LOGINLumi POVMakalipas ang isang linggo, masasabi kong malaki na ang ipinagbago ng lagay ng paa ko. Hindi pa man tuluyang nawawala ang kirot, pero sapat na ang paggaling nito para makalakad ako nang maayos. Hindi ko na rin kailangan ng saklay na halos naging parte na ng katawan ko nitong mga nakaraang araw.Sa wakas, pakiramdam ko ay nakawala ako sa isang mahabang pagkakakulong sa mansion na ‘to.Tahimik na rin ang buhay sa mansion ni Sorin. Wala na rito ang mga kaibigan kong pansamantalang nandito para samahan ako habang nagpapagaling. Bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga trabaho at responsibilidad kaya mas naging payapa ang paligid. Wala ng makulit, palasigaw, matakaw at magulo sa kuwarto ko.At ngayong araw, handa na akong bumalik sa trabaho.Kaya pagdating ng sasakyan sa harap ng Sorin Spa, hindi ko napigilang mapangiti habang nakatingin sa buong spa. Grabe, na-miss ko ang lugar na ito.Na-miss ko ang trabaho ko. Na-miss ko ang pagiging busy.Huminga ako nang malalim bago bumaba n
Lumi POVHating gabi na nang tuluyan nang tumahimik ang buong mansion. Kanina lang, halos hindi matapos-tapos ang tawanan nina Kate, Livv, at Nova dahil sa samgyupsal na ipinakain ni Sorin sa kanila. Ngayon naman, tahimik na ang buong bahay. Nasa guest rooms na silang tatlo, malamang nagpapahinga na pagkatapos ng sobrang daming kinain.Ako naman, dahan-dahang naglakad sa hallway habang maingat pa rin sa sugat ng paa ko. Siyempre, gamit-gamit ko pa rin ang saklay na bigay ni Sorin. May pakay kasi ako. Saka, alam kong gising pa si Sorin.Pagdating ko sa harap ng pinto ng kuwarto niya, dalawang beses akong kumatok.“Pasok,” dinig kong sabi niya.Agad kong pinihit ang doorknob. Pero pagkapasok ko, napahinto ako.“Ay!”Napalingon agad si Sorin sa akin. Kakagaling lang niya yata sa banyo. Basa pa kasi ang buhok niya. May maliliit pang patak ng tubig na dumadaloy mula sa leeg pababa sa dibdib niya.At higit sa lahat, topless ang masarap na si Sorin.“Teka nga!” reklamo ko agad.Napangiti siy
Lumi POVPagkarinig ko ng tunog ng sasakyan sa labas ng mansion, napalingon agad ako sa malaking bintana ng sala. Nakaupo lang ako noon sa couch, nakataas pa rin nang bahagya ang paa ko dahil sa sugat, habang sina Kate, Livv, at Nova ay nagkukwentuhan sa kabilang bahagi ng sala.“Parang si Sorin na ‘yan,” sabi ko.Agad namang napatayo si Kate.“May dala kaya siyang pagkain?”Napatawa ako. “Ikaw talaga, pagkain agad iniisip mo.”“Hindi naman sa ganoon,” depensa niya habang tumatawa rin. “Pero oo na rin.”Ilang segundo lang ang lumipas nang bumukas ang malaking pinto ng mansion. Pagpasok ni Sorin, napahinto kaming lahat. Hindi dahil sa kanya. Kundi dahil sa mga dala niya.May dalawang staff na sumusunod sa kanya habang may bitbit na malalaking paper bags at insulated containers.Sabay-sabay kaming nagulat lahat.“Ano ‘yan?” tanong ko.Ngumiti lang si Sorin. “Dinner.”Tahimik kaming lahat. Tapos sabay-sabay kaming napatingin sa dami ng bitbit.“Anong klaseng dinner?” tanong ni Livv.“Pas
Lumi POVNaiwan akong mag-isa kuwarto ngayon habang nakahiga sa gilid ng kama at nakataas ang paa. May maliit na cooling pad sa ilalim para hindi masyadong mamaga, pero aminin ko, ang hirap pa ring i-ignore ng kirot paminsan-minsan, lalo na kapag gumagalaw ako nang kaunti.Ngayon na lang ulit ako natahimik dahil wala ang mga gaga. Naririnig ko pa ang tawanan nila Kate, Nova, at Livv sa swimming pool. Oo, dinig na dinig sila rito dahil sa lakas ng bibig nila.Hindi nila ako maisama doon dahil alam nilang bawal. Saka, ayoko. Ako ngang matagal ng nandito pero never ko pang na-try iyon. Kasi nga busy ako sa work nung dumating na ako rito.Nung dumating sila rito sa mansion, jusko, naging sobrang ingay na lalo. Ang lala, walang oras na hindi maingay dahil sa kanila.Si Kate siguradong siya na naman ang maingay, si Nova yung tahimik pero palaging may pasimpleng banat kapag nagsalita, at si Livv… si Livv ‘yung tipo na kahit walang ginagawa nakakatawa pa rin. Kanina pa sila nag-aaya sa akin b
