FAZER LOGINSorin POVPagkauwi ko sa mansion, pakiramdam ko galing akong gera. Pagod ang likod ko dahil sa isang sako ng bigas na pilit kong binuhat papunta sa kusina. Nangangalay pa braso ko sa dami ng eco bag na dinala ko mula palengke hanggang sasakyan. At higit sa lahat, amoy palengke na rin ako.Literal na amoy malansa agad.Pagpasok ko sa kusina, isa-isang bumungad sa akin ang mga ingredients na pinaghirapan kong bilhin.Fresh na pusit. Malaking puso ng saging. Mga sibuyas, bawang, luya. Niyog na pinakayod ko pa.At limang daing na bangus na ewan ko ba bakit ang dami kong nabili.Inilapag ko lahat sa kitchen saka napabuntong-hininga.“Okay,” sabi ko habang nakatingin sa mga sangkap ko. “Paano nga ulit niluluto ‘to?”Tahimik akong tumingin sa kisame. Then realization hit me. Hindi nga pala ako marunong magluto ng ginataang puso ng saging na may pusit.At dahil ayokong mapahiya kay Lumi mamaya, agad akong kumuha ng tablet saka nag-search.How to cook ginataang puso ng saging with squid.Pagka
Sorin POVHindi ako sanay mamalengke. Iyon agad ang unang realization ko habang nakatayo sa harap ng mansion at hawak ang susi ng sasakyan ko. The weather is hot but the air is fresh after several days of nothing but storms and floods in the news. The entire yard is quiet. No gardener. No housemaid. No cook.At oo, kasalanan ko rin naman. Ako mismo ang nagdesisyong bigyan muna ng ilang araw na pahinga ang mga tao rito matapos bahain ang pami-pamilya nila sa kani-kanilang probinsya. Kaya ngayon, ako ang kawawa.I took a deep breath before getting in the car.My plan was supposed to be simple. Go to the mall. Buy ingredients. Go home. Cook ginataang puso ng saging with squid for Lumi. Kanina kasi halos pawis na pawis at pagod na pagod si Lumi kakalinis ng Sorin Spa kasama mga staff niya. Napanuod ko sila sa CCTV kanina. Simula umaga raw hanggang tanghali, puro putik, basura at lampaso ang ginawa nila.At dahil minsan lang humiling si Lumi ng pagkain, pagbibigyan ko na.But as I was dri
Lumi POVNoong kasagsagan ng bagyo, kanya-kanya muna kaming asikaso sa pamilya at bahay. Hindi namin alam kung kailan ulit kami makakapagbukas. May takot din akong baka mawalan kami ng mga customer o masira nang tuluyan ang spa.Pero ngayong magkakasama kami ulit habang nagtatawanan kahit amoy putik at pawis na lahat, pakiramdam ko unti-unti na kaming bumabangon.Sabi ko nga kay Sorin kaninang umaga pagkagising ko sa tabi niya, natatakot ako sa magiging itsura ng spa kapag nakita ko ito ngayon. Sinabi kong baka sira ang lahat. Ang sagot lang niya ay ipagawa ulit, ganoon kasimple. Hindi manlang siya na-stress.Sabagay, marami kasing pera, kaya ayos lang. Kumbaga, hindi uso sa kaniya ang stress basta may pera. Kumbaga ulit, basta problema, pera ang pagaganahin para solusyunan ang lahat.Bandang alas-onse, halos tapos na kami. Ang lobby, mabango na ulit. Ang sahig, makintab na. Ang salamin sa harap, malinaw na malinaw na. Pati ang reception area, maayos na rin.“Ma’am Lumi!” tawag ni Nik
Lumi POVMaganda na ang panahon ngayon. Maayos na ang buong city matapos ang sunod-sunod na bagyo. Habang nakatayo ako sa harap ng Sorin Spa, pinagmamasdan ko ang maaliwalas na langit na matagal ding natakpan ng maitim na ulap, hindi ko maiwasang mapangiti kahit pagod na agad ang katawan ko sa iniisip pa lang na paglilinis.Wala nang baha sa kalsada. Humupa na rin ang tubig na ilang araw naming kinatakutan. Pero kahit wala nang baha, naiwan naman ang bakas ng unos.Heto ang mga makakapal na putik, nagkalat na basura, amoy basa at libag sa bawat sulok ng spa. Parang dinaanan ng gera ang buong paligid.Napangiwi ako bago pumasok sa loob.“Good morning, guys! Simulan na natin agad ang paglilinis habang malamig pa,” sabi ko sa mga staff na naghihintay na sa lobby.“Tara na, para maaga nga tayong matapos,” sabay-sabay nilang sagot.Naroon sina Bidang na malditang echusera sa akin, Cheche, Rirang, Nikay at Binus na mga pinakauna kong tinawagan para tumulong ngayong araw. Kahit bakas pa sa m
Lumi POVMas lumakas pa ang ulan habang tumatagal ang gabi. Rinig na rinig ko ang bawat bagsak ng tubig sa malalaking bintana ng mansion ni Sorin habang nakaupo kaming dalawa sa sala, parehong may hawak na baso ng alak. Kanina lang, maayos pa kaming nagkukwentuhan tungkol sa kumpanya nila, tungkol sa future niya, tungkol sa kung paano niya gustong isama ako sa mga plano niya.Pero habang tumatagal, pakiramdam ko mas umiinit na ang katawan ko. At hindi lang dahil sa alak. Si Sorin kasi, umaandar na naman ang pagiging baliw kapag lasing.“Lumi.”“Oh?”“Tinitigan mo na naman ako.”Umirap ako at umiwas ng tingin sa kaniya.“Hindi ah.”“Sinungaling.”Natawa siya habang nagsasalin ulit ng alak sa baso ko. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang refill na namin iyon. Ang alam ko lang, parehong mabigat na ang ulo naming dalawa.“Ang unfair mo,” reklamo ko habang nakasandal sa sofa.Tumingin siya sa akin. “Bakit?”“Kasi kahit lasing ka, pogi ka pa rin.”Biglang tumawa ng malakas si Sorin. Las
Lumi POVUmuulan pa rin nang malakas ngayong gabi. Rinig na rinig ko pa rin ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa bubong ng mansion ni Sorin habang nakaupo ako sa sala niya.Kumakalabog pa minsan ang kulog sa labas pero imbes na kabahan ako, parang lalo lang naging komportable ang pakiramdam ko.“Anong tingin mo?” tanong niya habang nilalapag ang sizzling plate sa center table.Napakurap ako nang maamoy ko ang pork sisig.“Uy,” halos nagulat ako. “Talaga bang ikaw ang nagluto nito?”Tumaas ang isang kilay niya nung tignan ako.“Multo ata ang nagluto nito, hindi ako,” prangkang sagot niya.Napailing ako habang napapatingin sa lamesa. Hindi lang pork sisig ang nandun. May sizzling tofu pa, crispy ulo ng baboy, tapos may platter pa ng prutas—apple slices, ubas, oranges, at kung ano-ano pa.“May pa-healthy pa talaga?” natatawa kong tanong.“Balance kasi dapat,” simpleng sagot niya.Ewan ko ba. May pa-balance-balance pa siyang nalalaman, e, alak naman na hindi healthy ang iinumin.Minsan
Everett’s POVPagbukas ko pa lang ng pintuan ng bahay, ramdam ko na agad ang katahimikan. Maaga akong umuwi ngayon, mga bandang alas-singko, para makapagpahinga ng konti at panoorin ang commercial na ilalabas ngayong gabi. Pero napansin kong wala pa si Misha. Sa ganitong oras, kadalasan ay nasa opisi
Misha’s POVPagpasok namin sa mall, ramdam ko agad ang kasiyahan ni Everisha kasi alam niyang makakagala na naman siya. Pangako ko kasi sa kaniya na oras na gumaling siya sa sakit niya ay igagala ko ulit siya sa mall. Kaya ngayong magaling na siya, tutuparin ko na ang pangako ko sa kaniya. Kasama ko
Misha’s POVKanina pa ako hindi mapakali sa office ko. Ngayong araw, ilalabas na sa TV, social media, at maging sa billboard sa EDSA ang aming commercial para sa Tani Luxury Hotels, at hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko—kaba, excitement, at konting pagod mula sa walang t
Misha’s POVSa gitna ng lahat ng nangyayari, ramdam ko pa rin ang bigat ng pangamba sa puso ko. Habang pinagmamasdan ko ang mga bisitang patuloy sa kasiyahan, napagdesisyunan kong manatili na lang sa loob ng hotel ngayong gabi, at tila alam kong hindi ko kayang mapalayo pa sa paligid na kontrolado ko






