Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0625: Season 4 (Chapter 53)

Share

0625: Season 4 (Chapter 53)

last update Last Updated: 2025-03-22 20:05:09

Miro POV

Kakatapos ko lang kausap sa video-call ang mga kaibigan kong sina Zaven, Dristan at Lysander. Nami-miss na raw nila ako, pero dahil kailangan ko munang ring lumayo sa kanila at baka madamay sila sa gulong mangyayari, nagsinungaling na lang ako sa kanila at sinabing na nasa ibang bansa ako ngayon at magtatagal ako rito. Madali namang paniwalain ang mga iyon kaya inisip talaga nila na nasa New york ako.

Nakakalungkot lang talaga na kailangan ko munang iwasana ng mga nakasanayang kong gawin dati. Pero magtitiis muna ako kasi kapag nawala naman na si Don Vito, makakabalik din ako sa dati.

Kakababa ko lang sa cellphone ko at gusto ko sanang matulog muna saglit pero bigla na namang tumunog ang ito. Pagkahawak ko sa cellphone ko, agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Narinig ko agad ang boses ni Manang Cora sa kabilang linya nung sagutin ko ang tawag niya.

“Miro, tila wala sa ulirat si Samira nang umalis siya rito sa hacienda. Hindi namin siya mapigilan. Ayaw din kasing magpapi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
Samira ka dw, bakt mo pinapairal emosyon mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0871: Season 5 (Chapter 154)

    Ahva POVHirap na hirap gumalaw si Nyra nung madala na namin siya sa manisyon. Grabe ang itsura niya. Parang sinaktang mabuti. Ang daming sugat, pasa, at dugo sa katawan niya. Parang pinahirapang mabuti ng mga tauhan ni Giapson. Malayong-malayo ang itsura niya sa dating Nyra na nakasama namin. Hanggang sa manisyon, hindi matigil ang pagtulo ng luha namin nila Kara at Amon. Sobra kaming naawa sa itsura ni Nyra. Sa tingin ko tuloy, isang napakalungkot na kuwento ang nakaabang sa kaniya. Hindi muna kami nagtanong. Ang mahalaga ngayon ay magamot at makapagpahinga siya. Kasi sa itsura niya, parang ilang oras na lang ay mawawala na siya. Siguro, tinadhanang makita na ‘yung hide-out na iyon, kasi kung matatagalan pa, tiyak na bibigay na ang katawan ng kaibigan namin.“Bang, gawin natin ang lahat para maging okay din si Nyra. Grabe ang itsura niya, halos hindi siya makalakad, makagalaw at makapagsalita ng maayos. Kanina, pinilit lang niyang banggitin ang pangalan ko, pero halatang pagod at b

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0870: Season 5 (Chapter 153)

    Ahva’s POVHindi pa sumisikat ang araw nang ipatawag kami ni Eryx. Doon palang sa maagang patawag niya sa amin ay ramdam ko agad na may maganda o masama siyang balita. Hindi kasi normal na magpatawag siya ng meeting ng umagang-umaga. Lalo na’t alam niyang puyat kami nila Amon at Kara dahil nag-movie marathon kami kagabi sa cinema room.Nadatnan kong nakatayo si Eryx sa harap ng mahabang lamesa. Nandoon na rin sina Tito Sorin at Tito Zuko, na seryoso ang mga mukha. Tila masama rin ang bangon sa pagkakahiga dahil sa maagang patawag ni Eryx.Si Amon naman ay katabi ko, tahimik lang din. habang si Kara, naka-cross arms, medyo parang masungit din ang awra kasi nabitin ang tulog.“May nahanap na ulit kami,” bungad ni Eryx nung mapansin niyang handa na kaming makinig sa kaniya.Tila naman nagising ako bigla sa magandang sinabi niya. Ibig sabihin, isa sa mga kaibigan ko ang mapupuntahan na naman namin.“Isa sa mga tinataguan ng mga nadukot na student ang nakita namin,” dugtong ni Tito Sorin.

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0869: Season 5 (Chapter 152)

    Ahva POVMakalipas ang tatlong araw, pakiramdam ko ay nakakahinga na ako nang mas maluwag. Hindi na mukhang hinang-hina si Kara tuwing gumigising siya. Kaninang umaga nga, nagulat na lang ako nang bigla siyang humawak sa balikat ko para lang ipakitang kaya na niyang tumayo nang hindi ako sinasalubong ng hilong parang ipo-ipo na dati niyang reklamo.“Hoy, look,” sabi niya, proud na proud pa, halos nakapamaywang pa habang nakatayo sa tabi ng kama. “I can walk alone na.”Napangiti na lang ako, at hindi ko napigilan ang pag-angat ng dibdib ko sa tuwa. “Eh ‘di wow, malakas ka na nga talaga ulit,” puri ko, sabay kurot nang mahina sa pisngi niya. “Pero huwag ka munang magmalakas-lakasan masyado. Baka mamaya bigla kang sumubsob sa sahig, chill lang muna hanggang lumakas ka na talaga ng tuluyan.”Kumunot ang ilong niya pero tumawa rin. “Hindi na ako ganoon kahina. Masarap kasi pagkain dito. Tsaka—” tumingin siya saglit sa hallway kung nasaan ang iba— “mas safe dito. Sabi nga ng parents ko, dit

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0868: Season 5 (Chapter 151)

    Ahva POVKung dati, si Eryx lang ang inaasikaso ko dito sa bahay niya, ngayon may nadagdag na. Oo, pati si Kara, kailangan ko ring intindihin dahil kailangan niya. Ayoko namang si Eryx pa ang mag-alaga sa kaniya, kaya mainam pang ako na lang.Pagbaba ko sa hallway papunta sa guest room, narinig ko agad ang boses ni Amon.“Huy! Ahva! Ang aga mo ah!” sigaw niya mula sa loob, na para bang pag-aari niya na ang buong bahay.Pumasok ako at bumulaga sa akin ang eksenang hindi ko inaasahan. Si Kara, nakaupo sa kama, nakasandal sa malambot na headboard, naka-braid pa ang buhok, si Amon ang nagbraid. Pinag-trip-an daw niya ang buhok nito.Si Amon naman, nakasalampak sa carpet, may hawak na maliit na lalagyan ng moisturizer.“Ahva, tingnan mo!” sabi ni Kara, proud na proud. “Si Amon nakaka-braid pala! Akala ko puro suntukan lang alam nito.”Si Amon, kunwari pa-cool. “Madali lang naman. Nanood lang ako dati sa video at hindi ko inaakalang kaya ko palang magaya.”Napangiti na lang ako, natutuwa ka

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0867: Season 5 (Chapter 150)

    Eryx POVNgayong araw, hawak ko na ang sampung alam kong malalakas, walang sugatat pinili kong mga estudyante mula sa mga nasagip namin. Matatangkad, mabilis kumilos at matatalas ang mata. Kung tutuusin, maraming nagpaiwan, pero itong sampung ‘to, ibang klase ang presensya na nakikita ko sa kanila.“Simula ngayon,” sabi ko habang nakasandal ang kamay ko sa likod, “buburahin ko ang kahinaan ninyo. Hindi kayo trainee. Hindi rin kayo basta-bastang apprentice. Sa loob ng ilang araw magiging anino ko kayo.”Tahimik lang silang lahat at walang kumikibo. Minsan, mas gusto ko ‘yung ganoon ‘yung tingin pa lang nila, alam mong desperado talaga silang lumaban.“Handa na po kami, Boss Eryx,” sigaw ng isa.Tumango naman agad ako. “Simulan na natin.”Dinala ko sila sa lumang underground training grounds sa ilalim ng mansiyon ko. Parang maze iyon, puro pader, poste, scaffolding, mga beam at elevated platforms. Madilim, para masanay sila sa natural na kondisyon ng mga assassin.“Rule number one,” sab

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0866: Season 5 (Chapter 149)

    Eryx POVMagulo ang umaga ko, pero mas magulo ang isip ko habang nakaupo sa mahabang lamesa sa hall ng mansiyon. Nasa kanan ko si Amon na mas maayos na ang itsura niya ngayon kumpara noong araw na sinagip siya ni Ahva. Sa kaliwa ko naman ay nadoon ang mga kapatid kong sina Sorin, Zuko, pati na rin Ramil, lahat sila ay seryoso, parang mga sundalong naghahanda para sa isang malalang labanan.Habang nasa itaas si Ahva, abala kakalakad sa hallway papunta sa guest room para alagaan si Kara, kami naman ang busy sa pakikipag-usap sa mga estudyanteng nasagip namin. Isang daan sila kahapon, pero ngayon… kalahati na lang ang nakaupo sa harap namin. ‘Yung iba, umuwi na. Hindi ko sila masisisi. Hindi biro ang pinagdaanan nila at hindi lahat ng tao pinanganak para lumaban.Pero itong mga naiwan? Iba ang apoy sa mga mata nila.Huminga ako nang malalim bago nagsimula. “Okay,” sabi ko habang nakasandal sa upuan. “Isa-isa namin kayong kakausapin. Hindi namin kayo pipilitin. Pero kung magpapaiwan kayo,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status