Lumi POVNung gabi, talagang tinotoo nila Kate, Livv at Nova na dito matulog sa bedroom ko. May extra bed foam namang hinanda sa ibaba ng kama ko pero heto silang tatlo, nakatabi sa akin dito sa malaking kama. Nanunuod na naman kami ng horror movie kaya magkakadikit. Sa tingin ko rin ay dito na sila matutuluyang matulog. At hindi naman ako nagkamali dahil bago pa matapos ‘yung movie ay tulog na silang lahat. Ako na lang ang tanging natirang tumapos sa movie. Hindi naman kasi nakakatakot, walang masyadong gulat factor. Nag-aabang pa naman akong sumigaw para magising sila pero maging ako ay inantok na rin kaya bago pa ako tuluyang makatulog ay pinatay ko na ang TV.Kinabukasan, nagising ako na wala na sila sa tabi ko. Mag-isa nalang ako. Nagising ako nung mag-ring ang phone ko. Tumatawag kasi si Menda. Mukhang nandito na siya sa mansion para dalhin ang laptop at ang mga naiwan kong trabaho.“Yes, Menda?” bungad ko sa kabilang linya.“Ma’am Lumi, nandito na po ako sa mansion ni Sir Sorin
Sorin POVHindi ako madalas kabahan. Sa totoo lang, mas madalas akong maging dahilan kung bakit kinakabahan ang ibang tao. Sa mga negosasyon. Sa mga transaksiyon. Sa mga sitwasyong kailangang magdesisyon nang mabilis. Palagi akong kalmado. Palagi akong kontrolado. Pero, shit, iba kasi ang mangyayari ngayong hapon. Habang nakatayo ako sa harap ng salamin at inaayos ang kuwelyo ng suit ko, hindi ko maitatangging kabado ako. Hindi dahil sa may labanang magaganap o may kaaway ako.Ang totoo ay ito ang unang pagkakataon na haharap ako sa ilan sa pinakamahahalagang business partners ng Blasco Imperial Armory bilang taong inaasahang hahawak sa kumpanya sa hinaharap. Oo, alam na rin naman ng iba na ako ang susunod na magiging CEO ng Blasco Imperial Armory.At alam kong lahat ng mata ay nakatutok na sa akin. Mula sa mga investor. Mula sa board. At lalo na mula sa mga partner naming nagmula pa sa Canada para lamang makilala ako nang personal.Napabuntong-hininga ako, pagkatapos ay inayos ang c
Mishon POVMatagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling wine shop nung nasa Korea pa ako sa manisyon namin doon at ngayong araw, natupad na iyon. Para sa mga kagaya kong rich kid, oo, madali lang isipin na magkaroon ng ganito, pero hindi ganoon kadali pala kasi marami kang kailangang dapat
Ada POVMadilim pa ang liwanag ng kalangitan, pero gising na ako.Nakaupo ako sa gilid ng kama, tinitingnan ang cellphone ko. Alas dos y media pa lang ng madaling-araw, pero kailangan ko nang gumayak dahil mabagal akong kumilos.Handa na ang almusal nung bumaba ako kasi usapan na namin iyon ng kasa
Ada POVNakatulala lang ako sa pinggan ko habang nilalaro ang natitirang pagkain gamit ang kutsara.Pilit kong inuubos ang hapunan ko, pero sa totoo lang, wala na akong gana.Hindi dahil sa heartbreak—well, siguro malaking parte ‘yon, pero siguro dahil mas may dahilan ito sa isang bagay na bumabaga
Ada POVHindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Napapikit ako at saglit na hinigpitan ang hawak sa phone.Mabilis ang tibok ng puso ko habang isa-isa kong binubuksan ang viral pictures ni Mishon.Mainit sa tenga ko ang ingay ng mga kaibigan ko sa paligid.Pero wala akong pakialam. Lahat ng atensy







