kung saan ay naroon ang sinabi ni Samira na si Lola Emilia. Nakatago sa loob ng jacket ko ang dalawang armas na ginagamit ko sa ganitong klaseng pag-atake, isang silencer pistol at isang maliit ngunit matalas na kutsilyo na walang iniiwang bakas.Wala akong nararamdamang kaba o kahit kaunting pangamba. Isa lang itong normal na misyon para sa akin. Isang bagay na dapat gawin nang mabilis at malinis. Utos ito ni Samira na kailangan ko sa buhay ko kasi alam kong may malaki siyang matutulong sa akin kaya nag-e-effort ako para tuluyang makuha ang loob niya. Ngayon, ang mission ko ay kailangan kong tapusin si Lola Emilia ngayong gabi.Sa totoo lang, ganti ko na rin ito sa pagpatay ni Don Vito sa mama ko, pero hindi sapat dahil siya mismo ang gusto kong mawala.Pagdating ko sa likuran ng ospital, tumigil ako sanda
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac