Miro POVSa harap ng malawak na mansiyon ni Don Vito, napatigil ako nang makita ko ang isang nakatayong tao sa dilim. Sure akong isa itong babaeng nakabonnet habang punong-puno ng dugo ang katawan at damit. Kilala ko ang kilos niya, ang paraan ng paglalakad niya at ang buhok nito. Walang duda, si Samira iyon.“Damn it, Samira,” bulong ko sa sarili ko habang binabantayan ang bawat galaw niya.Sakto namang paalis na siya doon nang biglang may humintong dalawang malaking van sa harapan ng gate. Agad akong kumilos at itinaas ang kamay bilang hudyat sa mga tauhan ko.“Move!” sigaw ko at agad silang sumugod.Nagpalitan ng putok ang magkabilang panig. Ang mga bala, parang ulan sa gitna ng digmaan, pati ang mga kapitbahay ay nabulabog, ang ilan ay halos napadungaw sa bintana.Pero tila wala itong epekto kay Samira. Kahit mas marami ang kalaban, nagawa pa rin niyang mapatumba ang ilan. Agad na tuloy akong sumugod palapit sa kanya habang pilit siyang inilalayo sa labanan.“Samira! Let’s go!” s
Samira POVHabang dumadaloy ang maligamgam na tubig sa aking balat, paulit-ulit akong napapailing.“What the hell was that, Samira?” bulong ko sa sarili habang sinasabon ang aking braso.Napapikit ako at napailing nang pauli-ulit. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin kanina para halikan si Miro, buwisit, hindi lang basta halik, tinukso ko pa siya! Ngayon, paano ko siya haharapin bukas? Nakakahiya talaga ang ginawa ko. Mafia boss pa naman na siya at boss ko nga pala tapos ginanoon ko siya.Siya naman kasi, panay ang sermon, nakukulili na ang tenga ko kaya iyon ang naisip kong paraan para mapatigil siya.Napahawak ako sa noo at napahinga nang malalim. Hindi puwede ‘to. Kailangan ko siyang harapin na parang walang nangyari. Ako pa ba? Isang halik lang ang makakagulo sa isip ko? Hindi ko hahayaang makita ni Miro na apektado ako. Hindi ko rin hahayaang isipin niyang may ibig sabihin ang ginawa ko.Pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang skincare products na binigay niya sa akin noong isan
Samira POVHindi ko akalain na ang unang araw ng parusa ko ay magiging ganito. Pagkagising ko pa lang, para na akong nagising sa isang bangungot. Nakaatang sa balikat ko ang pagiging personal assistant ni Miro. Ito na nga ang napala ko sa pagsugod kong mag-isa at sa pagpatay ko kay Lolo Lito.“Samira, I want my coffee. Black, no sugar. And don’t make me wait.” Ang mayabang niyang utos sa akin, habang nakaupo sa malaking sofa sa sala, hindi man lang lumingon sa akin dahil abala sa pagbubukas ng mga report. Mafia boss na mafia boss na talaga ang atake niya.Napangiwi ako pero agad ding naglakad papunta sa kusina para gawin ang inuutos niya.“Hindi naman ako barista dito,” pabulong kong reklamo habang hinahanap ang coffee beans. Alam kong may CCTV ang buong bahay kaya hindi ako puwedeng gumawa ng kahit anong milagro sa kape niya. Gusto ko pa naman sanang duraan o lagyan ng sili para makaganti manlang sa kaniya.Nang matapos ko itong gawin, dinala ko sa kaniya ang mug.Miro took a sip and
Samira POVKailan ba matatapos ang parusang ito?Muli kong ini-angat ang tray na may lamang isang baso ng fresh orange juice, isang piraso ng lemon slice sa gilid at isang kulay asul na straw na hindi ko maintindihan kung bakit kailangang may ganoon pa. Nababaliw na ata itong Miro na ito.“Sir, here’s your juice,” sabi ko habang pilit ang ngiti ko. Pero deep inside, gusto ko nang itapon sa dagat ‘tong juice na ‘to.Miro glanced at me from his lounge chair, nakasuot pa ng shades at nakataas ang isang kilay. “Did I ask for orange juice?”Nanlaki ang mata ko. “Uh... yes?”Tinaas niya ang baso at tiningnan ito na parang may lason. “I asked for mango juice. Where’s the mango juice, Samira?”Napangiwi ako. Gusto ko na lang talagang balibagin ng unan ang amo kong ‘to. Pero siyempre, bilang isang personal assistant kuno, hindi ako puwedeng magreklamo.“I’ll get it, sir,” sagot ko habang pigil na naman ang inis.Pagbalik ko sa mini-bar ng yate, napapikit ako ng madiin. Okay, Samira. Konting ti
Samira POVPagkarating namin sa private island, agad akong napanganga. Para itong maliit na Boracay, isang magandang paraiso sa gitna ng dagat. Puti at pino ang buhangin, malinaw ang tubig at napapalibutan ito ng matatayog na puno ng niyog. Hindi ako makapaniwala na si Miro ang may-ari nito. Talaga namang grabeng yaman ang iniwan sa kaniya ng mama niyang mafia boss din dati.Sa gitna ng ganda ng isla, nakita ko kung paano abala ang mga tauhan ni Miro rito. May ilang nagbubuhat ng crates ng armas, may nag-aassemble ng baril, at may nagta-test fire ng mga bagong gawa nilang bala. Hindi ito ilegal, dahil may lisensya ang kumpanyang ito. Ganito kalakas ang koneksyon ng yumaong ina ni Miro. Isang underground empire na legal sa papel, pero alam mong may bahid ng peligro.“Impressive,” bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang isang lalaking nagkakabit ng scope sa isang sniper rifle.“You like what you see?” tanong ni Miro habang nakatayo sa tabi ko, nakapamulsa habang nakangisi na parang
Samira POVUmagang-umaga pa lang, ramdam ko na agad ang init ng araw sa balat ko. Nakatayo ako sa gilid ng villa, naka-cross arms habang pinapanood ang amo kong si Miro na nagtatampisaw sa dagat na parang walang ibang problema sa mundo.Samantalang ako, heto, tuloy ang pagiging alipin.“Samira, where’s my barbecue?”Napapikit ako ng mariin. Aba, ako pa talaga ang tinawag niyang human barbecue stand. Habang tumatagal ay parang enjoy na rin niya ang pag-uutos sa akin. Pero hindi bale, kumikita naman ako. Oo, may sahod ito kaya iyon nalang ang iisipin ko para hindi ako masyadong mapikon sa kaniya.“It’s coming, boss,” sagot ko na habang pilit na ngiti ang nilalabas ko sa mga labi ko, habang iniihaw ang manok at baboy sa isang makeshift grill na pinagawan niya sa akin. Kasabay ng usok ng iniihaw ko, unti-unting tumataas ang temperatura ng dugo ko sa kakautos niya.Ang sabi ko, hindi na ako mapipikon pero hindi mo pa rin pala talaga maiwasang mapikon, lalo na’t parang ayaw manlang niya ako
Samira POVSa wakas! Last day na ng pagiging alipin ko. Hindi ko akalain na makakaligtas ako nang buhay sa limang araw ng utos, utos, at utos ni Miro. Pero iba ang vibe niya ngayon. Wala ang usual niyang nakakatakot na aura na parang gusto akong gilingin at gawing sawdust. Medyo good mood siya. Kaya imbes na every five minutes siyang mag-utos, ngayon kada oras na lang. Aba, progress na rin ‘yon! At kahit pa paano rin ay nakakaupo at nakakapag-cellphone ako para kumustahin ang mga manang sa hacienda.“Samira, bring me some coffee.”“Samira, wipe the table.”“Samira, fix my hair.”“Samira, say Yes, boss after every command.”Napahinto ako. “Excuse me?!”Miro smirked. “You didn’t say Yes, boss.”Napairap na lang ako pero sumunod pa rin. Kasi hello? Huling araw ko na. Titiis-tiis na lang. “Yes, boss.”Pero nang matapos ang pang-anim na utos niya which was to make him a sandwich na hindi ko naman alam kung gusto niya ng peanut butter o tuna, bigla niya akong tinawag.“Let’s go.”“Saan?”“F
Miro POVNasa harap kami ng beach ngayon ni Samira, kumakain ng seafood lunch habang tanaw ang malawak na dagat. Ang hangin ay banayad at ang araw ay hindi gaanong mainit. Tahimik siyang kumakain, pero alam kong lagi siyang alerto kahit kailan.Kita ko ang aliwalas sa mukha niya kasi tapos na ang parusa niya. Sabi niya, hindi na raw niya uulitin ang kasalanan niyang ‘yun. Ayaw na raw niyang mainis, mapikon at maasar sa mga nakakabuwisit na utos ko.“You like the food?” tanong ko habang naglalagay ng hipon sa plato ko.Samira rolled her eyes. “You’re the one who ordered all of these. Of course, it’s good.”Ngumisi ako. Hindi niya alam na hindi lang ito isang simpleng tanghalian. Isang pagsubok ito. At sa loob ng ilang minuto, magsisimula na.Si Tito Zuko ang nag-suggest na gawin ko ito. At para sa akin, tama siya. Gusto ko rin kasing makita kung gaano ba talaga kagaling makipaglaban ang isang Samira.Palaging pinagmamalaki sa akin nila Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx na malupit maki
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga