Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0680: season 4 (Chapter 138)

Share

0680: season 4 (Chapter 138)

last update Last Updated: 2025-06-04 11:23:44

Samira POV

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatakas ako dahil sa tulong ni Ramil. Ang galing talaga niya. Napakakinabangan ang pagiging magkamukha nila ni Vic. Dahil doon, heto, ligtas akong nakauwi sa piling ni Miro.

Wala na akong oras para maging emosyonal. Hindi ito ang panahon para mapagod o umiyak. Dapat ko nang sabihin lahat ng nalaman ko. Naisip ko nga, siguro ay talagang inadyang mangyari na makuha ako ng mga tauhan ni Vic para malaman ko ang mga sikreto nila. Para matapos na rin ‘to.

Pagkatapos naming kumain, hinanda ko nang mabuti ang mga nalaman ko sa pinag-usapan nila Vic.

“Miro,” tawag ko sa kanya habang pareho kaming nakaupo sa isang silid na pansamantalang ginawa naming command center. “Kailangan mong malaman ang lahat ng narinig ko kay Vic.”

Tumango siya habang seryoso ang mukha. Tumingin ako sa itaas para muling alalahanin ang lahat. Pinilit kong alalahanin ang bawat salita, bawat pangalan, bawat lugar na nabanggit nila habang nakikinig ako sa usapan nila.

“Hindi n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mydia Lumawag
Ang Ganda Ng labanan..more chapter pa po..thank you
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0693: season 4 (Chapter 151)

    Samira POVAng unang bagay na naramdaman ko pagdating sa wedding reception namin ay para akong lumulutang. Pagbukas pa lang ng grand doors ng reception hall, sinalubong kami ng malalakas na palakpakan at masasayang hiyawan ng mga taong bisita namin. Ramdam ko agad ang init ng mga taong nandoon para ipagdiwang ang araw na ito kasama namin ni Miro. Pero hindi lang init ng mga bisita ang bumungad sa akin—kundi ang mala-paraisong setup ng lugar. Iba na talaga mag-asikaso si Ahva. Oo, hindi lang sina Lolo Everett at Lola Misha ang nangialam, pati si Ahva. Gusto raw niya kasing maganda ang magiging kalalabasan ng reception.Nasa loob kami ng isang dome-shaped glass pavilion sa isang private luxury estate na pagmamay-ari ng Tani family. May chandelier na gawa sa tunay na kristal mula raw Paris. Sa bawat sulok naman ng lugar ay may mga floral arrangements na gawa sa imported peonies, Ecuadorian roses at mga rare orchids. Ang mga kulay nito ay soberang elegante para sa akin—blush, ivory at cha

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0692: season 4 (Chapter 150)

    Samira POVTahimik ang loob ng kotse habang papalapit kami sa simbahan. Wala akong marinig kundi ang mahinang ugong ng makina at ang mabilis na tibok ng puso ko. Nakadikit ang palad ko sa ibabaw ng gown ko habang pinipigilan ang panginginig ko. Hindi ko alam kung kaba ba ‘to o sobrang tuwa.“Handa ka na ba, Samira?” tanong ni Mama Ada habang inaayos ang laylayan ng belo ko. sinamahan niya ako sa kotse kasi nakita niya raw kanina na parang namumutla ako.Tumango ako. “Handa na po, Ma. Pero kinikilabutan pa rin po ako.”Ngumiti siya, sabay hawak sa kamay ko. “Normal lang ‘yan. Ikakasal ka na, anak. Hindi lang sa lalaking mahal mo, kundi sa lalaking pinili kang mahalin habangbuhay.”Pinikit ko sandali ang mga mata ko.Miro.Bumukas ang pinto ng sasakyan. Sumalubong sa akin ang ihip ng hangin at ang liwanag ng araw. Nakahanda na sa harap ng simbahan ang mahaba at puting aisle, na tila tinutubuan ng mga puting rosas sa gilid at sa dulo, naroon na agad si Miro. Kahit hindi ko pa siya nakiki

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0691: season 4 (Chapter 149)

    Miro POVPambihira, kasal ko na pala talaga ngayon.First time kong magising na walang kayakap sa umaga. May mga nalalaman pa kasi silang pamahiin. Hindi ko tuloy nakatabi si Samira sa pagtulog kagabi, kulang ang gabi kapag hindi ko siya kayakap.Maaga akong nagising. Hindi dahil sa alarm, kundi dahil kailangan kasi kung tatanghaliin ako, aba, baka mahuli ako sa kasal namin ng mahal ko.Tangina, ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Hindi noong unang pumatay ako ng kalaban. Hindi noong sinugod kami ng rival gang. Alam ko namang wala nang mangyayaring masama, tapos na e, pero legit ang lintik na kaba.Nasa isang private suite ako sa loob ng mansyon. Sadyang pinaghanda ‘to ng glam team ko na si Mama Ada ko ang may pakana at hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatawa kasi parang ako ang bride sa dami ng kailangang umasikaso sa akin. Ang katwiran naman ng kapatid kong si Ahva, ganoon daw talaga. Dapat, maging poging-pogi at ayos na ayos ako sa kasal ko.May sarili kasi akong stylist,

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0690: season 4 (Chapter 148)

    Samira POVThis is it! Umaga na. Kasal na namin ni Miro ngayong araw.Pero hindi pa man ako naka-wedding gown, hindi pa man ako humaharap sa altar, ramdam ko na agad ang kabog ng dibdib ko. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil… hindi ko rin alam, siguro ganito talaga. Wala ka namang dapat ikakaba pero kakabahan ka talaga siguro kapag ikakasal ka na. Ang weird lang.Maaga akong nagising. Wala si Miro sa tabi ko. Kahit sobrang nasanay na akong may kayakap sa tuwing umaga, pinili naming sundin ang kasabihan na bawal magkita ang bride at groom bago ang kasal. Sabi nila, malas daw. Kahit hindi kami naniniwala sa pamahiin, gusto pa rin naming sundin ang mga maliliit na tradisyong Pinoy na may sentimental value.Nasa private bridal suite ako ng mansion. Ang buong silid ay napapalibutan ng puting rosas, peonies, at soft pink tulips. May sheer drapes na ginagalaw ng hangin mula sa terrace. Nasa harapan ko ang isang floor-to-ceiling mirror. At nakaupo ako sa isang plush velvet na upuan, habang hin

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0689: season 4 (Chapter 147)

    Miro POVHanda na ang lahat. Araw na lang ng kasal namin ang hihintayin. Pero ngayong gabi, sa wakas, may pagkakataon na rin akong huminga nang maluwag. Sa totoo lang, never ko pa palang na-try makipag-inuman sa mga tito ko, naiinom naman na ako dati pero dahil busy sa pakikipagbakbakan, never ko pang na-try makipag-inuman ng walwalan night. Kaya naisip kong mag-set-up, bago manlang ako mawala sa pagiging binata.Sa mismong mansion, sa rooftop lounge na overlooking ang city lights, pina-setup ko ang inuman namin. May mga leather couches, ambient lights at whiskey bar na pinuno ng pinakamatitinding alak mula pa sa private collection ni Tito Eryx. May naglulutong chef sa tabi para kung may mag-crave ng pulutan, ready agad. Mahangin ang gabi, sakto para sa isang relaks at maingay na boys night namin.Hindi lang ang mga tito ko ang nandito, sa wakas kasi ay makakasama ko na rin ang mga bestfriend ko sa school na matagal-tagal ko ring hindi nakasama.“Hoy, Miro! Where’s the groom-to-be?” s

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0688: season 4 (Chapter 146)

    Samira POVPagkatapos ng nakakapagod na araw kahapon kasama ang mga manang, ngayong araw ay tila mas may nakakapagod na namang mangyayari. Ngayong araw naman kasi magaganap ang pre-wedding shoot namin ni Miro.Sa loob ng isang private luxury estate, may isang bonggang hardin na dinisenyo na parang Amalfi Coast. Dito, bawat details ay tila magaling at bonggang pinag-isipan, mula sa marble fountains, lemon trees sa mga paso at kung ano-ano pa na para sa akin, perfect talaga para sa shoot namin.Nakasuot na ako ng blush silk gown na gawa pa na isang sikat na designer sa Milan. Si Miro, ayaw talaga ng hindi gagastos.Nasa tabi ko si Miro na naka-linen suit na off-white, na lalong nagpatingkad sa kayumanggi niyang balat at matatalim niyang mata. May stylist na nakatutok sa buhok ko, at may makeup artist din nna nagre-retouch sa akin bawat sampung minuto. Isang team ng mga cinematographer ang nasa paligid namin, may dalang RED cameras at lumilipad na drone sa itaas, kinukunan ang bawat ekse

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status