MasukSorin POVKatatapos ko lang maligo nang mag-vibrate ang cellphone ko. Habang inaayos ko ang cuff ng long-sleeved linen shirt ko ay sinilip ko ang screen.Lumi: “Nasa ibaba na ako. Nauna na akong lumabas. Hihintayin na lang kita rito sa labas.”Hindi masyadong halata na excited talaga siya. Mainam talaga na isinama ko siya rito. Deserve naman niya ‘yan at sobrang sipag niya simula nung dalhin ko siya sa city. Hindi niya rin ako binigo sa pagpapalakad niya sa Sorin spa ko. Oo, simula nung dumating siya, kitang-kita ko kung gaano ang tinaas ng kita ng spa-han ko, kaya hindi alam ni Lumi na unti-unti ay tumutupad na ako sa usapan namin. Tandang-tanda ko pa ang usapan namin na kaya siya gustong sumama sa akin ay dahil gusto niya ako. Isa pa, naghihintay ako na mabuntis siya, pero wala naman dahil ang tagal na naming magkasama sa mansion ko. Ewan ko, inaasahan ko pa naman na mabubuntis na nga talaga siya, pero mukhang walang nabubuo. Mas okay kasi wala pa akong magiging problema kapag ganoo
Lumi POVPagbalik namin sa penthouse ay halos sabay kaming napabuntong-hininga dahil sa pagod.Iyon agad ang naramdaman ko, at sure akong pati si Sorin.Mula umaga hanggang gabi ay halos hindi kami tumigil sa paglalakad. Nagsimula kami sa luxury spa, sinundan ng pag-iikot mula Station 1 hanggang Station 3. Nag-picture sa kung saan-saan dito, at kumain ng kung ano-ano.Pinaka-the best sa lahat ay ‘yung panunood ng sunset.Pakiramdam ko tuloy ay hindi na paa ang nakakabit sa akin. Parang dalawang bato na lang.Pagkapasok pa lang namin sa living area ay agad kong hinubad ang sandals ko.“Aah…”Napapikit ako. “Pagod na pagod ang paa ko ngayong araw.”Napalingon sa akin si Sorin. Tahimik lang siyang ngumiti. “Hindi ka kasi sanay sa mahabang lakaran dahil panay ang upo mo sa office.”Napasimangot ako. “Hoy, nakaka-ten thousand steps naman ako sa Sorin Spa kung minsan.”Umiling siya. “Minsan lang, mainam pa rin ‘yung madalas.”Nung tignan ko siya, para ngang hindi manlang siya napagod. Sabaga
Lumi POVNung bandang alas singko ng hapon ay unti-unti nang nagbago ang kulay ng langit. Mas marami na ring tao ang nasa beach front. Ang daming naghihintay doon, na para bang may shooting na magaganap ang isang sikat na artista.‘Yung langit, grabe sa kakaiba dito sa Boracay. Mula kasi sa matingkad na kulay bughaw ay bigla itong naging kulay ginto.Habang naglalakad kami ni Sorin sa White Beach ay napansin kong mas dumami pa ang mga tao. May nakita akong nagmamadali sa paglabas sa kani-kanilang hotel, hawak ang iba’t ibang camera. Ang iba naman ay may bitbit na maiinom, ice cream at kung ano-ano pa.Pansin ko rin na may mga turistang nakaupo sa buhangin. May magkakapamilyang naghihintay na para bang nagpi-picnic na rin. May magkakaibigang abala rin sa pagkuha ng litrato.At siyempre, napakarami ring magkasintahan na tahimik lang na magkatabing nakaupo habang nakatanaw sa dagat.Napahinto tuloy ako at napatingin sa kasama ko.“Sorin,” tawag ko sa kaniya.“Oh?” nakakunot-noo niyang sa
Lumi POVPagkalabas namin sa spa ay parang ibang tao na ako. Parang bagong tao na ako. Parang nawala ang sakit sa lahat ng katawan ko. Parang pakiramdam ko ay bago ang binti, hita, braso, leeg at mga paa ko. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng pagod na naipon sa katawan ko nitong mga nakaraang linggo. Mula sa renovation ng main branch, sunod-sunod na meetings, pag-asikaso sa mga contractor, at kung anu-ano pang responsibilidad.Lahat iyon ay parang pansamantalang nawala.Sa labas, sinalubong ako ng preskong hangin mula sa dagat ng Bora.Napangiti ako lalo kasi ito ‘yung pakiramdam na matagal ko nang gustong maramdaman. “Ang sarap!”Napalingon sa akin si Sorin. “Ano, pagod ka na ba o ready na para sa first gala mo rito sa Boracay?”“Aba’y ready na siyempre, walang mapapagod basta nandito ako sa Boracay,” mabilis kong sagot.“Kung ganoon, let’s go!” sabi niya, saka na ito nag-umpisang maglakad.Hindi na kami sumakay ng sasakyan. Mas gusto raw niyang lakarin namin ang beach. Mas mararam
Lumi POVSa labas ay may naghihintay ng isang itim na luxury car. May staff na agad na nagbukas ng pinto para sa amin.“Good morning, Sir. Ma’am,” magalang nilang bati sa amin. Ang eksena ay parang mag-asawa kami ni Sorin. Iyon nga lang, minsan, parang nakikita kong alalay lang ang eksena ko sa tabi niya. Ang pangit naman kasi nitong damit na suot ko. Hindi manlang niya ako pinili ng kahit isang maganda-ganda.Tahimik akong sumakay habang si Sorin naman ay umupo sa kabilang bahagi. Pagkasara ng pinto ay halos wala akong marinig na ingay mula sa labas.Napansin ko agad iyon.“Wow, biglang tahimik dito sa loob ah,” sabi ko habang hinahaplos ang leather seat.Napalingon si Sorin sa akin. “Acoustic glass kasi.”Nagulat ako. “Kahit sasakyan may ganoon?”Tumango naman agad siya. Grabe, marami pa rin talaga sa mundong ito ang bago sa akin. Salamat kay Sorin dahil nararanasan ko ang mga ito.Habang umaandar ang sasakyan ay tanaw ko ang magagandang makikita rito ng Boracay.May mga turistang n
Lumi POVMaagang nakatulog kagabi, kaya maaga rin akong nagising. Pagdulat ng mga mata ko, ilang segundo akong nakatulala sa kisame. Pagkatapos ay saka ko lang naalalang nasa Boracay nga pala kami ni Sorin.Nandito nga pala ako sa napakalaking kuwarto ko, na para bang anak ako ng isang Senador sa sobrang ganda nitong tulugan ko.Mabilis akong bumangon sa kama at lumapit sa balcony. Pagbukas ko pa lang ng sliding door ay agad akong sinalubong ng malamig at sariwang hangin, at kasabay, sa wakas, maliwanag ko nang nakita ang Boracay! Tanaw na tanaw ko na ang maputing buhangin, at kahit maaga pa lamang ay may ilang turista nang naglalakad sa tabing-dagat.Ang ganda ng dagat dahil sa kulay asul nitong kulay.Mas maganda pa pala ito sa personal kaysa sa napapanood ko sa mga vlog. Hindi ko namalayang halos limang minuto na pala akong nakatanaw roon. Kasi naman, tumataas ang balahibo ko sa sobrang ganda ng islang ito. Ngayon, gets ko na kung bakit gandang-ganda ang mga tao rito.Habang nakatu
Ahva POVMadaling-araw nang maalimpungatan ako. Kailangan kong magbanyo kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Madilim pa ang paligid, maliban sa bahagyang ilaw mula sa maliit naming night lamp na may lilang shade. Bumaling ako sa kanan, nandoon si Penumbra, balot sa kumot, ang isang kamay
Ahva POVPagbalik ko sa dorm, ramdam kong nananakit pa rin ang katawan ko mula sa halos sunud-sunod na training na parang gusto na akong ilibing nang buhay. Pero kahit masakit ang kalamnan ko, mas masarap sa pakiramdam ngayon ang pagbabalik ko ulit dito sa school. Makikita ko naman si pusong bato.
Ahva POVNUNG sumapit ang 11:14 am, precision throwing naman ang tinuro nila sa akin. Sa open field, may sampung target boards. Bawat isa, may bilog sa gitna na kasinglaki lang ng shot glass.“Today,” sabi ni Ramil, “you learn to kill with anything.”Nasa harap ko ang tatlong kutsilyo, dalawang scr
Ahva POVMadaling-araw na nang maalimpungatan ako. Tahimik na tahimik ang buong dormitoryo bago ako nakatulog kanina at ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang tik-tak ng wall clock namin ni Penumbra.Napadilat talaga agad ako. Pinakiramdaman ko ang paligid, kasi may mga







